Monday, 30 July 2012

lies

Posted by iya_khin at 23:54 7 comments

Bakit di ko maaming wala na ang dating damdamin
Di na ganun
At hindi ko na kayang piliting muli mong angkinin
Di na ganun – Yeng Constantino

Letting go…

Paano na nga lang kaya kung isang araw magising ka’t bigla mo nalang narealized na wala na yung feelings mo dun sa taong dati ay sobra-sobrang minamahal mo? Paano kung mapagod na din ang puso mo sa paghihintay sa taong pilit mong ipinaglalaban pero alam mo naman na sa una palang ay imposibleng mangyari?

Will you regret loving that person?

Madalas unang mararamdaman natin ay yung panghihinayang, manghihinayang ka sa mga effort na ginawa o ibinigay mo sa kanya. Nakakalungkot isipin pero sabi pa nga love is like a gamble, sumusugal ka, yun nga lang puso mo ang nakataya.

Regrets?!! Di siguro…as long as you have loved that person sincerely di mo yun kailangan pagsisihan dahil sa naging totoo ka sa kanya…pero tama na…mahirap makipagsugal kung ikaw lang ang laging tumataya and in the end ikaw pa ang langing talo….


 “Things come apart so easily when they have been held together with lies.”
― Dorothy Allison, Bastard Out of Carolina


Thursday, 26 July 2012

love song story

Posted by iya_khin at 02:05 10 comments

Dahilan sa super emo-emohan ko ngayon at di ako mapakali sa upuang ipinahiram sa akin ng aming opisina, pati na rin itong laptop na ipinapagamit sa akin ng mabait naming kompanya at buong linggo na ata akong petiks na nagpapalala ng sitwasyon ko dahilan sa di gumagana ang muscles sa brain ko, kaya naisipan kong makapagblog nalang muna.. sayang din kasi ang aircon..

Rarandom lang ako sa post na ‘to, sensya na at wala ‘tong kwenta, kung nabobored ka sa intro palang eh wag mo nalang ituloy at baka tuluyang maumay ka.

Kung talagang sinusubaybayan nyo ang walang kwentang mga post ko siguro naman di na lingid sa inyo na music lover ako, yun nga lang wag nyo ng itanong kung anong genre ang fav ko, mag-analyze ka na lang base sa nickname ko.

I’ll start my story telling a lie gamit ang mga lyrics ng mga kantang paulit-ulit na tinutugtog sa radyo at mga kantang nagpaluha at dumurog na sa mga napakarami ng puso. dahilan din para tapusin ang buhay nila at tumalon sa 13flr ng kanikanilang building at laslasin ang kanilang mga pulso.

Dami kong sinabi!!


Let’s start the music playing!
Jukebox Select! 

You came along unexpectedly; I was doing fine in my little world – Nina Rendition

I met you on a springtime day, you were minding your life and I was minding mine too - England Dan & John Ford Coley 

Hey, there's a look in your eyes must be love at first sight – Gino Padilla

Close your eyes give me your hand darling, do you feel my heart beating do you understand, do you feel the same? Am I only dreaming is this burning an eternal flame. – The Bangles
How did you know I needed someone like you in my life, that there was an empty space in my heart you came at the right time in my life. – Gary V.

I didn’t know I was looking for love until I found you. – Sitti

As we stroll along together holding hands walking all alone, so in love are we two that we don’t know what to do, so in love in a world of our own. – AZ YET

I get so weak on the knees I can hardly speak, I lose all control and something takes over me, In a day you look so amazing, It's not a phase I want you to stay with me by my side I swallow my pride, Your love is so sweet It knocks me right off from my feet, I can't explain why your lovin' makes me weak. – Freestyle

You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true. – James Blunt

Your body is a wonderland, your body is a wonder (I'll use my hands) your body is a wonderland. – John Mayer

Lovin' you is easy cause you're beautiful makin' love with you is all i wanna do, lovin' you is more than just a dream come true and everything   that i do is out of lovin' you. – Minnie Riperton


We've been together for so very long but now things are changing, oh I wonder what's wrong? Seems you don't want me around, the passion is gone and the flame's died down. – Weird Al

Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama, mas okey pang laging gan'to nalilimutan ka. Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo, bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko? – Siakol

Love can't you see I'm alone, can't you give this fool a chance a little love is all I ask a little kindness in the night. - Cliff Richard

Torete, torete, torete ako. Torete, torete, torete sa 'yo. - MOONSTAR88
 Love don't you know mahal na mahal kita, di mo lang alam TL ako sayo sa twina... Will always love you... wooooooo… will always! – Grin Department
 
Akoy mayroong nalaman ito’y tungkol sayo nang aking malaman ako’y na-shock sayo sa twina... haaaaaaaa! Long la la la la la long la la la la la long long long long long long... story!  - Grin Department
But I don't care what they say I'm in love with you, they try to pull me away but they don't know the truth, my heart's crippled by the vein that I keep on closing. You cut me open and I keep bleeding, keep, keep bleeding love, you cut me open. – Leona Lewis

And though you don't believe that they do, they do come true, for did my dreams come true when I looked at you. And maybe too if you would believe you too might be overjoyed, over loved, over me. – Stevie Wonder

And we know it's never simple never easy, never a clean break no one here to save me, you're the only thing I know like the back of my hand. And I can't breathe without you, but I have to breathe without you, but I have to. – Taylor Swift
 'cause when a heart breaks no it don't break even, even. What am I supposed to do when the best part of me was always you? And what am I supposed to say when I'm all choked up and you're ok? I'm falling to pieces yeah, I'm falling to pieces. – The Script


Gave you all I had and you tossed it in the trash you tossed it in the trash, you did. To give me all your love is all I ever asked 'cause what you don't understand is, I'd catch a grenade for ya, throw my hand on a blade for ya, I'd jump in front of a train for ya, you know I'd do anything for ya. I would go through all this pain take a bullet straight through my brain, yes I would die for you baby but you won't do the same. – Bruno Mars

The scars of your love remind me of us they keep me thinking that we almost had it all. The scars of your love, they leave me breathless I can't help feeling. We could have had it all, rolling in the deep you had my heart inside your hand and you played it to the beat. – ADELE
 Dear John, I see it all now that you're gone, don't think I was too young to be messed with? The girl in the dress cried the whole way home, I should've known. – Taylor Swift
But now I'll go sit on the floor wearing your clothes, all that I know is I don't know how to be something you miss. I never thought we'd have a last kiss, never imagined we'd end like this. Your name, forever the name on my lips. – Taylor Swift



the end




Monday, 23 July 2012

timeline

Posted by iya_khin at 01:52 6 comments
This is encrypted: ***

Sunday, 22 July 2012

bulag,pipi,bingi

Posted by iya_khin at 02:23 20 comments

google

Di ko lubos maisip kung bakit ako’y nahuhumaling sayo
Ngayong di naman linggid sa akin ang mga panloloko mo
Babae mo’y kaliwat-kanan, sa likod at sa harapan
Pero heto ako’t nananatiling umiibig sayo kahit puso’y nasasaktan.

Ilang beses ng binalak na ika’y iwanan
Iwasan na’t talikuran, tumakbo at maglaho sa kawalan
Ngunit sadyang mahina yaring puso ko’t nanghihinayang
Umaasa pa rin isang araw ako’y mamahalin at sa bisig mo’y tanging ako ang mananahan.

Halos ipagtabuyan mo ako’t pagkatao ko’y iyong yurakan
Ganon nalaman magbitiw ng mga salitang tagos sa aking kalamnan
Subalit pag-ibig pa din ang syang nangingibabaw sa aking katauhan
Pag-ibig..walang katiyakan, walang patutunguhan.

Halintulad ka ng isang halimaw na sa aki’y tumambad
Ako’y iyong binihag at ginapos na walang kalaban laban
Pinaikot mo sa iyong mapaglarong mga palad
At ngayo’y iyong hinahatak at patulak sa takda kong kamatayan.

Sa kabila ng lahat ika’y patuloy kong iniibig
Buong puso ko’t pagkatao’y pilit sayo’y isinisiksik
Ako’y isang hanggal dahil inalay sayo ang pag-ibig na wagas
Yaong di nag aabang ng kapalit sa tulad mong puno ng dahas.

Bulag…
Pipi…
Bingi…

Tanging tibok ng puso ko...

Damhin mo…


Wednesday, 18 July 2012

bitch on board!

Posted by iya_khin at 03:30 17 comments

I'm a bitch, I'm a lover, I'm a child, I'm a mother
I'm a sinner, I'm a saint, I do not feel ashamed
I'm your hell, I'm your dream, 
I'm nothing in between
You know you wouldn't want it any other way


Just this morning I felt somewhat so feverish that I didn’t know what comes up to my head that causes me to act so bitchy!! Yeah! Don’t be so naive as if you didn’t know me so well after all this years! as if I care anyway!  I have done something so clever and it really makes me shiver co’z I found out that I’m a real genius! #grins #devilish I apologize for the hash tags

I almost freaked out when I found out that I can do unusual things that I thought I can never do beyond my abilities! #grinningwider #devilish #bitchy

I can smell now the sweet aroma of revenge!! Hahahaha! #devil’slaugh

So you think I’m just going to be a cry baby who will sit in the corner and weeps over you?!! nIn

Yes I cry and cried a lot; maybe I can carve now a river because of the tears that I’ve shed. But don’t be fooled by this lady that you have treated like a ragged doll for a long time…. I have fangs and claws too!

I will be your angel beyond your imagination, I will be there for you in all times, I will be your help if you’re in trouble, I will be your lover if you want me too….just don’t make me your BITCH co’z I’ll be more than that! dick head!

Then suddenly I felt so dizzy and I blacked out…..










Oooopppssss!! Where was I??!

google

Monday, 16 July 2012

STRESSED OUT!

Posted by iya_khin at 01:39 10 comments
google

Haaaaaiiiissst naman talaga!! Sarap mambugbog ng pandak na indiano!! Kakaloka! Hindi talaga madaling mag-abroad lalo na pag-demonyo ang magiging amo mo! Actually hindi naman about sa akin ang post na ‘to pero affected much ako to da maximum level! This concern is about a dear friend of mine na sobrang lapit sa puso ko.

Ako kasi yung klase ng tao na ipaglalaban ko ng patayan ang kaibigan ko lalo na ang mga mahal ko. Ayoko kasing nakikitang agrabyado sila lalo na pag-inaapi. Actually hindi naman sya inaapi kundi iniipit! Alam nyo ba yung mga tawag sa mga taong humahadlang para maging maginhawa o umayos ang buhay mo?! Kung sa inuman basag trip sila?!! Sarap talaga nilang ilampaso at i-upog-umpog sa pader!! Mga ingetero!! Letche!!

Nakakapanlumo talaga pag ganun ang mga nagiging amo ng mga kabayan natin dito, hindi madali para sa isang OFW na tulad ko na iniipit ka ng amo sa kadahilanang nakahanap ka ng mas magandang trabaho. Eto pa, buti sana kung pinapasahod ka nila ng maayos at hindi sobra-sobra sa oras ang pagtratrabaho o pasok mo. Oo nga’t nagpapasalamat ka kasi dahil sa kanila nagkaroon ka ng trabaho sa ibang ibayo, pero hindi naman siguro utang na loob mo yun sa kanila dahil wala ka namang utang na loob na dapat pagbayaran dahil pinagtrabahuan mo naman ang kada sentimong pinapasahod nila. Fair enough!

Kaso mga adiktus sila, at dahil may salitang ENVY nag-eexist ang mga hayop na tulad nila. Iipitin ka dahil ayaw nilang mapaayos ka! Sarap talaga nilang sikmuraan! Kesyo daw dapat bayaran muna ng friend ko lahat ng ginastos nila sa kanyang visa blah-blah-blah! Hello!!! sira ba tuktok nila?!! Eh yung sahod nya ng isang buwan kasama ang leave pay at gratuity nya eh hindi pa nila ibinibigay tapos pagbabayarin sya?!!! !#@$#$%^%^%& mapapamura ka talaga! Kaso wala kang magawa kasi nasa kanila ang passport mo cancellation at kung ano-ano pang mahahalagang papeles mo, hindi nila irerelease hangga’t hindi ka magbayad! Hmmmmppp! Nakakagigil talaga..wala kang kalaban-laban.

Sana ang tulad nila sinisilaban ng buhay at tinatadtad hanggang maging giniling at ipakain sa asong ulol!

Nakakastress! Lalo na’t di mo alam kung saan ka maghahagilap ng pambayad….

Haaiiissst talaga!!


Wednesday, 11 July 2012

call me maybe? 2

Posted by iya_khin at 04:56 22 comments

So part 2 na ba?!!! Hmmmm….. (basahin dito ang part 1)

Parang gusto kong kumanta ng… I’m sexy and I know it!! LOL

Ok fine, ikwento ko na sa inyo kung sino pa ang ibang bloggers na boys ang nagpa-beautiful eyes sa akin! Di ko na papahabain pa anyway nag-iiskip read lang naman kayo!  Hmmmp! Tseee!!

Game!

XANDER – Alexander d GREAT! Naks! Name palang mapipicture mo na agad sa isip mo na ang yummy nya! Chaaar! Infairness to him yummy naman talaga sya, kakaiba ang karisma ng adonis na ‘to. Nagsimula kaming magkakilala at magkausap sa google chat at hangout, oo, maraming naidudulot ang G+! Kaaliw din syang kausap at inaaliw nya din ako sa pamamagitan ng kanyang angry bird! LELS!! Bakit angry ang kanyang bird?!! Yan ang napala ng mahilig magpapicture na nakajumpshoot!! Oooopsss!! Bebe ko di kita ibubuking promise!! Sobrang kulit syang kausap sa chat pero kabaliktaran nung nagkita na kami personally last year din sa Sarangola Blog Awards same with Bino. Medyo shy type ‘tong si Bebe Xander, shake hands lang syang ganyan tas smile-smile and papicture..yun lang?!!! Haaiiisst..medyo sad me kasi di kami nakapagkwentuhan din ng time na yon. Anyway maybe next time he can do better than that!

GLENTOT – bago palang ako sa blogworld eh sya ang unang blogerong nakitaan ko talaga ng kakaibang sense of humor. Kahit simpleng post lang nya eh hahagalpak ka sa tawa. Di naman kami ganun kaclose pero simula ko syang nakausap at nakilala sa twitter. (Ako na updated sa social networking!) Describe Glentot?! Need ko pa bang ikabit sa pangalan nya si Ed____n?!! hahahah! Search nyo nalang sa google kung sinong tinutukoy ko! Pero kyut talaga ‘tong bonitong ‘to, kita nyo na ba ang kanyang killer smile at ang pamosong pic nya sa boracay?!! O ha pwedeng pang playboy! (peace glen! Luv u po!) Di din po ako naniniwala na puro kabalahuraan lang ang alam nya at mga lumalabas sa kanyang bibig kasi alam ko this guy has a good heart! Naman! (tama ba grammar ko?!!) Glen natapos mo na ba basahin yung purpose driven life na niregalo sayo nung birthday mo last year ng friend mo?! :P Nasa wish list ko rin na sana magkaroon me ng chance mameet sya personally para makasama ko syang manood ng mga horror films habang nakatalukbong kami pareho ng kumot!!! Ooooissst wag kayong berde!!

JEPOY – mataas ang confidence! Dyan ako hanga sa kanya! Though kadalasan nilalait nya ang sarili nya sa post nya or sa instagram pero I don’t see him like that. Mas manly nga tingin ko sa kanya kasi kaya nyang aminin sa sarili nya na he is not perfect. Na wala pa sya sa ngayong ganun ka-hot na body na pwedeng ibalandra sa beach pero I believe na he can do it!! (parang nike lang!) Hmmm… di naman kami ganun na nag-uusap or I mean pa isa-isang msg lang sa twitter pero lingid sa pagkakaalam nya, I was so touched nung nagmsg sya sa akin sa twitter last year nung naospital me. May sakit kasi ako nun tas mega tweet pa din ako, so out of my billion followers (asa pa!) eh sya ang unang-una na nagreply sa tweet ko. I bet nakalimutan nya na! kaya yun, naiyak me… kasi nung nasa ospital ako, ako lang mag-isa tanging BB phone ko lang ang kasama ko. Tas nag-ask sya kung anong nangyari sa akin, na he prayed na maging ok ako, ganun, yung mega-care ba! Hehehe! Thank u!

BON – it’s not about the money-money-money we don’t need your money-money-money!! LELS! Na-LSS ako dahil sa video nya! COOOOL! Unang kita ko palang sa kanya sa G+ hangout napa-HANG ako! Paano ba naman, naka-hang ang cam nya! We haven’t talk or anything yet…hmmm..siguro palitan lang ng comments sa FB group U-Blog comment box, yung mga ganun lang tas yung i-favorite nya yung mga reply ko sa mga tweets nya, ganun lang sya magparamdam pero dun palang kinikilig na ako, paano pa kaya kung mag one on one and heart to heart talk kami! Shhhaaaaksss baka malusaw ako! LELS! Totoo naman kasing may K sya, kahit bagong gising ang gwapo-gwapo pa din nya. Alam nyo ba yung walang ka-effort-effort kung pumorma pero malakas pa din ang dating?!! Ganun! Wish list ko din na sana mameet ko sya personally, pagnagkataon walang kakeme-keme tatalian ko sya agad!! Joke!! :D

GASUL / GASOLINE DUDE – BIG TIME!! Sa kanya ko nagaya ang expression na yan! Hmmm..paano nya ba natouched ang puso ko?! Sa malamyos nyang tinig ng sumali sya sa pakontest ko… oo, talaga namang nakakainlove ang tinig nya, di mo aakalaing kaya nyang agad-agarang magcomposed ng kanta and take note acapella pa! Ilang beses ko na din syang nakausap, may pagkamakulit sya ng konting-konti lang pero I don’t know sa personal. Naalala ko nung sinabi nya sa akin na may kahawig daw ako, kahawig ko daw yung EX nya… aaaammmm…Alex ayokong maging EX mo..gusto kong maging PRESENT mo! LOL!! (kapal ko na!) Isang beses nagkausap na din kami sa FB chat box, pero this time hindi about sa amin ang pinag-usapan namin...tsk! sayang! Kundi about sa faith namin pareho. (excuse me kung nagloloka-lokahan me now a days…) Kasama ka din sa wishlist kong mameet at makasabay kang umawit para kay God kasama ang music ministry sa church! Amen!

ISTAMBAY / BANJO – syang-sya na talaga ang may matalinhagang utak at makabayan!! Sya yung blogger na pasulpot-sulpot lang kung magpost pero huwag ka, talagang tatatak at mag-iiwan ng bakas at mapapaisip ka. Super galing nya talaga para sa akin, kaya lang anonymous kung anonymous sya katulad ng profile picture nya! Naman!! Sya yung tipong henyo na abot kamay mo lamang, yung di ka makakaramdam ng ere da way syang magsulat. Naaaliw ako sa kanya kasi sya yung anonymous friend ko na mahilig magpatahan sa akin, every comment nya sa mga kaemohan ko patatahanin nya ako. Banjo sa totoong buhay kaya mapapatahan mo pa kaya ako? Crush kita kahit di pa kita nakikita, kelan mo kaya me pagbibigyan?! (kill me!)

Hala naka isang dosena na pala ako!!! Me already!! So far sila palang ang mga koleksyon ko (koleksyon talaga?!!) kung may nais magparamdam magparamdam na now! (wag lang mumu!) Hmmmm… hindi naman po talaga ako malandi friendly lang talaga ako. In real life tahimik lang po talaga ako…oo..promise!! (lies!) konti lang naman talaga ang totoong minahal kong lalaki since birth, siguro mga nasa 50 lang, diba ang konti ala pang 100?!!

Advice ko lang sa mga girls na para magustuhan kayo ng mga guys, be natural and just be yourself. Generally ang mga lalaki at first glance talagang nakatingin o tumitingin sila sa ganda at kaseksihan natin! (kaseksihan talaga!!) Pero pag getting to know each other na mas importante parin sa kanila yung babaeng makakasundo nila at hindi dahil sa may delicious body and angelic face ka, though plus factor na yon para sa kanila. Iwas-iwasan ang pagiging maaarte at patweetum na pacute epek, di na yan bagay sa panahon ngayon. I bet di ka seseryosohin ng lalaki pag ganyan ang way mo para mapansin ka nila, ikaw din ang kawawa sa huli…..

co’z boys will always be boys!

cheers!


Monday, 9 July 2012

call me maybe

Posted by iya_khin at 03:13 19 comments

Malandi?!!

Sino??!!

Ako?!!!

Di siguro…. Akala nyo lang yon..pero Hindi! Hindi! Hindi! Chaaaaarrrr!

Wala talaga akong maisip na maisulat nowadays kasi parang laging nasa outerspace ang utak ko…nagliliwaliw!!

BUT! Ah-ahh!! (with feelings yung ah-ahh high pitch!)

I was inspired sa series ng BFF kong si Bino ng Damuhan, kung hindi nyo alam eto basahin at subaybayan nyo ang MAHAL KITA…FRIEND. (o ha promote-promote to!)

A glimpse of this series…malandi ang karakter ni Iyah dito (sa totoong buhay…slight lang naman! LOL) So I came up with an idea… tutal landian lang naman ang usapan bakit hindi natin alamin ang totoong kalandian ni Iyah?!! (ako ba ‘to?!!)

You might be wondering kung ilang boylets na ang nilandi ko in and out of this blog world…hmmmm…. (parang ang sagwa!!) Well para mas exciting I’ll tell you kung sino-sino ang mga nagpaantig at nagpakiliti ng puso ko pati na rin yung mga boys na hinahangaan ko dito sa blogworld!

Ready na kayo?!!

AKONI – magtataka pa ba kayo sa kalandian ng hayop na ‘to?!! I-bet pati ibang girls at poste at kung ano-ano pang may butas hinarot nito! Pero personally malapit talaga sa puso ko ‘tong hayop na ‘to! (hayop talaga ang term ha!) mapilyo lang talaga ang hayop na ‘to pero mabuti ang puso ng hayop na ‘to! (may gigil sa hayop!) Humanga ako sa kalikutan ng utak nya, ewan ko ba kung saan nya pinupulot ang mga kwento nya na pati pambobola nagawan nya ng kwento, oo, si kapitan bola! Sya na talaga! Marami kaming kakaibang sekreto ng hayop na ‘to, pero di ko ikukwento kasi sekreto nga..pero eto magpapakawala ako ng isa, malaki ang kanyang……………………..TIYAN! :p

MOKS – ako na ang super excited ng makita ko ang mokong na ‘to! Oo, talagang niyakap ko sya ng magkita kami sa kalagitnaan ng desyerto ng Abu Dhabi! Pero medyo pigil kasi may mga kasama kaming iba at baka magselos sila! Joke! Tall, medyo maputi and handsome itong si papa moks, actually ayokong tawagin syang moks kasi hindi bagay sa kanya, kaya sabi ko sa kanya..moks can I call you mine?! Ay este Sherwin nalang. (totoong name nya) Napakagentle man nya talaga, girl na girl ako kasi inaalalayan nya ako, kami na ang sweet! Lol! (nagsisinungaling po ako!) Magaan ang loob namin sa isa’t-isa feeling ko tuloy kami na! hahahaha! Oooppps! Biro ko lang yon, best buds ang turing ko sa kanya at sa asawa nyang si nina!

BINO – hindi ko alam paano kami nagsimulang maging close, pero parang magic kami na agad!! Oo, kami na ang naging mag-BFF! LELS! Pigil ang bawat isa sa amin ng magkita kami last year sa Saranggola blog awards, paano ba naman bantay sarado itong si Iyah! Pero niyakap ko pa din sya at niyakap nya rin ako, at nagyakapan kaming dalawa!! Kakaiba ang relasyon namin,(makarelasyon talaga?!!) madalas ang usapan naming dalawa ay related sa family, co’z we want to build one! Chooos! Masasabi kong ibang level ang pagkakaibigan namin, though hindi kami ganun kadalas mag-usap pag-abala ang isa’t-isa, pero pag may tawag ng laman ay este ng pangangailangan, lagi syang nandyan for me! 24/7!

BULAKBOLERO / DYOWEL – B-boy, yan talaga tawag ko sa kanya. Hindi dahil sa figure nya dati na naging sexy na sya ngayon. Ala badboy kasi ang papable na ‘to! Sya na ang inulan ng batikos sa kanyang blog ng isang anonymous commenter nya! Isang beses ko palang sya nakita nung nag-chat kami, ala eh, kaputing bata ire!! He has this mayabang at da same taym innocent look, pero wag ka, may pagkapilyong bata rin ito! Kung anong kapilyohan, sa amin nalang yon! LOL! Random lang ang mga topic namin pag nag-uusap kami, kung ano lang maisipan hanggang sa lumayo at out of topic na kami hanggang sa hindi ko na alam ano pinag-uusapan namin. Isa sya sa dahilan kung bakit gusto ko din makapunta sa SG, gusto kong makasama to at magkulong sa kanyang magarang crib at mag-inuman magdamag hanggang umaga!

KARLO/SUPLADONG OFFICE BOY – baliw!! Oo baliw tong lalaking to! Marami kaming pagkakasimilarities kaya naging mag-solmayt kami nito! Puro kalokohan ang kwentuhan namin na halos maihi na ako sa panty ko kakatawa. Kami yung walang keme kung mag-usap, kahit ano pinag-uusapan namin at inookray namin at take note walang pikon sa aming dalawa! Mahal ko ‘tong lalaking ‘to lingid sa pag-kakaalam nya. Alam nya pag may somethings bothering me agad na nakamsg ‘to sa akin para magtanong kung ok lang ako. Medyo nalungkot ako kasi hindi kami nagkita nung pagbakasyon ko kasi ba naman may iba syang party!!! Hmmp! Pero anyways alam ko babawi yan sa akin sa susunod!! May ibibigay pa naman ako sayo, isang NUDE poster ko!!! LOL! #roadtohotness lels

KIKO – ginagalang…kuya! Mahal na mahal kita!!! Idol ko sya sa larangan ng mga malikhain nyang tula na tunay nga namang kahanga-hanga! Hehehe! Tumutugma pati ang aking pagtitipa! Round da clock yata kung makatutok ito sa lahat ng social networking, ewan ko lang pero alam nya agad pag may topak si Iyah o baliw-baliwan, expect mong makakareceive ka ng long distance call from Qatar!!! Hahahah! Thank you talaga sa concern mo sa akin, bagama’t hindi pa tayo nagkikita eh para tayong TFC Konek! Hehehe!


Hmmmm…. Bitin ba?! Gusto nyo pa malaman kung sino-sino pa?!! Cge abangan nyo may part 2…tinatawag na kasi ako ng delicious kong amo! :p

cheers!






Tuesday, 3 July 2012

breathe...

Posted by iya_khin at 00:00 4 comments


a broken heart is the worst, it's like having broken ribs. nobody can see it, but it hurts every time you breathe....


BREATHE
Taylor Swift

I see your face in my mind as I drive away
'Cause none of us thought it was gonna end that way
People are people and sometimes we change our minds
But it's killing me to see you go after all this time

Mmm, mmm, mmm, mmm, mmm, mmm, mmm, mmm
Mmm, mmm, mmm, mmm, mmm, mmm, mmm, mmm

Music starts playin' like the end of a sad movie
It's the kinda ending you don't really wanna see
'Cause it's tragedy and it'll only bring you down
Now I don't know what to be without you around

And we know it's never simple, never easy
Never a clean break, no one here to save me
You're the only thing I know like the back of my hand

And I can't breathe
Without you, but I have to
Breathe
Without you, but I have to

Never wanted this, never want to see you hurt
Every little bump in the road I tried to swerve
People are people and sometimes it doesn't work out
Nothing we say is gonna save us from the fall out

And we know it's never simple, never easy
Never a clean break, no one here to save me
You're the only thing I know like the back of my hand

And I can't breathe
Without you, but I have to
Breathe
Without you, but I have to

It's two a.m., feelin' like I just lost a friend
Hope you know it's not easy, easy for me
It's two a.m., feelin' like I just lost a friend
Hope you know this ain't easy, easy for me

And we know it's never simple, never easy
Never a clean break, no one here to save me, oh

I can't breathe
Without you, but I have to
Breathe
Without you, but I have to
Breathe
Without you, but I have to

I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry
I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry

 






Sunday, 1 July 2012

THREE

Posted by iya_khin at 01:58 10 comments

I’m really sorry…nakalimutan ko…

Sorry talaga, marami lang talaga akong iniisip lately. Hindi ko talaga sinasadyang makaligtaan ko ang pinaka espesyal na araw mo…

Tatlong taon na pala tayong magkasama, matagal tagal na din pala. Hindi ko inakalang magkakasama tayo ng ganito katagal, ilang beses na din kasi kitang iniwanan at binalak na talikuran at tuluyang kalimutan, pero heto’t tayong dalawa pa din ang magkadamay hanggang ngayon..

Salamat dahil sayo nailalabas ko lahat ng nararamdaman ko.

Salamat dahil di mo ako iniiwan kahit may topak at baliw-baliwan ako.

Salamat din kasi lagi kang nariyan para pakinggan lahat ng mga kwento kong walang kalutay-lutay.

Salamat nandyan  ka parin kahit sabaw-sabawan na talaga ang utak ko.

Salamat at nananatili kang FREE kasi di ko alam paano kita i-lelevel up para magka DOMAIN ka, natatakot akong bigla kang mawala..wala pa naman akong mga back up sayo.

Masaya ako kasi dahil sayo marami akong nakilala at naging kaibigan, hindi man sila lahat nakilala ko personally pero at least alam kong nariyan sila para damayan tayo sa mga kadramahan nating dalawa. Nakakataba din ng puso ang mga taong nag iiwan ng bakas nila na kahit nonsense ang mga pinagkukwento natin eh nakaready ang mga panyo nila para makiiyak at pawiin ang luha natin na hindi maubos-ubos.

Happy 3rd years anniversary sayo blog ko! Sana tumagal pa ang pagsasama nating dalawa!

Mahal na mahal kita!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review