Tuesday, 22 October 2013

scream and shout and let it all out!

Posted by iya_khin at 23:29 0 comments


buhay nga naman...
napaka-unfair...

nagtratrabaho ka pero di mo nararamdaman, may mga bagay at balak kang gustong gawin pero hindi pwede. lahat nalang para sa ibang tao... paano naman ako?

tao lang..sabi pa.. may needs ka din para sa sarili mo pero.. HINDI NGA PWEDE! 
may dapat kang unahin, meron kang dapat suportahan, umaasa sila sayo.. ang hirap.. lalo na pag-single mom ka...tulad ko.

maiyak-iyak kana kung paano pagkakasyahin ang sahod mo, minsan yung sarili mong allowance o pagkaing isusubo ibibigay mo na din sa kanila, paano ikaw lang ang aasahan at takbuhan nila.

kailangan mong kalimutan ang sarili mo para sa kanila, lahat sa kanila, puro sa kanila..minsan gusto ko ng magwala!! PUTAAA!! 

pag di ka nagbigay, pag di ka tumulong ikaw pa ang masama kesyo selfish ka daw ect! hindi ba nila alam kulang nalang kumain ako ng buhangin para may maiabot sa kanila at abusado pa..nanakawan pa pati anak ko, nakakatawa diba?! sarili mong kapamilya nanakawan ka! PUNYETA!!

kakainit na talaga ng dugo, punong-puno na talaga ako!!

pati future nila iiaasa sayo, gusto isusubo nalang sa kanila..paasa daw pagbinitin mo sila.. WTF?!!!
pinagtapos ng pag-aaral pero nakaasa pa din?! ano yon?! baldado ba?! hindi naman diba?!!

Paulit-ulit tong sinasabi sa inyo ng mga nag-aabroad..ilang beses na tong ipinaskil at inyong nabasa...

HINDI TUMATAE NG PERA ANG MGA OFW's!!!!!
HINDI KAMI BANKO!!!!

ang dami nyong shitness pero hindi nyo man lang kami naiisip!!!
bato-bato sana matamaan kayo!!






Wednesday, 16 October 2013

Tag-ulan

Posted by iya_khin at 23:36 2 comments
Tag-ulan na naman…

Sa pinagtagpi-tagping tahanan nagkumpol-kumpol
Pira-pirasong karton, yero, lata at iba pang basurang itinapon
Maliit na espasyong animo’y humahagulgol
Mga patak ng ulan, umaagos, dumadaloy.

Si bunsong tangan ni ina sa kanyang kanlungan
Pilit sumiksik  upang maibsan ang ginaw sa katawan
Dito lang ako’t di kita iiwan marahang na bulong ni ina
Tahan na, tahan na, ang ula’y titila na.

Dapit hapon na ng si ama’y dumating
Bitbit ang mumunting sisidlan biyayang kanilang pagsasaluhan
Pagal na katawan sa maghapong pangangalakal
Napawi ng lahat ng mga supling ay kanyang nasilayan.

Tag-ulan na naman…

Magarang tahanan animo’y palasyo
Mamahaling kagamitan lahat dito’y kumpleto
Maaliwalas na paligid sya nga namang kay ganda
Yari sa bato, marmol at konkreto.

Sa malawak na silid nagkukubli’t nag-iisa
Nanginginig sa takot sa kada hataw ng kulog at kidlat
Si bunso nama’y tuloy-tuloy ang paghagulgol di matigil sa pag-iyak
Dadating pa ba’t hating gabi na wala pa si ina at ama?

Bitbit ay alak ng si ama’y dumating
Di man lang sumilip sa mga supling na naghihintay
At si ina’y langgo sa piging na kanyang pinaghandaan
Mga supling nila’y tila nakaligtaan na’t napabayaan.


Tag-ulan na naman….






Sunday, 6 October 2013

time to say goodbye

Posted by iya_khin at 01:58 0 comments

goodbye blog... until we meet again...
surely i will miss you...
it's closing time...




LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review