Tuesday, 25 September 2012

balloons...

Posted by iya_khin at 22:01 9 comments

fly high my love
aim high 'til you reach the sky,
goodbye to you my love
i'll be gone so don't wait i won't be home.




Monday, 24 September 2012

emo as always

Posted by iya_khin at 04:37 10 comments

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang post na ‘to, hirap akong magtipa ngayong mga panahong ‘to. Hindi ko din alam kung may napapadaaan pa sa blog kong ‘to pero yaan na basta try ko lang ulit mag-update baka sakaling may mapadaan at maglaan ng time para magbasa.

Sad..lagi naman diba..ano pa ba ini-expect nyo sa blog kong ‘to? Hindi po ako nandadamay para malungkot kayo or what pero ito kasi ang hingahan ko….di po ako nagkakalat ng negative vibes.
 
Lahat ng kaemohan at  pasakit sa katawan lalo na sa puso pati na din sa coconut shell ko eh napagdaanan ko na ata..halos gutay-gutay na ako at basag na basag na…durog kung durog..ewan….Gusto kong magsisisigaw, gusto ko din umiyak ng umiyak buong araw kaso di ko magawa..bato na ata ako.

Halos every week gusto kong lumaklak ng alak, badtrip lang di na ako tinatablan manhid na nga yata ang katawan ko. Araw-araw nagbababad din ako sa gym pagkatapos ng trabaho, dumideretso na ako don para pahirapan at pagurin ang sarili ko to the extent na maubos lahat ng lakas ko para pag-uwi ng bahay bangenge na ko sa pagod…wala ng time mag-isip…ngarag na..
 Pero madalas niloloko ko lang ang sarili ko. Oo nga, nakita nyo na ba ako ngayon? Ang sexy ko na (mag-bibitbit ng bangko!) pero ang tanong masaya ba ako?!!! #BOOM!

“Lingid sa inyo kalungkutan ko’y umaapaw,
pagluluksa sa katauha’y dumadaloy nangingibabaw,
maskarang suot di nyo alintana
ngiti sa mukha’y pilit kong ipinipinta.”

Gusto kong dayain ang sarili ko, gusto kong takasan lahat ng mga gulo at gusot sa buhay ko. Ang hirap lalo na pagwala kang karamay. Meron ngang dumating pero ano?! Masahol pa sila sa ahas, sinakmal kana nga pipigain ka pa, pagwala na silang makuha bigla kang bibitawan at iiwang lupaypay. Bato-bato matamaan ka sana! Nasaan KA, KAYO ngayong naghihingalo ako?!!

“Buti nalang din may bagong kaibigang nakilala
Kanya-kanyang pwesto sa kadilima’y parehong nangangapa
Ako, siya, sila, kami pareparehong nakatunganga
Sa silid pampalakasan nagpapagal, umaasa.”

Si Anna, si Ria, si Jass….di palang ganun katagal pero para kaming Nokia, we connect! (ala special mention lang! Mema lang! :p)

Sabi ng iba mag-enjoy lang daw ako, enjoy?!! SPELL?!! At the end of the day backstroke na naman ako ng bonggang-bongga, mas malupit pa sa plangganang butas!
Gusto kong mainlove, I mean inlove pala ako…pero bawal…pigil..ayoko na…masasaktan na naman ako..katakot na…mahirap magtiwala…baka sa huli lolokohin lang din ako at iiwan.. ewan..ang gulo…nakakabaliw….pero mahal ko na….yun lang…

I miss my mom…
I miss my dad…
I miss my brothers…
I miss my son…
I miss me…
Birthday ko pala…happy birthday to myself…cheers!



Wednesday, 19 September 2012

................

Posted by iya_khin at 06:00 8 comments
too lazy to write
too lazy to think
too lazy to read
too lazy to work
too lazy to talk
too tired...

i want to explode...

i wanna die...


Tuesday, 11 September 2012

warning..book review!

Posted by iya_khin at 03:46 4 comments

"I want to bite that lips." - christian grey
"Greek god wants me and I want him, here..now, in the elevator." - anastasia steele

Kaloka!!!!

Sinabihan na kasing wag magbabasa nitong book na 'to lalo na't wala kang kapareha!!!
waaaaahhh!!! kill me please!!!


kuya! kuya! wag po please!!!
Gusto kong ibalibag tong librong to!!!!




Tuesday, 4 September 2012

REHAB

Posted by iya_khin at 05:18 9 comments
“You need a shrink more than I do!” – Vince

Weirdo?!! Who?!! Me?!! Bagong issue pa ba yan?! Hmmmm?!!

Baliw, loka-loka, adik, sira, bipolar, emo ect..ect…
I have many names but all I know is…
It’s just me being vocal and true to what I’m thinking and about my feelings, is that a valid reason enough that they’re thinking I’m a retard?! Hmmmm…..
Well, we all have different opinions, reasons and I respect that, I won’t even argue about it…ummm.. not to the extent also that they’ll be pulling my leg…. But I’m willing to…. (#lies)

Dami kong gustong ikwento..nakaka-nosebleed ang mag-english kaya ititipa ko nalang ito sa sarili nating pambansang wika. (yeah rakenrol! \m/)

Na LSS ako sa kanta ni Adele “TIRED”

“Hold my hand while you cut me down, it’d only just began but now it’s over now.”

Yeah, hell ye! I’m dead tired!! (diba sabi ko dapat tagalog?!!)

Pagod na ako sa maraming bagay, pagod na pagod na ako sa redundancy ng buhay ko….i’m so tired cleaning others mess while I’m putting myself at risk. I’m not YOUR or WHOEVER’s superwoman….

I’M ONLY HUMAN!

I’m so sick of those lies, promises, terms and conditions, manuals, guide books, guidelines, parental, reports, news, graphs....haiiiisstttt!!!!

My brain’s so distorted, my heart’s broken…damn!! Lasog-lasog na ako, bulag ba kayo?!!

“If happy ever after did exist I would still be holding you like this
All those fairytales are full of sh*t, one more stupid love song I'll be sick”

I’m so sick……….


Anna (she’s my evil twin sis! We met each other while we’re both on our straight jackets)
Anna: Finish you?!
Iyah: finish me?!!
Anna: let’s kill them!!
Iyah: yeah all of them!!
Psychotic?!! Who?!! Us?!! Naaaaahhh…… di lang talaga kami swerte sa mga taong minahal at minamahal namin kaya siguro ganto kami.

Napakahirap gamutin ang sakit lalo na’t malala na dahil sa KATANGAHAN!
Tanga bang talaga o nagtatanga-tangahan lang?!

“ Ako naman kasi super tanga, isang milyong rason na nasa harapan ko… sana tinigilan ko na…kala ko kaya kong maging civil kami..” – ANNA

“Ayoko ng lokohan.”  - IYAH

“Napakamalas ko sya natagpuan kong manloloko, ako kasi nagpaloko. Kay sakit isipin ako nagdudusa sa lahat samantalang sila nagpapakasaya..” – ANNA

“Hindi naman ako masamang tao…nagmahal lang ako…inaamin ko naman kasalanan ko..ganito pala ang kapalit..pero sana matapos na ang hirap.” – ANNA ( I second the motion – IYAH)

“Siguro I need to be the right person to be with the right person.” – ANNA

“I should learn to be happy without men…” – ANNA

“weeeh?!! Di nga?!!” – IYAH

“I surrender in this battle…white flag!” – ANNA

Ganto kaming dalawa kabaliw kaya siguro pinagtagpo kami ng tadhana, pareho kaming kumakanta ng…
“We found love in a hopeless place..” LELs lang!!

Yaan na nga!! Enjoy nalang tayo..pasasaan ba’t magiging happy din tayo!

CHEERS TO  THEM!! 


Sunday, 2 September 2012

PARA!

Posted by iya_khin at 22:05 6 comments

Ako’y napapailing sa kahapon aking nagawa
Nalulong sa drogang inalay mo aking sinta
Ngunit nagising na at ako’y ngayo’y natatawa
Ang gaga ko palang talaga di ako makapaniwala.

Kanina lang kasama ka’t tayo’y masaya
Di ko alintana sa kabila ng lahat ikaw pala’y nakamaskara
Balot ng kasinungalingan matatamis mong salita
Hunghang ka, alam ko ang lahat hindi ako tanga.

Ah oo nga pala, ako pala’y  nagpakatanga
Isa ako sa mga nakihelera sa dyipney mong pampasada
Nakisakay sa nagsisiksikang ispasyo kasama ang iba
Para-para, bababa ako’t di na ako makahinga.

Paulit-ulit ngayo’y nagsawa na
Paulit-ulit ako di’y napapagod na
Unti-unti’y nakakatayo na sa aking pagkakadapa
Sayang lang minahal kita ngunit napapanahon ng iwanan ka.

Pagmasdan mo akong mabuti bago kita lisanin
Ito bang pagmumukhang ito ang kaya mo lang lokohin?
Hayop ka, bulag ka bang talaga?
Magbubuhat ng bangko, pero mga babae mo’y ang chachakang talaga.

Nagpapasalamat sayo ako’y tinulungan mo
Ngunit di yon dahilan upang sirain mo buong pagkatao ko
Durugin at pasakitan ng husto ang nag-iisang puso ko
Mahal kita…pero paalam…pakyu ka!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review