Showing posts with label mess. Show all posts
Showing posts with label mess. Show all posts

Sunday, 7 July 2013

...................

Posted by iya_khin at 00:45 28 comments
tumblr
i've done so many things in my life...

so many failures..

so many mistakes...

been in a lot of pain...

but no one has the right to stomp on my dignity..

no one...

not even you...

co'z you really don't know...

who really i am...

and what i have been through...

no one...


yes....

not even you....


Monday, 11 June 2012

wag na....

Posted by iya_khin at 04:59 5 comments

deviant

May blog pa pala ako, muntik kona naman makalimutan..kung hindi pa ako susumpungin ng kaemohan ko ngayon dikita maaalala…

Oo, naeemo na naman ako ngayon,hindi ko alam kung bakit pero bigla ko lang naramdaman na nalulungkot ako…yeahsimply…no reason at all…ewan ko…

I want someone to talk to perowala naman akong choice kasi oras ng trabaho ngayon at hindi din alam ng amo kona pumepetiks na naman ako…oooiii wag ka naging busy naman ako for the past fewweeks ah!

Nalulungkot lang talaga ako…I meanmalungkot naman talaga ako at hindi na bago sa inyo yon…feeling ko nga malapitna akong sumabog. Haaaiiistt….. life parang buhay lang…

I know there’s a lot of things napwede naman magpasaya sa isang tao, so many ways yet so little time and limited..paranglibro lang..madaming pagpipilian pero limitado lang ang kaya mong mabasa atbasahin.

I’m struggling right now, minsannatatanga nalang ako ng di ko namamalayan…tulad ngayon, nagtitipa pala ako…

Alam nyo ba yung feeling na masayaka pero hindi mo pwedeng itodo, yung limitado lang, yung alam mong mayhangganan din..natatakot akong dumating yung araw na yon…honestly di ko alamkung kakayanin ko.

I’m trying to hold on tight, I’mtrying to balance myself pero madami akong lapses, sobra-sobra…di ko na kayangicontrol..o sadyang hinahayaan ko lang…

Alam nyo din ba yung feeling nayung puso mo bigla nalang hihina sa pag-pintig, yung minsan hindi mo syamaramdaman kung tumitibok pa..yung parang manhid kana..yung feeling na parangmasusuka ka pero hindi naman…yung feeling na parang nauubusan ka ng hininga? Basta..

Gusto kong umiyak ngayon, peropag nagkakaroon naman ako ng time mapag-isa hindi ako makaiyak, hindi komagawang umiyak….di ko na maintindihan ang sarili ko lately….

Gusto kong gayahin yung eksenanila Paul and Mia sa teleseryeng “kung ako’y iiwan mo” nung nagpunta sila sagitna ng disyerto.. yung nagsisisigaw si Paul dahil malungkot sya..sana magawako din yon..gusto kong magwala at sumigaw ng sumigaw hanggang sa mapaos ako.

I’m tired..BIG TIME!! But theproblem is…I can’t let go and I won’t let go…..

“How is it possible that someonecan hurt you repeatedly and you still care for them so much?” – tweeter

I guess I’m just really stupid….

I feel lonely every single day ofmy life and I’m ashamed to admit that co’z nobody cares anyway…..


videokeman mp3
Wag Na – Yeng Constantino Song Lyrics



Monday, 3 October 2011

game over?

Posted by iya_khin at 03:45 11 comments

i wish i could fly..
i wish i could escape all these mess we created
i wish this would all be over
before my life would end.

i wish you were here
so you can wipe out all my tears
i wish you could see me
now that i'm having a hard time to breath.

i wish you would love me more
the way i'm loving you
more than words is what i need
because all those words only vanished.


i wish i could hang myself like this
though i know i may not look cute after this
so funny...
it makes me feel like my heart's gonna burst.

i wish...

i wish...

i wish...

this would be over.

before it's too late.




Monday, 31 January 2011

VAIN

Posted by iya_khin at 23:20 1 comments

Distorted I don’t know what to do

Whirlwind blows up my mind

I feel fainted, so dizzy thinking of you.

How long will it end?

How far would I run?

How deep do I hide?

How will I remain to stand still?

I saw the light, so high to reach it

I saw your hands, I’m afraid I might lose my grip

Am I a failure?

Will I ever get out of this mess?

Sunday, 18 October 2009

SULAT TOTOO....

Posted by iya_khin at 02:22 19 comments

DUBAI… gusto kong pumunta! Ito ang sambit ko nung ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.
Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.
DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo sasabihin ganito ang kalagayan nila, may ngiti ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.
Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng isa. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko.Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila.Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?
Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin sa credit card at loan haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Tatlong buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog.Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa Itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.
DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.
Patawad mga magulang ko kung sa inyo’y di nakinig, ako’y nalunod dahil akala ko’y ako ay ihahatid, ng pangakong hatid ng lupang ito yun pala ay pighati’t pasakit.
DUBAI ikaw ba ang syang may sala ng buhay kong ito ngayo’y nakalugmok sa kawalan?Tanong ko lang ay bakit mo kami pilit na iniipit, tatlong letra lamang ang aming hiling bakit ito’y iyong pinagkakait?
Sa mga taong nakakabasa nito huwag po kayong malungkot, nais ko lang ay inyong marinig ang munti kong tinig, hiling lang ay panalangin na kami’y makaraos din dahil mga kasama’t kabayan mong iba’y ganito din.
PS: re-post ko po ito, i wrote this last June...

Sunday, 4 October 2009

HUh...OOhh...

Posted by iya_khin at 01:04 6 comments
Nang-aasar ka ba?
Ba’t ayaw mo akong tigilan? Maya’t maya ginugulo mo ako, di tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho ko.

Tumigil kana please! Sakit na ng ulo ko dahil sayo, napapansin na ako ng boss ko!
Gusto mo ba talaga akong ipahiya? Baka ipatawag na ako ng boss ko sa kakulitan mo,tumigil kana ok!?

Ano ka ba? Ba’t ayaw mo bang huminto? Ano bang gusto mong mangyari? Di ka ba naawa sa akin? Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon, ayoko na please………

Wala naman akong ginawang masama para ganituhin mo ako,nag iingat naman ako sa bawat kilos ko, pero bakit ka pa rin dumating at pinapahirapan mo ako ng husto…

Tingnan mo ngayon, nanghihina ako ni hindi ko matapos ang trabaho ko dahil lagi kang sumusulpot,di ko alam bakit super kulit mo….tama na…tama na..please…please….

Ayokong umabset dahil lang sayo, sayang ang dirhamong suswelduhin ko,di mo ba nakikitang di ako umaabset para lang makapagpadala sa magulang ko tapos ngayon ikaw akala mo kung sino kang umasta sa buhay ko!!!

Nabwibwisit na talaga ako sayo, di mo ako lubayan…pinagtitinginan na ako ng mga kasama ko,ayokong mahalata nila na nandito ka…nakakahiya………

Sige humanda ka ngayon, ayaw mong tumigil ha…

Ilalabas na kita…iwawaksi na kita sa buong pagkatao ko at sa aking buong sistema..
Ikinakahiya kita, ikinasusuka, nandidiri ako sayo….

Sige wala na akong pakialam, malaman man ng boss ko o mga kasama ko ngayon wala na akong pakialam! Ang mahalaga lumabas kana, di na kita patatagalin, di ko na titiising pahirapan ang sarili ko dahil sayo…….

Ayoko na!!

Ayoko na!!

Lalabas kana sa ayaw mo’t sa hindi! Di na pwede ang ganito! Wala kang karapatan sirain ang kalagayan ko!!!

Kaya heto ang ganti ko sayo………….

Isisinga na kita!!!!!!!!!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review