Sunday, 4 October 2009

HUh...OOhh...

Posted by iya_khin at 01:04
Nang-aasar ka ba?
Ba’t ayaw mo akong tigilan? Maya’t maya ginugulo mo ako, di tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho ko.

Tumigil kana please! Sakit na ng ulo ko dahil sayo, napapansin na ako ng boss ko!
Gusto mo ba talaga akong ipahiya? Baka ipatawag na ako ng boss ko sa kakulitan mo,tumigil kana ok!?

Ano ka ba? Ba’t ayaw mo bang huminto? Ano bang gusto mong mangyari? Di ka ba naawa sa akin? Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon, ayoko na please………

Wala naman akong ginawang masama para ganituhin mo ako,nag iingat naman ako sa bawat kilos ko, pero bakit ka pa rin dumating at pinapahirapan mo ako ng husto…

Tingnan mo ngayon, nanghihina ako ni hindi ko matapos ang trabaho ko dahil lagi kang sumusulpot,di ko alam bakit super kulit mo….tama na…tama na..please…please….

Ayokong umabset dahil lang sayo, sayang ang dirhamong suswelduhin ko,di mo ba nakikitang di ako umaabset para lang makapagpadala sa magulang ko tapos ngayon ikaw akala mo kung sino kang umasta sa buhay ko!!!

Nabwibwisit na talaga ako sayo, di mo ako lubayan…pinagtitinginan na ako ng mga kasama ko,ayokong mahalata nila na nandito ka…nakakahiya………

Sige humanda ka ngayon, ayaw mong tumigil ha…

Ilalabas na kita…iwawaksi na kita sa buong pagkatao ko at sa aking buong sistema..
Ikinakahiya kita, ikinasusuka, nandidiri ako sayo….

Sige wala na akong pakialam, malaman man ng boss ko o mga kasama ko ngayon wala na akong pakialam! Ang mahalaga lumabas kana, di na kita patatagalin, di ko na titiising pahirapan ang sarili ko dahil sayo…….

Ayoko na!!

Ayoko na!!

Lalabas kana sa ayaw mo’t sa hindi! Di na pwede ang ganito! Wala kang karapatan sirain ang kalagayan ko!!!

Kaya heto ang ganti ko sayo………….

Isisinga na kita!!!!!!!!!!!

6 comments:

DRAKE said...[Reply]

Hehehe, parang katulad din ng lamok ko!hehehhe!Salamat sa pagbisita sa aking kwarto! Add din kita!

Try mo rin yung main blog ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Ingat

iya_khin said...[Reply]

nyehehe!

nyititipon kasi me ngayon eh..huhuhu

kheed said...[Reply]

yuck.. tirhan mo ako nyan, peborit ko yan eh.. lalo na kapag hinog, ang tamis hahaha

iya_khin said...[Reply]

ewwww...sige sayo na po lahat,yoko nyan.....

ladyinadvance said...[Reply]

mwahahaha kala ko kung ano...uhog pala...hahahaaha

cge singa mo lang yan..labas mo lahat...

Random Student said...[Reply]

naku, ingat. mahirap ngang maapektuhan ang work dahil sa sinusitis or colds.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review