Showing posts with label bored. Show all posts
Showing posts with label bored. Show all posts

Monday, 17 November 2014

1st love (PART 1)

Posted by iya_khin at 04:57 1 comments
Noong unang panahon nung maliit pa ako ang sabi ng nanay "don't talk to strangers." Yan naman diba lagi ang bilin sa atin "NOONG UNANG PANAHON"..pero iba na ngayon.

"can you be my textmate?"
"Sure!"

Simple, walang kahirap hirap, old school pa nga yan eh! Nowadays makakita lang ng pogi at magaganda't seksing babae mangitian ka lang eh bibigay na agad! kaya madaming naloloko tas in the end ngangawa-ngawa! waley lang di ako makarelate :p

google image
Naalala ko tuloy yung 1st crush ko cguro nasa grade 2 palang ako nun, kyut din ng name nya di ko malilimutan.. "TON-YING" you're no cleaning!!  Yan tawag sa kanya ng mga uhuging bata dun sa may amin! Eh paano ba naman, ang dungis-dungis ng damit nya di ko alam kung saan sya nagsususuot pero sa mata ko.. "ang kyut-kyut nya ate charo!!"

google image
1st year highschool ako nung matikman ko ang matamis na unang halik....1st kiss! chaaarrrr! naset up ako ng mga jologs kong klasmayt! Napakamalas ko naman talaga!! Dream ko pa naman noon eh yung magiging first kiss ko nasa gitna kami ng hardin ng prince ko, surrounded with flowers... gumamela, santan at rosas! oh diba taray! mga ganung eksena sana ang pangarap ko...kaso planggak sa plangganang butas, gumuho ang lahat! Nayurakan ang buong pagkataon ko, dahil sa likod ng pinto ng 1st year high school classroom ako ninakawan ng halik! hayooooooppp!!! 

google image
1st kiss means 1st embarrassing moment
Alam nyo naman pag highschool di maiiwasan ang asaran, syempre nalaman ng buong bayan!!! parang gusto ko nalang mag-melt down nung mga araw na yun sa kahihiyan, dinaig ko pa ang bandera sa kahalayang ng pang aasar nila. pakssyyeeett!!

google image

1st bulakbol
At dahil mayaman si mamah at si papah syempre I studied at a private school. Private school means mahigpit ang seguridad katumbas naman ang mataas na matrikula! kamote! 
2nd year highschool - Dahil sa mga good fellow dabarkads ko, umagang-umaga palang eh nagplan na silang mag-cutting classes, diba masaya?! Ako na walang kamuwang-muwang eh kasali pala sa plano nila, asar din ako actually that day kaya wala din ako sa mood pumasok sa VALUES class ko kaya napilitan akong sumama. VALUES.... bawal ligawan ng titser ang studyante..kapalit nito 92% grade sa class! With a fake names and fake excuse letter nakalusot kami sa guwardya, nagcut class para manood ng sine! Kinabukasan, suspended kaming lahat! From head to toe ang takot namin dahil pinapatawag ang parents namin sa school..ang ginawa.. lumayas kaming lahat! kawawang nilalang..chooss... mga 1 day lang naman  kami nawala kasi nahanap kami agad ng aming mga butihing magulang..kami na ang bad cheetah! :p thanks to etchoserang frogs di tuloy kami nakatumbling papuntang cebu!




to be continue...epal 'tong amo ko!







Thursday, 14 February 2013

AMPALAYA

Posted by iya_khin at 00:22 10 comments
google

Dahil araw ng mga puso at AMPALAYA ako eh raratsada ako ng Random!

THINGS TO DO AND TO AVOID DURING VALENTINES IF UR FUCKING SINGLE!

1. Don't open Facebook! -  putek puro shitness ang mababasa mo at makikita mo baka masuka ka lang!

2. Mark X the date Feb.14 on your calendar! - eh ano ngayon kung katorse?! buwan-buwan may petsa katorse naman!

3. Don't dare to go malling! - offlimits ka sa mga lugar na tulad nito! Wag na wag kang papasok sa mall kung ayaw mong makakita ng mapupulang bagay na nakadisplay na niwiwish mo na sana may magbigay sayo, asa ka pa!

4. Avoid playing love songs on your mp3 players. -  believe me baka sa kakasoundtrip mo ng mga emoshits eh di mo mamalayang nasa rooftop kana ng bahay nyo o bka may hawak ka ng bread knife!

5. Sleep early. - oo matulog ng maaga, bukas ikakinse na!

6. Just drive straight. - wag kang liliko o kakaliwa! lels

7. Watch the movie / tv series JACKASS. - sa gantong paraan makakalimutang mong nag-iisa ka dahil sa iniwan ka ng dyowa mo at pinagpalit ka sa iba o sa kung ano pa man dahilan. Imaginin mo nalang na kunyari sila yung nasa palabas at tuwang-tuwa ka habang nasasaktan sya! BWAHAHAHAH! -evil laugh

8. Try to watch also horror movies. - tama manood ka ng mga nakakatakot o yung super gore na palabas, tingnan ko lang kung maemo-emo ka pa!

9. Have a cold shower. - pagnaiinitan, maligo!

10. If you're thinking you're the only one that has no date, go to gym! - madami kayo di ka nag-iisa!

Haay naku! Sarap mang itsa ng granada mamaya! Letche! Kung bakit kasi natapat ng weekend dito at nataong petiks na naman ako!! STOP IT! I KILL YOU!!


Sunday, 21 October 2012

it's sunday...emo day...

Posted by iya_khin at 04:08 8 comments
google

“ Minsan kailangan mong pakawalan yung mga bagay na nagpapasaya sayo, lalo na’t sa umpisa palang alam mo ng hindi ito laan para sayo.”

“Paano mo ipaglalaban ang isang bagay na alam mong wala ka naman talagang kalaban-laban?”

“Paalam....salitang kay hirap bitawan, isang salitang malalim kung makatagos sa puso lalo na’t ang salitang ito ay nagmumula sa isang taong napakahalaga sayo o nagmumula sayo mismo. “

Eto na naman at inaatake na naman ako ng kaemohan sa katawan ko, kelan kaya ako maglelevel up at iba naman ang maitipa ko. Omen na talaga siguro sa akin ang pagiging madrama, aba ewan! Kung sana man lang eh may makadiscover sa akin para naman pagkaperahan ko ‘tong kakanguyngoy ko at kakaiyak, sana yung luha ko kumikita ng salapi! Tsk! Asa!

Hindi naman ako mahilig manood ng teleserye, di din naman ako mahilig talaga manood ng tv lalo na kung kadramahan ang palabas. Madrama na nga ako sa totoong buhay makikidrama pa ba ako sa mga palabas sa tv hindi siguro!

Ewan ko ba pero nung isang araw umiyak lang ako ng umiyak magdamag, di ko din maintidihan sarili ko. Basta umiyak lang ako ng bonggang bongga hanggang sa magmugto ang mga mata ko hanggang 1pm til 5am. Oo ako na! Basta pag uwi ko ng bahay nagpalit lang ako ng damit pambahay tas nahiga tas nagpatugtog sa ipod ko..playing..album ni Adele, tas yon..BOOM!

Hiding my Heart Away by Adele, ‘to yung song na paulit-ulit kong niplay, paulit-ulit…….hanggang mag-sink in..aaaggghh…dinama ko talaga ang lyrics ng song na ‘to..kakalungkot talaga..putek naiiyak na naman ako.

"I wish I could lay down beside you
When the day is done
And wake up to your face
Against the morning sun
But like everything I've ever known
You'll disappear one day
So I'll spend my whole life hiding my heart away."

Sabi nila huwag kang makikinig ng songs ni Adele lalo na pag nag-iisa ka, pero matigas ang ulo ko nakikinig pa din ako. Di ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pag-iyak para tuloy akong lokaloka! As if naman hindi! Ang daming pumapasok sa utak ko na nagdulot o ha dulot talaga ng pasakit sa puso ko nahirapan tuloy akong makahinga….

Sa aking silid ako’y nagkubli
Mga matang luhaan sarili ko’y sinisisi
Mga bagay na sa aki’y bumabagabag
Pag-ibig ang kailangan hindi ang iyong habag.

Sa aking pag-iisa kalungkuta’y damang dama
Pangunguli sa kahapong kay ganda’t kay saya
Ngunit naglahong lahat ng siya’y lumisan
Pighati’t pasakit ang kanyang idinulot ng ako’y kanyang iwan.

Ngayon heto ka’t nag-aalay ng iyong pag-ibig
Pag-ibig nga ba at hindi kasinungalingan ng iyong bibig?
Sa tulad kong nakakulong sa hawla
Makakaya mo bang ako’y mapalaya?

Kung hindi lang tunay itigil mo na
Masasayang lang ang pahon masasaktan mo pa
Pagkatao ko’y  yaring basag na basag na
Mas mabuti pang mag-isa kung wala din naman pag-asa.


Haaayyy…it’s Sunday at nasimulan ko ng ganitong post, saya….




Sunday, 2 September 2012

PARA!

Posted by iya_khin at 22:05 6 comments

Ako’y napapailing sa kahapon aking nagawa
Nalulong sa drogang inalay mo aking sinta
Ngunit nagising na at ako’y ngayo’y natatawa
Ang gaga ko palang talaga di ako makapaniwala.

Kanina lang kasama ka’t tayo’y masaya
Di ko alintana sa kabila ng lahat ikaw pala’y nakamaskara
Balot ng kasinungalingan matatamis mong salita
Hunghang ka, alam ko ang lahat hindi ako tanga.

Ah oo nga pala, ako pala’y  nagpakatanga
Isa ako sa mga nakihelera sa dyipney mong pampasada
Nakisakay sa nagsisiksikang ispasyo kasama ang iba
Para-para, bababa ako’t di na ako makahinga.

Paulit-ulit ngayo’y nagsawa na
Paulit-ulit ako di’y napapagod na
Unti-unti’y nakakatayo na sa aking pagkakadapa
Sayang lang minahal kita ngunit napapanahon ng iwanan ka.

Pagmasdan mo akong mabuti bago kita lisanin
Ito bang pagmumukhang ito ang kaya mo lang lokohin?
Hayop ka, bulag ka bang talaga?
Magbubuhat ng bangko, pero mga babae mo’y ang chachakang talaga.

Nagpapasalamat sayo ako’y tinulungan mo
Ngunit di yon dahilan upang sirain mo buong pagkatao ko
Durugin at pasakitan ng husto ang nag-iisang puso ko
Mahal kita…pero paalam…pakyu ka!


Monday, 28 May 2012

randomsss....

Posted by iya_khin at 04:49 9 comments
grabe ang antok ko today dito sa opis...hinanghina at nahihilo ako..stressed out na ako masyado...kaya ininuman ko nito....

google
wala lang...may maiposte lang sa nakakaboring kong araw...


Wednesday, 9 May 2012

F_U ka!

Posted by iya_khin at 02:13 18 comments

Babala: marami pong maseselang salita ang ginamit sa akdaing ito, patnubay ng mga nakakatanda sa mga minor na edad ay kinakailangan. :p

google

malandi, makati, malantod, kiti-kiti, malikot, haliparot, flirt, kaladkarin ect…ect!

What the FUCK you care?!!!

May ibendesya ka ba?! nakita mo ba?!

Eh putang-ina, huhusgahan mo ako ng ganyang patalikod eh bakit hindi mo sabihin sa akin ng harapan para magkaalaman tayo?!

Kasalanan ko ba kung yung mga hinayupak na mga lalaki na yan ang lumalapit sa akin?!! Kasalanan ko ba na sila ang umaaligid sa akin?!! Kasalanan ko ba na likas lang talaga akong maganda?!! ginusto ko bang maging ganto ang itsura ko?!! HINDI!! Kasi kung ganto lang naman pala ang kalalabasan ng itsura ko di sana’y mas naghanggad pa ako ng mas maganda, siguro itatapal ko ang mukha ko kay Megan Fox! Putek ka!! Leche!

Wala akong kasalanan sayo para ipangalandakan mong puta ako, pati sa subdivision natin talaga ipinagkakalat mo!! PUTANG INA MO! HAYOP KA! gusto mo para di kana mahirapan sasamahan pa kitang ibroadcast sa plaza na naka-mega phone pa!! yun ba ang gusto mo?!!

Kung hitad ako, mas hitad ka! Peste! Kunwaring nag-papakabirhen ka pa, puta ka!! Eh masanggi lang sayo ang lalaki, kumikibot-kibot na agad yang pekpek mo?!! O di ba?!! aminin mo, tarantado ka!

O natahimik kang bigla?! Leche ka, kala mo kung sino ka, tang-ina mo! Mas makati ka pa sa higad, kulang nalang maglaway-laway yang pekpek mo pag-natititigan ka lang ng lalaki! Ipokrita ka!! Naiingit ka lang kasi ako sineseryoso ng mga lalaki, ako lang ang tumatanggi, eh ikaw?!! Kulang nalang maglupasay ka at magmakaawa para lang di ka iwan! Hayop ka!!

(audience….silence…)


*PUTANG INA MO DIN!!!!!

(sapakan,suntukan,bugbugan,tadyakan,kalmutan,sabunutan, basagan ng bunggo)

(B1,B2 umaawat, mga audience nagkakagulo, host natulala, council nag-oobserba)

-END





Bitin ba kayo? ;p

Malamang ganto ang mga eksenang maririnig nyo sa Face to Face na palabas ni Amy Perez sa TV 5 kung hindi sinasapawan ng dabber ang mga bawat salita ng mga guest nila sa bawat programa!

Hindi po ito promotion, hindi din po nila ako binayaran, nagkataon lang na ito lagi ang pinapanood namin sa opisina tuwing lunch break!!

Pampawala ng stress sa pananghalian!! :P




Wednesday, 4 April 2012

sine-sinehan sa opis

Posted by iya_khin at 01:31 7 comments
epekto ng bored......





may maposte lang!

Thursday, 29 March 2012

south park ek-ek!

Posted by iya_khin at 05:52 4 comments
hindi po ako fan ng south park cartoons pero i find them cute....

wala lang....




the end :p


Monday, 6 February 2012

move like jagger

Posted by iya_khin at 04:50 7 comments
google
what's your score?

 

 
Move Like Jagger
 

Thursday, 20 October 2011

random tots

Posted by iya_khin at 00:17 17 comments

google

Hello blogspot kamusta ka naman? Ok ka lang ba? Humihinga ka pa ba? Ano na ba balita sayo? Namiss kita ah! Choooooooosss!

Ang sabaw ng utak ko, ano bang nangyayari sa akin? Naman, naman, naman!

Rarandom pwede?!!

1.       Sana ala-singko na para makauwi na ako sa bahay
2.       Sana laging nasa business trip ang amo ko para walang maingay
3.       Sana mag business trip din ‘tong mga nasa likod ko para pwedeng matulog dito sa work station ko
4.       Sana may magtimpla sa akin ng kape
5.       Gusto kong gumala mamaya pag-uwian
6.       Wala naman akong pang gala
7.       Ayoko ng sumakay sa bus service namin dahil kay kuyang nakasumbrero
8.       Feeling ko crush nya ako! Lels
9.       Sana mabilis kami mamaya para di kami laging huli sa connection stop
10.   Gusto ko din magjogging mamaya
11.   Pero gusto kong kumain ng manok sa mang inasal mamaya din
12.   Type ko yung iphone 4 ni kuya
13.   Pero mas type ko sya
14.   Blogger ba yun?
15.   Hmmmmm nag-iisip ka ‘no?!
16.   Joke lang yon
17.   Mas type ko si kuyang naka blackberry
18.   Can I have your bb pin please?! :P
19.   Baliw ba ako
20.   Oo baliw kana nga
21.   Gusto kong magvideoke
22.   Gusto ko din maglasing
23.   Gusto kong magbungee jumping dito sa building namin
24.   Pwede bang gawin sa 1st floor?
25.   Sana umulan ng pera
26.   Di naman ako mukhang pera
27.   Sana madelete lahat ng records dun sa !#@$#% para ligtas na me
28.   Credit is good but I need cash
29.   75 dhs nalang pala pera ko sa wallet
30.   Gusto kong magkyutiks ng black mamaya
31.   Ayoko ng umiyak
32.   Pero wala me masulat pag di me naiyak
33.   Gusto kong ligawan si Dean sa Supernatural
34.   I want to go to college again with Sam #Supernatural
35.   Ang pakla naman ng pistachios na kinakain ko now
36.   Paano namatay ang dagat sa dead sea?
37.   Totoo bang kulay pula ang dagat don?
38.   Bored kana ba?
39.   Ang corny ko na
40.   Kwareta! Wala lang!

Sensya sa kabaliwan ko pati kayo nadamay pa! cheerio!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review