Sunday, 21 October 2012

it's sunday...emo day...

Posted by iya_khin at 04:08
google

“ Minsan kailangan mong pakawalan yung mga bagay na nagpapasaya sayo, lalo na’t sa umpisa palang alam mo ng hindi ito laan para sayo.”

“Paano mo ipaglalaban ang isang bagay na alam mong wala ka naman talagang kalaban-laban?”

“Paalam....salitang kay hirap bitawan, isang salitang malalim kung makatagos sa puso lalo na’t ang salitang ito ay nagmumula sa isang taong napakahalaga sayo o nagmumula sayo mismo. “

Eto na naman at inaatake na naman ako ng kaemohan sa katawan ko, kelan kaya ako maglelevel up at iba naman ang maitipa ko. Omen na talaga siguro sa akin ang pagiging madrama, aba ewan! Kung sana man lang eh may makadiscover sa akin para naman pagkaperahan ko ‘tong kakanguyngoy ko at kakaiyak, sana yung luha ko kumikita ng salapi! Tsk! Asa!

Hindi naman ako mahilig manood ng teleserye, di din naman ako mahilig talaga manood ng tv lalo na kung kadramahan ang palabas. Madrama na nga ako sa totoong buhay makikidrama pa ba ako sa mga palabas sa tv hindi siguro!

Ewan ko ba pero nung isang araw umiyak lang ako ng umiyak magdamag, di ko din maintidihan sarili ko. Basta umiyak lang ako ng bonggang bongga hanggang sa magmugto ang mga mata ko hanggang 1pm til 5am. Oo ako na! Basta pag uwi ko ng bahay nagpalit lang ako ng damit pambahay tas nahiga tas nagpatugtog sa ipod ko..playing..album ni Adele, tas yon..BOOM!

Hiding my Heart Away by Adele, ‘to yung song na paulit-ulit kong niplay, paulit-ulit…….hanggang mag-sink in..aaaggghh…dinama ko talaga ang lyrics ng song na ‘to..kakalungkot talaga..putek naiiyak na naman ako.

"I wish I could lay down beside you
When the day is done
And wake up to your face
Against the morning sun
But like everything I've ever known
You'll disappear one day
So I'll spend my whole life hiding my heart away."

Sabi nila huwag kang makikinig ng songs ni Adele lalo na pag nag-iisa ka, pero matigas ang ulo ko nakikinig pa din ako. Di ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pag-iyak para tuloy akong lokaloka! As if naman hindi! Ang daming pumapasok sa utak ko na nagdulot o ha dulot talaga ng pasakit sa puso ko nahirapan tuloy akong makahinga….

Sa aking silid ako’y nagkubli
Mga matang luhaan sarili ko’y sinisisi
Mga bagay na sa aki’y bumabagabag
Pag-ibig ang kailangan hindi ang iyong habag.

Sa aking pag-iisa kalungkuta’y damang dama
Pangunguli sa kahapong kay ganda’t kay saya
Ngunit naglahong lahat ng siya’y lumisan
Pighati’t pasakit ang kanyang idinulot ng ako’y kanyang iwan.

Ngayon heto ka’t nag-aalay ng iyong pag-ibig
Pag-ibig nga ba at hindi kasinungalingan ng iyong bibig?
Sa tulad kong nakakulong sa hawla
Makakaya mo bang ako’y mapalaya?

Kung hindi lang tunay itigil mo na
Masasayang lang ang pahon masasaktan mo pa
Pagkatao ko’y  yaring basag na basag na
Mas mabuti pang mag-isa kung wala din naman pag-asa.


Haaayyy…it’s Sunday at nasimulan ko ng ganitong post, saya….




8 comments:

Pareng Cyron said...[Reply]

lovelife ang kailangan mo. =)

kiko said...[Reply]

iyatot, tahan na! bukas wala na yan, monday na kasi

iya_khin said...[Reply]

@Cyron Agustin syang tunay! :)

iya_khin said...[Reply]

@kiko wahaha! oo nga naman kuya!

MEcoy said...[Reply]

kakahawa nmn kakalungkot mxado mga quotes

air jordan said...[Reply]

There are things we don't want to happen
But we have to accept,,,,,
And there are people we can't live without
But we have to let them go...

TY

Pareng Jay said...[Reply]

Yaan mo na yan mare, isipin mo nalang ham yan.
Seryoso: hayaan mong bigyan kita ng advice - 'happiness is a choice'.

Hmm sa totoo lang hindi ko din gets e english kasi. Pero dig mo nalang siya. Hehe. Ngiti lang.

* Pareng Jay was here

Diamond R said...[Reply]

Ganyan talaga pag may pinaguukulan ng pagmamahal.Extreme ang pakiramdam (masakit na masarap

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review