Wednesday, 31 October 2012

tula 101

Posted by iya_khin at 04:08
wagas

Basag basag na pangarap isa-isang pinupulot
Pirapirasong alaala unti-unting hinahabi
Sa pagkakalugmok dahan-dahang bumabangon
Bangungot ng kahapon syang ibinabaon sa limot.

Sa kabila ng lahat puso’y patuloy na nanaghoy
Mga patak ng luha sadyang di mapigilang dumaloy
Pagsapit ng dilim pilit itinatago’t inililihim
Damang dama yaring sakit naninimdim.

Makakaya mo bang mahalin ang isang tulad ko,
Yaring sira-sira buong pagkatao ko?
Hindi perpekto’t madungis ang nakalipas
Kung di rin lang nanaisin nalamang magwakas.

Hanggad ko lamang na ako’y mahalin
Tunay at wagas yung matatawag kong akin
Hindi ako laruan para iyong pagkatuwaan
Ako’y tao lang marupok nasasaktan.

Hawakan mo ang aking mga kamay
Damhin mo ang mga yakap ng katawan kong lupaypay
Tamis ng aking mga halik sayo’y iaalay
Puso kong sawi wag mo sana hayaang mamatay.


11 comments:

JonDmur said...[Reply]

mukhang may pinaghugutan... kapag tunay na pag-ibig dapat walang pinipili... tanggap mo ang lahat ng sa kanya..

ang masakit kasi ung naghahangad ka ng pagmamahal sa isang taong di ka sure kung tanggap niya kung ano ka man...

Cyron Agustin said...[Reply]

*pat-pat* lumalangoy pa ng dagat yung lalakeng para sa iyo. be patient. =)

eMPoi said...[Reply]

damang dama ang tula! :)

Bino said...[Reply]

hay naku kayang-kaya kitang mahalin, ikaw lang eh, may mahal kang iba. joke!!! hehehe :D

Pareng Jay said...[Reply]

Aw andanda. Yung paggamit mo ng salita, tumutugtog ka ba? Subukan mo lapatan ng musika.

* Pareng Jay was here

Phioxee said...[Reply]

hay love nga naman.

nyabach0i said...[Reply]

kalma teh. darating yan. pero pakshet noh? nakakainis talaga pag lovelife ang issue.

McRICH said...[Reply]

Pwedeng panlaban to sa contest a kaw na teh musta ka na?

KULAPITOT said...[Reply]

ahahahaha lovenga nmn .. nakaktulong tlga sa paggawa ng kanta

MEcoy said...[Reply]

pwedeng lyrics ng song to ahh

Tim Smithson said...[Reply]

Anu ba to, fainfullllss na masyado.. Aw aw aw!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review