Showing posts with label saranggola blog awards. Show all posts
Showing posts with label saranggola blog awards. Show all posts

Wednesday, 16 October 2013

Tag-ulan

Posted by iya_khin at 23:36 10 comments
Tag-ulan na naman…

Sa pinagtagpi-tagping tahanan nagkumpol-kumpol
Pira-pirasong karton, yero, lata at iba pang basurang itinapon
Maliit na espasyong animo’y humahagulgol
Mga patak ng ulan, umaagos, dumadaloy.

Si bunsong tangan ni ina sa kanyang kanlungan
Pilit sumiksik  upang maibsan ang ginaw sa katawan
Dito lang ako’t di kita iiwan marahang na bulong ni ina
Tahan na, tahan na, ang ula’y titila na.

Dapit hapon na ng si ama’y dumating
Bitbit ang mumunting sisidlan biyayang kanilang pagsasaluhan
Pagal na katawan sa maghapong pangangalakal
Napawi ng lahat ng mga supling ay kanyang nasilayan.

Tag-ulan na naman…

Magarang tahanan animo’y palasyo
Mamahaling kagamitan lahat dito’y kumpleto
Maaliwalas na paligid sya nga namang kay ganda
Yari sa bato, marmol at konkreto.

Sa malawak na silid nagkukubli’t nag-iisa
Nanginginig sa takot sa kada hataw ng kulog at kidlat
Si bunso nama’y tuloy-tuloy ang paghagulgol di matigil sa pag-iyak
Dadating pa ba’t hating gabi na wala pa si ina at ama?

Bitbit ay alak ng si ama’y dumating
Di man lang sumilip sa mga supling na naghihintay
At si ina’y langgo sa piging na kanyang pinaghandaan
Mga supling nila’y tila nakaligtaan na’t napabayaan.


Tag-ulan na naman….






Tuesday, 9 October 2012

Sa Aking Paglisan

Posted by iya_khin at 05:19 32 comments

Sadyang kay bigat ng nadarama
Mistulang istatwang di makawala
Pangamba sa buong katauha’y hindi maikaila
Sadyang kay bilis di makapaniwala.

Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Masasayang mga alaala aking binabalikbalikan
Mga ngiting alay ng iyong mga labi
Mistulang bahaghari, pag-asa na aking minumutawi.

Sa aking paglalakbay milya-milyang daa’y tinatahak
Karagatan na sadya nga namang napakalawak
Himpapawid, alapaap halos abot kamay
Oo nga’t nakakamangha, ngunit sa puso ko’y may lumbay.

Malibot ko man ang buong mundo
Mapuntahan ko man ang iba’t ibang palasyo
Masaksihan at malasap ko man ang mga rangyang alay nito
Aanhin ang lahat, kung nag-iisa naman sa ibang ibayo.

Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Syang tanging lakas upang patuloy na makipagsapalaran
Araw-araw walang patid na nananalangin
Na sana’y dumating na ang araw na ika’y makasama’t makapiling.

Sa aking paglalakbay….


Ang tulang ito ay aking opisyal na lahok para sa SARANGGOLA BLOG AWARDS 4


Wednesday, 28 September 2011

speechless me...

Posted by iya_khin at 05:07 17 comments

speechless ako....

salamat po ng marami sa nagbigay oras sa pag-gawa ng pic greetings para sa akin...sensya sa kakulitan ko!
sobrang enjoy ng berdey ko! maghapong nakamukmok sa kwarto ko salamat sa HANGOUT sa G+ nag-enjoy ako sa pagtuturo kila bino at leah kung paano magluto ng hotdog n egg at salamat nakilala ko ang bago kong kras lels ako na madaming kras. salamat sa mga nagdaang kabaliwan at kaemohan na naicontribute ng mga tao sa paligid ko. salamat din sa kaplastikan at pang-aalaska sa akin akala nyo di ko alam, salamat sa mga heyters na patuloy pa din sumusubaybay sa akin, you complete me! salamat sa mga bagong kaibigan na naging close at not so close ko dito sa bloggy world. salamat sa mga kakulitan ko sa tuwetuur, salamat sa pag memention sa akin na may kasama laging @ salamat sa pagbabasa ng maemo kong mga post. salamat sa lahat ng taong naniwala sa kakayanan ko sa PEBA at sa Saranggola isama mo pa ang KM2 sir kuya kuli paramdam u salamat sa mga secret admirers ko kapal ko i admire u too lels  salamat sa pag-ibig kung meron nga ba talaga.salamat sa LUHA kontest ko naluha talaga ako lalo na sa courier sa pinas bumaha ako ng luha buhaya takte! salamat sa mga blog nyo dami kong natutunan puro kalokohan lalo na sa blog ni mocha gspot iheyt u di na me uulit! salamat sa lahat lahat ng support nyo, salamat sa berdey greetings na bumaha sa fb at tuwetuur. salamat sa prayers nyo if ever naalala nyo ako salamat sa secrets...with s talaga! o wag nyo ng alamin secret nga eh salamat sa paalala at mga alaala ng mga tunay na nagmamahal sa akin kahit sa gabi nagmemensahe kayo..alam nyo na kung sino kayo. salamat sa lahat ng concern nyo at pag-aalala. salamat din dun sa bus na nasakyan ko sana makilala ko balang araw yung driver nun at itreat ako sa chili's, mamang driver don't wori di ako pihikan! salamat sa lahat lahat....

eto seryoso na...

i thank the Lord for giving me another year to celebrate my birthday, i thank Him for everything He has given to me. i thanks Him for His mercy and love and for the forgiveness i have received from Him, in spite of all my failures and my so called FILTHY WICKEDNESS He has been so gracious to accept me again and again. I thank Him for his unconditional love and calling me as His own. I thank Him for letting me serve Him through music and publication ministry. i thank Him for the wonderful people He has given me and also for those people He has placed to challenge me and to help me change for the better. i thank Him for always being there for me when i cry for help at times i feel so all alone.

"Lord i give you me, i give you my all, i'll hold nothing back i'll answer when you call, though i live or die your glory is my life, my royal destiny.."



Sunday, 11 September 2011

MANIKA

Posted by iya_khin at 22:54 35 comments
Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.

Aking opisyal na lahok para sa kategoryang blog freestyle
ng


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review