Showing posts with label KM2. Show all posts
Showing posts with label KM2. Show all posts

Wednesday, 28 September 2011

speechless me...

Posted by iya_khin at 05:07 17 comments

speechless ako....

salamat po ng marami sa nagbigay oras sa pag-gawa ng pic greetings para sa akin...sensya sa kakulitan ko!
sobrang enjoy ng berdey ko! maghapong nakamukmok sa kwarto ko salamat sa HANGOUT sa G+ nag-enjoy ako sa pagtuturo kila bino at leah kung paano magluto ng hotdog n egg at salamat nakilala ko ang bago kong kras lels ako na madaming kras. salamat sa mga nagdaang kabaliwan at kaemohan na naicontribute ng mga tao sa paligid ko. salamat din sa kaplastikan at pang-aalaska sa akin akala nyo di ko alam, salamat sa mga heyters na patuloy pa din sumusubaybay sa akin, you complete me! salamat sa mga bagong kaibigan na naging close at not so close ko dito sa bloggy world. salamat sa mga kakulitan ko sa tuwetuur, salamat sa pag memention sa akin na may kasama laging @ salamat sa pagbabasa ng maemo kong mga post. salamat sa lahat ng taong naniwala sa kakayanan ko sa PEBA at sa Saranggola isama mo pa ang KM2 sir kuya kuli paramdam u salamat sa mga secret admirers ko kapal ko i admire u too lels  salamat sa pag-ibig kung meron nga ba talaga.salamat sa LUHA kontest ko naluha talaga ako lalo na sa courier sa pinas bumaha ako ng luha buhaya takte! salamat sa mga blog nyo dami kong natutunan puro kalokohan lalo na sa blog ni mocha gspot iheyt u di na me uulit! salamat sa lahat lahat ng support nyo, salamat sa berdey greetings na bumaha sa fb at tuwetuur. salamat sa prayers nyo if ever naalala nyo ako salamat sa secrets...with s talaga! o wag nyo ng alamin secret nga eh salamat sa paalala at mga alaala ng mga tunay na nagmamahal sa akin kahit sa gabi nagmemensahe kayo..alam nyo na kung sino kayo. salamat sa lahat ng concern nyo at pag-aalala. salamat din dun sa bus na nasakyan ko sana makilala ko balang araw yung driver nun at itreat ako sa chili's, mamang driver don't wori di ako pihikan! salamat sa lahat lahat....

eto seryoso na...

i thank the Lord for giving me another year to celebrate my birthday, i thank Him for everything He has given to me. i thanks Him for His mercy and love and for the forgiveness i have received from Him, in spite of all my failures and my so called FILTHY WICKEDNESS He has been so gracious to accept me again and again. I thank Him for his unconditional love and calling me as His own. I thank Him for letting me serve Him through music and publication ministry. i thank Him for the wonderful people He has given me and also for those people He has placed to challenge me and to help me change for the better. i thank Him for always being there for me when i cry for help at times i feel so all alone.

"Lord i give you me, i give you my all, i'll hold nothing back i'll answer when you call, though i live or die your glory is my life, my royal destiny.."



Wednesday, 8 June 2011

KM2: LIHIM

Posted by iya_khin at 02:32 34 comments

Maharlika?! Ito ba ang inakala mong kawangis ko? Lingid sa inyong kaalaman isa akong nilalang na nagkukubli sa  kadilim-dilimang yungib, isang bukanan na tagusan daang impyerno….

Kabilugan ng buwan ako’y papalaot, mga kalalakiha’y nag-aabang na sa aki’y nahuhumaling. Sabik na malasap ang tamis ng aking halik, mga hubad na katawa’y napapaindayog sa tinis ng aking halinghing. Di nila alintana sila’y magiging pa-in sa isang hayok sa laman na handang lapain ang kanilang pinagmamalaking kuyukot na kanilang pinagkaingat-ingatan.

Lugami at pagal doon ako nasadlak, kung bakit naging ganito ang tadhanang aking nakagisnan. Sa bawat hipo ng mga lalaking mangmang, animo’y dikyang nakakapit sa aking balat nasa sobrang sakit handang-handa na akong pumaslang.

Bahay aliwan, kahalintulad sa isang pulot-pukyutan, masalimoot, malaswa, mapanganib, mga panauhi’y sa umaga’y kay banal waring masahol pa sa halimaw pagbinalot na ng kadiliman. Panibugho ko sa inyo’y umaalingawngaw, di nyo ba batid ang bakas ng peklat sa aking katauhan? Yaong niyurakan at nilapastangan..poot at galit sa aki’y namumuo at kayo’y humanda sa bangis ng aking paghihiganti!

Adhika ko’y mairaos ngayong gabi na ang pagkauhaw ko ay iyong mapunan, at luwalhati kong pasasalamatan na ng dahil sayo’y sikmura ko’y nagkaroon na naman ng laman. Bago ko iwanan ang nakahandusay mong bangkay, isang pirasong laman aking hugot sayong kalamnan, upang sa gayo’y may pang-almusal kinabukasan.

Paalam sayo mamang timang, ako’y napapagal na mga mata’y nangagalumata, salamat at nakaraos din ang gabi ng lagim...

Manananggal....oo ako nga at ikaw ay ang aking sunod na bibiktimahin.


opisyal na artikulo para sa patimpalak ni Mang Kulisap



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review