Friday, 28 December 2012

jealous is the girl

Posted by iya_khin at 07:18 16 comments
oh well cheers to that!

Monday, 24 December 2012

simoy

Posted by iya_khin at 01:40 14 comments
google

Malamig ang simoy ng hangin damang-dama ng kalamnan
Pasko na naman tila kay saya ng bawat tahanan
Mga tao'y di magkamayaw tila ba'y nag-uunahan
Lingid sa iba sa senakulo'y yaring nilalang ang syang nararanasan.

Kisap ng mga parol di maaninag
Tila ba nabulag na, wala ng liwanag
Himig ng pasko nakakatuliro, nakakabingi
Pigil na luha, eto na, dahan-dahan, ang hapdi.

Di makahinga, dibdib yaring sasabog
Pasko dapat sanay masaya ngunit sa kalungkuta'y lubog
Ito ba ang alay mong regalo?
Tunay ngang kakaiba, aginaldong alay mo.

Dahan-dahan ako'y kinikitil
Dahil sa salang di sadya ako'y itinatakwil
Minahal nga ba o pagpapanggap lamang?
Araw ng pagkabuhay syang aking pagkamatay.

Idaraos ang gabing suot ay maskara
Pipiliting maging masaya, sa harap nila'y makikitawa
Makikisalo, ikukubli ang tunay na nadarama
Pagkatapos nito'y ako'y magpapaalam na.

Malamig ang simoy ng hangin...
Manhirin mo, bukas ay muling mag-iisa...


Thursday, 20 December 2012

Daan

Posted by iya_khin at 01:11 7 comments
deviant

Patawad....patawad....hindi ko sinasadya...please huminto ka na..
Nanginginig at pahagulgol na sambit ni Clara habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa kaliwang tadyang ng asawang si Joshua habang patuloy itong tinatagasan ng dugo.

Nag-aagaw buhay...

*isa...dalawa...tatlo....

Mamatay kana!

-----

Tulong!!! Na-snatched ang bag ko!! Pasigaw ni Maria habang hingal na hingal sa paghabol sa mamang holdaper sa kahabaan ng Ermita. Nilalaman ng bag ang perang kanyang nalikom sa loob ng limang araw na paglalagi sa Casa, pangpagamot sana sa anak nyang nag-aagaw buhay dahil sa dengue.

Biglang tumunog ang telepono...

Ate, wala na si Mina...

*Miss!!!

Isang rumaragasang kotse ang biglang bumulaga sa kanyang harapan.

Nangingisay...

...durog ang ulo't labas at nagkalat ang utak.

-----

Tulalang nakatitig sa kawalan si Danilo habang nakatayo sa gilid ng ika-dalawampu't limang palapag ng gusali. Malamig ang simoy ng hangin, nakakapanindig balahibo.

Napakawalanghiya mo Brandon! Hayop ka! Nagawa mo pa talagang magdala ng putang babae dito sa loob ng pamamahay ko! Matapos kong gawin at ibigay ang lahat sayo eto pangkababuyan mo ang igaganti mo sa akin?!!

Oo! Dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mong bakla ka!! Kung baboy ako mas baboy ka, binaboy mo pagkatao ko!!!!

*Masarap ang hangin...

Parang gahibla ng balahibo...

sarap magpatangay...

Pikit mata...eto na...

-----

anong meron sa kisame? wala naman akong makita.
anong meron sa silid na 'to? heto't ako'y nag-iisa.
ano ba ang meron ka? tinangay mo pati ang aking kaluluwa.
*ano ba itong nasa leeg ko? pisi ng buhay ko.
ano ba itong nasa paanan ko? huling tungtungan ko.


Sunday, 16 December 2012

sasagutin na kita Part 2

Posted by iya_khin at 03:44 11 comments

Dahil tamad-tamaran ako kaya medyo tumagal ang pagsagot ko sa mga tanong ninyo. Pero dahil nga sa tinatamad ako ngayon magtrabaho din kaya eto't sinagutan ko na lahat ng mga katanungan ninyo. Pasensya po kung di kayo magiging satisfied sa mga answers ko kasi sa totoo lang din tinatamad ako..grabe dami kong antok as in!!

Question and Answer

Anonymous kiko said...
1) Hanggang Kailang ka magmamahal?

Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal,

Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ako’y iibig….

Naaakss kumakanta oooowww!!

2) Kung may pagkakataon kang umibig muli, ano ang ayaw mo sa kanya na dapat nyang baguhin?

Sa totoo lang hindi naman ako masyadong choosy when it comes to physical appearance….#top10lies
Yung sa ayaw naman..hmmm..many to mention..pero no.1 hate ko talaga yung yosi kadiri! Ehemm....pwede po bang itigil ang hithit buga?!!  Tas yung pagiging insensitive….

Blogger MEcoy said...
1. Love or friendship?

 Both…co’z you’ll never be lovers if you haven’t been friends…chaaarooooot!

2. how does blogging do to you?

Why so English me?!! I’m so difficulting and vibrating my brains!! What da pack!! Blogging u mean?! It’s not doing anything to me, I’m da one doing to the blog?!! So migrating!!

Seriously, this is my wayout…

BloggerNong Inong said...
Kung walang kulay pink ano na ang paboritong kulay mo at bakit?

Yellow, kasi fave song ko yung sa kanta ng Coldplay! Tas it always reminds me of someone special..yiiiiii….

 JonDmur said...
1.Bakit tumatahimik ang tao pag nasa loob na ng elevator?
2.Bakit nga ba?


oo nga ano?!! Napaisip din tuloy ako bigla! Siguro kasi pinipigilan nilang huminga, feeling na parang nakasakay lang sa ferris wheel. O di kaya baka iniisip nila yung scenario sa Resident Evil na bigla nalang may bubulaga sa kanila pagbukas ng pinto ng elevator o kaya may biglang hahatak sa kanila galing sa taas, o kaya naman eh may biglang may magpapakitang bata na hindi nyo naman kasama sa loob kanina. Basta ganun.. tulad nito.. KLIKADITO.

Blogger Bino said...
1.kung hindi kumplikado ang sitwasyon nating dalawa at hindi tayo mag-bff, pwede kayang maging tayo?

Oooommmmaaayyyguuulllaaaayy!!! BFF?!!!! Shuhada what is this?!! Di ko akalaing may pagnanasa ka pala sa akin! Wahahaha! Charoooot! Nawindang ako, pwede bang pangshowbiz ang sagot ko?! Teka pag iisipn ko yan ng bongga! hehehe

2.kung may isang kasalanan na gugustuhin mo'ng hindi maging kasalanan, ano un at bakit?

magpakamatay.... kasi kasalanan sa mata ng Diyos ang kitilin ang sarili nating buhay. Cguro kung hindi kasalanan yon matagal na akong wala sa earth...basta..napapagod na ako. Sorry sa sagot ko pero eto agad yung nag-pop-up sa isip ko.

Blogger nyabach0i said...
ano ang mas pipiliin mo. tusukin ng karayom sa mata (nang nakamulat ka malamang) or i-nail cutter ang utong mo (purol ang nail cutter at kelangan matanggal yung utong itself, yun yung goal)?

 ang brutal mo tsong!!! pero i like that ha!! kung tutusukin ng karayom ang mata tendency mabubulag ka, kung i-nail cut naman ang utong masakit din yon. try muna natin sayo tas tingnan ko reaksyon mo tsaka ako mamimili! heheheh

Blogger CheeNee said...
1.sinong blogger ang minahal mo? or mahal mo nang walang halong biro? hindi as a friend but as a lover..

Unang-una dalawa agad ang tanong mo sa no.1 pero dahil mabait ako sasagutin ko tanong mo. Blogger?!!! meron ba?!! etchusera ka ah!!! wahahaha! tanong mo sa kanya kung sino sya!

2. bakit ka iyakin???

sabi pa ni Lady Gaga, i was born this way!

Blogger Archieviner said...
Dahil sa dami ng iyong tanong namili lang ako ng dalawa, gusto ko sana sagutan lahat kaya lang dami kong katam sa katawan.

1. Sa isang eroplano, nakasakay ka. Nandun din ako. Nagcrash eto. Napunta sa isang isla na walang tao at mahirap hanapin. Tayong dalawa lang ang nabuhay sa plane crash. Anong gagawin natin?

 maglalaro ng bato-bato pik!

2. Anong paniniwala mo sa pag-ibig?

naniniwala ako na pagmaintain ang paghuhulog mo dito buwan-buwan makakapagloan ka ng house and lot! :p

Blogger Lala said...
1. babae or lalaki ba si winnie the pooh?

 bisexual!LELS

2. may katapusan ba ang pagmamahal?

 hangga't patuloy na tumitibok ang bawat puso walang katapusan ang pagmamahal. maaring napapagod at nasasaktan ito pero sa oras na makarecover ito in time eh uulit-ulitin parin nitong magmahal..kaboooom!

 MARIA said...
1. naniniwala ka ba sa TRUE LOVE? 

hindi...there's no such thing as true love, it doesn't exist, si God lang makapagbibigay ng true love, pero humanity..di cguro kasi all of us fails..para sa akin kasi love is a decision hindi naman kasi all the time totoo ka sa partner mo but you still choose to love and stay with that person in spite of indifferences. 

2. nahanap mo ba yung true love mo? Who, Where and When?

true love?! love nakahanap na ako, madami na, pero yung true di ko pa tiyak.

Blogger Akoni said...
1.Madali ako maakit sa mga babaeng mababango, kaya ang tanong ko ay ano pabango mo?

 Victoria's secret Endless love :p
Pero manong, mas mabango ako pagkatapos ko sa gym, yung moment na super pawis ko ultimo kasingit-singitan! wahahah!

 2.Pangalawa, kung nagkita tayo tapos ay accidentally nahalikan kita sa lips, would you mind it?

 lol manong napakawholesome mo naman, talagang halik lang ba gagawin mo I mean sasadyain mong gawin?!! di cguro, maputol na ang dapat maputol pero di ako naniniwalang magbebehave ka pagnagkita tayo! wahahah! kaya huwag na tayo magkita!!! wahahahah!

Blogger Anthony said...
1.Pwede rin ba akong magtanong?

 OO

2. Ay nakapagtanong na ako ng 1, so 1 na lang?

 OO ulit! :p ang tipid mo sa tanong kuya!

Blogger KULAPITOT said...
1.why the sky is blue? blue ba?!!

hindi naman ahh, kulay grey dito! :p

2.bakit may hole ang donut?

kasi mas masarap at madaling maluto yung may butas sa gitna..hmmm..ang boring ng sagot ko...lels

END



Thursday, 6 December 2012

sasagutin na kita...

Posted by iya_khin at 00:24 14 comments

Matatapos nalang ang week na 'to pero ni hindi man lang ako nakapagtipa! shuhada!! Madami dami akong work lode ngayon pero nitatamad pa akong magtrabaho. Hindi ko din maintindihan bakit ganto ako nowadays, gustong-gusto kong magsulat at gumawa ng kung ano-anong anik-anik pero di ko mapilit ang sarili ko..haay ka-sad.

Actually tinatamad na din akong magblog, ewan...wala naman kasing kakwenta-kwenta 'tong mga isinusulat ko.hmmmm....

ganto nalang...

Dahil wala akong mahagilap na maikwento, ito na yung chance nyong makapagtanong sa akin. Oo, tanungin nyo ako ng kahit ano, question and answer portion ang drama. You are free to ask me questions under the sun open to all kahit ano at susubukan kong sagutin ng madibdiban. charrr

maximum 2 lang po ang pwede nyong itanong.

Send nyo yung tanong nyo sa email na 'to iahdz09@gmail.com or di kaya pwede nyo din itipa dyan sa baba ng comment box. 

Hanggang sabado ko lang aantayin ang tanong nyo, parang deadline of submission ang arte eklabooo!

Ang pinakamagandang tanong may premyo sa akin.. kiss sabay hug! hehehe


Tuesday, 27 November 2012

wishlist 101

Posted by iya_khin at 22:29 24 comments
google

Pasko na naman o kay tulin ng araw, paskong nagdaan tila ba kung kailan lang….

Walang pasko…
Walang pasko dito sa disyerto, di ko rin naramdamang magpapasko na nga pala. Noong nakaraang taon excited ako to the hayest level kasi magbabakasyon ako, bawat araw binibilang ko dahilan sa 4 na taon bago ako makauwi. Pero ngayong taon, malamig ang pasko ko…..

ito ang patunay na excited ako last year...pindutin ITO at ITO.

Kakalungkot pero ganun talaga ang layp, minsan mapaglaro at mapagbiro. Kailangan mong maging matatag at kailangan mo din maging matapang, hindi ka pwedeng manghina kahit hinang-hina kana. Nakakaloka….

Dalawang araw nalang sana simula sa araw na ito ang schedule ko pauwi sa atin, nakaempake na sana ako nakaready na sana ang mga bagahe’t pasalubong…pero nabagong lahat ng plano…naglaho parang isang bula…sakit sa dibdib ngunit kailangan kong tanggapin..

Pero ok lang..araw-araw naman pasko diba? Hindi naman necessary na mag-antay pa ng Disyembre para maging pasko.

Malungkot..totoo..

Kaya gumawa nalang ako ng wishlist para maibsan naman ang kalungkutan ko, ito yung mga gusto kong gift na sana kahit isa man lang dito eh maambunan ako..

WISHLIST 101

1.ipad tab mini
2.iphone 5
3.blackberry 9900
5.longchamp leather sling bag
6.kipling leather sling bag
7.vans rubber shoes
8.baby-G watch
9.nike-fuelband
10.converse shoes

Hindi naman ako masyadong maluho diba? Simple lang naman yung mga gusto ko diba?! LELS
Sa totoo lang hindi po talaga ako materialistic na tao, mga pantasya ko lang ang mga yan, mamumulubi muna ko bago ko mabili lahat yan! Hehe! Kaya hanggang wish nalang sila..

At sa totoo lang ulit, isa lang naman talaga ang gusto kong regalo sa pasko, yung hindi nabibili at hindi napepeke, yung hindi nasisira at yung hindi kumukupas dumaan man ang madaming panahon…

Ito ang gusto kong gift…

….TRUE LOVE.


Monday, 26 November 2012

Liebster Award

Posted by iya_khin at 02:04 11 comments

Patok sa akin ang tanungan portion habang balisawsaw ako ngayon, kaya eto’t sasagutin ko din ang hamon ni JonDmur. Hindi ko namalayang napili nya ako maging isa sa pinagkalooban nya ng Liebster Award. I’m so touched, salamat ng maraming marami di ako makapaniwalang napasali ako.

11 things about me
(ano ba meron ako na hindi pa alam ng lahat?!!)

1.Ma-L ako!! (As in Ma-Lambing.)
2.Madali akong ma-L!! (as in madali akong Ma-in-LOVE.)
3 Ma-L talaga ako before. (Ma-Lamon.)
4.Hate na hate ko ang ma-L na tao.( Ma-Lokong tao, ayoko ng lokohan.)
5.Lagi akong L na L.(Late na Late sa pagpasok sa opis.)
6.Ayoko ng ma-L. (Ma-Lungkot.)
7.Madali din akong ma-L.(Ma-Luha.)
8.Masarap akong mag-L. (Mag-Luto.)
9.Hindi ako madaling ma-L. (Ma-Lasing.)
10.hindi po ako mahilig sa L. (Lalaki.)
11.Hindi ko rin po payborit ang letter L.

At eto naman po ang personal na katanungan ni JonDmur na buong giliw kong sinagutan, nahirapan akong sagutan!

11 Questions:

1. Motto in Life: motto talaga hindi ba quote?! Lels

ENGLISH: “be curious, not judgemental.”
TAGALOG: magpakatanga ka; hayop ka!


2. Any unforgettable Dream?

Madalas pagnanaginip ako nakakalimutan ko agad pagkagising ko. Cguro yung di ko malilimutang dream ko eh yung umiihi daw ako tas nagising akong bigla kasi basa na kama ko.

3. Most Happy Moment in Life?

Ang hirap ng tanong mo friend!!

4. Do you believed in love at first sight?  

Eh paano kung bulag ako paano ako maniniwala?! Mas naniniwala pa ako dun sa “make love at first sight!” LELS lang! Sa panahon ngayon madami ng manloloko kaya mahirap magtiwala! Ayy pwede palang mangyari pa ang love at first sight, it applies to mandurukot at magnanakaw! Love ka nila agad, love ka nilang dukutan! :p

5. If you are granted one wish what would you wish?

I wanna be a billionaire so freaking bad!

6. What is your aim in life?

AIM - To direct (a weapon) toward an intended target.  To determine a course or direct an effort.
Mag-eefort talaga akong asintahin sa ulo yung mga lokolokong dumurog at bumasag sa puso ko! Charroott!

7. What is your favorite blog post written by other blogger?

Syempre yung “Mahal kita friend” posted by my bff Bino ng Damuhan.

8. Any message to your reader?

Dear Readers (if ever meron),

Mahal ko kayo, make peace not war. Pagpasensyahan nyo po ako kung madalang lang ako sumagot sa comments nyo, feeling artista kasi ako, laging busy! Chooos! Salamat pala sa mga nagcocomment na nagfofollow back astig ang comments nyo, parang ganto lang.. “nice post you should write more often! Please follow me back!” LELS lang! stone-stone! :p

9. Please give some tips for a beginning blogger.

Sumulat ng naaayon sa dikta ng puso at isip nyo, hindi dahil sa gusto nyo lang gumaya. Naku hirap na baka makasuhan kayo ng cyber crime!

10. What is your blog’s best entry? Or any blog post that you can recommend to me?

Syempre lahat ng entry ko eh best! Naman! Magbubuhat ako ng bangko eh blog ko ‘to!
Recommend?!! Hmmmm…pwede bang lahat?!! From 2009 up to present date?!! Pwede ba?! Hehehe!
Most of or majority pala ng entries ko eh kaemohan, kaya hirap akong magrecommend baka madepressed ka lang! hehehe! joke

11. What is your definition of a best friend?

Best friend – someone who loves and accepts you inside and out. Yung ookrayin ka harap-harapan  kulang nalang sabunutan ka dahilan sa ayaw ka nyan mapahiya sa iba. Partners in crime. Simply…di yun nadedescribe talaga eh kasi nararamdaman yun hindi lang basta ipinapakitang magkaibigan kayo. Parang sa love din, alam mong may spark! Ganun!

Salamat ulit JonDmur, pagpasensyahan mo na po ako’t ibre-break ko ang rules. Mahirap kasi akong magpasa sa 11 na bloggers baka magtampo yung iba kong friends kasi they all deserve this Liebster Award! Hehehe!




Thursday, 22 November 2012

pumatol ako kay Akoni R-18

Posted by iya_khin at 00:43 16 comments

Dahil wala na naman akong magawa at as always sabaw ang utak ko kaya naisipan ko (may isip pa pala ako!) munang maglibot-libot sa himpapawid.  Dumalaw at naki-usyoso sa mga blogger friends ko tungkol sa mga latest post nila at waaaapaak na malagket maiiwasan ko bang hindi makiboso sa Kaharian ni Akonilandiya?!! Ooooyyy manong di kita prinopromote kasi ala naman nadalaw na dito sa bahay ko! I hayt you!!! :p

Ano pa ba ineexpect nyo sa blog nya?!! Kal-kal-kal-kali-kali-kalandian!!

Ewan ko ba pero parang magnet na hinahatak ako lagi sa blog bahay nya, kahit sa name ng blog nya nakakabit pa din ako! O analyze nyo – AKONILANDIYA

Anyway na challenge ako sa mga walang kakwenta-kwentang katanungan nya kaya eto’t sasagutin ko ng bonggang-bongga tulad sa planganang butas-butas ang pwet!

1.Naniniwala ka bang may dulo ang mundo? Kung oo, bakit at nasaan? Kung hindi, bakit at sino ka?

SAGOT: OO, bakit? Dulo na ng mundo mo o katapusan mo na pagnahuli ka ng asawa mong nasa kandungan ng iba!! Saan?! Lights off ba o light on?! O kung feeling nyo si Eba at Adan kayo malamang sa kakahuyan na ang huling kan.. hantungan nyo.

2.Halimbawang ikaw ay isang kulangot. Ano’ng mas gusto mo, idikit sa pader o bilogin at ipitik nalang kung saan? Kung bibilogin, bakit? At kung ididikit sa pader, bakit at ano paborito mong pagkain?

SAGOT: kung kulangot ako eh ano ka?!! anyway kung sticky kulangot malamang ididikit ako sa pader kasi kahit anong pitik mo di tatalsik yan! Yeeaahh bebe madikit!! Parang nasa sticky situation lang! Ayoko ng bibilugin kasi halintulad yun sa pambobola tas pagnasundot na yung kulangot itsapwera na, ipipitik nalang kung saan-saan! (teka may pagka-emo?!!)

Paborit food: STICK - O

3.Ayos lang ba sa’yo na maging gamot sa lahat ng uri ng sakit ang semen mo o tam*d mo? kung oo, apir tayo. Gawa tayo ng group, tawagin natin the C-MEN or the T-MOOD! Kung hindi naman, mamatay ka sa sakit 'di kita gagamotin, basag trip ka.

SAGOT: May tam*d ba ako?! Di ko kasi namamalayan eh nakapikit ako! LELS
Sa pagkakaalam ko magandang gamot nga yun, pampawala ng stress at pampabata! MAGIC! After 9 months mawawala stress mo kasi may batang lalabas! O ha!! Yun lang pag ginawa mo yun sa 1 night stand patay kang bata ka!

PS: Dati nung nasa ilalim ako ng kama ng pinsan ko naglalaro, nakita ko sa pinapanood nila nilalagay nila yun sa mukha, pang facial din pala yun ano?!

4.Naranasan mo na bang matae sa pantalon? Kung oo, braahahahahahahaha, ngowahahahaha. Kung hindi pa, sana mangayri ‘yun soon!

SAGOT: Matae?!! Maipot oo! Nung isang linggo lang, natutulog na ako tas bigla akong nautot, tas feeling ko nawiwiwi ako tas antok na antok akong tumayo punta ng banyo, tas nung nakikilig-kilig na ako sa pagwiwi ko eh biglang may tumambad sa white na panty ko!! oh-lah-lah!! Feels like M&M, melts in your mouth not in your hand!

5.Kung papangalan mo ng ibang pangalan ang kamay mo maliban sa mariang palad, ano ito? Sa akin ay My Beautiful Affair (kanan) at My Secret Affair (Kaliwa).

SAGOT: (left hand) CALI CULLEN – inspired sa Twilight Saga
                (right hand) INDIANA JONES – fave ko kasi yung song na 1 little 2 little 3 little indians

6.Kung mababaliw ka ano gusto mo, baliw na kinakausap ang sarili o baliw na hinahanap ang sarili? Bakit at sino ang tunay na baliw?

SAGOT: manong inborn ako dyan! ALL OF D ABOVE! Madalas kong kausapin ang sarili ko lalo na pagnakaharap ako sa salamin. Madalas din hinahanap ko yung sarili ko lalo na pagwala ako sa sarili. Ay ewan! Tulad ngayon wala ako sa sarili ko kasi nawiwindang ako at pinapatulan ko pa din tong mga kabalahuraan mong tanong! I hayt you talaga manong!!

PS ulit: naalala ko nawala din ako sa sarili ko dati tas namalayan ko nalang nanghihina ako, umabsent ako nun eh! :p

7.Ano sa palagay mo ang nasa isip ko ngayon habang sinusulat ito? Wild guess lang. Makatama, may tama din.

SAGOT: ngayon ko lang nalaman manong na may isip ka din pala!!! LELS
Nasa kubeta ka’t umeebs habang tinitipa mo to sa isipan mo! I smell you from head to toe!

8.Naniniwala ka bang tae ng isang hayop ang itlog (ng manok)? Kung oo, kumakain ka pala ng tae? Kung hindi, ipaliwag kung bakit masarap ito lalo na kapag binateee…aahhh…oohh…yeeahhh! At ikumpara sa itlog ng tao.

SAGOT: nasubukan mo na bang obserbahan ang manok kung may keps sila?! Hmmm…sabagay yung wetpaks nila pagniluluto mo korteng keps! Favorite ko yung pwet na nilalabasan ng itlog ng manok at oo kumakain ako ng itlog, ayoko ng binate gusto ko yung hard!

Teka, tao ba kamo?!! :P

9.Payag ka bang ibalik ang pinoy bold movies?
Piliin ang sagot;

A.      OO, payag na payag *Slurp*
B.      Letter C
C.      Letter A

SAGOT: sa totoo lang di ako nanonood ng mga ganyan, pero kung ikaw ang gaganap eh malamang A B C ang sagot ko! nakakaexcite kaya manood lalo na kung alon-alon ang abs na makikita mo kay Akoni! LELS ulit!

10. Expected mo na bang may mga pang R-18 sa mga tanong ko? Kung oo, kiss mo ko. Kung hindi, magtanong ka sa buwan.

SAGOT: Manong di na itinatanong yan likas na yan sayo! Kiss lang ba gusto mo?! eh more than that pa ang naibigay ko sayo… ang aking pu-pu-pu……. puteeeek dito na amo ko!!!!


-END


Tuesday, 13 November 2012

fickle..

Posted by iya_khin at 01:58 5 comments

“you’d think that silence would be peaceful. But really, it’spainful.” – David Levithan

Lying in my bed
Turbulence inside my head
This loneliness inside of me
Damn, why you just don’t kill me.

Yeah, maybe I’m better off alone
Rather than to be with someone who can’t be my own
I rather be sad and empty
Than live surrounded by lies and wary.

I'm selfish, impatient and a little insecure just likeMarilyn Monroe
I make mistakes, I am out of control and at times hard tohandle.
Yes, I’m a psycho, a freak or maybe a bitch
A ragged doll, used and ditched.

But I’m just a girl who’s just protecting herself
I live in the past that nobody wants to watch
Nobody understand and no one can stand
No one to save me…I can’t even demand.

So silence is all that’s left in me
My cure even everyone else don’t agree
In quietness I hide
Bleeding and slowly restoring myself.



Thursday, 8 November 2012

separate lives...

Posted by iya_khin at 02:17 6 comments
Someday you'll forget about me..
it will hurt just a little while...
but sooner or later..
we'll be better in time.


SEPARATE LIVES
Phil Collins & Marilyn Martin

You called me from the room in your hotel
All full of romance for someone that you met
And telling me how sorry you were, leaving so soon
And that you miss me sometimes when you're alone in your room
Do I feel lonely too?

You have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
We can't go on just holding on to time
Now that we're living separate lives

Well I held on to let you go
And if you lost your love for me, well you never let it show
There was no way to compromise
So now we're living (living)
Separate lives

Ooh, it's so typical, love leads to isolation
So you build that wall (build that wall)
Yes, you build that wall (build that wall)
And you make it stronger

Well you have no right to ask me how I feel
You have no right to speak to me so kind
Someday I might (I might) find myself looking in your eyes
But for now, we'll go on living separate lives
Yes for now, we'll go on living separate lives
Separate lives

 



Monday, 5 November 2012

food-tasy

Posted by iya_khin at 00:20 8 comments
google

Haaaissst hirap na talaga akong mag-update ng blog ko puro sabaw na nasa utak ko, ay mali pala tuyot na! Dami ko sanang gustong ikwento pero masyadong personal kaya huwag nalang, baka kasi di nyo makayanan tsaka kahit ako hirap na hirap kayanin..ayyy ewan!

Nagugutom ako...

Parandom post muna, ‘to yung mga food na pinagpapantasyahan kong kainin sa mga oras na ‘to:

1. adobo (atay at balunbalunan) liver and gizzard – gusto ko yung pinatuyo!
2. prito/inihaw na tilapia w/ bagoong at kamatis – kumakain ako habang nasa gilid ng ilog.
3. bulalo – para sipsipin ang utak at humigop ng sabaw.
4. crispy pata – aaayayayyy magdagdag ng kolesterol!
5. bopis – yung madaming sili!
6. tinolang manok – native na manok o yung namurder sa sabong!
7. sinaing na tulingan – dapat madami sinaing na kanin.
8. pulang itlog w/ kamatis at manga – walang kaeffort-effort pero dami kong kain nito.
9. daing / tuyo / bulad – samahan mo ng pinakurat na suka at sili!
10. letchon – mag- bp muna bago lumapa!
11. balot – nangangatog ang tuhod ko kaya need ko nito.
12. laeng – madaming madaming sili at baboy at dilis!!!
13. adobong tahong – namiss ko ‘to samahan mo ng alak on da side!!
14. barbeque na isaw baboy / manok – sarap isawsaw sa sukang punong-puno ng sibuyas bawang at sili!
15. inihaw na pusit – amoy palang napapa- ummmmm na ako.
16. sushi / maki rolls – wasabi and soy sauce my all time favorite!!
17. adobong kangkong / sitaw – something green.
18. fried chicken thigh part - yung jumbo tas maraming-maraming ketchup or oyster sauce or maggi savor sa mainit na rice.
19. pasta / noodles / pizza – any of the three!
20. steak - medium rare yung madugo-dugo pa...sarap!

Lastly ito pinakagusto ko….

21. lalaki – finger licking good! Yummy! LELS

Epekto na ‘to ng gutom ko last kong kain nung sabado pa ng umaga…naghahallucinate na ata ako…


Wednesday, 31 October 2012

tula 101

Posted by iya_khin at 04:08 11 comments
wagas

Basag basag na pangarap isa-isang pinupulot
Pirapirasong alaala unti-unting hinahabi
Sa pagkakalugmok dahan-dahang bumabangon
Bangungot ng kahapon syang ibinabaon sa limot.

Sa kabila ng lahat puso’y patuloy na nanaghoy
Mga patak ng luha sadyang di mapigilang dumaloy
Pagsapit ng dilim pilit itinatago’t inililihim
Damang dama yaring sakit naninimdim.

Makakaya mo bang mahalin ang isang tulad ko,
Yaring sira-sira buong pagkatao ko?
Hindi perpekto’t madungis ang nakalipas
Kung di rin lang nanaisin nalamang magwakas.

Hanggad ko lamang na ako’y mahalin
Tunay at wagas yung matatawag kong akin
Hindi ako laruan para iyong pagkatuwaan
Ako’y tao lang marupok nasasaktan.

Hawakan mo ang aking mga kamay
Damhin mo ang mga yakap ng katawan kong lupaypay
Tamis ng aking mga halik sayo’y iaalay
Puso kong sawi wag mo sana hayaang mamatay.


Tuesday, 23 October 2012

undercover

Posted by iya_khin at 04:27 12 comments
tumblr
Side by side laying down next to you
Touching you as I feel the warmth of your skin
Never have I imagined that we’ll be as close as this
Too good to be true but here now I’m with you.

I’ve searched for you all my life
Been into many places high and low
Crossed the deep blue ocean, 
Gazed upon the city skyline
and might see you in the twilight.

In the midst of my sanity I’ve waited
Listened to music ‘til my head bleeds
Held back myself though I’m about to fall
Clock’s ticking I’m almost tired chasing.

Then suddenly a door has opened
Went inside this cold dark room I was about to trip
And to my surprise someone was waiting
It was hiding underneath those black sheets.

You’re so cryptic never gave me a clue
All these years I’ve been looking for you
You’re supernatural that’s why I love you
Yes I found you covered with your tattoos.


Sunday, 21 October 2012

it's sunday...emo day...

Posted by iya_khin at 04:08 8 comments
google

“ Minsan kailangan mong pakawalan yung mga bagay na nagpapasaya sayo, lalo na’t sa umpisa palang alam mo ng hindi ito laan para sayo.”

“Paano mo ipaglalaban ang isang bagay na alam mong wala ka naman talagang kalaban-laban?”

“Paalam....salitang kay hirap bitawan, isang salitang malalim kung makatagos sa puso lalo na’t ang salitang ito ay nagmumula sa isang taong napakahalaga sayo o nagmumula sayo mismo. “

Eto na naman at inaatake na naman ako ng kaemohan sa katawan ko, kelan kaya ako maglelevel up at iba naman ang maitipa ko. Omen na talaga siguro sa akin ang pagiging madrama, aba ewan! Kung sana man lang eh may makadiscover sa akin para naman pagkaperahan ko ‘tong kakanguyngoy ko at kakaiyak, sana yung luha ko kumikita ng salapi! Tsk! Asa!

Hindi naman ako mahilig manood ng teleserye, di din naman ako mahilig talaga manood ng tv lalo na kung kadramahan ang palabas. Madrama na nga ako sa totoong buhay makikidrama pa ba ako sa mga palabas sa tv hindi siguro!

Ewan ko ba pero nung isang araw umiyak lang ako ng umiyak magdamag, di ko din maintidihan sarili ko. Basta umiyak lang ako ng bonggang bongga hanggang sa magmugto ang mga mata ko hanggang 1pm til 5am. Oo ako na! Basta pag uwi ko ng bahay nagpalit lang ako ng damit pambahay tas nahiga tas nagpatugtog sa ipod ko..playing..album ni Adele, tas yon..BOOM!

Hiding my Heart Away by Adele, ‘to yung song na paulit-ulit kong niplay, paulit-ulit…….hanggang mag-sink in..aaaggghh…dinama ko talaga ang lyrics ng song na ‘to..kakalungkot talaga..putek naiiyak na naman ako.

"I wish I could lay down beside you
When the day is done
And wake up to your face
Against the morning sun
But like everything I've ever known
You'll disappear one day
So I'll spend my whole life hiding my heart away."

Sabi nila huwag kang makikinig ng songs ni Adele lalo na pag nag-iisa ka, pero matigas ang ulo ko nakikinig pa din ako. Di ko talaga mapigilan yung sarili ko sa pag-iyak para tuloy akong lokaloka! As if naman hindi! Ang daming pumapasok sa utak ko na nagdulot o ha dulot talaga ng pasakit sa puso ko nahirapan tuloy akong makahinga….

Sa aking silid ako’y nagkubli
Mga matang luhaan sarili ko’y sinisisi
Mga bagay na sa aki’y bumabagabag
Pag-ibig ang kailangan hindi ang iyong habag.

Sa aking pag-iisa kalungkuta’y damang dama
Pangunguli sa kahapong kay ganda’t kay saya
Ngunit naglahong lahat ng siya’y lumisan
Pighati’t pasakit ang kanyang idinulot ng ako’y kanyang iwan.

Ngayon heto ka’t nag-aalay ng iyong pag-ibig
Pag-ibig nga ba at hindi kasinungalingan ng iyong bibig?
Sa tulad kong nakakulong sa hawla
Makakaya mo bang ako’y mapalaya?

Kung hindi lang tunay itigil mo na
Masasayang lang ang pahon masasaktan mo pa
Pagkatao ko’y  yaring basag na basag na
Mas mabuti pang mag-isa kung wala din naman pag-asa.


Haaayyy…it’s Sunday at nasimulan ko ng ganitong post, saya….




Monday, 15 October 2012

Si Aida, Si Lorna, Si Fe at AKO

Posted by iya_khin at 05:43 7 comments
google
Tatlong babae, di magkamayaw kung sino
Tatlong alas, ang pang-apat ay ako
Tatlong mukha, kaakit-akit, nakakalito
Tatlong eba, sinong pipiliin mo?

Si Aida, isang babaeng mayumi
Di makabasag pinggan animo di’y pipi
Kagandahang taglay, ika’y lubos na mawiwili
Huwag kang palinlang, si Aida’y may sapi.

Si Lorna, kakaiba parang lalaki kung umasta
Takot sa kanya maging mga basagulero sa kalsada
Maliksi, palaban di patutumba
Ngunit sa tuwing nag-iisa, luha’y dumadaloy sa kanyang mga mata.

Si Fe, haliparot, pokpok, malandi, kaladkarin
Walang modo, bastos, boba ganun kung sya’y tawagin.
Kaliwa’t kanan lalaki nya’y kay dami-dami,
Isa,dalawa,tatlo, kasinungalingang kanilang sabi-sabi.

Si Aida, Si Lorna, Si Fe
Iba’t ibang karakter, iba’t ibang pagkatao
Balat kayo, balat kayo, sino ba sa kanila ang totoo?
Tatlong babae, mga mata’y imulat ninyo.

Si Aida, Si Lorna, Si Fe
Hulaan mo, kilala mo ba sila?
Masasabi mo ba kung sila’y nasa harapan mo na?
O sandyang bulag ka, ayan na’t di mo pa rin alintana.

Si Aida, Si Lorna, si Fe at Ako
Bakit pati sarili ko’y idinadamay ko dito?
Tatlong babae, ano ba ang mapapansin nyo?
Katulad din nilang tatlo…

……..hindi ako perpekto.


Tuesday, 9 October 2012

Sa Aking Paglisan

Posted by iya_khin at 05:19 14 comments

Sadyang kay bigat ng nadarama
Mistulang istatwang di makawala
Pangamba sa buong katauha’y hindi maikaila
Sadyang kay bilis di makapaniwala.

Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Masasayang mga alaala aking binabalikbalikan
Mga ngiting alay ng iyong mga labi
Mistulang bahaghari, pag-asa na aking minumutawi.

Sa aking paglalakbay milya-milyang daa’y tinatahak
Karagatan na sadya nga namang napakalawak
Himpapawid, alapaap halos abot kamay
Oo nga’t nakakamangha, ngunit sa puso ko’y may lumbay.

Malibot ko man ang buong mundo
Mapuntahan ko man ang iba’t ibang palasyo
Masaksihan at malasap ko man ang mga rangyang alay nito
Aanhin ang lahat, kung nag-iisa naman sa ibang ibayo.

Sa aking paglisan bitbit ang iyong larawan
Syang tanging lakas upang patuloy na makipagsapalaran
Araw-araw walang patid na nananalangin
Na sana’y dumating na ang araw na ika’y makasama’t makapiling.

Sa aking paglalakbay….


Ang tulang ito ay aking opisyal na lahok para sa SARANGGOLA BLOG AWARDS 4


Monday, 1 October 2012

i'm loving angels instead

Posted by iya_khin at 04:31 11 comments

I sit and wait
Does an angel contemplate my fate
And do they know
The places where we go
When we're grey and old
'Cause I have been told
That salvation lets their wings unfold
So when I'm lying in my bed
Thoughts running through my head
And I feel the love is dead
I'm loving angels instead

Eto na naman mga emoshits ko, my gwaaaadddd ganto nalang ba lagi?!!

Sa kaiisip ko sa’yo, nalimutan ko nang mabuhay at untiang namamatay, Paikot-ikot-ikot-ikot-ikot-ikot-ikot-ikot….

Huwag kasing mag-eexpect ng sobra! Nakamamatay!
Tough?! Who?! Me?!! In denial pwede pa siguro, nakakapagod na… lagi nalang umaasa, lagi nalang nag-hihintay, magmamahal, masasaktan… iiwan.. paksyet!! Wala ba akong K na maging masaya? Sukang-suka na ako sa paulit-ulit na pangyayari sa buhay ko, para tuloy panandaliang aliw, parang 1 night stand, parang isang kisap mata….

kanikanina lang pagkaganda, kanikanina lang pagkasaya-saya..

I started a joke, which started the whole world crying, But I didn't see that the joke was on me, oh no.

Little tongue be careful what you say, what you say… natatablan din ako sa kataliman nito...

Nasasad lang ako now…na naman…yoko ng i-elaborate..it’s just the same topic different stories..yaan na nga..sanay na naman akong nasasaktan ng paulit-ulit…bbbrrrrrrrrr…..

Last week pala I celebrated my 25th birthday…chooos! Di ko pala isinelebrate, nisuprised dinner treat pala ako ng mga kaopismayt ko courtesy of our very BIG boss MD. Thank you talaga sa inyo pinaiyak nyo na naman ako… dahil pala birthday ko binigyan ko ng gift ang sarili ko..asa pa ba akong may magreregalo sa akin?!! Di siguro.. I’m nobody kaya di ko na inaasahan yon..

Last, last, last at isa pang last week eh nihalughog ko si mang-google… naghahanap ako ng sakit sa katawan! Puro kasi puso at utak ko lang ang nasasaktan kaya para maiba naman katawan ko naman ang sasaktan ko…yeeeah let’s get physical!!

Alam nyo ba na mahilig ako sa angels?! Isali nyo pa si Angel Locsin basta angel gusto ko, mapapicture, wallpapers, figurines, books, ect.. anything basta about angels. Pinaayos ko kasi yung old tattoo ko which I have since 1998. Ayun magbilang kayo!  Actually I was inspired by it because of my mom; she’s the most beautiful angel I’ve ever seen! I love her so much…hala…naiiyak na naman ako…oh I’m missing her so much.

Hindi lang basta angel ang tingin ko sa kanya, she’s my everything. Sa lahat ng bagay she’s always there for me that’s why I feel so secure because of her.

So last week I found this website and met this AWESOME tattoo artist! Click nyo DITO!

Una ko palang makita yung blog nya ramdam ko na talaga na HE’s D ONE! Where have you been all my la-hahahaaayypp??! LELS
Tagal ko na talaga kasing naghahanap ng gagawa ng tattoo ko as in! See it took me more than a decade searching for the right person and baby now that I found you I won’t let you go…yiiiiiii! 
my old tattoo
needles...
and there she is!

Thank you po, you just don't know how much it means to me.....

And through it all she offers me protection
A lot of love and affection
Whether I'm right or wrong
And down the waterfall
Wherever it may take me
I know that life won't break me
When I come to call, she won't forsake me
I'm loving angels instead

 


Tuesday, 25 September 2012

balloons...

Posted by iya_khin at 22:01 9 comments

fly high my love
aim high 'til you reach the sky,
goodbye to you my love
i'll be gone so don't wait i won't be home.




Monday, 24 September 2012

emo as always

Posted by iya_khin at 04:37 10 comments

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang post na ‘to, hirap akong magtipa ngayong mga panahong ‘to. Hindi ko din alam kung may napapadaaan pa sa blog kong ‘to pero yaan na basta try ko lang ulit mag-update baka sakaling may mapadaan at maglaan ng time para magbasa.

Sad..lagi naman diba..ano pa ba ini-expect nyo sa blog kong ‘to? Hindi po ako nandadamay para malungkot kayo or what pero ito kasi ang hingahan ko….di po ako nagkakalat ng negative vibes.
 
Lahat ng kaemohan at  pasakit sa katawan lalo na sa puso pati na din sa coconut shell ko eh napagdaanan ko na ata..halos gutay-gutay na ako at basag na basag na…durog kung durog..ewan….Gusto kong magsisisigaw, gusto ko din umiyak ng umiyak buong araw kaso di ko magawa..bato na ata ako.

Halos every week gusto kong lumaklak ng alak, badtrip lang di na ako tinatablan manhid na nga yata ang katawan ko. Araw-araw nagbababad din ako sa gym pagkatapos ng trabaho, dumideretso na ako don para pahirapan at pagurin ang sarili ko to the extent na maubos lahat ng lakas ko para pag-uwi ng bahay bangenge na ko sa pagod…wala ng time mag-isip…ngarag na..
 Pero madalas niloloko ko lang ang sarili ko. Oo nga, nakita nyo na ba ako ngayon? Ang sexy ko na (mag-bibitbit ng bangko!) pero ang tanong masaya ba ako?!!! #BOOM!

“Lingid sa inyo kalungkutan ko’y umaapaw,
pagluluksa sa katauha’y dumadaloy nangingibabaw,
maskarang suot di nyo alintana
ngiti sa mukha’y pilit kong ipinipinta.”

Gusto kong dayain ang sarili ko, gusto kong takasan lahat ng mga gulo at gusot sa buhay ko. Ang hirap lalo na pagwala kang karamay. Meron ngang dumating pero ano?! Masahol pa sila sa ahas, sinakmal kana nga pipigain ka pa, pagwala na silang makuha bigla kang bibitawan at iiwang lupaypay. Bato-bato matamaan ka sana! Nasaan KA, KAYO ngayong naghihingalo ako?!!

“Buti nalang din may bagong kaibigang nakilala
Kanya-kanyang pwesto sa kadilima’y parehong nangangapa
Ako, siya, sila, kami pareparehong nakatunganga
Sa silid pampalakasan nagpapagal, umaasa.”

Si Anna, si Ria, si Jass….di palang ganun katagal pero para kaming Nokia, we connect! (ala special mention lang! Mema lang! :p)

Sabi ng iba mag-enjoy lang daw ako, enjoy?!! SPELL?!! At the end of the day backstroke na naman ako ng bonggang-bongga, mas malupit pa sa plangganang butas!
Gusto kong mainlove, I mean inlove pala ako…pero bawal…pigil..ayoko na…masasaktan na naman ako..katakot na…mahirap magtiwala…baka sa huli lolokohin lang din ako at iiwan.. ewan..ang gulo…nakakabaliw….pero mahal ko na….yun lang…

I miss my mom…
I miss my dad…
I miss my brothers…
I miss my son…
I miss me…
Birthday ko pala…happy birthday to myself…cheers!



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review