Tuesday, 27 November 2012

wishlist 101

Posted by iya_khin at 22:29
google

Pasko na naman o kay tulin ng araw, paskong nagdaan tila ba kung kailan lang….

Walang pasko…
Walang pasko dito sa disyerto, di ko rin naramdamang magpapasko na nga pala. Noong nakaraang taon excited ako to the hayest level kasi magbabakasyon ako, bawat araw binibilang ko dahilan sa 4 na taon bago ako makauwi. Pero ngayong taon, malamig ang pasko ko…..

ito ang patunay na excited ako last year...pindutin ITO at ITO.

Kakalungkot pero ganun talaga ang layp, minsan mapaglaro at mapagbiro. Kailangan mong maging matatag at kailangan mo din maging matapang, hindi ka pwedeng manghina kahit hinang-hina kana. Nakakaloka….

Dalawang araw nalang sana simula sa araw na ito ang schedule ko pauwi sa atin, nakaempake na sana ako nakaready na sana ang mga bagahe’t pasalubong…pero nabagong lahat ng plano…naglaho parang isang bula…sakit sa dibdib ngunit kailangan kong tanggapin..

Pero ok lang..araw-araw naman pasko diba? Hindi naman necessary na mag-antay pa ng Disyembre para maging pasko.

Malungkot..totoo..

Kaya gumawa nalang ako ng wishlist para maibsan naman ang kalungkutan ko, ito yung mga gusto kong gift na sana kahit isa man lang dito eh maambunan ako..

WISHLIST 101

1.ipad tab mini
2.iphone 5
3.blackberry 9900
5.longchamp leather sling bag
6.kipling leather sling bag
7.vans rubber shoes
8.baby-G watch
9.nike-fuelband
10.converse shoes

Hindi naman ako masyadong maluho diba? Simple lang naman yung mga gusto ko diba?! LELS
Sa totoo lang hindi po talaga ako materialistic na tao, mga pantasya ko lang ang mga yan, mamumulubi muna ko bago ko mabili lahat yan! Hehe! Kaya hanggang wish nalang sila..

At sa totoo lang ulit, isa lang naman talaga ang gusto kong regalo sa pasko, yung hindi nabibili at hindi napepeke, yung hindi nasisira at yung hindi kumukupas dumaan man ang madaming panahon…

Ito ang gusto kong gift…

….TRUE LOVE.


24 comments:

Ms. Leeh said...[Reply]

may magreregalo din sayo ng true love ms.Iyah .. :)

wag na malungkot, darating din ang araw para sa mga walang mapaglagyan na kasiyahan .. ganun talaga ang buhay ..

"the best way out of difficulties is through it"

motto ko yan :)

nyabach0i said...[Reply]

PAREHO TAYO SA TRUE LOVE! ahahaha.
tsaka sa chuck taylor. hahaha. magkakaroon ka niyan promise.

fiel-kun said...[Reply]

Iya_khin *hugs* mahirap talaga ang mamuhay sa gitnang silangan lalo pa ngayon magpapasko na at malayo ka sa pamilya. pero marami naman ibang paraan makita or makausap mo sila diba? nanjan ang cellphone, skype, fb :)

di ba walang imposible kay Lord? kapit ka lang. wag bibitiw.

wish ko din na matupad ang mga nasa list mo :)

cheer up and happy christmas!

MEcoy said...[Reply]

haha bigat ata sa bulsa ng wish list mo iya baka magreklamo si santa hahaha

Jondmur said...[Reply]

astig ang true love.. sana makuha mo na un..

nakaka sad nga ang nangyari.. kasi na set na ang mind mo... sayang kasi di matutuloy ang pag uwi mo..

pero enjoy pa rin Pasko... ang mahalaga okay ang lahat ...

enjoy lang sa disyerto... tulad ko enjoy enjoy lang din... kahit nakaka miss ang Pinas...

jelai♥ said...[Reply]

wala bang mas-che-cheap ba dyan??@! hehehehe

well! Same lang tayo girl. MAtaas din ang pangangailangan ko. ;=)

Archieviner VersionX said...[Reply]

Huwaw true love. Kaya ko world peace ang wish mo. hehe. Nasa disyerto ka pala Ms. Iya. Ako naman ay nasa South Pacific. Good luck sa mga wishes mo :)

Marjorie said...[Reply]

Sobrang cute naman nitong blog mo, I like the header, the labels, especially the font!

May kamahalan ang nasa wishlist mo pero kung may magbibigay sayo, why not!

Ako din, I want true love. It's weird though na kung ano pa yung hindi nabibili ng pera yun pa ang pinakamahirap makuha.

Anonymous said...[Reply]

sorry bff di kita mabibigyan ng true love. friends lang tayo for now joke ! :D

Mac Callister said...[Reply]

Hala

Bakit 4 yrs di nakakauwi?

iya_khin said...[Reply]

@akoSi leeh sana nga...

iya_khin said...[Reply]

@nyabach0i hehe sana yung converse na chuck hindi si chucky yun scary doll! wahahah

iya_khin said...[Reply]

@fiel-kuntama, all things are possible in Christ!

iya_khin said...[Reply]

@MEcoy hahaha! wla ng bibigat sa abs nya! :p

iya_khin said...[Reply]

@JonDmur saan ka po ba banda sir?!

iya_khin said...[Reply]

@~✯*Jela*✯~ hahaha! pwede naman dummy eh! :p

iya_khin said...[Reply]

@Archieviner opo nasa disyerto ako at naghuhukay! lol

iya_khin said...[Reply]

@Marjorie Gavan salamat sa papuri! :)

oo hirap talaga kasi yung talagang mga gusto natin eh hindi kayang bilhin at hindi talaga nabibili..

iya_khin said...[Reply]

@Bino wahahaha! adik ka bff! ooooiiist miss kta!

iya_khin said...[Reply]

@Mac Callister maraming issue ang nangyari dito sa disyerto...

khantotantra said...[Reply]

psssst..... may bumubulong sabi magkakatotoo na daw wish mo about true love. ilang tambling na lang daw.... konting tiis na lang daw. :D

sayang at di ka makakauwi dis christmas, di ka makakapunta sa saranggola blog awards (as if na makakapunta ako. hehehehe). :D

iya_khin said...[Reply]

@khantotantradati kasi di ka din pumunta! hehe

mots said...[Reply]

dahil hindi ka raw makaka-uwi, at imposibleng makumpleto raw ang wishlist agad..ipapadala na raw ni lord ang iyong true love hihiih

iya_khin said...[Reply]

@sir mots gusto ko yan! Amen!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review