Monday, 26 November 2012

Liebster Award

Posted by iya_khin at 02:04

Patok sa akin ang tanungan portion habang balisawsaw ako ngayon, kaya eto’t sasagutin ko din ang hamon ni JonDmur. Hindi ko namalayang napili nya ako maging isa sa pinagkalooban nya ng Liebster Award. I’m so touched, salamat ng maraming marami di ako makapaniwalang napasali ako.

11 things about me
(ano ba meron ako na hindi pa alam ng lahat?!!)

1.Ma-L ako!! (As in Ma-Lambing.)
2.Madali akong ma-L!! (as in madali akong Ma-in-LOVE.)
3 Ma-L talaga ako before. (Ma-Lamon.)
4.Hate na hate ko ang ma-L na tao.( Ma-Lokong tao, ayoko ng lokohan.)
5.Lagi akong L na L.(Late na Late sa pagpasok sa opis.)
6.Ayoko ng ma-L. (Ma-Lungkot.)
7.Madali din akong ma-L.(Ma-Luha.)
8.Masarap akong mag-L. (Mag-Luto.)
9.Hindi ako madaling ma-L. (Ma-Lasing.)
10.hindi po ako mahilig sa L. (Lalaki.)
11.Hindi ko rin po payborit ang letter L.

At eto naman po ang personal na katanungan ni JonDmur na buong giliw kong sinagutan, nahirapan akong sagutan!

11 Questions:

1. Motto in Life: motto talaga hindi ba quote?! Lels

ENGLISH: “be curious, not judgemental.”
TAGALOG: magpakatanga ka; hayop ka!


2. Any unforgettable Dream?

Madalas pagnanaginip ako nakakalimutan ko agad pagkagising ko. Cguro yung di ko malilimutang dream ko eh yung umiihi daw ako tas nagising akong bigla kasi basa na kama ko.

3. Most Happy Moment in Life?

Ang hirap ng tanong mo friend!!

4. Do you believed in love at first sight?  

Eh paano kung bulag ako paano ako maniniwala?! Mas naniniwala pa ako dun sa “make love at first sight!” LELS lang! Sa panahon ngayon madami ng manloloko kaya mahirap magtiwala! Ayy pwede palang mangyari pa ang love at first sight, it applies to mandurukot at magnanakaw! Love ka nila agad, love ka nilang dukutan! :p

5. If you are granted one wish what would you wish?

I wanna be a billionaire so freaking bad!

6. What is your aim in life?

AIM - To direct (a weapon) toward an intended target.  To determine a course or direct an effort.
Mag-eefort talaga akong asintahin sa ulo yung mga lokolokong dumurog at bumasag sa puso ko! Charroott!

7. What is your favorite blog post written by other blogger?

Syempre yung “Mahal kita friend” posted by my bff Bino ng Damuhan.

8. Any message to your reader?

Dear Readers (if ever meron),

Mahal ko kayo, make peace not war. Pagpasensyahan nyo po ako kung madalang lang ako sumagot sa comments nyo, feeling artista kasi ako, laging busy! Chooos! Salamat pala sa mga nagcocomment na nagfofollow back astig ang comments nyo, parang ganto lang.. “nice post you should write more often! Please follow me back!” LELS lang! stone-stone! :p

9. Please give some tips for a beginning blogger.

Sumulat ng naaayon sa dikta ng puso at isip nyo, hindi dahil sa gusto nyo lang gumaya. Naku hirap na baka makasuhan kayo ng cyber crime!

10. What is your blog’s best entry? Or any blog post that you can recommend to me?

Syempre lahat ng entry ko eh best! Naman! Magbubuhat ako ng bangko eh blog ko ‘to!
Recommend?!! Hmmmm…pwede bang lahat?!! From 2009 up to present date?!! Pwede ba?! Hehehe!
Most of or majority pala ng entries ko eh kaemohan, kaya hirap akong magrecommend baka madepressed ka lang! hehehe! joke

11. What is your definition of a best friend?

Best friend – someone who loves and accepts you inside and out. Yung ookrayin ka harap-harapan  kulang nalang sabunutan ka dahilan sa ayaw ka nyan mapahiya sa iba. Partners in crime. Simply…di yun nadedescribe talaga eh kasi nararamdaman yun hindi lang basta ipinapakitang magkaibigan kayo. Parang sa love din, alam mong may spark! Ganun!

Salamat ulit JonDmur, pagpasensyahan mo na po ako’t ibre-break ko ang rules. Mahirap kasi akong magpasa sa 11 na bloggers baka magtampo yung iba kong friends kasi they all deserve this Liebster Award! Hehehe!




11 comments:

JonDmur said...[Reply]

ayos ah! naaliw naman ako sa mga sagot mo ^^ nakakatuwa ung 11 things about you... talagang di ka mahilig sa letter L hehehe

Like ko ung definition mo sa bestfriend... ^^

Thanks sa pagsagot at pag accept ng award hehehe ^___^

Smile smile lang ^^

Archieviner said...[Reply]

NaLaliw ako sa mga Lagot mo. Ma L ka pala. as in ma Laling at maLaya magsulat.lol Tawa ako sa love at first sight lalo sa Lagnanakaw. haha.

May Latutunan din ako sa mga Lagot mo. Ang maging ma L maLulat ng naayon sa Luso at Lisip :)
Lakas makangongo. lol

Nice to know u Ms. Iya :)

Pink Line said...[Reply]

nakaka-L naman itong post mo.. nakaka-Libang!

L ka rin dahil ni-break mo ang rule.. Lagot!

;)

Bino said...[Reply]

sobrang L mo talaga bff hahaha

joanne said...[Reply]

Ang bongga ng 11 L things about you! Na-L ako.. naligayahan (at ligaya talaga napili kong word).. Natawa ako sa stone-stone, hahaha! Now ko lang narinig ang make love at first sight ah, hahaha!

khantotantra said...[Reply]

hindi naman puro ka-el-yahan to iyah. hehehe :p

tama ka sa blogging tips... blog by heart....

SunnyToast said...[Reply]

na miss ko blog mo at sa wakas nag post ka ng picture mo:)

gusto ko yong first post mo! puro L! Hhahaha! at yong pag describe mo ng best friend...parang love din yong dapat my spark! kalowka pwede bonggelyang sunog! echos!

but really i had fun reading this entry:)

BAGONG PAPS said...[Reply]

naguluhan ako sa tagalog translation ng motto. bakit naging ganun? haha

Phioxee said...[Reply]

mejo iba naiisip ko don sa make love at firt site iyakhin. hahaha. natutuwa lang kasi bagong ligo.

MEcoy said...[Reply]

aba aba nakarating na sayo ang chain haha anyways congrats sayo iyah
natawa ko sa 4th answer mo haha

nyabach0i said...[Reply]

bakit ang weird ng motto? direct translation mode ba yan? hahaha.

L na L ako sa pag basa nito. libog an libog. HAHAHAHA. CHAROTS!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review