Showing posts with label PAKONTES. Show all posts
Showing posts with label PAKONTES. Show all posts

Monday, 26 March 2012

damuho sa damuhan

Posted by iya_khin at 05:06 24 comments

Isang nakakapangilabot na maligno sa damuhan ay natagpuan
Di ko sukat inakala sa iisang mundo’y nananahan
Hinuha ko’y nagpapakasasa kana sa kamunduhan
Lintik lang, hunghang ka, sarap mong duraan!

Dahil sayo’y bigla akong nakapagsulat
Nabuhayan ako’t nangagalaiti ang ulirat
Mga kalahok dito’y batid ko’y bihasa sa panitikan
Pero ang isang katulad mo’y kay sarap isubsob sa putikan!

Sarap mong tirisin yaring isang nakakapandiring kulisap
Masahol ka pa sa masangsang na galunggong isa kang hinayupak
Saang silid-aklatan ka ba naglagi at ika’y mapagpanggap
Bayani ka bang maituturing kung sarili mong pamilya’y iyong winasak?

Parang kang isang saranggolang nakasabit sa sangga
Mga makukulit na bata’y pilit kang hinihila
Na dapat sana’y ika’y nasa himpapawid at di nagkukubli
Ay oo nga pala, mas masahol ka pa sa larawan ng barakong malandi!

Bato-bato sa langit ang tamaan ay pangit
Ipagpaumahin ng iba kung pasimple’y ako’y nanlalait
Kung ika’y nasasapul ng aking akdain
Aba’y mag-isip isip ka’t sarili mo’y di pwedeng dayain!

Pasintabi po sa aking mga masugid na taga-subaybay
Ang inyong aba’y di po nakikipag-away
Sa kagawaran ng katarungan ako’y humihingi ng pang-unawa
Tanging ito lamang ang kayang ipukol sa isang nilalang na halang ang kaluluwa!


TSEEEE!!


Isang lahok para sa pakontest na  “Bagsik ng Panitik” ng aking kaibigan sa Damuhan




Thursday, 27 October 2011

ALAB

Posted by iya_khin at 01:42 17 comments

Nanlilisik na mata’y syang nakatitig
Pagkamuhi’t pagkayamot syang halukipkip
Pawisan dahilan sa alab ng init
Kakatwa’y nasisiyahan habang nakamasid

Di alinta ang kagimbal-gimbal na kaganapan
Sa kanyang harapan sya nyang nasisilayan
Gasolinang ibinuhos sya ngang umaalingasaw
Marahang sinilaban, apoy ay pumangibabaw

----------------------------------------------------------

Hating gabi ng sya’y umuwi
Hapong katawa’y sana’y masayang hihimlay
May galak sa puso, sabik sa asawang naghihintay
Isang gawad ng halik nito’y pagod ay tiyak na mapapawi

Isang halinghing mula sa kanya ang narinig
Dahan-dahan syang sumilip sa kanilang silid ng pag-ibig
Mapupusok na kaganapan sa kanya’y tumambad
Isang babae’y nakapatong sa kanyang asawang hubad

-----------------------------------------------------------

Balisang isipa’y di alam ang gagawin
Pagkamuhi’t pagkayamot sa kanyang pakatao'y dumadaloy
Eksenang di nya inakalang kanyang masasaksihan
Sa asawang  inakala nya’y pag-ibig ay dalisay

Babaeng haliparot humanda ka’t ika’y malalagot
Asawang timang ikaw di’y mananagot
Kaparusahan sa inyong dalawa’y syang ihahatol
Pag-aalab ng kataksilan nyo’y sa impyerno’y mananaghoy

-----------------------------------------------------------

Kasabay ng kanilang pagsasasa’y kapalit ay kamatayan
Luha nya’y umaagos habang gasolina’y syang ibinubuhos
Sa tahanan puno ng pag-ibig ng kanyang nilisan
Ngunit ngayo’y nagmistulang kabaong na't libingan


isang opisyal na lahok para sa blogversary writing contest ni gasolinedude


Monday, 3 October 2011

tahak disyerto

Posted by iya_khin at 21:53 24 comments

"sa kalagitnaan ng disyerto, 'di maikakailang humahalimuyak at umuusbong ang pag-ibig hanggang dito."



isang lahok para sa pakontest ng isang kaibigang BOLERO






Sunday, 2 October 2011

mahika sayong ngiti

Posted by iya_khin at 10:41 10 comments


"Isang ngiting kahalintulad ng nahihimbing sanggol, isang mahikang sayo’y ipupukol, walang katumbas na kabayaran ang ligayang sayo’y ihahatol."

google

Salamat sa mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest : Field of DreamsAlohagems on SquidooISP101 at from the dungeon.



Monday, 29 August 2011

NA-AWARD KA DAHIL SA LUHA MO

Posted by iya_khin at 00:38 32 comments
Eto na, eto na, eto na, eto naaaa waaaaahhhhh aaaahhhh!

Alam kong matagal nyo na itong inaabangan at alam ko kumati na batok nyo kakahintay kung sino ang THE ONE! –intro

Bago po ang lahat-lahat lubos po talaga akong nagpapasalamat sa lahat ng nakilahok sa LUHA MO SA PAKONTEST KO.     First tym ko itong ginawa sa loob ng 2 taon kong pag bloblog, well sabi pa nga maganda talaga paminsan-minsan yung hindi planado, oooops teka hindi naman sa lahat ng bagay, tulad ng hindi planadong pagkabutis hindi planadong magka-IBIGAN, ect.ect.

Narealized ko sa patimpalak na ito… anak ng tinapa! Ang hirap pala! Ang dami kong batyang nakaantabay at sandamakmak na rolyo ng tissue ang naubos ko dahil dito. Nawiwi, naiyak, ngumawa at ilang araw akong binagabag ng pakontest na ito parang bangungot lang!

Ilang araw din akong naghabol sa mga huradong aking kinasabwat pero  tinaguan ako! Walangjoh!! Yung isa nagparamdam nga pero butas agad ang aking bulsa dahil sa pinakain ko muna’t inutu-uto, isang bandehadong kanin w/ ulam at sandamakmak na chips ang nilapang at 4 na litrong lime juice ang tinungga! SYA NA! Halos 4 na oras syang nagscore at halos maloka-loka na din sya sa kakabasa tas ang masaklap pa di nya natapos!! Waaaaaaahhhh!!! So da following day alam nyo na nangyari..nabutas uli ang rice cooker dahil sa kanya! Wala na bankrupt na agad me…

SOS talaga me masyado dahil dito, kaya lubos akong nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sa akin at nagpapasalamat din ako kay Sir Kuya JKULISAP sa pagiging isa sa mga hurado, tenk yu, tenk yu, tenk yu po talaga sa tym na ibinigay mo para dito.

Ito po ang criteria of judging kung paano po binalasa ang mga nakilahok.
click to enlarge
Sadya po talagang maraming magagaling kung pwede nga lang lahat winner na! yaan nyo pag nanalo ako sa lotto! :p

So base sa 4 na huradong hinabol-habol ko at sa ilang linggong pag-ngawa ko eto na po ang nanalo at ang prize!!! Pagpasensyahan nyo na po ito lang ang kinaya ng bulsa ko, sasusunod maghahatak ako ng sponsor. Hehe! May balak pa talagang sundan!


PRIZES:
  • kingston 16 GB usb
  • skull candy earphones
  • Dubai t-shirt
and the winner is:


MARAMING SALAMAT PO!


LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review