Thursday 27 October 2011

ALAB

Posted by iya_khin at 01:42

Nanlilisik na mata’y syang nakatitig
Pagkamuhi’t pagkayamot syang halukipkip
Pawisan dahilan sa alab ng init
Kakatwa’y nasisiyahan habang nakamasid

Di alinta ang kagimbal-gimbal na kaganapan
Sa kanyang harapan sya nyang nasisilayan
Gasolinang ibinuhos sya ngang umaalingasaw
Marahang sinilaban, apoy ay pumangibabaw

----------------------------------------------------------

Hating gabi ng sya’y umuwi
Hapong katawa’y sana’y masayang hihimlay
May galak sa puso, sabik sa asawang naghihintay
Isang gawad ng halik nito’y pagod ay tiyak na mapapawi

Isang halinghing mula sa kanya ang narinig
Dahan-dahan syang sumilip sa kanilang silid ng pag-ibig
Mapupusok na kaganapan sa kanya’y tumambad
Isang babae’y nakapatong sa kanyang asawang hubad

-----------------------------------------------------------

Balisang isipa’y di alam ang gagawin
Pagkamuhi’t pagkayamot sa kanyang pakatao'y dumadaloy
Eksenang di nya inakalang kanyang masasaksihan
Sa asawang  inakala nya’y pag-ibig ay dalisay

Babaeng haliparot humanda ka’t ika’y malalagot
Asawang timang ikaw di’y mananagot
Kaparusahan sa inyong dalawa’y syang ihahatol
Pag-aalab ng kataksilan nyo’y sa impyerno’y mananaghoy

-----------------------------------------------------------

Kasabay ng kanilang pagsasasa’y kapalit ay kamatayan
Luha nya’y umaagos habang gasolina’y syang ibinubuhos
Sa tahanan puno ng pag-ibig ng kanyang nilisan
Ngunit ngayo’y nagmistulang kabaong na't libingan


isang opisyal na lahok para sa blogversary writing contest ni gasolinedude


17 comments:

Sey said...[Reply]

Akala ko sinunog niya mismo ang babaeng haliparot at asawang timang, yung bahaya pala. Pero nasa loob sila kaya damay din. Ang saklap ng kinasapitan nila bakit pa kasi sa sariling tahanan pa nila eh.

Ang galing nito Iyah, sana manalo ka, good luck.

Sey said...[Reply]

good luck din pala sa PEBA OFW awards. pwede ba bumoto araw-araw? kasi ang nakita ko voting until December 5 pero hindi ko makita kung pwede mag-vote everyday. hehehe.

kikilabotz said...[Reply]

naks, magandang entry toh. ehehe

iya_khin said...[Reply]

@sey salamat!hahaha! di yata pwede bumoto araw-araw isang beses lang! lapit na nga din yon eh..sana makauwi ako para makapunta me sa PEBA para magattend! hehehe


@kikilabotz salamat din!

Anonymous said...[Reply]

wow may entry na!!! ako next week pa hehehe

Diamond R said...[Reply]

Iyah ang galing naman nito.

Anonymous said...[Reply]

wow iyah! napaka malikhain naman ng pagkakagawa mo sa kwentong tula na'to. ang husay ng plot saka nung pagkakasalaysay.

goodluck,iyah!

TAMBAY said...[Reply]

wow iyah... dami mo ng winner nito.. :)

musta na?

magandang araw... busy lang ako masyado kaya di nakakabloghop.. :(

gudluck dine

RoNRoNTuRoN said...[Reply]

ang galing nito! :D na bother ako sa pic! katakot! ahahaha. happy halloween! :D

SunnyToast said...[Reply]

ganda! galing:)

kamilktea_ said...[Reply]

bakit ako di malunong mag tula? hehehehehe the best ka ate.. kaw na winner!

Anonymous said...[Reply]

ay approve ganda... :) gudluck :)

SunnyToast said...[Reply]

bonggels tlga nito!

Artiemous said...[Reply]

wow pyromaniac si ateng bida sa tula! :D

Unknown said...[Reply]

mlagim n wakas ang kinahantungan....
ganda ng tula!

vivierepato said...[Reply]

muntik ko na pong di mainitindihan yung lalim ng vovcabulary niyo, pero.. ang galing!:)

Babaeng haliparot humanda ka't ika'y malalagot! -WINNER!:D

Anonymous said...[Reply]

After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review