Showing posts with label fiction. Show all posts
Showing posts with label fiction. Show all posts

Monday, 14 January 2013

Lyrics " Pag ayaw mo na"

Posted by iya_khin at 04:56 5 comments
google

"May ibang lungkot
Akong nakikita sa iyong mata
Di mo man sinasabi
May ibang galaw
Na di maipaliwanag ng isip ko
Kahit ano pang isipin....."

Bino, namiss kita... ang tagal din natin di nagkita simula ng.....uummm..kamusta kana pala? Natapos mo na ba lakarin yung mga papers mo para sa Canada? animo'y di makahinga sa kaba habang kausap ni Zen ang kasintahang halos siyam na buwan hindi nila pagkikita.

Ok naman ako medyo naging subsob lang talaga sa trabaho, alam mo naman na ako lang inaasahan sa pamilya. Yung sa Canada naman unti-unti ko na din natatapos ang mga requirements, sana nga magtuloy-tuloy na 'to para at least bawas din sa sakit ng ulo. Eh ikaw, ok ka lang ba? sabay yuko habang nagtitipa sa kanyang telepono.

Hindi alam ni Zen kung paano sasagutin ang tanong ng kasintahan, hindi nya alam kung magugustuhan ba nito ang kanyang magiging sagot o kung makikinig ba ito. Isang simpleng tanong na lalong nagpapasakit sa kanyang kalooban.

Siyam na buwan parang kailan lang, sariwa pa ang mga sugat at pinipilit na maghilom, paano nga ba?

"Mga titig mo
Wala na ang tamis tulad noon
Di ka na gaya ng dati
Wala na ang lambing
Ng pagtawag mo sa pangalan ko
Di kita masisisi"

Zen ang dami ko na ngang problema sumasabay ka pa, hindi ka nakakatulong! Ano ba talaga gusto mong gawin ko?! Lagi ka nalang ganyan nasasakal na ako sayo! Galit na bulalas ni Bino.

So lumabas din ang totoo! Yun pala ang tingin mo, sinasakal kita?! Palibhasa kasi hindi mo iniintindi yung nararamdaman ko, akala mo kasi puro kadramahan lang ako! Bino, mahal na mahal kita ano pa ba gusto mong gawin ko para paniwalaan mo yun? Natatakot lang akong mawala ka kung bakit ako nagiging ganito, natatakot akong mag-isa. Pahagulgol na sagot ni Zen. Tila sasabog ang kanyang dibdib sa tuwing magkakasagutan sila ng ganito ng kasintahan. Pilit pinipigil ni Zen na pumatak ang kanyang mga luha ngunit sadyang kusa itong dumadaloy.

Si Zen, isang babaeng nababalutan ng takot, takot na idinulot sa kanya ng nakalipas, mga bangungot ng nakaraan na tila hanggang ngayon hindi sya makawala. Simula ng pagkabata'y lagi lang siyang naiiwang mag-isa o di kaya nama'y inihahabilin ng kanyang nanay kung kani-kaninong kakilala para makagbantay sa tindahan ng kanyang tiyuhin sa palengke. Madaling araw palang umaalis na ito at hating gabi na kung makauwi, madalas nakakatulog nalang syang may mga luha sa kanyang mga mata sa kakahintay sa kanyang ina.

Lumaki din syang hindi lubusang kilala ang kanyang ama, nasa sinapupunan pa lamang siya simula ng mag ibang bansa ito sa Saudi.

Palipat-lipat ng lugar, palipat-lipat ng tirahan, kung kani-kanino nakikisama, kung saan-saan napapadpad. Maraming beses umibig ngunit laging bigo, sumubok makipaglaro para lamang hindi mag-isa, subalit lagi pa din talunan.

Ngayon may bagong pag-ibig....

"Sawa ka na yata
May iba na bang nakita
Isa lang naman ang aking hiling....."

Bino, alam kong marami akong hinanakit sa buhay alam kong hanggang ngayon nakatali pa rin ako sa nakalipas ko, tulungan mo ako..kailangan kita, pero tila hindi na kita nararamdaman..kailangan mo pa ba ako? mahinang bulong ni Zen sa kawalan habang patuloy itong lumuluha.

You're so near, yet so far....sana nagkakamali lang ako.

Ok ka lang ba? muling tanong ni Bino.

"Tinatanong sa sarili
Nagkulang pa ba ako
Basta't ang alam ko ay
Ginawa kong lahat
Basta't para sayo

Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
Di ko matitiis na
Ikaw pang mahirapan
Kase, pag ayaw mo na
Ako nang lilisan
Di rin magtatagal

Pag ayaw mo na nga..."

(song lyrics by Yeng Constantino)

-END


Thursday, 20 December 2012

Daan

Posted by iya_khin at 01:11 7 comments
deviant

Patawad....patawad....hindi ko sinasadya...please huminto ka na..
Nanginginig at pahagulgol na sambit ni Clara habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa kaliwang tadyang ng asawang si Joshua habang patuloy itong tinatagasan ng dugo.

Nag-aagaw buhay...

*isa...dalawa...tatlo....

Mamatay kana!

-----

Tulong!!! Na-snatched ang bag ko!! Pasigaw ni Maria habang hingal na hingal sa paghabol sa mamang holdaper sa kahabaan ng Ermita. Nilalaman ng bag ang perang kanyang nalikom sa loob ng limang araw na paglalagi sa Casa, pangpagamot sana sa anak nyang nag-aagaw buhay dahil sa dengue.

Biglang tumunog ang telepono...

Ate, wala na si Mina...

*Miss!!!

Isang rumaragasang kotse ang biglang bumulaga sa kanyang harapan.

Nangingisay...

...durog ang ulo't labas at nagkalat ang utak.

-----

Tulalang nakatitig sa kawalan si Danilo habang nakatayo sa gilid ng ika-dalawampu't limang palapag ng gusali. Malamig ang simoy ng hangin, nakakapanindig balahibo.

Napakawalanghiya mo Brandon! Hayop ka! Nagawa mo pa talagang magdala ng putang babae dito sa loob ng pamamahay ko! Matapos kong gawin at ibigay ang lahat sayo eto pangkababuyan mo ang igaganti mo sa akin?!!

Oo! Dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mong bakla ka!! Kung baboy ako mas baboy ka, binaboy mo pagkatao ko!!!!

*Masarap ang hangin...

Parang gahibla ng balahibo...

sarap magpatangay...

Pikit mata...eto na...

-----

anong meron sa kisame? wala naman akong makita.
anong meron sa silid na 'to? heto't ako'y nag-iisa.
ano ba ang meron ka? tinangay mo pati ang aking kaluluwa.
*ano ba itong nasa leeg ko? pisi ng buhay ko.
ano ba itong nasa paanan ko? huling tungtungan ko.


Tuesday, 23 October 2012

undercover

Posted by iya_khin at 04:27 12 comments
tumblr
Side by side laying down next to you
Touching you as I feel the warmth of your skin
Never have I imagined that we’ll be as close as this
Too good to be true but here now I’m with you.

I’ve searched for you all my life
Been into many places high and low
Crossed the deep blue ocean, 
Gazed upon the city skyline
and might see you in the twilight.

In the midst of my sanity I’ve waited
Listened to music ‘til my head bleeds
Held back myself though I’m about to fall
Clock’s ticking I’m almost tired chasing.

Then suddenly a door has opened
Went inside this cold dark room I was about to trip
And to my surprise someone was waiting
It was hiding underneath those black sheets.

You’re so cryptic never gave me a clue
All these years I’ve been looking for you
You’re supernatural that’s why I love you
Yes I found you covered with your tattoos.


Wednesday, 18 July 2012

bitch on board!

Posted by iya_khin at 03:30 17 comments

I'm a bitch, I'm a lover, I'm a child, I'm a mother
I'm a sinner, I'm a saint, I do not feel ashamed
I'm your hell, I'm your dream, 
I'm nothing in between
You know you wouldn't want it any other way


Just this morning I felt somewhat so feverish that I didn’t know what comes up to my head that causes me to act so bitchy!! Yeah! Don’t be so naive as if you didn’t know me so well after all this years! as if I care anyway!  I have done something so clever and it really makes me shiver co’z I found out that I’m a real genius! #grins #devilish I apologize for the hash tags

I almost freaked out when I found out that I can do unusual things that I thought I can never do beyond my abilities! #grinningwider #devilish #bitchy

I can smell now the sweet aroma of revenge!! Hahahaha! #devil’slaugh

So you think I’m just going to be a cry baby who will sit in the corner and weeps over you?!! nIn

Yes I cry and cried a lot; maybe I can carve now a river because of the tears that I’ve shed. But don’t be fooled by this lady that you have treated like a ragged doll for a long time…. I have fangs and claws too!

I will be your angel beyond your imagination, I will be there for you in all times, I will be your help if you’re in trouble, I will be your lover if you want me too….just don’t make me your BITCH co’z I’ll be more than that! dick head!

Then suddenly I felt so dizzy and I blacked out…..










Oooopppssss!! Where was I??!

google

Monday, 26 March 2012

damuho sa damuhan

Posted by iya_khin at 05:06 24 comments

Isang nakakapangilabot na maligno sa damuhan ay natagpuan
Di ko sukat inakala sa iisang mundo’y nananahan
Hinuha ko’y nagpapakasasa kana sa kamunduhan
Lintik lang, hunghang ka, sarap mong duraan!

Dahil sayo’y bigla akong nakapagsulat
Nabuhayan ako’t nangagalaiti ang ulirat
Mga kalahok dito’y batid ko’y bihasa sa panitikan
Pero ang isang katulad mo’y kay sarap isubsob sa putikan!

Sarap mong tirisin yaring isang nakakapandiring kulisap
Masahol ka pa sa masangsang na galunggong isa kang hinayupak
Saang silid-aklatan ka ba naglagi at ika’y mapagpanggap
Bayani ka bang maituturing kung sarili mong pamilya’y iyong winasak?

Parang kang isang saranggolang nakasabit sa sangga
Mga makukulit na bata’y pilit kang hinihila
Na dapat sana’y ika’y nasa himpapawid at di nagkukubli
Ay oo nga pala, mas masahol ka pa sa larawan ng barakong malandi!

Bato-bato sa langit ang tamaan ay pangit
Ipagpaumahin ng iba kung pasimple’y ako’y nanlalait
Kung ika’y nasasapul ng aking akdain
Aba’y mag-isip isip ka’t sarili mo’y di pwedeng dayain!

Pasintabi po sa aking mga masugid na taga-subaybay
Ang inyong aba’y di po nakikipag-away
Sa kagawaran ng katarungan ako’y humihingi ng pang-unawa
Tanging ito lamang ang kayang ipukol sa isang nilalang na halang ang kaluluwa!


TSEEEE!!


Isang lahok para sa pakontest na  “Bagsik ng Panitik” ng aking kaibigan sa Damuhan




Sunday, 17 July 2011

ONLINE LOVE 6

Posted by iya_khin at 04:21 6 comments

Pikit mata habang nilalasap ang bawat halik…
bawat haplos, bawat kibot animo’y sumasayaw sa isang malamyos na tugtugin…

Sa ating dalawa’y nakatambad ang mga hubad na katawan
Maalindog, mapang-akit, kada kurba ng katawan nati’y nakakapanabik…

----
Blue? Tanong ni Kyla sa lalaking animo’y may hinihintay..
Kengkie?! Sagot naman ni Brian sa isang maganda dilag sa kanyang harapan..
Kasabay ng kanilang tawanan ang paghupa nito ng magdikit ang kanilang mga kamay.
Tila may kung anong kuryente silang nararamdaman, parehong di nagpapahalata.

Brian: Kumain kana ba?
Kyla: amm..hindi pa..
Brian: halika na kain muna tayo..
Kyla: ok

---
Mahal kita…bulong ni Brian habang padamping humahalik sa tenga ni Kyla, mahal din kita tugon naman ni Kyla sa lalaking ngayon lang nya nakita ngunit alam nyang matagal nya ng kinasasabikan at minamahal. Pawang kay bilis ng mga pangyayari ngunit sadyang nangingibabaw ang pagkasabik ng bawat isa.

Magkalapat at nagsasalo sa isang mainit na halik habang nakayakap sa bawat isa. Dinig ang lakas ng pintig ng puso, nagsisimulang mag init ang mga katawan na kanina pa nagpipigil samantalang napakalamig ng temperatura sa loob ng kwarto.

Nagsimulang lumikot ang kamay ni Brian, una’y marahang nakayakap lang kay Kyla na ngayon ay gumagapang na sa kanyang mga suso naikinaunggol nyang bahagya. Dahan-dahang ipinasok ni Brian ang kanyang kamay sa loob ng bra ni Kyla at marahang hinaplos-haplos ito at pinaglaruan ang kanyang utong. Napahalinghing si Kyla sa ginagawa sa kanya ni Brian habang ramdam na ramdam niya ang ngayo’y tigas na tigas ng pagkalalaki nito sa kanyang hita.

Malaon ay marahang tinanggal ni Brian ang blouse ni Kyla kasunod nito ay ang pagtanggal nito ng kanyang bra. Malulusog na dibdib ang tumambad kay Brian na tila nang-gagalit, dahilan upang maging mas mapusok ang kanilang nararamdaman. Dahan dahang hinalikan ni Brian ang kanyan dibdib,paikot sa kanyang mga suso at bahagyang dinidilaan ang kanyang mga utong hanggang sa di nya na mapigilan ang pag unggol. Lubos itong ikinatuwa ni Brian at muli nya itong hinalikan ng mas nag aalab pa. Nagtanggal na din ng t-shirt si Brian na nagsanhi na din ng mas mainit nilang pakiramdam. Ramdam na ramdam niya ang suso ni Kyla habang patuloy nya itong hinahalikan..sa labi..sa tenga..sa leeg habang ang kanyang kamay ay nasa mga dibdib nito at marahang hinihimas-himas.

Maya maya pa’y dahan-dahan ng gumagapang pababa ang kamay ni Brian, di mapalagay si Kyla sa kanyang nararamdaman, na para bang kinukuryente ang kanyang buong katauhan. Ipinasok ni Brian ang kanyang kamay sa loob ng panty ni Kyla…kinakapa ang hiyas nito na ngayon ay mamasa-masa na, dahan-dahang nilalaro, dahan-dahang iginigiling ang kanyang mga daliri sa hiwa nito..di na napigilan ni Kyla na mapalakas ang kanyang unggol..nilalaro ni Brian ang klit nya habang patuloy ang kanilang nag-aalab na halikan…ramdam ni Kyla ang nag-iinit nyang katauhan dahil sa ginagawa sa kanya ni Brian. Maya-maya'y unti- unti ng tinanggal nila ang natitirang mga saplot…

Hubad na mga katawan…dalawang taong nagmamahalan….unang pagkikita…totoo ba o kathang isip lamang?


to be continue..



Tuesday, 12 July 2011

ONLINE LOVE 5

Posted by iya_khin at 03:05 10 comments
Yung hindi kayo pero mahal ang isa't-isa…
 Yung walang sumpaan pero walang iwanan...

Blue: Masaya ako kasi minahal mo na din ako sa wakas
Kengkie: ang baduy! Nangingilabot ako!
Blue: bakit hindi ba totoo?
Kengkie: hahaha patawa ka! Natatawa ako sayo! Tumigil ka nga!
Blue: so pinagtatawanan mo lang ako?
Kengkie: hahahahah!
Blue: tell me you love me please…
Kengkie: hahahaha! Nakakaloka!
Blue: naman to o…cge na sabihin na kasi!
Kengkie: yoko! Nakakahiya..
Blue: ba’t nakakahiya eh nasabi mo na nga diba?
Kengkie: kelan? :p
Blue: eto talaga oh!
Blue: mahal kita…
Blue: mahal kita…
Kengkie: ahahah!
Kengkie: love u too
Blue: bakit walang I? dapat ganto, I love you too!
Kengkie: demanding?!
Blue: ganon ang proper..
Kengkie: cge na nga kulit mo! I love you too!
Blue: isa pa
Kengkie: I love you too! Kulit!

-------months later

Blue: psst
Kengkie: po?
Blue: musta kana?
Kengkie: ok lang..
Blue: ok
Kengkie: tagal nating di nagusap ah
Blue: dito lang naman ako lagi
Kengkie: di na kita kasi nararamdaman eh
Blue: wala busy lang..
Kengkie: haayy…nagbago kana nga…
Blue: wala namang nagbago ah
Kengkie: di kasi ako sanay ganyan ka..
Blue: kelan ba talaga tayo magkikita?
Kengkie: bakit nagsasawa kana?
Blue: di naman pero diba mas maganda kung sa personal?
Kengkie: hmmmmm…
Blue: tagal ko ng naghihintay….
Kengkie: sige…
Blue: anong sige?
Kengkie: bukas..
Blue: huh?
Kengkie: bukas…magkita tayo…


To be continue…


Thursday, 7 July 2011

ONLINE LOVE 4

Posted by iya_khin at 03:36 11 comments
Yung walang sing-sing pero kuntento..

Chatroom:

Blue: ano na?
Kengkie: ayoko nga!
Blue: bakit naman?  para number lang eh..please…
Kengkie: ayoko nga sabi eh, para ano pa eh naguusap na nga tayo dito.
Blue: syempre gusto ko din marinig angelic voice mo..
Kengkie:  boses palaka ako kaya wag kang masyado magexpect! Toinks ka!
Blue: hahaha! ibig sabihin nun malamig ang boses mo kasi diba ang palaka lumalabas lang ang boses kapag tag-ulan?!
Kengkie: ngeeeek! Ewan ko sayo! Korny mo! Need ba talagang irelate ang palaka sa ulan?
Blue: cge na please?
Kengkie: ba’t ba ang kukulit mo? Tumigil ka!


Days later….

Chatroom:

Blue: haay….bigla akong nalungkot…comfort me naman lab ko..
Kengkie:  lab ka dyan! Lab-labin mong mukha mo! Kapal nito! Tseee!
Blue: di bale ng kumapal kahit na mga kalyo ko sa paa maging akin ka lang!
Kengkie: hahahah! Patawa ka! Kung masapok kaya kita! Umayos ka nga!
Blue: maayos naman ako ah..
Blue: nalungkot lang me kase di ko na naririnig yung mataray na customer namin..
Kengkie: kita mo palekero ka pa!
Blue: di naman ‘no, sayo lang ako, naalala ko lang naman kasi ala ng nagbubunganga! Hahaha
Kengkie: ayaw mo nun di kana maririndi! Hahahah! saan ka ba kasi nagwowork?
Blue: dito-dito lang at dyan dyan lang, gusto ko na ngang mag resign eh!
Kengkie: hehehe! di nakakatawa!  :p
Kengkie: ba’t ka naman magreresign pala?
Blue: kasi mag aaply ako sayo…etong cv ko…puso ko…
Kengkie: wwaaaaaaahhhhhhhhh! Nakakaloko ka ah!
Blue: mahal kita….will you marry me?
Kengkie: hahahahahaha! Nililipad ako sayo! Ayos ka din ano?!
Blue: alam ko namang mahal mo din ako eh
Kengkie: kaaaappaaaalllllll!!! Feeler ka masyado!! Maghulus dili ka, di mo alam pinagsasasabi mo!
Blue: pwede ba kitang maging misis? Lab u…
Kengkie: waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!

ETCHOOOS

Kyla: buti naman at napalitan na itong router, grabe pinag init muna ako ng mokong na yun bago asikasuhin ‘to!
Bff: hahaha! eh loka-loka ka din naman eh! di naman sya yung gumagawa nyan kaya nga tinawag na CSR hindi technician! Gaga!
Kyla:  pero infairness, ang kyut ng voice nya…kahit muntik-muntikan ko na syang ma-mura eh kalmado pa din ang ungas!
Bff: Timang! Landi mo!


Chatroom:

Kengkie: I do na nga…lab na din kita……..
Blue: I know….mahal din kita…


to be continue.....




Tuesday, 5 July 2011

ONLINE LOVE 3

Posted by iya_khin at 01:48 12 comments

“Ang PINAKAMASARAP? Yung hindi sinasabi pero nararamdaman. Yung walang singsing pero kuntento. Yung hindi kayo pero mahal ang isa't-isa. Yung walang sumpaan pero walang iwanan... at yung walang titulo pero alam mong iyo. “ - quotes are originally taken from the post of Bulakbolero


Yung hindi sinasabi pero nararamdaman…..

CHATROOM:

Blue: Hi ganda….
Kengkie: gandahin mo mukha mo nambola ka pa!
Blue: eh maganda ka naman talaga ah.
Kengkie: bakit nakita mo na??!
Blue: oo sa panaginip ko...
Kengkie: heh tumigil ka! Feeling ko tuloy para akong meat ball!.(bola-bola)
Blue: Uy! Favorite ko yan, lagyan mo pa ng maraming sauce da best na talaga!
Kengkie: hahaha! Ginawang ulam na talaga!
Blue: seryoso, ang gaan ng loob ko sayo ewan ko ba kung bakit pero parang nagkakilala na tayo.
Kenkie: weeh?! Utot mo! Nakuu mga lalaki talaga! Tigilan mo nga ako! Bweeseet! :p
Blue: eto naman sumeseryoso ang tao..
Kengkie: ay tao ka pala?! Lol
Blue: ano ba sa tingin mo alien?!
Kengkie: ewan di pa naman kita nakita eh, baka maligno! Hahahahaha!
Blue: pwede din at sasapian kita! Hehe
Kengkie: TSEE! wag mo nga akong lokohin at mainit ang ulo ko! Hhmmmp!

A while ago…

Brian: Thank you for calling SMAGLO how may I help you?
Kyla: hhhaaaayyyy! Naku naman talaga!
Brian: Yes maam?!
Kyla: nagtratrabaho ba talaga kayo o naglolokohan lang tayo?
Brian: I’m sorry?
Kyla: isang linggo na ang nakakaraan wala pa ring nangyayari sa ni request ko! Magsara nalang kaya kayo!
Brian: wait a second maam, what seems to be the problem?
Kyla: problem?! problem?! You’re my problem! I’m so fed up!
Brian: Please maam, just calm down and let me know what the situation is. Bragging will do you no good.
Kyla: and who are you para pagsabihan ako?!! Nakakaloko ka ha!
Brian: My name is Brian.
Kyla: wala akong pakiaalm kung anong name mo! All I want is for you to change my internet router which I’ve been requesting a hundred times that until now nobody’s showing up! Mahirap bang gawin yon?!
Brian: Can I have your contact number please?
Kyla: o my gaaaaaaaddd! Lokohan ba talaga ’to? Hanggang ngayon di nyo pa din alam ang number ko? Hindi nyo ba kayang itrace ang call ko?!
Brian: Just give me your contact number please.
Kyla: hey Mr. Brian! ito ha itatak mo sa utak mo for the last time at pagwala pa rin nangyari ipapareinburse ko lahat ng binayad ko para sa connection na ‘to!  0919-5252678 baka gusto mo din malaman name ko Kyla Medina!
Brian: Thank you for the information Ms. Kyla. I will try to check what the status of your request is and I will assure you that within 24 hours it will all be done.
Kyla: hello Brian, Brian diba?! Siguraduhin mo lang!
-Hanged Up-

CHATROOM:

Blue: sa opis ka pa ba?
Kengkie: oo  bakit?
Blue: pwede ko bang hingin ang mobile no. mo?
Kenkie: huh?! Bakit?!

To be continue…



   


Monday, 4 July 2011

ONLINE LOVE 2

Posted by iya_khin at 02:21 20 comments
google

Masarap ang mainlove..
Di maiwasang di mapangiti..
Parang kinikiliti ang puso..
Di maipaliwanag ang nararamdaman..

Blogging…
Haay naku what a day! Grabe sa opisina kanina sobrang daming calls ang natanggap ko nakakangarag! But there’s one call na talagang muntik na akong maknock out! Biruin nyo ba namang sigaw-sigawan ako sa telepono, I mean di na bago yung sigaw sigawan ako ng customer pero itong call na ‘to kakaiba..ewan ko ba pero iba yung pakiramdam ko. I know it sounds weird but  I was really hesitant to butt in to her hindi ko man lang nagawang mainis sa kanya. Anyway sana maayos na nga yung problema nya. Hehehe!
Ala na akong maikwento mga ‘tol..antok na ako..at alas 9 na nang umaga..
 -Blue

Commented…
Hahaha! Ikaw na ang ngarag! Itulog mo na yan antok lang yan! Hmmm…ako may tinarayan din kanina! Haha! Ewan ko lang dun sa agent na yun baka nabingi  na! hahah! Ang bad ko nalang! Naman kasi eh kaloka!
-kengkie

_____________
Blogging…
Dressed in my midnight gown I saw you
Standing alone wearing your suit in dark blue
My heart skips a bit when you looked my way
Those little eyes that stares at me
So charming, how can I not be dismayed?

Suddenly you’re near me
Don’t know what to do
I don’t know what to say
Just a blink of an eye,now you’re holding me.

So close,slowly we dance
I feel your heart beat
I feel your breathing
I feel the warm of your caress.

I wish this night will not end
I wish to remain this close to you
I wish to be in your arms this way
I wish that this will all be real…

Yes..i’m dreaming of you…
 -kengkie-

Commented:
Uy!! Pumopoem ka ha!! Inlove?! Sino yan?! Pwede bang ako nalang yang dream boy mo? Ehem!
-Blue

Replied:
Hahaha! Kaya nga dream eh kasi wala! Loko ka talaga! :p wag kang ganyan! Cge ka baka bangungutin ako nyan! Hahaha!
-kengkie-


 To be continue...



 








Sunday, 3 July 2011

ONLINE LOVE 1

Posted by iya_khin at 03:23 31 comments

google

Paano kung isang araw bigla nalang magkrus ang ating landas?
May pag-ibig pa ba kayang mararamdaman?
Na sa pagkikitang iyon ay ang una’t huling pagkakataong magkakasama?

Brian: Thank you for calling SMAGLO how may I help you?
Kyla: my god! I’ve been dialing a hundred times para makaconnect sa customer service nyo! Napudpod na ang mga daliri ko kakaulit at nakakarindi na ang paulit-ulit na answering machine!
Brian: I’m sorry maam but we have hundreds of customers waiting on the line….
Kyla: eh hindi ko na problema yan! kung inaayos nyo lang sana ang trabaho nyo dapat di kayo magkakaroon ng napakadaming calls! Hmmpp! Nakakainit ng ulo!
Brian: again I apologize maam, so how may I help you then?
Kyla: haaayy! I’ve been waiting for almost a month para sa pagchange ng internet router ko na until now wala pa din pumupunta! Ano ba yan ang kupadkupad naman ng serbisyo nyo!
Brian: I will be sending a follow up request to our tech support, can I have your contact number please?
Kyla: why do you need my number? Ilang beses ko ng binigay ang number ko ah, wala ba sa record nyo?
Brian: it’s mandatory maam, it’s also an assurance that we are not receiving a frank calls.
Kyla: frank calls?!! Wow pare! Jologs ka din ano? Nang-gagalaiti na nga ako sa galit dahil sa walang kwentang serbisyo nyo tapos sasabihin mong frank calls?!!
Brian: So may I have your number then?
Kyla: haaaay! Eto na nga siguraduhin mo lang aayusin na nila ito kung hindi susugurin kita! 0919-5252678.
Brian: thank you maam. Just wait for a call and our tech support will be there to assist you.
Kyla: sana nga!
Brian: is there anything  else I can help you with?
Kyla: wala na..sana talagang maayos na ‘to! Hmmp!
Brian: Thank you for calling SMAGLO, have a nice day!
Kyla: -dead air-

To be continue….



Tuesday, 10 May 2011

MASID (ika-apat na kabanata)

Posted by iya_khin at 00:59 10 comments

(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)


Kagimbal-gimbal ang mga pangyayari, lahat halos ay bakas ang pagkatakot sa kanikanilang mukha. Sinong may kagagawan nito?! Pasigaw ni Istambay. Tara na at tumawag tayo ng saklolo, pagmamadali naman nila Jhengot at Kamila. Hindi! Di tayo pwede lumabas mapanganib! Siguradong nasa paligid lang natin ngayon ang may gawa nito! Hangga’t maari dito lang tayo at sama-sama , hintayin nalang natin ang pagsikat ng araw bago tayo lumabas. Mariing sabi ni Empi.

Takte naman oh!! Tol may bayag ka ba?! Supalpal ni Leonrap kay Empi. Eh kung upakan kaya kita ngayon ha?!! Sabay tulak ni Empi kay Leonrap. Magsitigil na nga kayo! Dang! I hate this! Nag kaganito na nga mag-aaway pa kayo! Can you just please shut up and think kung paano tayo makakalabas dito! Pasosing galit  na saway ni Lhuloy.

Natahimik ang lahat at nagpakiramdaman. Asan pala sila Mang Lord CM?  Tanong ni Diamond r. Malayo-layo din kasi yung bahay nila dito, dun pa sa dulo ng pulo. Sagot ni Empi. So kabisado mo pala dito? Pagtatanong ko sa kanya. Oo, nilibot kasi namin ni Sir Bino ito nung nirerenovate pa itong resort. We have to study every area para maidevelop pa ng mas maayos. Pagpapaliwanag ni Empi.

Samantalang tinakpan na nila Akoni at Keatondrunk ang nakahandusay na katawan ni Musingan. Maluha-luha si Akoni at bumubulong-bulong habang di pa rin makapaniwala sa nangyari sa kaibigan. Pare, kung sino man ang gumawa nito sayo, tinga lang ang walang latay sa kanya! Hinayupak na yun! Inborn na ngang lasog-lasog ang pagmumukha mo mas pinalala pa! Ay syanga pala..eto yung tenga mo, napulot ko sa may pintuan buti nalang nakapaglinis ka ng tenga kung hindi di ko dadamputin. Sorry pare sa lahat-lahat..matamlay na sambit ni Akoni para kay Musingan.

Sa may sala naman, tahimik na nakaupo si Kikomaxxx at malalim ang iniisip. Are you ok Kiko? Tanong ni Lhuloy. Oo, kaso palaisipan parin ang mga pangyayari, bakit sa atin lang ito naganap samantalang matagal nangnaninirahan dito sila Mang Lord cm? Naiintindihan mo? Tanong ni Kikomaxxx kay Lhuloy. Yah, you’re right, but I don’t think they’re the one who did this, matagal na silang pinagkakatiwalaan ng family ko! Balisan pagsagot ni Lhuloy. Kaya nga, matagal na…bakit ngayon lang ito nangyari at di sa kanila? Pukol na tanong uli ni Kiko.

Iya, natatakot ako..pag amin ni Kamila habang pareho kaming nakaupo. Natatakot din ako, pero kailangang lakasan natin ang loob natin kasi mas lalo tayong di makakapag-isip ng solusyon kung paano makakaalis dito. There is always a way out, but where and at this point?! Di ko din alam. Mahinahong sabi ko sa kanya. Asan si Jhengpot? Tanong ni Kamila. Diba nandito palang sya?!

AAAAAAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!

Napabalikwas kaming lahat! Jhengpot???!!!!!


Itutuloy






Monday, 25 April 2011

MASID (IKATLONG KABANATA)

Posted by iya_khin at 23:48 14 comments

Wow! Ang ganda naman ng rest house nyo!!! Gulat at mangha ang halos lahat….maliban sa akin. Hindi ko gusto ang vibes dito, it’s creepy….sabi ko sa kanila. Of course you might be feeling that way kasi this house was built way older than you and us! Duh! Sabay irap ng mata ni Lhuloy.

Ahhhhhhh!!!! Si Akoni. Takbuhan ang lahat palapit sa kanya .OMG!! Hang-pogi ko naman!! Habang nakaharap sa isang napakalaking salamin sa loob ng guest room. Walangtod ka!! Akala namin kung napaano kana!! Kakagigil ka sobrang cute mo! pasapak nga! Panggigigil  ni Diamondr sa kanya. Don’t do that again please….may pag-aalalang sabi ko kay Akoni sabay pormal ng loko. Halikana Iya, wala lang magawa yan sa buhay nya, asar at masama ang tingin ni Banjo. Sabay hawak ng kamay ko at hinila na akong palabas.

Sa ikalawang-palapag pala ang mga kwarto, pili nalang kayo kung saan ang gusto nyo tutal may anim na kwarto dyan at nakaayos naman lahat. Inabisuhan na kasi kami ni Sir BINO (daddy ni Lhuloy) bago kayo pumunta dito kaya napalinis ko na lahat kay SUPERJAID. Magiliw na sabi ni Lordcm. Nasaan nga po pala sya? Tanong ni Empi. Nasa bhay umuwi lang sandali wala kasing kasama yun kapatid nyang si EGG eh. Sagot ni Lordcm biglang iwas ang tingin sa kanya.

Sabay-sabay na kaming pumanik, since malalaki naman ang mga kwarto nagpasya nalang kami na magkakasama-samang girls, habang ang mga boys naman ay naghiwalay sa dalawang kwarto. Magkakasama sila Akoni, Leonrap, Kikomaxxx, Musingan at Diamondr samantalang si Empi, Banjo at Keatondrunk ang nasa kabila.
Mag aalas-nuebe na ng gabi ng nakaramdam ako ng gutom, tulog ang mga kasama ko kaya dahan-dahan akong bumaba at hinanap ang kusina. Nagulat pa ako ng madatnan ko doon si Musingan “Magic Man, Kuais, Finish Cooking Ahhh…” biro ko sa kanya. Nag-mala alien din sya “Ey finish Cooking Ahhh….” Tawanan kaming dalawa. Wag ka ng mag-abala Iya, ako na muna ang magluluto ngayon tutal nasimulan ko na, tulungan mo nalang akong maghiwa ng mga ibang sangkap dyan para dito sa iluluto ko. Utos nya. Ay, sandali may nakalimutan lang ako sa taas balik din ako agad. Pagmamadali ko. Di na sya nakaimik dahil lumabas na ako agad.

Iya, ikaw na ba yan? Habang abala parin sa pag-hahanda ng pagkain si Musingan. Iya?! Pagtataka nya.

Huh?! Musingan?! Nagtataka ako ba’t wala sya. Nasaan na ang mokong na yun at iniwanan lang ang niluluto nya. Aaaaaaaaayyyyyyyyyy!!!!!(Nadulas) AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! Nagimbal ako sa aking nakita. Di ako makahinga, bumaliktad ang sikmura ko....nanghihina ako…..MUSINGAN?!!!!!!!!!!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!

Walang buhay at nakahandusay sa aking harapan, langhap ko ang malansang amoy ng dugo,umiikot ang paligid ko. Wakwak ang tiyan, labas ang bituka,nagkalat kung saan-saan ang ibang parte ng katawan,tirik na tirk ang mata, naliligo sa sariling dugo, nakakapangilabot. (Takbuhan ang tropa sa kusina)

OH MYYYYYYYYYYYY!!!!

itutuloy




Monday, 18 April 2011

MASID (ikalawang kabanata)

Posted by iya_khin at 02:02 17 comments

(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)

Surprise!!! Magiliw na bati ni EMPI kay Lhuloy. Oh you’re here….biglang simangot at parang namutla ng makita nya si Empi sabay lingon kay Kiko. Your dad asked me to drive for you guys para naman daw alam nyang safe kayong makakapagbakasyon dahil kasama nyo ako. Isa si Empi sa mga pinagkakatiwalaan ng daddy ni Lhuloy at isa din sa masugid na manliligaw nya. Pare, nililipad ako may bagyo bang dumating? sabay angas ni Akoni at akbay kay Kiko. Tawanan.

Sya nga pala, ito si Keatondrunk sasama din sya sa atin para kung mayroong aberya sya ang expert dyan. Pagpapakilala ni Empi. O my gosh! Akala ko ba tayo lang ba’t ang daming sabit?!! Pagtataray ni Jhengpot. Hayaan mo na atleast marami tayong body guard sabi ko sa kanya . Oo nga para naman may gagawa para sa atin if ever may kailangan tayo, pagsang-ayon naman ni Kamila. Whatever! Pagsusungit pa din ni Jhengpot.

Nagsimula na silang maglakbay. As usual sobrang ingay sa loob ng van, harutan at tawanan. Magkakatabi kaming girls sa front seat habang ang mga boys ay di magkamayaw sa likuran.  After 3 and ½ hours na byahe kailangan pa naming sumakay ng pamboat papunta sa resort nila Lhuloy. Nahihilo ako, sabi ni Kamila, dahilan sa maalon ng araw na yon at medyo uulan pa yata. Ako din nasusuka! Pag amin ni Musingan. Ano ba yan! ang hihina naman ng resistensya nyo di kayo tumulad sa akin! Pagyayabang ni Leonrap. Huwag ka ngang mayabang dyan, eh kanina ka pa nga pasimpleng sumusuka dyan! Supalpal ni Jhengpot sa kanya. Habang kami naman ay tahimik na nakaupo lang. Ok ka lang? pagtatanong ni Banjo sa akin. Oo naman, ok lang ako. Tugon ko sa kanya habang nakatanaw ako sa karagatan.

Magtatakip-silip na ng makating kami sa pangpang ng isla. Isang lalaki ang sumalubong sa amin. Kamusta Mang LordCM? bati ni Empi. Maayos naman ako iho, masaya ako at nakadalaw ka uli. Sagot ni Lordcm habang nakatingin sa aming lahat. Nagkakilala silang dalawa dahilan sa minsan ng naisama si Empi ng daddy ni Lhuloy ng ipaaayos nila ang resort. Senyorita Lhuloy, buti naman at sa unang pagkakataon ay nakapasyal ka dito, tama lang din ang pagdating ninyo at tapos na ang mga pag-aayos ng mga kwarto. Good! Matipid na tugon ni Lhuloy. Hali na kayo at mag gagabi na mahirap pag-maabutan tayo dito ng dilim. Pagmamadaling paanyaya ni Lordcm.

Sa di kalayuan may isang nilalang na taimtim nakamasid sa kanila. Isang nilalang na nagkukubli sa dilim at tahimik na nakikiramdam sa bawat galaw ng magkakaibigan. Waring kay tagal ng naghihintay, dumadaloy ang pigil na pagkasabik sa kanyang katauhan na sa bawat galaw ng mga bisita’y tumatagos sa kanyang laman……………..


itutuloy


Saturday, 16 April 2011

MASID (unang kabanata)

Posted by iya_khin at 04:40 20 comments

(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)

Aaaaaaaaaaaaah!!!!!! Nakakabinging sigaw ang narinig ko mula sa ikalawang palapag. Balisa ang isip ko, tagaktak ang pawis ko habang hapong-hapo sa paghinga. Halos mawalan na ako ng lakas nanlulumo na ang buo kong katawan…isa-isa na silang nawala..dalawa nalang kaming natitira pero nasaan sya?

ANG NAKARAAN

Waaah!!! Bakasyon na!! O guys saan ang gala natin?!! Excited na pagtatanong ni LEONRAP  sa grupo. Sampu kaming mag-babarkada, si AKONI ang pilyo sa grupo, LEONRAP na maingay, ISTAMBAY na henyo pero astig, KIKOMAXXX da muscle man, MUSINGAN na mahilig mag-magic, DIAMONDR na akala mo’y tahimik pero rock! Sa mga babae naman, si KAMILA muse ng barkada, si JHENGPOT na gifted child, LHULOY ang rich girl ng tropa, at ako si IYA_KHIN simple pero di pahuhuli.

Lahat kami halos magkakasama na simula pa sa elementary, highschool at ngayong  nasa kolehiyo na. Magkaiba man kami ng kurso at skwelahan nanatiling solid ang barkadahan. Ewan ba at bakit parang magkakakabit na ang bituka namin. Madalas ang asaran, pikunan, harutan, kulitan pero sa huli’t-huli kami parin ang magkakasama subok ng matibay subok ng matatag.

I think we better hit our resort house in Bicol, my parents just bought a small island there which I think exist since 1800’s, banat ni Lhuloy. Eh paano tayo pupunta dun baka sobrang layo naman, tanong ni Leonrap na umandar na naman ang kakuriputan. Don’t worry I’ll take care of everything, I’ll tell my dad about our plans so he will cover what we need. Anyway he was asking what I like for my birthday present, so better ito nalang para maiba naman…hirit na naman ni Lhuloy na halos kaming lahat napapatanga sa kanya.

Sabado ng madaling araw nasa waiting area na kami ng bahay nila AKONI, nag suggest kasi ang mama nya na si MOMMY RAZZ na sa kanila nalang maghintayan para maiprepare nya kami ng almusal bago kami magbyahe. Iya, tawag sa akin ni Istambay etong jacket suotin mo baka nilalamig ka, mag sumbrero ka din kasi medyo mahamog pa at baka sipunin ka. Una palang medyo mas close na kami ni Istambay, kahit na minsan busy sya sa school works eh inaalala nya pa din ako. Di ko nga alam kung bakit pero di naman sya nanliligaw sa akin.  So ayun kinuha ko sa kanya, salamat Banjo ito ang mas gusto kong tawag sa kanya.

Ehem, oist ano yan?  Nagmemelt ako sa inyong dalawa! Bara ni Akoni. Sus nainggit ka naman ikaw kasi makulit ka masyado kaya walang girls na tumatagal sayo, sapaw naman ni Jhengpot. Anong wala?!! Akala mo lang yon,pagtatanggol ni Musingan. Kaso lang kailangan ko munang ihipnotyze bago sya magustuhan. Tawanan ang tropa. Habang tahimik lang na nakangiti si Kamila at Diamondr sa sulok.

Be ready guys padating na ang van natin, Kikomaxxx can you please help me with my bags? Lambing ni Lhuloy kay Kiko. Matagal ng may unawaan ang dalawa pero nililihim nila sa tropa, masyadong complicated kasi ang situation nila dahilan sa mahirap lang sila Kiko at super yaman naman nila Lhuloy. Sabi pa nga langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Hey! Tara na!!! Di mapakali si Leonrap at tatalon-talon pa ng makitang padating na ang sasakyan nila.

And then we’re on!

itutuloy

Wednesday, 23 March 2011

AKO SI YULIE 07

Posted by iya_khin at 22:24 16 comments
Nagbakasyon si Yulie kaya medyo na delay ang next episode ng kwento ng buhay nya.....
Eto na po ang pang-pito.....

Ako si Yulie 07


Walang hiya ka!!! Aaahhhhh!! Pagpupumiglas ko sa lalaking nagsasamantala sa akin.

Hmmm…..BOG!! Sabay tumba at kawalan ng malay nito habang gulat na gulat ako sa mga pangyayari.

Maya-maya pa ay di ko alintana na nasa may bungad na pala ng pinto ang isang babae. Bakas sa kanyang mata ang pag-aalala sa lalaking ito. Halos kasing edad ko lang ang babae, maganda, makinis, katamtaman ang taas at…….

Lumayo ka nga dyan, sino ka ba at anong ginagawa mo dito?! Tanong ng babae ng makita ako at animo’y nanlilisik ang kanyang mga mata.

Huh?! Ako ho si Yulie bago nyong kasambahay….sagot ko habang di parin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Parang walang narinig ang babae at tinawag si Carlota. Leche! Carlota!!!! Agad-agad na dumating si Carlota.

Ano po yun senyorita Matilda? Malumanay na tanong ni Carlota sa kanya.
Tulungan mo nga akong akayin si Danilo sa kanyang kwarto bilis!! Agad nitong utos.

Habang papalabas sila ng kwarto muling lumingon sa akin si senyorita Matilda at tinitigan ako ng masama at parang diring-diri sa akin.

Ano ba itong buhay ko, ano ba itong napasok ko? Sawang-sawa na ako sa mga pang-aapi ng mga tao sa paligid ko. Kung magkakasama-sama lang sana uli kami  ng aking itay at inay di sana naging ganito ang buhay ko. Lumong-lumo ako sa mga nangyari pero bakit ganon nalang ang labis na pagkamangha ko sa lalaking iyon? At tila nararamdaman ko pa ang kanyang mga haplos at halik , na kahit nagpupumiglas ako sa kanya kanina ay batid kong puno ng pagmamahal ang kanyang mga yakap at halik. Ramdam ko ang lambot at ang init ng kanyang labi….
Nahihibang ako! Bakit ko ba naiisip ang mga yon na dapat nga ay kasuklaman ko sya dahil sa kanyang ginawa.
Sa labis kong pag-iisip at dala narin ng pagod ay maya-maya pa’y sumasakit na ang aking ulo kaya nagpasya na akong matulog kahit kumakalam ang aking sikmura.

Nababalot ng kadiliman ang paligid ko, wala akong maaninag at wala ni isang kisap ng liwanag sa paligid ko.
Tulong…..tulungan mo ako….huhuhuhu hikbi na isang babae.
Tulong……tulungan mo ako…papalapit ang tinig sa akin.
Nabalot ako ng pagkatakot di ko alam ang gagawin ko, papalapit sa akin ang tinig pero di ako makaalis…
Tulong….tulong……biglang kapit sa akin ng isang napakalamig na mga kamay at napaksangsang ng amoy..
Paano kita tutulungan wala akong makita ni wala akong maaninag!! Nagsisimula na akong mangamba.
Tulong…tulong nauuhaw ako….sabi ng babae. Kinapa ko ang kanyang mukha at naramdaman kong malagkit at basa ang kanyang katawan..ano ito?! Naamoy ko…dugo!dugo! at biglang….GRRRRRRRRRRRRR!!!!!!

itutuloy

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review