Wednesday, 23 March 2011

AKO SI YULIE 07

Posted by iya_khin at 22:24
Nagbakasyon si Yulie kaya medyo na delay ang next episode ng kwento ng buhay nya.....
Eto na po ang pang-pito.....

Ako si Yulie 07


Walang hiya ka!!! Aaahhhhh!! Pagpupumiglas ko sa lalaking nagsasamantala sa akin.

Hmmm…..BOG!! Sabay tumba at kawalan ng malay nito habang gulat na gulat ako sa mga pangyayari.

Maya-maya pa ay di ko alintana na nasa may bungad na pala ng pinto ang isang babae. Bakas sa kanyang mata ang pag-aalala sa lalaking ito. Halos kasing edad ko lang ang babae, maganda, makinis, katamtaman ang taas at…….

Lumayo ka nga dyan, sino ka ba at anong ginagawa mo dito?! Tanong ng babae ng makita ako at animo’y nanlilisik ang kanyang mga mata.

Huh?! Ako ho si Yulie bago nyong kasambahay….sagot ko habang di parin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Parang walang narinig ang babae at tinawag si Carlota. Leche! Carlota!!!! Agad-agad na dumating si Carlota.

Ano po yun senyorita Matilda? Malumanay na tanong ni Carlota sa kanya.
Tulungan mo nga akong akayin si Danilo sa kanyang kwarto bilis!! Agad nitong utos.

Habang papalabas sila ng kwarto muling lumingon sa akin si senyorita Matilda at tinitigan ako ng masama at parang diring-diri sa akin.

Ano ba itong buhay ko, ano ba itong napasok ko? Sawang-sawa na ako sa mga pang-aapi ng mga tao sa paligid ko. Kung magkakasama-sama lang sana uli kami  ng aking itay at inay di sana naging ganito ang buhay ko. Lumong-lumo ako sa mga nangyari pero bakit ganon nalang ang labis na pagkamangha ko sa lalaking iyon? At tila nararamdaman ko pa ang kanyang mga haplos at halik , na kahit nagpupumiglas ako sa kanya kanina ay batid kong puno ng pagmamahal ang kanyang mga yakap at halik. Ramdam ko ang lambot at ang init ng kanyang labi….
Nahihibang ako! Bakit ko ba naiisip ang mga yon na dapat nga ay kasuklaman ko sya dahil sa kanyang ginawa.
Sa labis kong pag-iisip at dala narin ng pagod ay maya-maya pa’y sumasakit na ang aking ulo kaya nagpasya na akong matulog kahit kumakalam ang aking sikmura.

Nababalot ng kadiliman ang paligid ko, wala akong maaninag at wala ni isang kisap ng liwanag sa paligid ko.
Tulong…..tulungan mo ako….huhuhuhu hikbi na isang babae.
Tulong……tulungan mo ako…papalapit ang tinig sa akin.
Nabalot ako ng pagkatakot di ko alam ang gagawin ko, papalapit sa akin ang tinig pero di ako makaalis…
Tulong….tulong……biglang kapit sa akin ng isang napakalamig na mga kamay at napaksangsang ng amoy..
Paano kita tutulungan wala akong makita ni wala akong maaninag!! Nagsisimula na akong mangamba.
Tulong…tulong nauuhaw ako….sabi ng babae. Kinapa ko ang kanyang mukha at naramdaman kong malagkit at basa ang kanyang katawan..ano ito?! Naamoy ko…dugo!dugo! at biglang….GRRRRRRRRRRRRR!!!!!!

itutuloy

16 comments:

Diamond R said...[Reply]

ano ang nangyari?bitin.

YanaH said...[Reply]

may pabitin epek talaga..

haysss...

halos lahat ng nababasa ko today may pabitin epek.

mommy-razz said...[Reply]

hala ano yan,? may patay! naku walang kataposang problema ah.. tst tsk tsk..

Kamila said...[Reply]

ang suspense naman nun.. hahaha si yulie ay nagpapakipot pa eh parang like naman niya.. hahaha pero ang creepy nung huli.. bakit may dugo.. feeling ko psychological thriller toh..hehehe

Akoni said...[Reply]

anak ng....suspense-drama itech ah...bigti ako don ah....napansin ko pangalan ni matilda, parang maldita....hehe..

Bino said...[Reply]

ay naging lobo! kasi may grrrrr. pwede ding vampire. hehehehe. abangan ko na nga lang ang kasunod

musingan said...[Reply]

kaabang abang... nice naman at pinagpatuloy mo na ang AKO SI YULIE....

KikomaxXx said...[Reply]

maganda talaga pagbitin.. hehehe sana masundan ko pa yung series ko din.. hehehe

Sey said...[Reply]

Natakot ako dun sa last part bakit may dugo? Teka. Hindi ko pa nabasa yung mga unang parts ng story. Babalikan ko wait........

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

ano ang kasunod..saan nagbakasyon si Yulie kaya na delay..

Sey said...[Reply]

Ayan natapos ko na. Naiinis ako sa madrasta niya ah! Naku, sasabunutan ko yan, grrrrrrr! Nest episode please...hehehe!

Leonrap said...[Reply]

ulitin ko to sa rest day ko... nakalimutan ko na ung mga ngyari sa ibang part eh.. hehe...

glentot said...[Reply]

As usual, heavy drama uli hehehe

jhengpot said...[Reply]

magandang hapon rialyn diaz...hehehe...
bigatin ang eksena! may duguan na!

babe said...[Reply]

tutulungan kong hanapin ang mga magulang ni yulie. i-report natin sa Reunions sa QTV channel 11.

DENASE said...[Reply]

GRRRRRRRR din. Kakilala ko ba si Yulie?
Musta na waray?


http://arandomshit.blogspot.com/

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review