Monday, 7 March 2011

Ako si Yulie 06

Posted by iya_khin at 01:04
Oho sya ho, iiwan ko na ho sya sa inyo kayo na po ang bahala. Tugon ni Tyang Minda kay Mr. Castillo

Tyang, wag nyo po akong iwan dito parang-awa nyo na po! Pagmamakawa ko sa kanya

Tumigil ka nga! hindi nga sabi pwede! Nakapagbigay na sila ng pera sa akin para pampagamot sa tatay mo! kaya manahimik ka dyan! Singhal ni  Tyang Minda sa akin.

Cge ho Mr. Castillo, aalis na ho ako. At agad-agad na syang lumabas ng pinto at iniwan akong lugmok sa pagtangis.
Paano na ang itay? Di man lang ako na kapag-paalam sa kanya, alam kaya nyang nandito ako?

Ehem! Putol sa akin ni Mr. Castillo

Carlota, dalhin mo na sya sa kanyang silid.

Oho senyor. Sagot ni Carlota at dali-dali akong inakay papunta sa aking magiging silid.

Di ko agad napansin na lubhang napakalaki pala ng tahanan nila Mr. Castillo, sa sobrang pagluha ko kanina ay di ko ito alintana. Napakarangya ng mga kagamitan at halos lahat ng kasangkapan ay mamahalin. Ngunit sadyang iba ang pakiramdam ko sa bahay na ito, tila may ikinukubling lihim sa likod ng karangyaan nito.

Ito ang magiging kwarto mo, pagpatak ng ala-sais ng gabi dapat tapos na ang trabaho mo at nandito kana sa loob, ipinagbabawal na ang lumabas , bukas na bukas din magsisimula kana. Mariing sambit ni Carlota.

Sadyang nakakapanibago ang mga kilos nya, dati rati’y sobrang giliw nya, ngunit ngayon tila ang lamig ng pakikitungo nya at animo’y di ako kilala. Pagkatapos nyang  sabihin lahat ng mga gagawin ko agad-agad na syang lumabas. Di ko lubos maisip bakit ganun nalang ang kanyang ikinikilos. Iniisip ko kung hanggang kailan kaya ako mamamalagi sa bahay na ito, wala man lang binanggit sa akin ang Tyang Minda. Kung para naman sa kapakanan ni itay gagawin ko ang mga ito pero hanggang kailan?

Inabala ko na ang aking sarili sa pag-aayos ng aking mga gamit ng biglang……

Tok-tok-tok

Sino yan?

Tok-tok-tok

Sino sabi yan?

At ng di parin sumasagot ay nagdesisyon na akong pagbuksan ito at ng biglang….

Hhmmmmm….yapos……..mahal kita…..mahal na mahal kita……yapos….kasabay ng mapusok na halik sa akin….


Itutuloy

10 comments:

Leonrap said...[Reply]

ay naku bitin naman....

YanaH said...[Reply]

kelan itutuloy? hihihi

Akoni said...[Reply]

waaaaahhh blowing mind ang huli...nasa isang kasa kaya siya? hahaha abangan..kaabang abang iya..post mo na ang kasunod.

empi said...[Reply]

ano yon? sino yumayakap? at humalik?

musingan said...[Reply]

grabe na talaga ang kaganapan sa buhay ni yulie...

mommy-razz said...[Reply]

hay cnu kaya un? bininta kaya siya ng tyang niya? bitin na naman..

jedpogi said...[Reply]

nakakabitn nga naman... tsk tsk tsk!

uno said...[Reply]

naman... may ganun ng eksena ah...

Kamila said...[Reply]

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Sampal...sasampalin ko yun!! Hahahaha,.... tumataas naman balahibo ko sa mga ganito.. hahahahahah lol.

Sey said...[Reply]

Ayun pala yun. Kawawa naman si Yulie. Pero in fairness andg bait niyang anak.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review