Monday, 14 March 2011

Para kay Anton

Posted by iya_khin at 02:04
Para sayo Anton,

Matagal tagal ko na rin pinag-isipan ito at halos may katagalan na din tayong magkakilala. Naglalaro ako nun ng paperdolls na gawa ni ate na jinekwat ko sa bag nya ng masilayan kita sa labas ng bakuran namin habang naglilipat bahay kayo. 9 years old palang ako noon at di ko maintindihan ang naramdaman ko, parang biglang nag-palpiteyt ang inosenteng puso ko. Tandang tanda ko pa din kung anong itsura mo nun, may sipon ka ata ng panahon na yun kasi labas pasok ang uhog mo. Sige nga ang punas mo sa damit mo ng bigla kang mapatingin sa akin at nagulat ka, bigla kang tumakbo at pumasok sa inyo. Pero ok lang yon kasi super cute ka pa din sa paningin ko.

Lumipas ang mga araw naging klasmayt pa tayo sa elementarya, halos araw-araw magkasabay din tayong pumapasok at umuuwi. Nalulungkot nga ako minsan pag-absent ka kasi nakakabagot mag-isa nasanay na kasi akong kasama ka. Hanggang sa grumadweyt tayo ng highschool parang magkarugtong na ang bituka natin, in good terms din ang mga magulang natin kaya sobrang saya ko. Halos  gabi-gabi nasa inyo ako minsan naman dito ka tumatambay sa bahay namin at may pagkakataon pa ngang sa amin ka natutulog. Alam mo bang pinagmamasdan kita sa iyong pagtulog?! Ang pogi mo talaga! Nakakabighani ang iyong mala-anghel na mukha, ang mapupulang labi at ang makisig mong pangangatawan, I love everything about you!

Pero biglang nagbago ang lahat, simula ng dumating si Anna.

Si Anna, klasmayt mo sa kolehiyo, si Anna na maganda, si Anna na sexy, si Anna matalino, lagi nalang si Anna! Paano na ako, anong nangyari? Madalang ka ng tumambay sa amin ngayon, lagi ka ng nasa lakwatsa dahil kasama mo si Anna iniiwan mo na ako sa ere. Minsan naglasing ka sinamahan pa kita dahil sabi mo ayaw ng magulang ni Anna sayo. Bakit kailangan mo pang maghanap ng iba eh nandito naman ako? Bulag ka ba?

Dapat dati ko pa ito sinabi sayo, dapat pinagtapat ko na agad sayo na mahal kita, oo mahal kita simula pa noon. Ngayon nalulungkot ka kasi di ka kayang ipaglaban ni Anna, ako eto ipaghahamon pa kita! Sana mapansin mo din ako, sana malaman mong may feelings din ako. Sana balang araw di mo na din ako tawaging TOL…..
Mahal kita, dito lang me….

Loving you,

Tikboy
galing deviantart

23 comments:

Axl Powerhouse Production Inc, said...[Reply]

so sad.... dapat sinabi ko na mahal kita.. ouchyy...

Kamila said...[Reply]

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!! ano nga ba yung kantang yun? one look and then yun iba na..malagkit dumikit ang tingin ng mata..one smile.. iba na ibig sabihin.. di na friends ang tingin niya sa kin..everyday palaging we're together..every week..palaging may sleep over..ang tawag mo sa mami ko ay tita.. bakit ba di pa nun nakita..until out of the blue..Im feeling so true.. bigla na lang sinabi sa kin... THIS GUYS IN LOVE WITH YOU PARE... at kinanta ko talaga..kase di ko maalala title..

Akoni said...[Reply]

whaatttaaaa..hahahahha...feel na feel ko ang storya hanggang sa..What the...TIKBOY?!!!hahahaha...at biglang tumugtog ang kanta ng parokya ni Edgar, "this guy inlove with you pare"..hahaha..

clap-clap-clap...natawa ako ng super bongga..hahahha

Diamond R said...[Reply]

ikaw ang iniisip kong 9 years old.tapos... tapos.... ay ewan dibali tapos na.

Leonrap said...[Reply]

ahahah.. mukang tanga ung pic.. si tikboy ba un?... ahahaha...

Akoni said...[Reply]

Adik ka rap...:))

A-Z-3-L said...[Reply]

tsk tsk.. si tikboy...
kinulang sa pagpapacharming!!!
lolz!

musingan said...[Reply]

ahahaha... natatawa talaga ako kay tikboy... anak ng... di ko naisip na ganun pala ang ending niya...

musingan said...[Reply]

ahahaha... natatawa talaga ako kay tikboy... anak ng... di ko naisip na ganun pala ang ending niya...

Bino said...[Reply]

this guy's in love with you pare! hahahaha

hey may new blog po ako. paadd po sa blogroll www.thebumupstairs.com

salamat :)

iya_khin said...[Reply]

@axl hahahah!oucchy nga

@kamila at talagang kinanta!! cge sabayan kita!

@akoni hahaha! kahit ako natawa ako sa sarili ko! hahaha!

@diamondr nu ka ba, 9 years old nag-pipitik-bulag pa ako non!

@rap hahahaha!

@akoni adik talaga!

@azel natorpe yata! LOL

@musingan hahahah! parang adik lang

@bino badushkah ka pala!! oo nag-add na kita!! ikaw pa lakas ka sa akin!!

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...[Reply]

wahaha,natawa naman ako..cute pa naman nung letter..:P

yep..gumagwa po ako pero gawa-gawa lang..kung di nyo pa po nababasa yung prequel eto yung link uh :

http://voicefromadistantstar.blogspot.com/2011/01/my-first-one-shot-manga.html

Leonrap said...[Reply]

akoni - kung makacomment ka, parang page mo to ah... ahahah...


iya - padaan uli.. si akoni kasi nag aadik na naman. ahaha

glentot said...[Reply]

Hahahaha lugi sa lovelife si tikboy...

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

bakit tikboy???

tibo?

hehehe


gudmorning iyakhin!

LordCM said...[Reply]

toinks! lolzz "Tol"! ha? tapos biglang Tikboy! alam na! hehehe, ganda pa naman sana ng istorya mo tikboy lolzz

WV : TORPE <-- nang aasar ka?!!! ha?!! lolzz

MiDniGHt DriVer said...[Reply]

hahaha.. tawa ko ng tawa dito.. sabi na nga ba, may twist sa dulo..

mommy-razz said...[Reply]

bkit tikboy? tikboy ba talaga name mo iya_khin? haha! nice name astig na girl..

KikomaxXx said...[Reply]

ahahaha... ikaw na may mga twist sa dulo.. ahahaha... ganda ng humor nato...

jedpogi said...[Reply]

this guy is in love you pare hehehehe....

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

Tikboy.....talo ka,hehe..

iya_khin said...[Reply]

@ayu hehehe!check ko yang manga mo!

@rap ano away?away ba to?!! lol

@glentot hahaha!! naluging badushka!

@jay hahahah!

@lordcm asar talo ba?!! hahahha

@midnyt uy byahe ka uli!!!?

@mommy hahahaha!!! di ako yan, imahinasyon ko lang si tikboy

@kikomaxxx tenk u naman!!!

@jedpogi tugtugan mo,di pa ako nakadalaw sayo, later tumbling ako sa haus mo!

@arvin pustahan ba to?! hahaha

ISTAMBAY said...[Reply]

Tikboy ba naman, pano ka nga ba mapapansin non hahaha... ay kahit ako eh... tsk tsk...

friends na lang.. :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review