Showing posts with label buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay. Show all posts

Monday, 28 September 2015

bulong....

Posted by iya_khin at 04:14 1 comments
Simple...

Simpleng buhay lang naman ang nais ko...
Masarap sigurong maging mayaman
pero ok na ako sa katamtaman..
Hindi sobra-sobra at hindi din kulang..
"Sapat" ito siguro ang tamang salita.

Simpleng pamumuhay...
Bahay kubo... kahoy at kulambo..
probinsya.... ang saya siguro..
tahimik... katahimikan...unos ng alon..
Oh simoy ng hangin...
Yan lang naman ang hangad ko.

Kabundukan, karagatan...
Kung saan man..dun sa mapayapa...
Walang gulo...walang tensyon..
Oras ay lilipas kasama ang pamilya mo
Nagbubulay-bulay...
Sarap sana..pero paano?

Yung simpleng buhay lang pero ang hirap makamit..
Yun lamang naman bakit tila pinagkakait?
Buhay natin ngayon ay parang robot..
sunod-sunuran..alipin..pera..luho at iba pa..
Ayoko ng ganito..
Mahirap aminin pero eto tayo ngayon.

Gusto kong maglakbay..
Gusto kong akyatin ang bawat kabundukan..
Gusto kong languyin ang bawat karagatan...
Yakapin ang kalikasan...
Mag-ukit ng mga alaala habang may panahon pa..

Yung masasayang mga alaala.

bulong ng puso ko...

google


Wednesday, 5 August 2015

tanong

Posted by iya_khin at 04:41 1 comments
google image


Nalalapit na...
Dapit hapon ng buhay ko'y nararamdaman ko na
Halintulad sa hangin..kinakapos ng hininga...
Pagtibok ng puso'y bumabagal..napapagal...
Dito na ba?

Ngiti sa labi kaya kong ipinta
Damdamin..sabog na sabog na..
Wala namang aasahan...
Kailangang magkunwari..kailangang maging masaya.

Oh pag-big..madaya ka..
Batid mo na ngunit umaasa ka
Nagbabakasakali..baka...
Bahala na.

Pira-pirasong pangarap
Mabubuo pa ba kaya?
Pagtitiis hanggang kelan ba?
Hindi pa din sapat...

Oras ay tumatakbo..
Paulit-ulit, paikot-ikot
Lahat abala, napakabilis..
Wala na bang iba?

Kamusta't paalam
Ano ba ang pinagkaiba?
Nakikita't naiintidihan mo ba?
Ano ang mas mahalaga?

Malaya..payapa...

Abot kamay kana ba?


Thursday, 24 July 2014

LERRRIIIITT GOOOO!

Posted by iya_khin at 01:43 5 comments

"Willingness to let go.."
Parang ang dali, pero i like that.. chaaaar!!!

Magbabalik tanaw ako, ano nga ba yung mga plano ko dati? Yung MGA PLANO ko dati..
Madami, pero ni isa sa mga planong yun wala akong maalala. Ok fine, example, halimbawa.. plano kong maging artista o diba bagay?! Dati kasi puro ako iyak sa sobrang drama ng buhay ko kaya na isipan ko dati i-approach ang GMA o ABS-CBN para isapelikula yung buhay kong puno ng kadramahan, syempre dapat ako ang magiging artista at bida. (yeah right korinks!)

Shaaakeerss wala talaga me maalala, anobeey! Ito na talaga siguro yung point na alam ko sa sarili ko na nakamoved on na ako at na-let go ko na yung mga plinano ko dati o di kaya naman natupad na yung mga plinano ko.

Sa totoo lang ang daming mga plano pero failed.. sucks!

Yaaktuwalii... from those failures natuto akong tumayo at lumaban, dahil sa mga planong naging drawing at mga pangakong napako natuto akong manindigan sa sarili ko. Bakit kamo mga planong pangako?! Ganto...

Scenario:

girl: uuyyy babe help mo naman ako, plano kong magpatayo ng palasyo tas gusto ko maging prinsesa.

boy: naku babe ako bahala sayo, ako ang magpapatayo ng palasyo para sayo.

girl: (nag-isip...) ok fine, basta 'to yung plan ko na plan na natin ha!! promise mo yan ha?!

boy: oo, i swear by the moon and the stars in the sky..

pagkatapos ng mahabang paghihintay..walang palasyo...may dumating na wicked witch...sinapian si boy..naanay ang binubuo palang palasyo...karma is a bitch..na-yolanda si boy at si wicked witch. - the end

So nasaan si girl?!

Nasa far far far far away land kumakanta ng LERRIT GO, LERRIT GO! 

Natatawa nalang ako pag naalala ko ang mga shitness sa buhay ko, PAAAAKSYYEET, buti at nagising na ako. Simple lang naman ang mga plano ko dati, maayos na tahanan, maayos na pamilya, yun lang naman.. pero it takes a lot of effort.. a life time effort which for OTHER people is very hard to handle. lels parang handle with care lang!

Pero nasaan ako ngayon? Nandito ako sa lugar na di ko naman planong pumunta, sa lugar na hindi ko planong magtrabaho, sa lugar kung saan ko nalaman na malakas pala ako at kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Nakaya kong mag-isa sa tulong ni AMA. oopppss wag kayong iiyak, ayoko ng drama! :p

Ang daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naman plinano, kasi SYA yung nag-plano para sa akin.

"For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." JEREMIAH 29:11

Hindi ako relihiyosa madami akong kabaliwan at madami akong naging kasalanan, pero ang masasabi ko lang wala akong inagrabyado at nilokong tao... ako kasi ang naloloko.

Heniwaaayss..balik tayo dun sa willingness to let go.

Di naman masamang mag-plano lalo na kung eager ka talagang matupad ito pero expect din sa mga failures, dapat handa ka sa mga magiging resulta mapabuti man o mapasama. Dapat tanggap mo, dapat matatag ka at the end of the day kasi pag hindi, at kung hindi mo kayang harapin ang kalalabasan it will lead you to distraction which ayaw natin lahat mangyari.

Kung beyond imagination naman ang mga plano mo, aba eh mag isip-isip ka, reasonable ba naman? Well ikaw lang ang nakakaalam.

body pump #lesmills
 when life is so hard for you to carry.... "SQUAT IT DOWN"

Hindi ko po plinanong maging GX instructor, adik lang ako dati sa gym dahil ito yung naging lunas sa kaek-ekan at depression ko before. Pero eto ako ngayon.. hindi ko aakalain... dahil sa tinding burden na pinapasan ko dati, natuto akong buhatin at dalhin ito sa ganitong paraan.. may future pala dito! LOL

Dito nya ako dinala, ni-mold nya ako para maging strong.. :)

Sana kayo din..

He has plans for you as well... just trust and hold on unto HIM.




Monday, 24 March 2014

huli ka balbon

Posted by iya_khin at 00:50 0 comments
Buhay nga naman..parang layp lang…

Sa dinami-daming issues at news sa kung saan-saan, mapa-tv, radio, dyaryo at sa internet.. isama mo pa yung iba’t ibang apps ng android at apple ios at kung ano pang mga kachorvahan all around the world..nakakahilo..nakakabaliw.. ano ba talagang nangyayari sa earth at sa mga earthlings?!

Ang daming pampagulo sa mundo, ang dami-daming mga bagay na hindi mo maintindihan, mga bagay na dapat hindi mo iniintindi pero dahil mahilig tayong umepal by nature eh nakikiepal nga tayo, nakikiuso, nakikisabay. Maraming nasasayang na panahon, pera, effort at pagmamahal. So dami din nasisira, nawawala, isama mo na yung Malaysian airline, daming epal pero ‘til now natagpuan na ba?!

Nahanap na ba?

 Nahanap mo na ba?

Saan ka tatakbo?

 Kanino ka magtitiwala?

Kung halos lahat palpak…

Kelan, Saan, Kanino.. magtitiwala?

Kung paulit-ulit itong nasisira.

Wala lang…


“Ang kailangan mo lang naman talaga eh yung taong pipiliin ka hanggang sa HULI

Yung kahit maraming MAS sayo, di ka parin IPAGPAPALIT… “

PS:
wala pong kinalaman yung title ng post na 'to! :p



Wednesday, 16 January 2013

mamatay kana!!

Posted by iya_khin at 04:25 10 comments
message from FB 10:54pm (dubai time) 2:54am (philippine time)

bunso :ate
na balang kami ni mark
nakuha ung pang tuition ko.
pati cellphone ko
tae

wala na sakin
cellphone ko
nakuha
d kami naka galaw ni mark
may mga dalang kutsilyo
bnigay ko na lahat
buti ung kay mark d nakuha
ung akin lang nbigay ko
pati pang tuition ko
nakuha nila
kakain kasi sana kami.

inaya ako n mark kumain
muntik na ko masaksak
bnigay ko nalang
lahat


d kami pinasok
nasa labas kasi
kami
kakain
Tsk


Sunod-sunod na mensahe ng bunso kong kapatid at yung tinutukoy niyang si mark...anak ko. Halos atakihin ako sa puso ng nabasa ko 'tong mga messages nya sa telepono ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang sinisilaban ang pwet ko sa sobrang nerbyos! Sinubukan kong tawagan kapatid ko sa phone, enggot lang kasi nakuha nga pala telepono nya pero sinagot pa talaga ng mga holdaper! kaloka!

Nakakapanghina... I thank God kasi walang nangyari sa kanilang masama, I thank God yun lang kinuha sa kanila at hindi ang buhay nila, ikamamatay ko na talaga.

Di ko alam kung bakit ganto nangyayari sa akin ngayon, hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal...nanlulumo na ako pero need kong tumayo para sa anak ko...para sa anak ko nalang..

May mga bagay na sadyang di ko maintindihan at mahirap maipaliwanag kung bakit sa dinami-dami ng tao parang sa akin ibinato lahat ng gantong mga pangyayari... ewan...

Ang hirap na din magtiwala, dahil pati yon binasag na ng mga taong mga mapang-abuso kahit yung pinakamalapit sa buhay mo na akala mong mapagkakatiwalaan mo, yun pa ang susungab sayo.

google
ganto gusto kong gawin sa mga taong walang hiya!!!! sobra na talaga!!!!

ayoko munang mag-blog.



Monday, 5 March 2012

grieve...

Posted by iya_khin at 00:44 12 comments
google

Sobrang lungkot ko…

Bilang isang OFW ito ang ikinatatakot ko.. ang di mo nasasaksihan ang mga kaganapan sa buhay ng mga pamilya mo, mga kamag-anak mo o yung mga kaibigan mong naiwan sa atin.

Nakakalungkot lalo na kung abala ka sa trabaho tapos biglang may mag memessage sayo….

Iyah nasagasaan yung inaanak mo kanina….wala na sya……

Iyah wala na si mama mo…

Iyah wala na si auntie mo…

Iyah yung auntie mong isa wala na din…

Iyah si lola mo wala na…

Iyah si tita mo wala na…

Iyah yung pinsan mo nagpakamatay….

Iyah yung family friend nyo wala na din…

Nakakapanghina….

Wala ka namang magawa…

Wala akong mahingahan dito sa opisina habang tinitipa ko ito, parang dinudurog  ang puso ko kapag nakakatanggap ako ng mensaheng ganito…

Gustong sumabog ng puso ko….

Ilan na ba ang nawala simula ng mapunta ako dito sa ibang ibayo?

Mahirap malayo dahil di natin alam ang takbo ng buhay at ng mundo..
Maraming kaganapan na gusto mong naroon ka, baka sakaling may magawa ka pero napaka imposible..

Reality….

Sa paglapag mo pabalik sa bayang sinilangan…kulang na sila…

Tanging alaala nalamang ng nakalipas ang iyong babalikan….


Sunday, 4 March 2012

baliw

Posted by iya_khin at 03:43 4 comments


Baliw - English Definition: 1) crazy or demented person (noun) 2) crazy, demented (adj) 

minsan may pagkakataon talaga sa buhay mo na nagiging iritable ka at di ka mapakali sa isang tabi. May mga bagay rin na di mo na gugustuhang maamoy, makita, matikman o mahawakan man lang. Madalas din bigla ka nalang maiinis sa isang tao na wala naman talagang ginawa o nagawa sayo, may mga salita ka lang na narinig na di naman talaga angkop para sayo pero dahil sa OA ka nagreact ka…

at yun na ang simula ng away….
at sisimulan mo ng iyakan ang mga bagay-bagay na iniisip mo lang at wala naman silang kamalay-malay..
in-short, nagtatamang hinala ka lang.

wala naman dapat ikagalit, wala naman dapat ipagtampo, wala namang issue pero ginagawan mo, naaaliw ka pagsumasakit ang puso, naaliw ka pag nang-aasar ka at nagpapaasar naman sila. Pagkatapos nyong magpalitan ng asaran eh iiyak ka, magdradrama ka, eh diba yun ang hanap mo? Tapos ngayon aatungal ka dahil pinatulan ka at sasabihin mong inaapi ka at gusto mo ng mamatay…Baliw ka nga!

may pagkakataon din na humahagalpak ka ng tawa, kahit ano pinagtatawanan mo, lalakasan mo pa ang pagtawa para may makapansin sayo o sadyang nagpapapansin ka. Ito naman sila tatawa din dahil wala naman talagang nakakatawa kaya nagmumukha kang katawa-tawa….nakakasawa na…lintik naman talaga.

hindi ako naging atentib sa skwela noong highschool palang ako, di ko gusto ang subject na sibika at kultura, halos lahat ng grades ko dati ay pasang-awa, pero may isa akong natatandaan sa Noli Me Tangere… si Sisa..idol

Di pa naman nauso ang pag-aadik non pero paano kaya nakalathala si Rizal ng pagkabaliw? Di naman din pa taggutom noon kaya malabong makaapekto sa kondisyon ng pag-iisip ng tao…ah malamang alam ko na..dahil sa tindi ng pag-iisip kaya nakalikha ng ganoong karakter si Rizal…nakakabaliw nga naman talaga ang sobrang pag-iisip lalo na’t kung nag-iisa ka.

nakakabaliw na, nakakawala na ng gana, nakakasawa na..

ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
ang pag-iisa..
basilio…
crispin..
nasaan na kayo?

  


Tuesday, 22 November 2011

NapaSMILE sa paglalakbay

Posted by iya_khin at 00:51 13 comments

Dear Avid Readers….  Naks! Intro lang ‘to kunwari binabasa nyo! :p

November 16, 2011

Aloha! Arigoto gusaimas! Kifak anta?!! Ahalan jamil yani jamila?!! Shuhada?! Minduksai! Ano na?!!
Habang tinitipa ko ito kasalukuyang nasa pangalawang araw ako ng conference namin dito sa Amman, Jordan at mangyaring nagpapalpitayt ang aking ulo sa sakit dahil sa tensyon na nararamdaman ko at feeling ko maloloka na yata ako…

Dami kong gustong ikwento sa inyo kaso nitatamad pa ako dahil ngarag na ngarag ako now to the highest mount everest!!

Eto nalang ang proof…..

Random Pics_Amman, Jordan


November 20, 2011

Biyernes, lumapag ang eroplanong sinakyan ko galing Jordan, eto ngayon at back to normal na ang lahat at inaantok-antok na naman ako dito sa opisina! Haaaiiist, nakakatamad pang magtrabaho now at nitatamad din me magblog at magbloghop pa…ewan ko ba pero lately nitatamad me talaga….wala ako sa wisyong magbasa at magsulat…inspire me please!

Dahil siguro nasa bakasyon na ang utak ko kaya ganon…di nga kaya?!!hmmmm


Nov.22, 2011

Well anyway…eto nalang…napaSMILE ako dahil dito hindi lang 60seconds bagkus napatalon-talon pa ako dahil sa excited akong i-masuot ito…..


Maraming salamat sa SMILE contest ni LordCM

 That's it for now! Makapagupdate lang! 

Wednesday, 9 November 2011

gagala si iyah!

Posted by iya_khin at 23:46 19 comments
Bago ang nalalapit kong paglipad sa Perlas ng Silangan kung saan ako'y isinilang tayo na't baybayin muna natin ang nalalapit kong tour sa kabilang dako ng western middle east ang Amman, Jordan! yiiiiiiii!!!

4 na tulog nalang at ako'y sisigaw na ng darna!! chooos lang!! di keri ng sexy coca cola litro body ko!  Di ko alam kung anong madadatnan ko dun pero yung feeling na 2,000 years ago nandun si Jesus diba ang saya!! Yun palang eh excited much na ako! OO, ako na laging excited ngayon! hehehe 

Share ko lang sa inyo some of the pictures na tutuluyan ko at gusto kong puntahan.....eeeeeeppppsss! actually pala trabaho ang dahilan bakit ako i mean kami pupunta dun together with my GM and Managers, yes ako na ang may business trip!

mga napulot ko kay ka-google:

Amman, Crowne Plaza Hotel
dito ako magstay for 5 days
gusto kong magpagala-gala dito!
tumambay sa kada kanto sa gabi
namnamin ang nice view ng dead sea
at syempre magtampisaw din sa araw araw!

So, tara lets?!!! empake na!!! :p

Tuesday, 8 November 2011

malapit na!

Posted by iya_khin at 01:20 24 comments


i'm so excited much!!! to da highest mount everest!!! naamoy ko na ang pinas! yiiiiii!!!! halos 4 na taon akong naghintay at nagsunog ng kilay ngayon ay masasabi ko na ang matamis na tagumpay!!!! yahahahah! 

dami kong gustong gawin at puntahan, ang dami kong plano sana swak sa budget at panahon ko, limited time lang kasi ako magstay kaya sana masulit ko lahat! kaya gumawa ako ng listahan na gusto kong magawa at sana'y matupad so help me gad! :p

LISTAHAN NG UTANG PLAN:

1. kumain ng lechon
2. kumain ng lahat ng street foods
3. kumain ng fresh sea foods
4. kumain kasama ang mga mahal ko sa buhay
5. magpakain sa less fortunate
6. gumala with old friends
7. tumambay with old friends
8. magswimming sa beach na malalim
9. magsunbathing na nakasun-block
10. magkulong sa kwarto kasama si lablayp
11. magshopping sa divisoria at bumili ng pirated dvd's sa quiapo
12. mameet ang mga friends ko sa bloggy world
13. sana di sila manghingi ng pasalubong kasi wala akong dalang balikbayan box..pagbalik ko nalang :p
14. makaattend ng SBA! yiiiiii
15. makapagmano uli kay lolo mc arthur
16. makapagtestimony sa church sa pinas about sa goodness ni God
17. magkaspecial number sa church! hehehe
18. madalaw si mama.......haaaayyy
19. magkasama-sama kami ng mga kapatid ko sa pasko
20. magpaputok ng lusis at wisol bomb sa bagong taon
21. ect ect ect.....

all i really want lang naman talaga is to be with my family and friends na matagal ko ng hindi nakasama, money is not an issue co'z i don't have money! hehehehe choi!!

see u all very soon!!!



 
(01) Eraserheads - Manila





Monday, 20 June 2011

left

Posted by iya_khin at 01:42 21 comments

Friday, 17 June 2011

sa aking pag-iisa...

Posted by iya_khin at 03:34 14 comments

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang hinahanap ko
kay tamis na isipin
ng mga alaala

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang tinatawag ko
di ako mapalagay
kapag ako’y nag-iisa

Kung nalalaman mo lamang
na ako sa ‘yo’y naghihintay
lagi kitang inaasahan
na magbalik sa aking buhay

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang panaginip ko
hanggang kailan
kaya ako mag-iisa

Kung nalalaman mo lamang
na ako sa ‘yo’y naghihintay
lagi kitang inaasahan
na magbalik sa aking buhay

Sa aking pag-iisa
ikaw lang ang panaginip ko
hanggang kailan
kaya ako mag-iisa …


 
 
Cinderella - Sa Aking Pag-iisa
 

Tuesday, 3 May 2011

Aminin MO!

Posted by iya_khin at 04:58 17 comments
galing kay Mr. Google

Umamin kana!

Ilang beses kana bang umamin? Siguro ang tanong mo ngayon eh saan ka umamin at bakit ka umamin?

Ito ay ilan lang sa kadahilanan bakit napapa amin ang isang tao, ito ay naisip lang ng inaantok kong diwa:

1.       Nasa binggit ng kamatayan
2.      Huling-huli sa akto
3.       Nakokonsensya
4.       Di na kaya ng powers mong itago
5.       Nakakabaliw na

Intro lang po yan…. wala lang….may sasabihin ako sa inyo…malaking sekreto…dahil sa mga nakalathala dyan sa itaas ay isusuko ko na..aaminin ko na……OO! Aamin na ako!

·         OO, dahil sayo.
·         OO, naiintindihan mo?
·         OO, dahil adik ka!
·         OO, ikaw!
·         OO, ako.
·         OO, sorry….
·         OO, dahil BI ka!
·         OO, ako na!

At......

·         OO, Mahal kita!

Walang basagan ng trip.. gusto ko lang mag-OO ngayon kasi pumipikit na ang mata ko buti pa ang letter O bilog na bilog!

Ikaw may aaminin ka ba?!! C”,)




Wednesday, 16 March 2011

KADER-DER

Posted by iya_khin at 00:35 25 comments


Kader-der – salitang sinasambit ng aking uniko iho tuwing may bagay syang pinandidirihan.
-          meaning KADIRI obvious ba?!!

Speaking of kadiri ano ba ang kadalasang pinandidirihan ng mga abang katulad natin? Nakadalasan din ba ay dedma tayo sa mga ito dahil tayo ang may gawa o likha?

Ang mga ito ba ay mga kuro-kuro o haka-haka lamang, kayo ang humusga:

1.       Ang tinga ba ay masarap kainin?
2.       Pag nag aalis ng muta ang kaharap mo bigla ka na ring nagmumuta?
3.       Kailangan ba talagang bilug-bilugin ang kulanggot bago mo pitikin?
4.       Pag nasa sasakyan ka at pasimple kang nangulangot totoo bang ipinapahid mo ito sa ilalim ng upuan lalo na pagmadikit at di mo mapitik?
5.       Pagtaklesa ka at biglang tumalsik ang laway mo sa body parts ng kaharap mo dedma ka lang?
6.       Pag nauutot ka sa loob ng sasakyan at di mo na mapigil dahan-dahan mo ba itong nererelease?
7.       Kaya ba talagang umutot sabay ubo?
8.       Pagnatulog kang naka bukas ang bibig nagsasanhi ba ito ng pagkatulo laway?
9.       Umiihi ka ba habang naliligo?
10.   Nakakatakot ba talaga ang utot pag sumabog?
11.   Ang anghit ba galing sa bawang?
12.   Masarap bang kahalikan ang may bad breath?
13.   Talaga bang mga gala ang taong may mabahong paa?
14.   Mabango ba talaga ang pusod matapos mong makalikot?
15.   Masarap bang kamutin ang nangangatin pwet sabay amoy sa kamay mo?
16.   Ano ba talaga ang amoy ng tulok?
17.   Saan galing ang salitang tulok kahalintulad ba ito sa may tulo?
18.   Ano ba talaga ang tulo?
19.   Ang gripo diba may tulo din?
20.   Nakakader-der ba talaga?

Na E-EWW-EEWWW na ako.

Monday, 21 February 2011

Past Life

Posted by iya_khin at 11:43 7 comments
Gusto mong maiyak...di nga yung totoo?

Naghalungkat kasi ako ng blog ko at eto yung mga dahilan bakit ako nakapag-simulang magsulat....

Way back 2009 month of June ako ng nag start mag blog, tagal na pala di ko napansin..dami na nangyari sa buhay ko.

 Kaya ko palang mag-go on akala ko dati hindi na...wag ka munang maiyak...

Sa tulang ito malalaman mo kung ano ang past ko...wag kang iiyak ha...

click mo ito: KAPIT

Wednesday, 2 February 2011

AKO 'TO

Posted by iya_khin at 04:42 9 comments


Ipokrita….

Ipokrita ako kung sasabihin kong ok lang ako..(I’m fine thank you!)

Ok ako kasi atleast dito pamilya ko, pero completely…I’m still a lousy loser!

Sa nakalipas na araw lagi kong napapanaginipan mga kapatid ko at tatay ko kasama na ang mama ko…which I’m only seeing them in my dreams co’z in reality ni sa chatroom di ko sila matanaw sa kadahilanang:

1. Nasa bartolinang kwarto ang 2 kong utol…literally homeboy..roomboy..preso sa loob ng kwarto ng bahay ng lola ko..(bawal daw silang lumabas)reason?? ewan ko…

2. Palutang-lutang ang tatay ko sa laot..meaning seaman sya..di ko alam sang antartika sya ngayon maliban nalang pag-dumaong at maalala akong tawagan…

3. Ang pinakamamahal kong ina, grabeng miss ko sya to the highest level..di ko na kasi sya mareach..out of coverage na kasi sya eh…

Oo, malungkot ako, hanggang ngayon di ako nililibanan ng kalungkutan ko..ang hirap..sana di naging ganito, kelan kaya ako makakawala sa hawlang ito?

Nakakabagot na ang ganitong buhay, sa araw-araw kong pag-gising alam ko di pa rin tapos mga trainings ko sa buhay, kelan kaya ako mag-a-upgrade?

Simpleng buhay lang naman ang hanggad ko, ni di nga pumasok sa isip kong mag-abroad wala sa plano ko ang mga ito….teka wala naman talaga akong kahit anong plano dati, sumasabay lang ako sa agos ng buhay.

Di naman ako tamad, di naman din ako salbahe at di din ako madamot, madali akong magtiwa at madali din akong magmahal pero parang di ito sapat para makamit ko ang salitang SIMPLE..

Pasensya na sa nakakabasa nito nilalabas ko lang uhog luha’t damdamin ko. Sa mundo ko ngayon di ko pwedeng ipakitang mahina ako, ayokong mandamay ng kapwa ko. Sabi nila para daw akong loka-loka pag humahalakhak ako, totoo nyan sakit na ng puso ko, ayoko na ng ganito…

Buti nalang laging nandyan si Papa Jesus, minsan gusto ko ng bumitaw pero di ko magawa kasi lagi syang nakahawak para di ako makawala..ilang beses ko na syang binigo pero patuloy parin nya akong tinatanggap,mahina nga ako aaminin ko sobrang hina, pero Sya ang lakas ko.

Ako ‘to, at ito ang nararamdaman ko..

nilalabas ko lang baka kasi umalingasaw…

Thursday, 21 January 2010

Miss U

Posted by iya_khin at 00:22 14 comments

Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso. Ilang ulit na ba, iniiwasan ka di na natuto. Darating kaya sa dami nyang ginagawa,may pag-asa pa kaya? hmmmmmppp!!! Bababoom! Shakss ala akong maisip na isulat! Mag-dadalawang buwan na akong ganito, di ko alam kung bakit, my brain is empty it needs to be filled! I needed space sabi ko sa sarili ko dati, (sinabi ko ba talaga?) nasobrahan yata ako sa pahinga kaya siguro natulog pati utak ko.

Well, sa mga oras na ito habang nagtatayp ako sa long lost blog ko eh dito ako sa opis, excuse me, sa bago kong opis..hmmm...describe ko sa inyo...dito ako sa pang-12 na palapag, malawak ang opisina,malawak na lamesa,kasama koý puro GM,tahimik,tunog lang ng orasan ang naririnig ko,puro bintana,kitang-kita ang kabuohan ng tanawin sa labas na puro konstraktura. Malamig, nakakabagot dahil wala akong ginagawa, wala ang amo kong hapon dahil mag-hapong nasa site at ang kasama nyaý mga kalahi nya ring hapon. Ako naman, eto kahapon pa nakatunga-nga,bagamat full access ako sa internet ay nakakabagot pa rin kaya tiyak kong maghapon na naman akong ganito,nagpapatay oras.....

Share nalang ako sa feelings ko ngayon, tungkol dun sa blog ni Drake..oo si Drake ( o ha starring ka sa blog ko!!) Sinabihan kasi ako ni ladyinadvance kagabi na nakabalik na nga si drake, so dahil excited ako kasi namiss namin sya eh agad-agad akong nagbasa ng blog nya,kikichismis sa bakasyon eklabooh nya..
Totoo, tinamaan ako sa kwento nya kidding aside, pigil ang luha ko kasi baka makita ako ng mga amo dito at pagkamalan akong lukaret, nakaka 2 weeks palang ako dito baka matyugi agad ako dahil sa kahibangan ko,kaya hikab-hikab nalang ako kunwari para di obyus. Bigla kong naalala nung umalis ako sa pinas,2007 ng inihatid ako ng mama ko at ng anak ko sa paliparan. Excited ako na malungkot,mixed emotion. Nalulungkot ako dahil iiwan ko yung mga mahal ko, excited din kasi sa wakas makakasama ko na ang asawa ko at may trabaho para sa akin dito. Di lahat kasi nakakapunta sa ibang bansa,kahit anong gawin na paraan eh di parin nangyayari na makapangibang-bansa. So go go go ang lola mo! Pero sa di inaasahang pangyayari, pumalo ang global crisis, so lahat ng benefits ng company namin eh tinanggal nila, samahan mo pa ng 3 hanggang 5 buwan na walang sahod, so nagkabaun-baon na sa utang...no chance na makauwi dahil di sapat ang pera,sa pamasahe palang hirap na...

Anyway,mabalik tayo, yun nga inggit ako dahil buti pa ang Drake nakauwi na, samantalang ako mag 3 taon na dito pa rin...Papasalamat naman din ako kasi nakawala na ako dun sa dati kong kompanya at may nagbukas ng bagong pag-asa para sa akin...so maybe this Dec. makauwi na din ako at makapagbakasyon..gusto ko din mayakap ang nanay at mga kapatid ko sobrang to da hayest lebel na miss ko na sila! Drake huwag kanang malungkot kasi anytime pwede mo sila mauwian, kami heto't nagsisimula palang umahon uli matapos ang napakalakas na unos sa buhay namin. Masaya ako para sayo! Masaya din ako dahil anu't-ano pa man....Babalik ka din at babalik ka din,babalik at babalik ka din! haay!! i'm looking forward to it!
Sa mama ko.... miss ko na ang humba mo! pero ok lang kahit tuyo lang ang ulam natin basta't makasama ko kayo ay ayos na! Mahal na mahal kita!

Tuesday, 10 November 2009

Hanggan Kailan.....

Posted by iya_khin at 23:28 16 comments

Hanggang kailan…
Hanggang kailan mo ako mamahalin?
Bawat tibok ba ng puso mo’y akin?
Bawat minuto ba’y ako’y nasa iyong isipan?

Hanggang kailan….
Sa pag-sikat at pag-lubog ba ng araw ako’y iyong kailangan?
Mga mata mo ba’y ako ang nais laging masulyapan?
Bawat himig mo ba’y pag-ibig ang nilalaman?

Hanggang kailan….
Hanggang kailan mo ako hahagkan?
Bawat haplos at yakap mo ba’y magpakailan man?
Masasayang araw ba nati’y walang katapusan?

Hanggang kailan..

Sana’y sa pagtanda’y ikaw pa rin ang kasama
Sa bawat araw ng pag-gising ko’y ikaw ang syang masilayan
Dumaan man ang maraming unos tayo’y manatiling nakakapit
At sa huling ngiti ng labi ko’y sayo lamang mailaan.


Saturday, 7 November 2009

BA-NGAG AKO

Posted by iya_khin at 02:23 18 comments


Kalawakan…

Himpapawid…

Kay gandang pag-masdan…

Karagatan, nakaupo sa may buhanginan….

Hanging humahaplos sa aking buong katauhan….

Ah….pawang imahinasyon ko lamang…..

Kelan kaya masisilayan

Bansang aking iniwan

Magulo man sa ibang panig nito

Sya paring gustong balikan

Bayang aking sinilangan

Sana’y abo’t kamay ka lamang.

Emo……aaaaahhhhhhhhhhhh………kakapraning…..

Sana’y nasa pinas ako ngayon, sana’y di na sayang mga araw na ginugol…
Buong araw nagmumukmok, buong araw ay tulog, nilunod ang sarili na kahit sa panaginip bayan ay matanaw.

Tapos na ang leave ko, puro tulog lang ang ginawa ko, pero heto’t antok na antok parin ako. Balik trabaho, nakakabagot, wala naman magandang dinudulot, nag-babanat ng buto pero heto’t nagtitiis pa rin sa kompanyang apat na buwang di nag-papasweldo. Walang magawa dahil sa hirap mag-hanap ng panibagong trabaho, pati NOC pinagkakait pa, pinagbibili nila sa halangang dalawang buwan ng pinagpaguran mo, ano ba sila hilo? Lintik talaga, ano ba itong pinasok ko? Haay… buti nalang malakas talaga ang pananampalataya ko, kundi maloka-loka na talaga ako.

Sa kabila ng lahat nito, nagpapasalamat parin ako, dahil naging PINOY AKO!

Hoy! Oo Pinoy ako! Nasa dugo’t kulay ng balat ko isama mo na pati hugis ng ilong ko!

Anong koneksyon nun?! Dahilan nang pagiging matiisin at madiskarte sa buhay sa kabila
ng lahat eh nanatiling tapat at mapagkumbaba. Nagpapasalamat din ako kay Papa Jesus kasi alam kong lagi syang nandyan nakagabay sa akin at patuloy akong pinapalakas, tenk u po talaga, pinanghahawakan ko po ang promise nyo sa akin sa Psalm 34:17 “The righteous cry out, and the Lord hears them; he delivers them from all their troubles.

Sa mga blogmates ko, nagpapasalamat din ako kasi sa panahong nalulungkot ako eh, napapasaya nyo ako dahil sa mga kwento ng layf-layf nyo, lingid man sa inyo malaking tulong ang pagsusulat nyo dahil nalalaman ko ang mga kabulastugan ay este mga kaganapan sa inyong buhay na nagbibigay aliw sa akin at syempre aral sa musmos kong isipan…walang kokontra blog ko ‘to!

Salamat sa asawa’t anak ko, mahal na mahal ko kayo…dito lang si mama ok!

Salamat sa ermats at erpats ko, lalo na sa ermats kong nag-ire sa akin alam kong nakikiupdate ka rin sa blog ko, mahal na mahal kita, salamat sa understanding mo!

Sa mga utol ko, miss ko na talaga kayo!

Sa mga ka-churchmate ko…grabeng support nyo to da highest level lab u all!

Sa busmates ko, tenk u sa pakikinig sa paghilik ko habang mahimbing akong natutulog habang kayo nama’y dilat na dilat, alam ko pong pinagtatawanan nyo ako, wala akong pake basta’t alam ko’y pinaghehele ko lang kayo. Pasalamat kayo!

Sa mga magbibigay sa akin ng award matapos mabasa ito, tenk you in advance ang kyut-kyut nyo!

Sa di naman magbibigay ang kyut-kyut nyo parin kamukha nyo si dagul at bentong!

Sa pagsesenti ko ngayon pasensya’t bangag ako sa kape…

Monday, 2 November 2009

ON_LEAVE

Posted by iya_khin at 00:57 20 comments

eto na naman po ako at nag-eemo-emohan...alone in my room nag-iisa lang ako dito sa flat namin nakaleave po ako ngayon kaya parelax-relax lang ako..


actually wala akong maisip na maisulat,stagnant yata utak ko ngayon dahil sa sobrang kakatulog,wala naman bago sa buhay ko for these past few days maliban sa katatapos na paglilipat namin ng bahay. eto ayos naman kami dahil di kami na hirapan kasi halos isang building lang ang nilipatan namin dati nasa tower B kami ngayon sa tower A na! (hanapin nyo nalang kug saang tower yung tinutukoy ko!)


Wish ko lang sana na sa pinas ako magbaksyon kaso can't afford da budget ngayon and besides di ako pwede basta-basta umuwi dahil may pasok pa ang anak ko and di pa pwede magleave ang loves ko dahil kakaleave nya lang...


so kaya heto't nag-iimagine nalang ako....


eto lang naman gusto kong gawin pag-uwi ko sa pinas:


1. kumain ng lechon! wala kasi nyan dito HARAM! miss na miss ko na ang malulutong na balat at maalat-alat na ribs,isama mo pa ng cripsy na dila! heps-heps! walang basagan ng trip! totoo ang nabasa mo, mahilig ako sa dila!


2.kumain ng inihaw...kahit ano basta inihaw yung makikita sa may kanto!


3.maligo sa island ng palau! kasama si lordCm para may tourist guide! ehehe!


4.ma-meet ang mga kablogberks ko! saan ba tayo magkikita-kita kox? sagot ko na ang MCdo ni Saul ok lang kahit matakaw si gelfren!


5.balot! yun balot! papakyawin ko lahat ng balot nung unang makita kong tindero/tindera ng balot!


6.magpa-SPA at body massage...wow sarap....mahal kasi dito eh!syempre sama ko mama ko! ayos ba ma?!


7.gumala...kahit saan!


8.mamangka..saya nun!


9.makasama ang mga highschool berks ko...miss ko na sila


10.gumala ulit.....


wala na akong maisip eh! mababaw lang naman kaligayahan ko, kahit bigyan mo lang ako ng chippy masaya na ako. ang mahalaga lang sa akin eh makasama ko yung mga mahal ko sa buhay. basta makita ko lang sila na busog...gutom pa din ako! nyehehe!baduy ko!


enyweyz...sana by next year makapagbakasyon na ako! kakalungkot na! wahhuhuhuhuh.....

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review