Monday 5 March 2012

grieve...

Posted by iya_khin at 00:44
google

Sobrang lungkot ko…

Bilang isang OFW ito ang ikinatatakot ko.. ang di mo nasasaksihan ang mga kaganapan sa buhay ng mga pamilya mo, mga kamag-anak mo o yung mga kaibigan mong naiwan sa atin.

Nakakalungkot lalo na kung abala ka sa trabaho tapos biglang may mag memessage sayo….

Iyah nasagasaan yung inaanak mo kanina….wala na sya……

Iyah wala na si mama mo…

Iyah wala na si auntie mo…

Iyah yung auntie mong isa wala na din…

Iyah si lola mo wala na…

Iyah si tita mo wala na…

Iyah yung pinsan mo nagpakamatay….

Iyah yung family friend nyo wala na din…

Nakakapanghina….

Wala ka namang magawa…

Wala akong mahingahan dito sa opisina habang tinitipa ko ito, parang dinudurog  ang puso ko kapag nakakatanggap ako ng mensaheng ganito…

Gustong sumabog ng puso ko….

Ilan na ba ang nawala simula ng mapunta ako dito sa ibang ibayo?

Mahirap malayo dahil di natin alam ang takbo ng buhay at ng mundo..
Maraming kaganapan na gusto mong naroon ka, baka sakaling may magawa ka pero napaka imposible..

Reality….

Sa paglapag mo pabalik sa bayang sinilangan…kulang na sila…

Tanging alaala nalamang ng nakalipas ang iyong babalikan….


12 comments:

Axl Powerhouse Network said...[Reply]

wag na malungkot..... power hug na lang kita,,,

Chikletz said...[Reply]

sabi ni Lord binigay nya raw sayo yang test na yan kasi alam nyang papasa ka..

Sey said...[Reply]

BIG HUG. naiintindihan kita kasi ako nasa Pinas pa din pero nahohomesick pa din. Sabi nga ni Chiklets sa taas, kaya mo yan kaya binigay ni God sayo.

DearHiraya said...[Reply]

Awww... Isa ito sa mga rason kung bakit hangga't may nakukuha pa akong trabaho dito sa Pilipinas e mas pinipili ko pa ring manatili dito. Kahit na mas malaki ang kikitain sa ibang bansa. Siguro, magbabago lang ang pananaw kong ganito kapag kinailangan na talagang mangibang bansa. Sa ngayon, kontento muna ako dito. Kapiling yung mga mahal ko sa buhay.

Hays! Ako'y nalulungkot para sa'yo. Pero tatagan mo lang ang loob mo. Isipin mo na lang yung very reason kung bakit ka nangibang bansa. :)

Julianne said...[Reply]

nalungkot naman ako dito. just continue to be strong. hugs!

Anonymous said...[Reply]

:(

syempre hindi ko masabing ok lang kase hindi naman ok. hindi ko masabing be strong dahil alam ko namang nakakawala ito ng lakas, nakaka-drain. lilipas din ito at makakauwi ka rin for good. para hindi ka na nanghihinayang sa mga oras na lumilipas kasama ang mga tunay na nagpapasaya sayo. andito lang ako.

Anonymous said...[Reply]

so true, nung nagabroad din ako, 2 ang pumanaw at ung 2 na un, nakasamaan ko pa ng loob. hayy. hugzzz

Diamond R said...[Reply]

sa mga ganitong pagkakataon luha lang ang karamay mo.

McRICH said...[Reply]

onteng tiis pa, sana dumating ang panahong makapagdecide na tayong lahat na bumalik sa lupang silangan na walang halong takot at pangamba, onteng-onte na lang, be strong iya in these trying times!

Dhianz said...[Reply]

*huuggg* Godbless!

Pooh said...[Reply]

Ang hirap ngang talaga pag ganun.. Malayo ka sa pamilya mo, at pag merong mga ganitong pangyayari, wala kang pwedeng magawa.. kundi umiyak. :(

Naalala ko tuloy si Akoni..

Superjaid said...[Reply]

be strong ate. *super tight*

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review