Showing posts with label liwanag. Show all posts
Showing posts with label liwanag. Show all posts

Thursday, 10 December 2009

SMILE NA SMILE

Posted by iya_khin at 00:42 16 comments
Ngising-ngisi talaga ako ngayon na halos mapunit na ang bibig ko.
Gusto mong malaman kung bakit?
Ganito yun:

1. DEC. 7 SMILE DAY na kinabukasan, kasalukuyang nasa opisina ako nung araw na iyon...

kring...kring...kring...nag-ring ang phone ko.

iya: hello!

agency: yes hi! is this ms. iya da beautiful? (joke di yun talaga ang totoong sinabi)

iya: yes,speaking

agency: i would like to inform you that you have been choosen as our candidate to have an interview in a prestigeous company, out 33 candidates you belonged to 1 of the top 3.

iya: (with shock effect!) huuwaaat!? really?am i? di nga?

agency: yes, so tomorrow be ready for your final interview.

2.DEC.8 SMILE DAY! (kabum..kabum..kabum..) sa lobby ng new company kakabakaba.

(Silence interview is going on)

Shocks, panel interview with the board! GM ikaw ba yan?! Harigatho!!! They are all Japanese!naniningkit ang mata ko sa pag-sagot ng mga tanong nila....end of interview.

3.DEC.9, Nakangiwing SMILE....haay...palpak yata ako, dami kong bloopers sa interview,ala di yata ako pumasa...(muni-muni...tsk-tsk!)
kring....kring...kring....(phone ringing again)
iya: hello!?
agency: ms. iya how are u?
iya: k lang naman po.
agency: would like to inform you that......pakaba effect.....you made it, thejob is given to you CONRATULATIONS!
iya: hhuwwwattt!!!???? (patalon-talon di makapaniwala!)talaga!!!!???
So di ka ba mapapaSMILE nyan masyado?! among thousands na nag-apply ako ang napili!!?
I thank God for giving it to me,pinagpray ko talaga yung work na yun! Thank you talaga Papa Jesus! and I also would like to thank my family and church mates and also my friends for praying for me. Saya diba!! Maagang pamasko! weeeh!

Friday, 27 November 2009

3 THINGS...

Posted by iya_khin at 09:07 13 comments


Before anything else I would like to thank my sponsors, Burberry for my perfume, Levis for my pants, Lee for my outfit, Converse for my shoes, and myself for the make-up! geezzzz!!!
Anyways, I would really like to thank SCOFIELD JR for giving me this awards, i'm so touch...huhuhu...talaga!
Moving onward, yung mahiwagang Question nya na 3 THINGS IN LIFE that made me SMILE really amazed me and made me realized.....there are such many things na made me smile, pero kasi 3 lang daw eh kaya i'll just state 3 things:
1. First, JESUS! He is the reason of all...He always indeed makes me smile though in times of trouble, He remains to be my source of strength, faithfully always on my side.
2. Second, my wonderful family. They are the best treasure that I've ever got. No gold or silver could compare how much they mean to me.
3. Third, my friends! syempre mahuli ba! o SMILE naman kasi IKAW yun! oo, IKAW nga! dahil sa iyo naging makulay din ang mundo ko! Mahalaga ka din dahil isa ka sa nagpinta sa ilang parte ng buhay ko! Isa ka sa nag-paSMILE sa akin! uyyy..nakangiti sya!
There are too many reasons for us to smile, life is beautiful though there are a lot of times we have struggles but behind it there are always a reason for us to SMILE.

Tuesday, 17 November 2009

Dahil Sayo

Posted by iya_khin at 23:50 10 comments
Sa mga nakalipas na araw di po ako masyadong nakapagblog at nakabisita sa lungga ninyo sa kadahilanang pang-personal..emote..emote…
Medyo magulo ang isip ko dahil sa mga panyayaring kinakaharap ko ngayon. Sa mga panahong linagi ko sa Dubai ay marami-marami na talagang pinagbago sa buhay ko, naiba ang takbo ng pananaw ko, naiba ang kilos ko, nag-iisip na ako, dati-rati’y sige lang ako ng sige kahit wala sa plano, tuloy puro palpak ang kinalalabasan ng mga desisyong ura-urada.
Sa katunayan pinatatag na ako ng panahon, dati takot akong ipaglaban ang sarili ko dahil ayokong may masasaktan tuloy sa tingin ko’y pasan ko lahat ang pasakit ng mundo. Actually related ito sa SMILE ni lordCM ( o ha special mention! )
Dahil sa kakulitan nya eh bigla akong natauhan…..kelan ba ako huling nagpapicture na naka-SMILE??!
Sa libong litratong meron ako ay nagsimula akong maghalungkat….nabigla ako sa hubad…hubad na katotohanan, wala akong picture na nakaSMILE!!!! Mga litrato ko’y karamihan ay pacute, emo, pawting nguso, sudako, at daring….ehem…joke! Ewan ko ba at bakit ganun lagi ang mga posing ko at nakalimutang kong mag-smile…sa personal naman ay bungis-ngisin ako isama mo pa ang loka-lokahan kong tawa. Siguro nga ay tama, tama na ang larawan ang makapagsasabi ng totoo mong nararamdaman (take note ang sabi ko po ay SIGURO lang) Sa kagustuhan kong mapaSMILE eh pinilit ko ang sarili ko, yung una kung picture naku ang sagwa kasi nga pilit, kung baga-plastik ang ngiti ko. Haay ang hirap dayain kasi sa mata palang eh alam mong nagsisinungaling.
So bago ako nagpicture ulit eh nag-isip muna ako, paano ako makakaSMILE nito lalo na sa panahong ito, may sakit ang nanay ko at di ko mapadalhan dahil nga sa di kami sumasahod, kailangan ng kapatid ko ng pangtuition ganun din ng anak ko. Maraming bayarin sa bangko at di ko alam baka bigla nalang akong damputin at ikulong, di pa ako agad makahanap ng bagong trabaho,etchetera at etchetera… haay sa patong-patong na problema sa tingin mo ba madaling pa akong makaSMILE?! Para na nga akong bato eh!
Pero may isang napakahalagang bagay na nagpukaw sa akin..
Sa kabila ng lahat marami mang bagyo akong sinusuong ngayon, ilugmok man ako ng mundo…

Lord Jesus, andyan ka pala para damayan at palakasin ako……
Sa kabila ng lahat nananatili kang nakagabay…Salamat…dahil sayo….ako ay napa-
SMILE.

Monday, 5 October 2009

BINTANA

Posted by iya_khin at 06:45 2 comments

Sa may bintana nakita kang nakadungaw
Bakas sa iyong mukha labis na pag-aalala
Kabigatan ngayo’y iyong dinadala
Pagkahabag sa puso ko’y nadama.

Sa gitna ng gabi’y nanatiling nakamasid
Lungkot sayong mga mata aking naaaninag
Mga titig mong sa akin ay nangungusap
Di mo man sambitin pangamba mo’y nadarama ko din.

Pasakit nyang dulot ay lilipas din
Isang magandang bukas ating makakamit
Basta’t pangako nating walang iwanan
Hanggang ang laya ay ating makamtan.

Huwag ng mag-alala aking mahal
Ano man ang mangyari’y di ka iiwan
Hawak kamay tayong lalaban
Sa mundong mapang-api tayong dalawa’y magdadamayan.


Thursday, 1 October 2009

LIWANAG

Posted by iya_khin at 00:00 0 comments

Sa pagsapit ng takip-silip
Mga mata’y nakatingin sa kawalan
Nagbabadyang pagsapit ng gabi
Nananatiling nakaupo’t nakamasid.

Ang inaakalang lumbay sa gabi
Nasa dilim ang sugat at paghikbi ay maikukubli
Ngunit sa munting liwanag at hiwaga’y naaninag
Katotohanang di nagiisa tumambad sa aking pangungulila.

Sa himpapawid ako’y napatingala
Papalubog na araw sadyang kay tingkad sa aking mga mata
Kulay dilaw at abo sa paningin ay kay ganda
Sa paglubog nito’y bukas ay may hatid na pag-asa.

Buhay, sadya nga itong makulay
Sa bawat pinta may iba’t ibang tema
Kalawakang akala mong kay dilim
Tingnan mabuti’t bituin ay sadyang kay ganda’t nagniningning.

Dati’y puno ng takot at pagkahabag
Sa sariling mundo pilit giniit ang sarili
Naging manhid sa pag-mamahal ng iba
Kinulong ang sarili tanging isip ay katapusan ko na.

Sa gitna ng dilim ay nakaaninag ng munting liwanag
Liwanag na kay liit ngunit sadyang nakakahalina
Ngayo’y pilit na inaabot ng sa kadiliman makawala
Pag-asa sa munting liwanag ngayo’y kalayaan makakamtan ko na.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review