Monday 28 September 2015

bulong....

Posted by iya_khin at 04:14 1 comments
Simple...

Simpleng buhay lang naman ang nais ko...
Masarap sigurong maging mayaman
pero ok na ako sa katamtaman..
Hindi sobra-sobra at hindi din kulang..
"Sapat" ito siguro ang tamang salita.

Simpleng pamumuhay...
Bahay kubo... kahoy at kulambo..
probinsya.... ang saya siguro..
tahimik... katahimikan...unos ng alon..
Oh simoy ng hangin...
Yan lang naman ang hangad ko.

Kabundukan, karagatan...
Kung saan man..dun sa mapayapa...
Walang gulo...walang tensyon..
Oras ay lilipas kasama ang pamilya mo
Nagbubulay-bulay...
Sarap sana..pero paano?

Yung simpleng buhay lang pero ang hirap makamit..
Yun lamang naman bakit tila pinagkakait?
Buhay natin ngayon ay parang robot..
sunod-sunuran..alipin..pera..luho at iba pa..
Ayoko ng ganito..
Mahirap aminin pero eto tayo ngayon.

Gusto kong maglakbay..
Gusto kong akyatin ang bawat kabundukan..
Gusto kong languyin ang bawat karagatan...
Yakapin ang kalikasan...
Mag-ukit ng mga alaala habang may panahon pa..

Yung masasayang mga alaala.

bulong ng puso ko...

google


Wednesday 5 August 2015

tanong

Posted by iya_khin at 04:41 1 comments
google image


Nalalapit na...
Dapit hapon ng buhay ko'y nararamdaman ko na
Halintulad sa hangin..kinakapos ng hininga...
Pagtibok ng puso'y bumabagal..napapagal...
Dito na ba?

Ngiti sa labi kaya kong ipinta
Damdamin..sabog na sabog na..
Wala namang aasahan...
Kailangang magkunwari..kailangang maging masaya.

Oh pag-big..madaya ka..
Batid mo na ngunit umaasa ka
Nagbabakasakali..baka...
Bahala na.

Pira-pirasong pangarap
Mabubuo pa ba kaya?
Pagtitiis hanggang kelan ba?
Hindi pa din sapat...

Oras ay tumatakbo..
Paulit-ulit, paikot-ikot
Lahat abala, napakabilis..
Wala na bang iba?

Kamusta't paalam
Ano ba ang pinagkaiba?
Nakikita't naiintidihan mo ba?
Ano ang mas mahalaga?

Malaya..payapa...

Abot kamay kana ba?


Monday 13 April 2015

wen emo strikes

Posted by iya_khin at 04:35 3 comments
“Music expresses that which cannot be said and on which it is impossible to be silent.”
- Victor Hugo, Hugo's Works: William Shakespeare

Kapag sad ka daw huwag kang makikinig ng music particularly sad music...
Eh eto sad ako now...at nakinig ako ng sad music.. so maglaslas na ba ako?! LOL

Share ko lang sa inyo 'tong link ng favorite playlist ko online from MIXCRATE

I like this particular DJ..DJ CHET please support him, bet ko mga collection nya.. :)

P.S eto dahilan bakit ako naeemo today... PLAY ME

To check more..here's my playlist collection..AKING BAUL... pili-pili nalang! Chiao!


Tuesday 10 February 2015

lyricz remix

Posted by iya_khin at 02:51 0 comments
Yung wala kang magawang post... 
yung magbaduy-baduyan ka muna..


pinterest

(1) Paano kung wala kana?     
I don't care I love it!

(2) Before i let you go i want to say i love you..   
Tuloy pa din ang awit ng buhay ko magbago man ang hugis ng puso mo

(3) Honesty is such a lonely word everyone is so untrue...   
Stupid love

(4) Hello, is it me you're looking for?   
Goodbye nalang sayo break nalang tayo salamat sa mga date, natin salamat sa mga trip natin... salamat din sa nagsabing may syota ka ng iba

(5) Love begins with one hello....   
If "Happy Ever After" did exist, I would still be holding you like this
All those fairy tales are full of shit, one more fucking love song, I'll be sick.

(6) Girl, you're my angel, you're my darling angel... 
Don’t get too close it’s dark inside, it’s where my demons hide

(7) Sorry I never told you all I wanted to say...  
I'm covering my ears like a kid when your words mean nothing, I go la la la

(8) Ikaw ang lahat sa akin sa may kapal aking dinadalangin....   
O tukso layuan mo ako!

(9) And I will always love you...
I think you're full of shit, my head is spinning so (blow me one last kiss)

(10) Where have you been, all my life...
Now you're just somebody that I used to know



LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review