Showing posts with label likha. Show all posts
Showing posts with label likha. Show all posts

Tuesday, 17 November 2009

Dahil Sayo

Posted by iya_khin at 23:50 10 comments
Sa mga nakalipas na araw di po ako masyadong nakapagblog at nakabisita sa lungga ninyo sa kadahilanang pang-personal..emote..emote…
Medyo magulo ang isip ko dahil sa mga panyayaring kinakaharap ko ngayon. Sa mga panahong linagi ko sa Dubai ay marami-marami na talagang pinagbago sa buhay ko, naiba ang takbo ng pananaw ko, naiba ang kilos ko, nag-iisip na ako, dati-rati’y sige lang ako ng sige kahit wala sa plano, tuloy puro palpak ang kinalalabasan ng mga desisyong ura-urada.
Sa katunayan pinatatag na ako ng panahon, dati takot akong ipaglaban ang sarili ko dahil ayokong may masasaktan tuloy sa tingin ko’y pasan ko lahat ang pasakit ng mundo. Actually related ito sa SMILE ni lordCM ( o ha special mention! )
Dahil sa kakulitan nya eh bigla akong natauhan…..kelan ba ako huling nagpapicture na naka-SMILE??!
Sa libong litratong meron ako ay nagsimula akong maghalungkat….nabigla ako sa hubad…hubad na katotohanan, wala akong picture na nakaSMILE!!!! Mga litrato ko’y karamihan ay pacute, emo, pawting nguso, sudako, at daring….ehem…joke! Ewan ko ba at bakit ganun lagi ang mga posing ko at nakalimutang kong mag-smile…sa personal naman ay bungis-ngisin ako isama mo pa ang loka-lokahan kong tawa. Siguro nga ay tama, tama na ang larawan ang makapagsasabi ng totoo mong nararamdaman (take note ang sabi ko po ay SIGURO lang) Sa kagustuhan kong mapaSMILE eh pinilit ko ang sarili ko, yung una kung picture naku ang sagwa kasi nga pilit, kung baga-plastik ang ngiti ko. Haay ang hirap dayain kasi sa mata palang eh alam mong nagsisinungaling.
So bago ako nagpicture ulit eh nag-isip muna ako, paano ako makakaSMILE nito lalo na sa panahong ito, may sakit ang nanay ko at di ko mapadalhan dahil nga sa di kami sumasahod, kailangan ng kapatid ko ng pangtuition ganun din ng anak ko. Maraming bayarin sa bangko at di ko alam baka bigla nalang akong damputin at ikulong, di pa ako agad makahanap ng bagong trabaho,etchetera at etchetera… haay sa patong-patong na problema sa tingin mo ba madaling pa akong makaSMILE?! Para na nga akong bato eh!
Pero may isang napakahalagang bagay na nagpukaw sa akin..
Sa kabila ng lahat marami mang bagyo akong sinusuong ngayon, ilugmok man ako ng mundo…

Lord Jesus, andyan ka pala para damayan at palakasin ako……
Sa kabila ng lahat nananatili kang nakagabay…Salamat…dahil sayo….ako ay napa-
SMILE.

Sunday, 4 October 2009

Naisip mo ba?

Posted by iya_khin at 06:11 3 comments

Naisip nyo na ba ito…..??

Bakit ang mga OFW o ang mga katulad nating mang-gagawa sa iba’t ibang panig ng bansa eh mahilig mag-BLOG?

Bakit?

Sa panahong nasa bayang sinilangan pa ako, madalas na lagi akong nasa labas ng bahay namin…syempre nagtratrabaho din. Pag-uwi sa bahay, ang gagawin ay makipagharutan sa bebe ko o di kaya mang-asar sa mga nakababatang kapatid o madalas magdamagang telebabad, nakikipag-daldalan sa jowa mong alam mo namang binobola ka lang at eto ka naman nagpapabola din..

Kung wala ka naman sa bahay dahil wala kayong internet koneksyon, dadayo ka sa Kape de Brodband para magchat, magfwendster (di pa uso FB nun!) o mag-hapong nag-DODOTA online, kaya at the end of da day di mo namamalayang ubos na ang allowance mo….(lagot ka sa nanay at tatay mo!)

At ng pinalad kang-mangibang bansa, naiba ang pananaw mo…..

Sa unang araw mo palang homesick kana, maswerte ka pag may kakilala ka sa dinayuhan mong bansa, pero syempre iba pa rin ang kapiling mo ang nakasanayan mo ng kasama….(hu..hu..hu.) uwi kana??

Pero sa kadahilanang gusto mong guminhawa ng konti at maihon ang pamilya, natuto tayong mag-tiis kahit iba ang gawi ng pagtratrabaho sa ibang bansa kesa sa nakasanayang gawain natin.

Dito matututo kang makisama, kahit ayaw mo pero kailangan, matututo kang gumising ng napaka-aga para mag-handa sa sarili mo,matututo kang alagaan ang sarili mo dahil talo ka pag-nagkasakit ka, matututo kang lumaban kung kailangan pero mas matututo kang magpakumbaba at higit sa lahat mas kumapit sa pananampalataya.

EMOSYONAL
Ang katulad namin ay natututo ng magpahalaga sa mga nararamdaman ng iba (ika nga..FEELINGS..with malupit na letter S) sa mga damdamin namin na di pala kami manhid sa mga nangyayari sa paligid natin.

SOSYAL
Ito po ay hindi sosyal na sossy…sosyal dahil natuto ka ng makipagsabayan sa iba’t ibang lahi na nakakasalamuha mo.

PISIKAL
Kung dati di ka marunong magluto dahil may taga pagluto ka sa bahay nyo o di kaya di ka marunong maglaba ni gumamit lang ng washing machine dahil inaasa mo sa iba, pwes dito ikaw lahat gagawa….wala si Inday na pwede mong utusan!

SPIRITWAL
Dati rati’y si nanay at si tatay ang tinatawag mo, isang daing mo lang eh nandyan sila para sa mga gusto mo, madalas nakakaligtaan mo pang mag-pasalamat sa kanila dahil sanay kana na nariyan lang sila para sumaklolo sayo. Pero dito wala kang takbuhang tapat kundi SYA lang..(tenk yu po Lord sa biyaya) lalo na sa iyong pag-iisa…mas lalo na dun sa mga tinamaan ng crisis, tatawag at tatawag ka sa kanya lalo na kung di kayo napapasweldo ng kompanya nyo o di kaya’y tinanggal ka sa trabaho at nag-hahanap ng malilipatan na sa panahon ngayon sobrang hirap makakuha ng trabaho.

To sum it all up…di mo namamalayan natututo ka ng magsulat at nagiging makata kana! Naks! Talentado ka pala!

Kaya eto marunong ka ng mag-blog, makipagsabayan sa iba’t-ibang klase ng buhay at takbo ng panahon. Pansin nyo kahit mumunting bagay na sa tingin ng iba eh walang kwenta eh nagagawan nyo na ng kwento?!

Yan ang tunay na tatak ng OFW! Masarap kasama sa kwentuhan, iyakan, kalokohan, kakulitan etsetera..etsetera…buhay nila ay totoo tulad ng sa pelikula..may drama, aksyon,komedi at suspense minsan may horror din depende kung anong kinatatakutan nila.

OFW lahat bida, walang ekstra! Panalo sa Blog! Lahat original dahil buhay nila ang nakatalata!

Monday, 15 June 2009

LARAWAN

Posted by iya_khin at 03:25 0 comments

Makulay, matingkad, napakagandang larawan,
Larawang sadyang ipininta upang magkaroon ng saysay
Ang tanawing unti-unting nawawalan ng buhay.

Sa taong nakamasid sa pinintang larawan
Ngiti at tuwa ang iyong masisilayan
Ngunit ni minsan ba’y iyong binatid
Ano ba talaga ang hatid?
Dahilan upang lumabas ang ganitong ganda
Nasa kabila’y puno ng dusa.

I to ay larawan na naghatid
Ng tuwa sayo, sa akin at sa buong madla
Kung sa riyalidad ito’y napakasagwa.

Iba’t- ibang hugis at angulo ang iyong makikita
May nakaharap, nakatalikod o minsan ay sideview pa
Minsan ay magugulat ka dahil nasa isang sulok
At bigla nalang bubulaga.

Sana’y di lang sa larawan masaya
Sana’y di lang puro kulay ang makikita nila
Maging sa totoong buhay ay maipinta
Ang tunay na kahulugan ng larawang dugo’t pawis ang ipinunla.

Ito ang larawan ng buhay ko
Na sana’y mapansin mo
Sabik sa iyong kalinga, pag-ibig at pang-unawa.
Buhay ko’y lilipas rin
Tulad ng larawan ay kumukupas din.

Kung ito man ay iyong mapansin
Sana’y wag lamang itong silipin
Minsan ay bigyang kahulagan
Dahil ang larawan ko’y may hangganan.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review