Sunday 4 October 2009

Naisip mo ba?

Posted by iya_khin at 06:11

Naisip nyo na ba ito…..??

Bakit ang mga OFW o ang mga katulad nating mang-gagawa sa iba’t ibang panig ng bansa eh mahilig mag-BLOG?

Bakit?

Sa panahong nasa bayang sinilangan pa ako, madalas na lagi akong nasa labas ng bahay namin…syempre nagtratrabaho din. Pag-uwi sa bahay, ang gagawin ay makipagharutan sa bebe ko o di kaya mang-asar sa mga nakababatang kapatid o madalas magdamagang telebabad, nakikipag-daldalan sa jowa mong alam mo namang binobola ka lang at eto ka naman nagpapabola din..

Kung wala ka naman sa bahay dahil wala kayong internet koneksyon, dadayo ka sa Kape de Brodband para magchat, magfwendster (di pa uso FB nun!) o mag-hapong nag-DODOTA online, kaya at the end of da day di mo namamalayang ubos na ang allowance mo….(lagot ka sa nanay at tatay mo!)

At ng pinalad kang-mangibang bansa, naiba ang pananaw mo…..

Sa unang araw mo palang homesick kana, maswerte ka pag may kakilala ka sa dinayuhan mong bansa, pero syempre iba pa rin ang kapiling mo ang nakasanayan mo ng kasama….(hu..hu..hu.) uwi kana??

Pero sa kadahilanang gusto mong guminhawa ng konti at maihon ang pamilya, natuto tayong mag-tiis kahit iba ang gawi ng pagtratrabaho sa ibang bansa kesa sa nakasanayang gawain natin.

Dito matututo kang makisama, kahit ayaw mo pero kailangan, matututo kang gumising ng napaka-aga para mag-handa sa sarili mo,matututo kang alagaan ang sarili mo dahil talo ka pag-nagkasakit ka, matututo kang lumaban kung kailangan pero mas matututo kang magpakumbaba at higit sa lahat mas kumapit sa pananampalataya.

EMOSYONAL
Ang katulad namin ay natututo ng magpahalaga sa mga nararamdaman ng iba (ika nga..FEELINGS..with malupit na letter S) sa mga damdamin namin na di pala kami manhid sa mga nangyayari sa paligid natin.

SOSYAL
Ito po ay hindi sosyal na sossy…sosyal dahil natuto ka ng makipagsabayan sa iba’t ibang lahi na nakakasalamuha mo.

PISIKAL
Kung dati di ka marunong magluto dahil may taga pagluto ka sa bahay nyo o di kaya di ka marunong maglaba ni gumamit lang ng washing machine dahil inaasa mo sa iba, pwes dito ikaw lahat gagawa….wala si Inday na pwede mong utusan!

SPIRITWAL
Dati rati’y si nanay at si tatay ang tinatawag mo, isang daing mo lang eh nandyan sila para sa mga gusto mo, madalas nakakaligtaan mo pang mag-pasalamat sa kanila dahil sanay kana na nariyan lang sila para sumaklolo sayo. Pero dito wala kang takbuhang tapat kundi SYA lang..(tenk yu po Lord sa biyaya) lalo na sa iyong pag-iisa…mas lalo na dun sa mga tinamaan ng crisis, tatawag at tatawag ka sa kanya lalo na kung di kayo napapasweldo ng kompanya nyo o di kaya’y tinanggal ka sa trabaho at nag-hahanap ng malilipatan na sa panahon ngayon sobrang hirap makakuha ng trabaho.

To sum it all up…di mo namamalayan natututo ka ng magsulat at nagiging makata kana! Naks! Talentado ka pala!

Kaya eto marunong ka ng mag-blog, makipagsabayan sa iba’t-ibang klase ng buhay at takbo ng panahon. Pansin nyo kahit mumunting bagay na sa tingin ng iba eh walang kwenta eh nagagawan nyo na ng kwento?!

Yan ang tunay na tatak ng OFW! Masarap kasama sa kwentuhan, iyakan, kalokohan, kakulitan etsetera..etsetera…buhay nila ay totoo tulad ng sa pelikula..may drama, aksyon,komedi at suspense minsan may horror din depende kung anong kinatatakutan nila.

OFW lahat bida, walang ekstra! Panalo sa Blog! Lahat original dahil buhay nila ang nakatalata!

3 comments:

DRAKE said...[Reply]

isa ka rin palang OFW! Ang blog minsan ang ginagawa nating pampa-alis homesick. Dito natin nailalabas ang lahat ng saloobin natin. Kaya maraming OFW may blog dahil dito nila nagagawa ang lahat ng gusto nila. Dahil minsan hindi nila ito mailabas sa bansang iba ang kultura at paniniwala.

ingat

iya_khin said...[Reply]

korak! di mo naman pwede ilabas ang hinanakit mo sa mga naiwan mo sa pinas kasi gusto mo malaman nilang ok ka..kahit hindi...

kakaiyak tuloy.....waahhh.....huhuhu

Anonymous said...[Reply]

sa blog lahat pwede mong sabhn lahat ng gusto mo, pwede kang magpanggap at magpapakatotoo at walang huhusga sayo...eto din ang tambayan ng mga taong gustong maapawi ang lungkot kahit isang saglit lang....

sabi nga nila i-blog mo trip mo!.........

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review