Saturday, 3 October 2009

GUDBAY!

Posted by iya_khin at 04:13


Hay naku nakakabagot, dito nga ako sa opisina pero eto’t walang magawa at inaantok-antok pa ako. Pretending na napakabusy pero sa totoo umaga’t hapon ay nakatutok lang sa PC ko at kung anu-ano lang ang pinag-gagagawa,email dito,basa naman ng ebooks,basa ng mga ka-EMOhang blogs na pati tuloy ako nahawa samahan mo pa ng pakape-kape at konting pademure.

Ganito ang buhay office pag wala ang boss less pressure…ok nga kaso di ka naman pwede umalis sa pwesto mo dahil baka pagkamalan kang fashion model ng mga taga ibang departamento at baka matyempuhan ka ng mga taong nag-aamu-amuhan! Lagot! Ito ang mga taong mas nakakatakot pa sa amo mo..

Kaya heto, sakit na ng pwet ko sa maghapong nakaupo, lumalaki na rin tuloy ang tiyan ko dahil kulang na ng exercise,miss ko na tuloy ang sexy kong BODY noon….

Kaya speaking of sexy body and to maintain a good body figure, nagstart na akong mag-gym uli kagabi.. haay sana magtuloy-tuloy na ito ng di na ako mag-mukhang butete…(di naman masyado panglalait sa sarili ko ano!) I miss na kasi to wear my skinny jeans..teka meron ba ako nun?! (kamot..kamot)

Paano ba naman, before I went here in Dubai everyday nag-jojogging ako, I was preparing myself to surprise my habibi,syempre matagal kaming di nagkasama..mga 10 months din kaya so gusto ko sexy ako sa paningin nya. Well papel,nagawa ko ngang pumayat,but in just 2 months na pag-stay ko dito,naku po unti-unti na kong nagiging chubby..(chubby palang ha…)kase naman abot kamay ko lang ang mga food na dati rati’y so expensive bilhin sa atin and not just that yung mga food nasa atin ay every birthday or fiesta o di kaya Christmas mo lang makakain….

But now it’s about time…tama na! I’ll say no to gluton and obesity! Ano nalang sasabihin ng mga fwendz ko back in the pinas makita nila akong mataba…I hate it di ko yata makakaya! Wahhh!!!!!!!!!!!

So starting from now…
Goodbye spaghetti….
Goodbye ice cream….
Goodbye chocolates….
Goodbye chips….
Goodbye chicken….
Goodbye shawarma….
Goodbye spicy pickles….
Goodbye pack lunches…
Goodbye sausages….
Goodbye etsetera
Goodbye ……….mamimiss ko kayo……goodbye…….


PS: pwede bang di isama ang sunflower seeds ko?

6 comments:

ladyinadvance said...[Reply]

waaaaahh hirap naman maggoodbye sa mga ganun...

uhmm pwde before maggoodbye eh tumikim ng isang linggo?hahaha.....

iya_khin said...[Reply]

di na ko kakain sa practice natin...

gudbay..gudbay na talaga!
(lunok..takam..takam..)

kheed said...[Reply]

wat? pati ang shawarma goodbye na din? ang sarap nun.. ahehe sige goodluck sa pagpapasexy mo.

iya_khin said...[Reply]

uu gudbay na din....todo na to...wahhh!

Yanie's Ka-blags!!! said...[Reply]

naku gurl, good luck na lang sa punishment mo sa sarili mo hehe! pero suggestion ko lang... bukas ka na lang mag diet hanuba?!

iya_khin said...[Reply]

nyehehe! naman....iniisip ko na nga ngayon eh...lapit na maglunch break....huhuhu...(kalam..kalam..sikmura)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review