DUBAI… gusto kong pumunta! Ito ang sambit ko nung ako’y nasa aming bayan pa. Ito ang hangad sa karamihan nating mga kababayan, masilayan ang rangya at kaakit-akit na buhay dito na tinatawag nilang “ the city of dreams”.
Takbo dito takbo doon, halos magkandarapa ako sa paghahanap ng pera pangprocess ng mga papeles ko, makipagsiksikan at pumila ng pagkahaba-haba makiisa sa mga taong nagnanais makatakas sa hirap ng buhay at makalaya sa inaakalang tagumpay.Sa paliparan halos mapunit ang bibig ko sa laki ng aking ngiti, halos maglupasay ako sa tuwa pagkat sa wakas ako’y lalaya na! Ramdam ko ang lungkot ng aking mga iiwan, lungkot dahil sa mahabang panahon na di ko sila makakasama, ang aking supling na walang kamuwang-muwang ay iiwan kong lumuluha at nag-iisa, ngunit linunok ko lahat ang aking pangamba dahil sa isip ko’y ito’y para rin sa kanya.
DUBAI…wow!! Humahagik-hik akong mag-isa na parang sira ng makatungtong ako sa magarang paliparan nila, bungad palang ay batid mo na ang magarbong klase ng buhay na meron sila. Napakaganda ng paligid ni wala kang makikitang dungis, mga iba’t-ibang lahi ang aking kasabay nakikipagsabayan ako sa kanila habang masayang kumakaway.Paglabas ko ay biglang bumilis ang lahat, mga pangyayaring di ko sukat inakalang ito ang sasambulat sa aking harapan ng makita ko ang reyalidad ng bansang aking pinuntahan. Ito ang titirhan ko?? Bulalas ko sa aking sarili, masikip, makipot na kwarto na di ko alam kung aatakihin ako. Ni sa panaginip di ko inakalang ganito ang buhay ng mga kabayan ko, dahil sa tuwing sila’y makakausap di mo sasabihin ganito ang kalagayan nila, may ngiti ni walang bahid ng lungkot ngunit sa gilid ng kanilang mata alam kong puno ng tiis at hirap.
Sa unang linggo ng pagdating ko’y napasabak agad ako sa trabaho, masasabi kong maswerte pa rin ako, di tulad ng iba ilang buwan at araw ang ginugol para makakuha ng isa. Sa mga nakalipas na araw ininda ko ang reyalidad isip ko’y di magtatagal at lilipas din ito, ngunit nagkamali ako habang tumatagal simisikip ang mundo ko.Di tulad sa atin may nanay at tatay na mag-aasikaso sayo, mas maswerte ka rin kung may katulong na magsisilbi sayo, ngunit dito sarili mo’y karga mo. Gigising ng napakaaga maliligo sa napakainit o napakalamig na tubig dahil nagmamadali ka, ni hindi pa nag aalmusal ay aalis kana. Kumakalam ang tiyan mo habang nagtratrabaho ka, iniinuman nalang ng kape para kumalma ang sikmura, mas mainam talaga kung may kaibigan ka dahil meron naman may tiyagang magdala ng pagkain at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanila.Lumipas ang mga araw salamat pa rin dahil buhay pa ako, ni hindi alam ng mga magulang ko na halos mabaliw na ako…lalo na ng dumating ang hagupit ng krisis na patuloy na hinaharap natin ngayon, hay naku po paano na ako?
Di ko sinisisi ang nangyari sa akin sa simuman dahil niyakap ko itong buhay na sa akala ko’y mag-aahon sa akin at marangyang hihimlay, ngunit kung maiisip kong napakaraming bayarin sa credit card at loan haay.. parang gusto ko ng mahimatay. Tatlong buwan walang sahod, kinakapalan ang mukha kahit tuhod ay nangangatog malagyan lang ng kaunting laman ang tiyan na kumakalog di mo mahahalata dahil nagpapanggap na busog.Pilit na ngumingiti kahit sa loob-loob ko’y nagngingitngit, walang magawa kundi ang tumahimik. Paligid ko’y unti-unting lumilipas mga kasama’t karamay ko’y unti-unting nalalagas, sabi pa ng iba’y tayo na’t tumakas, pero may takot itong si kabatak sa Itaas kaya’t heto ako’t lalaban hanggang manigas.
DUBAI.. di ko gustong dito mamatay, nasaan na ang rangyang pinangako? Ako sayo’y sumasamo, sa matataas mong gusali sa kinang ng iyong ginto sa lawak ng iyong paligid at sa rangya ng iyong palasyo ngunit bakit iniwan mo akong nagdudusang mag-isa sa disyerto.
Patawad mga magulang ko kung sa inyo’y di nakinig, ako’y nalunod dahil akala ko’y ako ay ihahatid, ng pangakong hatid ng lupang ito yun pala ay pighati’t pasakit.
DUBAI ikaw ba ang syang may sala ng buhay kong ito ngayo’y nakalugmok sa kawalan?Tanong ko lang ay bakit mo kami pilit na iniipit, tatlong letra lamang ang aming hiling bakit ito’y iyong pinagkakait?
Sa mga taong nakakabasa nito huwag po kayong malungkot, nais ko lang ay inyong marinig ang munti kong tinig, hiling lang ay panalangin na kami’y makaraos din dahil mga kasama’t kabayan mong iba’y ganito din.
PS: re-post ko po ito, i wrote this last June...
19 comments:
makakaasa kang kasama ka at mga kasama mo dyan sa aking panalangin.. nandyan din kasi si gf kaya alam ko kung ano ang lagay nyo dyan.. ingat lang lagi at gb.
Kaya kahit iniisip kong lumipat ng ibang bansa eh di ko magawa dahil sa takot na mangyari sa akin ang nangyayari sa ibang kababayan natin...
Umasa kang kasama kayo sa panalangin ko, matatapos din lahat ng problema basta magtiwala ka lang sa Kanya...
Nalulungkot naman ako, sana hindi naman ikaw yan! Pero kung totoo yan sa iyo, sana maging maayos din ang lahat. Huwag sisihin ang sarili dahil desisyon mo naman yan. Kahit na hindi maganda ang kinalabasan tandaan mo may bagong aral na natutunan. Pasasaan bat magiging maayos din ang lahat.
ingat ka lagi
kapatid, okay ka na ba? naantig naman ako sa karanasan mo, naka relate kasi ako. meet naman tayo minsan. marami tayong mapagke-kwentuhan...
@kheed tenk you sa prayers..wala akong masabi eh..
@lord cm kaya dito ko nga talaga naranasan kung paanong mabuhay talaga,kung paano lumaban..
@drake di ko sinisisi sarili ko desisyon ko yun,kaso di kasi ako nakinig dati..unti-unti bumabangon na di ako pati mga ibang kasama ko...tuloy ang buhay...buti nalang nandyan si TATAY
@yanie sis ok naman ako,eto bumabawi kaso nakatali pa rin ako unti-unti sinisikap bumawi..oo ba malapit ka lang sa akin diba?
wow, that is awesome pictures, though didn't really understand the story but it helps me realized my family in USA now..
haaaiissttt lilipas din ang lahat, at matatapos ang krisis basta magtiwala lang tayo kay papa God..everything happen for a reason.....hindi ka nagiisa,, kasama mo kaming mga kaibigan mo para malampasan mo to....
power hugsss....................
Everything will be fine. My prayers are with you.
basta pag ok na lahat uwi na kayo.di ko kailangan pasalubog. kayo lang magandang pasalubong na sa akin.mabubuhay rin tayo dito kahit papaano.alam mo na kung sino ako.
Salamat sa Pagsubaybay, ikaw ang kauna-unahang taga subay-bay ko, sayo naman ako ang kasabwat mo.. ganda din ng mga gawa mo. minsan tlga ang malayo sa malapit nagdudot ng kakaibang takbo ng puso, tuloy mo lang yan.:) kasabawat mo ako. Ingat! GOD BLESS!!!
city of dreams...pwede...
madami nga saating mga kababayan(mukhang isa ka na dyan..[^^,]) ang gutong makapunta sa Dubai,
hindi dahil para mamasyal, kundi para sa ikauunlad ng pamumuhay, katuparan ng pangarap...tama ba ako...
-princejuno
mind to answer
Anong lugar sa pilipinas ang pinaka ayaw ng mga dentista?
@tim just enjoy the picture....
@lady tenks sa inyong lahat,alam mo na yun!
@wait yeh everything's gonna be alright
@tulaan nakita kita sa blogs ng pinoy ganda ng gawa mo! keep it up!
@prince madaming-madami talaga! may tama ka!
@anonymous...MA ikaw ba yan? paano mo nakita itong blog ko? wag kang mag alala ok naman kami makakaraos din.. love you...
nalungkot din ako sa kwento mo ganyan din ako noon galing ako ng jeddah tubig ang pamatid gutom ko noon mahirap talaga nag iisa sa malayo
pag gutom ka uminom ka lang ng tubig makakatulong yan iwas ulcer pray ka lang lagi jan ilagay mo sa wallet mo lahat ng tel.numbers na pwedeng tumulong sa inyo jan importante yan. god bless sa inyo jan
gashhh. ang lalim mong tao.
ilang taon ka na ngani>
salamat sa pag boto na appreciate ko
kaya mo yan sis!...tayo pang mga pinoy e sanay na sa hirap at gutom! :D
mabuti na rin lang at nanjan ka kesa andito ka sa Pinas na puro kamalasan ang life d2!
uy bestfriend musta na? napaka seryoso mo naman now... hmmm ipag ppray na lang kita palgi.... haaay i hope maging okay ka na... basta pag may problema ka... ehem ehem dito lang ako palagi
@vonfire
malas ba dito sa pinas? hmmmm medyo tama ka... baba ng sahod eh
sis isa ka pala sa napili kong bigyan ng award. get mo sana sa page ko! :D
@jettro salamat sa concern
@pablo di naman masyadong malalm ba malunod na kayo nyan.waray ka ba?
@vofire tenk u sa award,kaya nga isip ko din yun,mahirap makahanap ng work din dyan sa ngayon...tiis-tiis...
@saul besfwend ba't ngayon ka lang din nagparamdam? ok naman ako unti-unti umaahon!ganyan talaga,life eh!
Post a Comment