Tuesday, 10 November 2009

Hanggan Kailan.....

Posted by iya_khin at 23:28

Hanggang kailan…
Hanggang kailan mo ako mamahalin?
Bawat tibok ba ng puso mo’y akin?
Bawat minuto ba’y ako’y nasa iyong isipan?

Hanggang kailan….
Sa pag-sikat at pag-lubog ba ng araw ako’y iyong kailangan?
Mga mata mo ba’y ako ang nais laging masulyapan?
Bawat himig mo ba’y pag-ibig ang nilalaman?

Hanggang kailan….
Hanggang kailan mo ako hahagkan?
Bawat haplos at yakap mo ba’y magpakailan man?
Masasayang araw ba nati’y walang katapusan?

Hanggang kailan..

Sana’y sa pagtanda’y ikaw pa rin ang kasama
Sa bawat araw ng pag-gising ko’y ikaw ang syang masilayan
Dumaan man ang maraming unos tayo’y manatiling nakakapit
At sa huling ngiti ng labi ko’y sayo lamang mailaan.


16 comments:

Dhianz said...[Reply]

lab da poem... pag-ibig nga naman... hahamakin ang lahat... maging akin ka lamang... haha... pumasok lang sa yutakz koh... hangswit nang poem.. lab it... take care... Godbless! -di

Dhianz said...[Reply]

uy... based si dee.. naaliw naman akoh.. haha.. laterz =)

iya_khin said...[Reply]

@dhianz haha! inlababooo! haha

kox said...[Reply]

pwede bang hiramin ko tula mo? hahaha.. nice :)

saul krisna said...[Reply]

ui bestfriend pahiram din ng tula mo... hehehehe peste bakit ganito... parang can relate si ako.... di ako emo pero may matinding problema ako sa self ko... hehehehehe add mo nga pala ako sa ym

saulkrisna@y.c

A-Z-E-L said...[Reply]

sagutin ko ah...

huwag kang magtanong kung hanggang kailan
dahil hangga't may tubig ang karagatan
hangga't natatanaw mo ang ganda ng buwan
hanggang sumisikat ang init ng araw
mananatili akong sa iyo'y nagmamahal
at nangangakong ako'y IYO habambuhay!

;)

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

wow ang ganda..kung ako ang tatanungin mo niyan ay mamahalin kita hanggang may sa huling sandali ng buhay ko..naaalala ko tuloy ang kanta ni wency cornejo..giliw mo huwag mo sanang iisipin ikaw ay lilisanin, di ko magagawa lumayo sa iyong piling..etc..at nais kong malaman mo, kung gaano kita kamahal..hanggang may musika akong tinataglay...forget ko na ang iba pang lyrics..

iya_khin said...[Reply]

@kox inlababoo ka din!?

@saul besfwend buti't dinalaw mo ako! tagal mong di nagparamdam ha! ano naman yang ineemote-emote mo? i labas na kasi yan ng magkaalaman na! sige add kita! kaso puro minus nakalagay sa ym ko eh!

@AZEL naku baka mainlab kana rin sa akin nyan! infairness kakakilig naman! wahaha!

iya_khin said...[Reply]

@Arvin hala di tayo talo ako po ang inay mo...
nag-mamahal MEL TIANCO po..wahahah! magpakailan man! astig!

fiel-kun said...[Reply]

aww, kaka inlove naman ng poem...

hanggang kailan... magpakailanman ^_^

SCOFIELD JR. said...[Reply]

uy, salamat sa tula mo para sakin...hehehhe

dumaan at umepal...

iya_khin said...[Reply]

@fiel-kun haaaaayyyyy....

@Scofield talaga lang ha?! hala sige!

Lord CM said...[Reply]

Hangang may puso akong marunong magmahal na ang isinisigaw ay lage nang ikaw... lolzz napakanta tuloy ako eh :D

Alkapon said...[Reply]

Hanggang kailan....
hanggang kailan mo matitiis ang sakit ng iyong tiyan,
mga nilamon mong pagkain kanina sa restaurant,
ilang tableta na ng diatabs ang iyong nilunok para maagapan,
humanap ka na ng inidoro para iluwal mo na ang "ebak" na yan.

buwa ha ha ha... dinugtungan ko lang ang iyong tula, para masaya, parang masyado ka kasing broken hearted.

Anonymous said...[Reply]

NOThinGS MORe GReaTFUL thaN GODs LOVe.

iya_khin said...[Reply]

@Lord CM naku aminin mo may naaalala ka rin 'no?! kunwari ka pa!

@Alkapon nahulaan mo ha! kaso mali ka di diatabs ininum ko, imodium! di ako broken hearted, di pa nangyari yun! ehehe

@Anonymous Amen! There's no greater love than His love!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review