Monday, 2 November 2009

ON_LEAVE

Posted by iya_khin at 00:57

eto na naman po ako at nag-eemo-emohan...alone in my room nag-iisa lang ako dito sa flat namin nakaleave po ako ngayon kaya parelax-relax lang ako..


actually wala akong maisip na maisulat,stagnant yata utak ko ngayon dahil sa sobrang kakatulog,wala naman bago sa buhay ko for these past few days maliban sa katatapos na paglilipat namin ng bahay. eto ayos naman kami dahil di kami na hirapan kasi halos isang building lang ang nilipatan namin dati nasa tower B kami ngayon sa tower A na! (hanapin nyo nalang kug saang tower yung tinutukoy ko!)


Wish ko lang sana na sa pinas ako magbaksyon kaso can't afford da budget ngayon and besides di ako pwede basta-basta umuwi dahil may pasok pa ang anak ko and di pa pwede magleave ang loves ko dahil kakaleave nya lang...


so kaya heto't nag-iimagine nalang ako....


eto lang naman gusto kong gawin pag-uwi ko sa pinas:


1. kumain ng lechon! wala kasi nyan dito HARAM! miss na miss ko na ang malulutong na balat at maalat-alat na ribs,isama mo pa ng cripsy na dila! heps-heps! walang basagan ng trip! totoo ang nabasa mo, mahilig ako sa dila!


2.kumain ng inihaw...kahit ano basta inihaw yung makikita sa may kanto!


3.maligo sa island ng palau! kasama si lordCm para may tourist guide! ehehe!


4.ma-meet ang mga kablogberks ko! saan ba tayo magkikita-kita kox? sagot ko na ang MCdo ni Saul ok lang kahit matakaw si gelfren!


5.balot! yun balot! papakyawin ko lahat ng balot nung unang makita kong tindero/tindera ng balot!


6.magpa-SPA at body massage...wow sarap....mahal kasi dito eh!syempre sama ko mama ko! ayos ba ma?!


7.gumala...kahit saan!


8.mamangka..saya nun!


9.makasama ang mga highschool berks ko...miss ko na sila


10.gumala ulit.....


wala na akong maisip eh! mababaw lang naman kaligayahan ko, kahit bigyan mo lang ako ng chippy masaya na ako. ang mahalaga lang sa akin eh makasama ko yung mga mahal ko sa buhay. basta makita ko lang sila na busog...gutom pa din ako! nyehehe!baduy ko!


enyweyz...sana by next year makapagbakasyon na ako! kakalungkot na! wahhuhuhuhuh.....

20 comments:

DRAKE said...[Reply]

Dagdagan mo ng panlabing isa

11. Gumawa ng picture greetings para kaya Drake bago ang bday nya!

Hahahha! salamat iyakhin! Miss kita!

iya_khin said...[Reply]

@drake ay oo nga pala cge! ikaw pa lakas mo sa akin!

kox said...[Reply]

wahahahha.... :D natawa ko kay kuya drake. XD

ahmm.. pwede ba ko sumama sa lahat ng pupunthan mu? hahaha.. ang cool kc eh! hahaha... di pa naplaplano yung eb. haha. busy-busyhan.

pwede ba ko pumunta sa tower a? hahaha.. may pa tower tower pa kau, sossy! ahahaha.. pareho lang pla tayong mababaw. hahaha.. galing2 :D

matakaw ako sa mcdo, ok lang ba? hahahaa.. :))

kheed said...[Reply]

isama mo na ang pakikipag eb sa akin para mailibre mo na din ako hehe..

saan ka nga pala sa dubai? si gf sa Al quasai sya eh, malapit ka ba dun? ahehe

Lord CM said...[Reply]

Ahek!!Di ako magaling na tour guide, pero inuman asahan mo ako jan lolzz

ladyinadvance said...[Reply]

isama mo naman ako sa pangarap mo kahit dun lang sa pagkain ng lechon..hahahaha

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

gumala ka na lang kaya kahit saan..basta iyong may mapupulot kang aral sa pagpupuntahan mo..hehe..

Jepoy said...[Reply]

Wow. Sana nga ay makapag bakasyon ka na. Sama ako sa Palau gusto ko rin mamasyal 'dun :-D

The Pope said...[Reply]

Wow, homesick emo ka pala ngaun, cheer up, life is not that bad, In God's time makakapagbakasyon ka rin. And I love your wits, tinatamad ka pang magsulat but you have already made a worth reading post.

Life is Beautiful, stop for a moment and smell the flowers.

iya_khin said...[Reply]

@kox sige joyride tayo! yahooo! ok lang kahit matakaw ka, wag ka lang mabubulunan kasi di ako manlilibre ng tubig.ehhehe!

@kheed o sya sige sama kana din,tutal matagal pa naman yun eh, ilibre din kita pero singilin ko nalang si gf pagbalik ko dito!haha! malapit lang sya dito sa akin sa sharjah ako nakatira, saan sya banda sa al qusais?

@LordCm sige isang case ang tip ko sayo, ikaw lang mag-isang iinom lahat ok!ehehe!

@lady yan kasi di ka kumain nung umuwi ka! sige papalechon tayo dun sa tanauan masarap maglechon dun! para ka tumambok! ehehe!

@Arvin opo kuya,magdadala pa ba ako ng notebook?

@Jepoy sige sama ka para may lifesaver naman ako incase mapulikat ako!peace!ehehe

@Pope touch naman ako sayo..iyak tuloy ako..huhuhu...pero kuya wala pong flowers dito puro palm tree...tsaka don't make me smell the surroundings kasi baka malanghap ko mga amoy ng itik mangisay ako!wahaha

Dhianz said...[Reply]

haha.. naaliw naman akoh... maligo sa palau kasama sa kuya CM.. sama akoh.. puwede bang sumabit?.. lolz... teka.. san kah bah ngaun?... and naks.. may hubby and baby ka na palah.... so yeah... ingatz lagi...Godbless! -di

iya_khin said...[Reply]

@Dhianz sige sama na din kayo lahat! masaya yun...kaso parang delikado yata ako ha...butas bulsa ko...teka hanapin ko muna wallet ko nawawala eh!

uu 10yrs happily married na ako,aga kasi akong na benta! waahaha

pmm012 said...[Reply]

hello.. napadaan at nagustuhan ang laman.. parang gusto ko ding mag-balot.. nagutom ako bigla

fiel-kun said...[Reply]

Hello ^^

Namimiss mo na talaga ang Pinas noh? Ilang taon ka na po jan sa Dubai nagwo-work? This Christmas season, may chance ba na makauwi ka dito sa atin?

Masarap din pala sa Pinas yung Manggang Hilaw with Bagoong saka yung itlog ng pugo (kwek-kwek) ^_^

Alkapon said...[Reply]

perstaym kong napadpad dito sa lungga mo.

alam ko na marami ka talagang na mimiss na gawin d2 sa pilipinas, lalo na yung sinabi mong gusto mong kumain ng lechon.. haram nga dyan sa gitnang silangan.. mahigpit na ipinagbabawal ang pagkain ng kane ng baboy dahil labag yan sa aral ng koran.

hayaan mo, pag uwi mo i txt mo ako, ililibre kita sa LYDIA's lechon, sa PING PING o ke mang tomas.. magsasawa ka sa lechon..

sky is the limit.. i txt mo lang ako, para malamang mo ang number ko.. he he he

iya_khin said...[Reply]

@pmm012 o sya kain na tayo ng balot!

@fiel-kun 2taon na ako dito,di ko alam kung kelan ako makakauwi eh! wow manggang ilaw with bagoong pati singkamas! panalo! naglalaway na ako! punas...punas...

@Alkapon pasensya na wala akong load pangtxt eh! pasaload mo muna ako tapos txt kita ok! naku po lechon...pangarap kong lechon! haay...

Random Student said...[Reply]

classic flavor ba ng chippy kasi may ibang flavors na ngayon. mmm, mahilig ka pala sa dila he-he!

A-Z-E-L said...[Reply]

hi iya... first time ko dito at siguradong babalik ako para halukayin ang archives mo! lolz!

magandang araw...(mula sa dubai!)

iya_khin said...[Reply]

@random kahit anong flavor ng chippy basta libre ok lang! uu love na love ko ang dila!

@AZEL tenk you sa paghalukay magandang tanghali sayo for Dubai!

yiN said...[Reply]

kumain ng manggang hilaw na may bagoong, pumuntang baguio, puntahan lahat ng beach dito, kumaen ng pinakbet, oo balot, kwek-kwek, nuggets, toknenengks, hehehehe. belat. naligaw, nagbasa, naaliw, sumigaw, umalis, babalik.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review