Thursday, 21 January 2010

Miss U

Posted by iya_khin at 00:22

Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso. Ilang ulit na ba, iniiwasan ka di na natuto. Darating kaya sa dami nyang ginagawa,may pag-asa pa kaya? hmmmmmppp!!! Bababoom! Shakss ala akong maisip na isulat! Mag-dadalawang buwan na akong ganito, di ko alam kung bakit, my brain is empty it needs to be filled! I needed space sabi ko sa sarili ko dati, (sinabi ko ba talaga?) nasobrahan yata ako sa pahinga kaya siguro natulog pati utak ko.

Well, sa mga oras na ito habang nagtatayp ako sa long lost blog ko eh dito ako sa opis, excuse me, sa bago kong opis..hmmm...describe ko sa inyo...dito ako sa pang-12 na palapag, malawak ang opisina,malawak na lamesa,kasama koý puro GM,tahimik,tunog lang ng orasan ang naririnig ko,puro bintana,kitang-kita ang kabuohan ng tanawin sa labas na puro konstraktura. Malamig, nakakabagot dahil wala akong ginagawa, wala ang amo kong hapon dahil mag-hapong nasa site at ang kasama nyaý mga kalahi nya ring hapon. Ako naman, eto kahapon pa nakatunga-nga,bagamat full access ako sa internet ay nakakabagot pa rin kaya tiyak kong maghapon na naman akong ganito,nagpapatay oras.....

Share nalang ako sa feelings ko ngayon, tungkol dun sa blog ni Drake..oo si Drake ( o ha starring ka sa blog ko!!) Sinabihan kasi ako ni ladyinadvance kagabi na nakabalik na nga si drake, so dahil excited ako kasi namiss namin sya eh agad-agad akong nagbasa ng blog nya,kikichismis sa bakasyon eklabooh nya..
Totoo, tinamaan ako sa kwento nya kidding aside, pigil ang luha ko kasi baka makita ako ng mga amo dito at pagkamalan akong lukaret, nakaka 2 weeks palang ako dito baka matyugi agad ako dahil sa kahibangan ko,kaya hikab-hikab nalang ako kunwari para di obyus. Bigla kong naalala nung umalis ako sa pinas,2007 ng inihatid ako ng mama ko at ng anak ko sa paliparan. Excited ako na malungkot,mixed emotion. Nalulungkot ako dahil iiwan ko yung mga mahal ko, excited din kasi sa wakas makakasama ko na ang asawa ko at may trabaho para sa akin dito. Di lahat kasi nakakapunta sa ibang bansa,kahit anong gawin na paraan eh di parin nangyayari na makapangibang-bansa. So go go go ang lola mo! Pero sa di inaasahang pangyayari, pumalo ang global crisis, so lahat ng benefits ng company namin eh tinanggal nila, samahan mo pa ng 3 hanggang 5 buwan na walang sahod, so nagkabaun-baon na sa utang...no chance na makauwi dahil di sapat ang pera,sa pamasahe palang hirap na...

Anyway,mabalik tayo, yun nga inggit ako dahil buti pa ang Drake nakauwi na, samantalang ako mag 3 taon na dito pa rin...Papasalamat naman din ako kasi nakawala na ako dun sa dati kong kompanya at may nagbukas ng bagong pag-asa para sa akin...so maybe this Dec. makauwi na din ako at makapagbakasyon..gusto ko din mayakap ang nanay at mga kapatid ko sobrang to da hayest lebel na miss ko na sila! Drake huwag kanang malungkot kasi anytime pwede mo sila mauwian, kami heto't nagsisimula palang umahon uli matapos ang napakalakas na unos sa buhay namin. Masaya ako para sayo! Masaya din ako dahil anu't-ano pa man....Babalik ka din at babalik ka din,babalik at babalik ka din! haay!! i'm looking forward to it!
Sa mama ko.... miss ko na ang humba mo! pero ok lang kahit tuyo lang ang ulam natin basta't makasama ko kayo ay ayos na! Mahal na mahal kita!

14 comments:

RHYCKZ said...[Reply]

uy welCUM bak, congratz sa new work mo!!!wag ka nang mainggit ke drake, pasasaan bat magkakauwi ka din...gud day!!!

2ngaw said...[Reply]

Hehehe :D Ako riiinn, 2 months na lang bakasyon ko naa, mainggit ka lolzzz

Talaga palang nangyayari jan yung ATM kung tawagin nila no, After Three Months ang salary o mas matagal pa...hirap nyan, ako ngang nasa oras na ung sweldo eh hirap pa sa pagbudget yun pa kayang wala kang ibudget

Wag mag alala, maaayos din ang lahat..makakauwi ka rin :)

pmm012 said...[Reply]

wala ka pang maisulat nang lagay na yan ah!!! hahahah

Anonymous said...[Reply]

haha.. ang haba. :))
sana okey ka lang dyan, khit di ka pa nakaka uwi. basta ate, pag umuwi ka, inform mu kme ah. haha :)

godbless.

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

i like humba..bukas bibili ako..thanks sa post mong ito..miss you..

Jepoy said...[Reply]

Sikat nanaman si Drake dito ah...

Anyways, wag ka ng malungkot ate basta isipin mo makakauwi ka rin ng pinas soon. Count your blessings name them one by one...

iya_khin said...[Reply]

@ayu yah! kinakaya talaga!

@scofield haha! alam mo naman,lulubog lilitaw ako,kunwari busy! pagnakauwi ako EB tayong lahat!

@lordcm oo totoo yun,hirap talaga! buti nalang dyan si papa Jesus di kami pinapabayaan.

@pmm012 wala eh! weee!

@kox oo ba,di ko nalilimutan promise ko sayo,na mcdo tayo!kasama si gf ni saul!

@arvin sige ikain mo nalang ako!

@jepoy uy,seryoso si kuya ha! oo bida si drake dito kahit di nya pa ako dinadalaw!

kikilabotz said...[Reply]

napadaan lang po. hirap talaga ang buhay sa ibang bansa. kaya nga hanga ako sa mga tulad nyu na ngttrabaho sa malayo sa minamahal. goodluck s lahat ng ofw.

Anonymous said...[Reply]

weeehhh anjan pala ako..hahaha!..makakauwe ka din iya at makakasama mo na family mo at makakain ka na ng humba.ayiiihhhh... ikain mo din ako..

aba si lolo drake wala d2?....hmmmm asan kaya....lolz!

fiel-kun said...[Reply]

Hi Jaid ^_^

Mabuhay ang mga OFW na tulad mo. Saludo kami sa inyo :)

Pray lang lagi kay Lord at pasasaan pa at makakaahon ka rin sa mga hirap at problema.

God Bless!

fiel-kun said...[Reply]

aww sowee... "Jaid" ang nailagay ko name mo dun sa taas >_<

Megan, Life Revamped said...[Reply]

goodluck sa bago mong endeavor!
…now a follower!
have a great day!
xoxo,
Fickle
Red is in the air in Bagiuo City

my alter ego's blog
here

Ishmael F. Ahab said...[Reply]

Grabe...buti na lang at nadaan ako dito sa blog mo. Talagang tinapos ko yung sinulat mo (na naka pink font :-P)

Kaya mo yan ma'am. Makakaahon ka rin at makakauwi. Just don't lose hope.

JayCee said...[Reply]

:( naiyak naman ako bigla dito sa post mo ..namiss ko bigla si momskie ..

iniisip ko na lang... ang lapit na ng Ramadan uuwi na din ako sa wakas ..

wag ka na sad.. dadating din yung time na turn mo na mag vaykay and now pa lang winiwish ko na mag enjoy ka ng sobra :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review