Tuesday, 8 November 2011

malapit na!

Posted by iya_khin at 01:20


i'm so excited much!!! to da highest mount everest!!! naamoy ko na ang pinas! yiiiiii!!!! halos 4 na taon akong naghintay at nagsunog ng kilay ngayon ay masasabi ko na ang matamis na tagumpay!!!! yahahahah! 

dami kong gustong gawin at puntahan, ang dami kong plano sana swak sa budget at panahon ko, limited time lang kasi ako magstay kaya sana masulit ko lahat! kaya gumawa ako ng listahan na gusto kong magawa at sana'y matupad so help me gad! :p

LISTAHAN NG UTANG PLAN:

1. kumain ng lechon
2. kumain ng lahat ng street foods
3. kumain ng fresh sea foods
4. kumain kasama ang mga mahal ko sa buhay
5. magpakain sa less fortunate
6. gumala with old friends
7. tumambay with old friends
8. magswimming sa beach na malalim
9. magsunbathing na nakasun-block
10. magkulong sa kwarto kasama si lablayp
11. magshopping sa divisoria at bumili ng pirated dvd's sa quiapo
12. mameet ang mga friends ko sa bloggy world
13. sana di sila manghingi ng pasalubong kasi wala akong dalang balikbayan box..pagbalik ko nalang :p
14. makaattend ng SBA! yiiiiii
15. makapagmano uli kay lolo mc arthur
16. makapagtestimony sa church sa pinas about sa goodness ni God
17. magkaspecial number sa church! hehehe
18. madalaw si mama.......haaaayyy
19. magkasama-sama kami ng mga kapatid ko sa pasko
20. magpaputok ng lusis at wisol bomb sa bagong taon
21. ect ect ect.....

all i really want lang naman talaga is to be with my family and friends na matagal ko ng hindi nakasama, money is not an issue co'z i don't have money! hehehehe choi!!

see u all very soon!!!



 
(01) Eraserheads - Manila





24 comments:

bulakbolero.sg said...[Reply]

lol. ang daming kainang magaganap ah.

daming plano. enjoy sa pag-uwe iyah. ingats.

egG. said...[Reply]

wow balikbayan.... ingats sa pag uwi iya.. :)

hArTLeSsChiq said...[Reply]

see you ateng :) weeeee ingats sa byahe ah!

Leomer Apolonio said...[Reply]

Bet ko yung #10 mars! I'm so excited for you. Hugggs!!! :)

khantotantra said...[Reply]

ingat sa biyahe. hehehehe.

iya_khin said...[Reply]

haha malapit palang!!! excited lang ako! pero may flight details na ako! hehehe

Aj Banda said...[Reply]

out of 21 items, apat dun tungkol sa food.. hahaha.. nagutom tuloy ako! :)

The Gasoline Dude™ said...[Reply]

Natawa ako sa #10. Teka, bakit SBA lang? Baka magtampo ang PEBA niyan. LOL!

orange pulps said...[Reply]

#12 ^_^ hihi...

dami kong gustong itanong sa 'yo :) one of it is "bakit nahiwalay ka sa family mo?"

and pasalubong ha...hihi uleeet

iya_khin said...[Reply]

@gasolinedude gusto ko din sana umattend syempre sa PEBA kaso 2nd week ang flight ko ng dec di ako aabot eh... :(

Bino said...[Reply]

sana magkita tayo!!!!!!!!!! sumisigaw ? lol

RHYCKZ said...[Reply]

kala ko ba diet mode bakit parang #1~4 ay puro kainan...hahaha #nangengealamlangpo.

Diamond R said...[Reply]

Wohhh Tagumpay Iyahh.Good luck sana magawa mo lahat yan.

YOW said...[Reply]

Wow. Uuwi siya. Nakakainggit. :(

empi said...[Reply]

Wow! Magbabakasyon! :D

taga-bundok said...[Reply]

waaa... inggit me much. sana nasa pinas ako pag-uwi mo para maambunan ng pasalubong at makasama sa eb. hahaha. gusto ko na rin umuwi.

LordCM said...[Reply]

langya! napakanta pa ako sa unang paragraph lolzz

natanggap na kaya ung shirt? :D

Palomah said...[Reply]

wow! maligayang pagbabalik tukayo ng baby ko.. hehehe...

Makina ni Monik said...[Reply]

waaaaaaaaaaaah 4 years O_O , at walang pinagbago ang pinas. hahah. Welkam sayo ulit dito ate iya! (^________^)

jedpogi said...[Reply]

bangis ng list iyah ah... hehehe.. ingat sa paglalakbay pauwi...

Midnyt Driver said...[Reply]

Yown eh....ingat sa pag-uwi dito...

kamil said...[Reply]

im so happy to read this ate... I hope I could be one of those fortunate blogger to see you!!! alam mo naman...

and ate..sorry to tell but there's not a lot of dvd seller na sa quiapo.. as in makakapaniwala ka ba na wala na sila.. may bubulong lang sayo sa kalye to buy but actually wala na yung DATI!! :( ang lungkot nga I know..

but morethan wishing to see you, I hope magawa mo lahat ng gusto mong magawa... alam ko na mis na miss mo ang PINAS... parang ako, mas malala ka lang dahil sobrang TAGALLLLL mong wala.. alam ko kung paano ma miss ang mga street food at pinas food!! i love you ate! and take care kaa ha??!

joeyvelunta said...[Reply]

hinihintay ka na po ng Pilipinas Madam. Sana matupad lahat ng nasa listahan.

Leah said...[Reply]

Napa sing along ako sa kanta.. hehehe..

Eh di welcome home, iyah!! Sana magkita din tayo.. haaay... :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review