Tuesday 29 September 2009

KAPIT

Posted by iya_khin at 03:46

Mga araw ay lumilipas
Eto’t tahimik pa ring tumatagas
Mga luhang pilit pinipigil
Wari mo’y masaya at sayo’y nanggigigil.

Pag-agos ng luha’y walang magawa
Tatahimik na lamang ng di mahalata
Pagsusumamo ng dibdib
Sa puso’y bigat at pighati ang kinikipkip.

Paano na ang supling?
Paano na ang sinisinta?
Iiwan bang nangungulila
Habang sa isang panig ay nagluluksa?

Sadlak sa kagipitan
Hiling ay makawala sa mundong piitan
Sinong may sala?
Ito ba ang buhay na pangako mong may saya?

Buti ay may nagpapaalala
Mga parokyang sa akin ay sumusuporta
Halos araw-araw ay sinasambit
Nandyan si Bathala puno ng pagmamahal at pangunawa.

Minsan ng sumagi sa isip
Kitilin ang buhay na iisa lang ang angkin
Pag-aaring hiram na di naman akin.
Sa wari ko’y wala ng pag-asa,wala ng sasagip.

Napakabilis nangpanyayari di ko naalintana
Isa sa parokya ay nalagas
Nagising sa katotohanan na di dapat doon magwagas
Pag-asa’y nariyan,humawak maiigi si Bathala’y di ka iiwan.

Mga araw ay lumilipas
Isa-sa ng hinaharap
Pasakit at pighati’y di na iniinda
Pagkat sa pagkalubod ay unti-unti ng umaahon,
Basta kay Bathala nanalig at sumampalataya.



3 comments:

Diamond R said...[Reply]

mabuti naman nalampasan mo na ng kapighatiang ito.

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

Napakaganda ng tula na ito..bilib ako..more tula pa na sinulat mo..inspiring ang tula mong ito..

musingan said...[Reply]

pwede umiyak na lang... ako.. eheheh

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review