Friday, 25 September 2009

SA PORTA

Posted by iya_khin at 23:35


Mundo ko’y tahimik ngunit ang isip ay tuliro
Walang bakas na makita isip ko’y lito
Anong nangyari ako ngayo’y nag-iisa
Naiwan sa ere di mahagilap ang mga kasama

Dati rati’y tayo’y masaya
May pera o wala sama-sama paring nagsasalo-salo
Munti kong silid ay punong-puno
Ngayo’y silid ay gumuho, nahagip pati mga kabaro

Dati rati’y puno ng sigla
Mga tawanan nati’y labis na kay sigla
Minsan naman ay may drama
Mga buhay nati’y parang pelikula bawat isa ay unik ang storya

Ngunit ngayo’y lumipas na
Bigla nalang naglaho na parang bula
Asan na ang mga katropa
Mga karamay ko, ako ngayo’y nag-iisa

Di matiis na di mapaluha
Habang sinusulat ito’t inaalala ang nagdaan
Mga panahon natin na labis na kay saya
Sa iyakan at kwela kayo ay kasama
Kahit sa hirap tuloy pa rin ang ligaya.

Nakahanap man ng kapalit
Ngunit tropa nati’y walang makahihigit
Samahang matatawag na solid
Mga tunay kong kaibigan, asan na kayo’t ako’y inyong iniwan.

Ni sa panaginip ko’y di sumagi
Parang buhok isa-isang nalagas
Buti nalang tatay ko’y kalbo
Kaya heto’t ako nalang ang natirang kabobo

Lumipas man ang panahon sa puso’t isip di mawawaglit
Mga alaalang napakaganda kasama ang buong tropa
Kung saan man kayo napadpad sana’y inyong maalala
Na minsan sa ating buhay tayo’y magkakasama sa loob ng porta.

0 comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review