Tuesday, 10 May 2011

MASID (ika-apat na kabanata)

Posted by iya_khin at 00:59

(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)


Kagimbal-gimbal ang mga pangyayari, lahat halos ay bakas ang pagkatakot sa kanikanilang mukha. Sinong may kagagawan nito?! Pasigaw ni Istambay. Tara na at tumawag tayo ng saklolo, pagmamadali naman nila Jhengot at Kamila. Hindi! Di tayo pwede lumabas mapanganib! Siguradong nasa paligid lang natin ngayon ang may gawa nito! Hangga’t maari dito lang tayo at sama-sama , hintayin nalang natin ang pagsikat ng araw bago tayo lumabas. Mariing sabi ni Empi.

Takte naman oh!! Tol may bayag ka ba?! Supalpal ni Leonrap kay Empi. Eh kung upakan kaya kita ngayon ha?!! Sabay tulak ni Empi kay Leonrap. Magsitigil na nga kayo! Dang! I hate this! Nag kaganito na nga mag-aaway pa kayo! Can you just please shut up and think kung paano tayo makakalabas dito! Pasosing galit  na saway ni Lhuloy.

Natahimik ang lahat at nagpakiramdaman. Asan pala sila Mang Lord CM?  Tanong ni Diamond r. Malayo-layo din kasi yung bahay nila dito, dun pa sa dulo ng pulo. Sagot ni Empi. So kabisado mo pala dito? Pagtatanong ko sa kanya. Oo, nilibot kasi namin ni Sir Bino ito nung nirerenovate pa itong resort. We have to study every area para maidevelop pa ng mas maayos. Pagpapaliwanag ni Empi.

Samantalang tinakpan na nila Akoni at Keatondrunk ang nakahandusay na katawan ni Musingan. Maluha-luha si Akoni at bumubulong-bulong habang di pa rin makapaniwala sa nangyari sa kaibigan. Pare, kung sino man ang gumawa nito sayo, tinga lang ang walang latay sa kanya! Hinayupak na yun! Inborn na ngang lasog-lasog ang pagmumukha mo mas pinalala pa! Ay syanga pala..eto yung tenga mo, napulot ko sa may pintuan buti nalang nakapaglinis ka ng tenga kung hindi di ko dadamputin. Sorry pare sa lahat-lahat..matamlay na sambit ni Akoni para kay Musingan.

Sa may sala naman, tahimik na nakaupo si Kikomaxxx at malalim ang iniisip. Are you ok Kiko? Tanong ni Lhuloy. Oo, kaso palaisipan parin ang mga pangyayari, bakit sa atin lang ito naganap samantalang matagal nangnaninirahan dito sila Mang Lord cm? Naiintindihan mo? Tanong ni Kikomaxxx kay Lhuloy. Yah, you’re right, but I don’t think they’re the one who did this, matagal na silang pinagkakatiwalaan ng family ko! Balisan pagsagot ni Lhuloy. Kaya nga, matagal na…bakit ngayon lang ito nangyari at di sa kanila? Pukol na tanong uli ni Kiko.

Iya, natatakot ako..pag amin ni Kamila habang pareho kaming nakaupo. Natatakot din ako, pero kailangang lakasan natin ang loob natin kasi mas lalo tayong di makakapag-isip ng solusyon kung paano makakaalis dito. There is always a way out, but where and at this point?! Di ko din alam. Mahinahong sabi ko sa kanya. Asan si Jhengpot? Tanong ni Kamila. Diba nandito palang sya?!

AAAAAAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!

Napabalikwas kaming lahat! Jhengpot???!!!!!


Itutuloy






10 comments:

Kamila said...[Reply]

Waaaaaaaaaaah! Ang bilis naman nawala ng bes kooo! hahaha

Akoni said...[Reply]

sa tingin ko si Lhuloy ang salarin dito...hahahaha...at nawindang ako sa tenga..yakssss..

MOKS™ said...[Reply]

Nice iya... Salamat at wala ko dito. Nainspire tuloy ako gumawa ng ganito ah lels heheeh

Diamond R said...[Reply]

hahahahah ang saya saya ng eksena ni Akoni at ang tenga. Ibang klase.

ang galing Iya.

musingan said...[Reply]

Iya_Khin: kung pwede lang ako magsalita.... ilalantad ko na ang tunay na salarin... hayst... para naman magkaroon ako ng katarungan at tuloy eh makaiwas na ang aking mga naiwan.... magingat kayo... nandyan lang ang salarin.... nasa U.S. siya ngayon... at hindi mapronouce ng mabuti ang letrang "R"....

mommy-razz said...[Reply]

kahit kailan talaga c rap oo.. hehe!

naku anong nangyari kay jhengpot?

Keatondrunk said...[Reply]

pa-exciting ng paexciting a, salamat sa cameo role ko hehe..

KikomaxXx said...[Reply]

paks silent ako.. baka ako ang salarin.. hahaha

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

ang angas ni rap.sarap bangasan ng ilong...lel

sino kaya ang salarin.....???

tsk..

Leonrap said...[Reply]

lol.... war freak ako?... ahahaha

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review