Saturday, 7 May 2011

GAYA NG DATI........

Posted by iya_khin at 04:49

Halos mag-aapat na taon na pala simula ng tayo’y huling magkita..tagal na pala….ang bilis di ko namalayan..

Naalala ko pa bago ako umalis, di mo pinapahalata pero alam kong nalulungkot ka bakas sayong mga mata. Di man lang kita nayakap kasi ayaw mo, isang halik lang sa pisngi ang naibigay ko kasi nakokornihan ka, ayaw mo ng ganon di ka kasi madrama tulad ko…

Naalala ko din nung bago pala ako mapunta dito, nag away tayo..nagalit ka sa akin kasi isinumbong kita kay daddy na nag sasabong ka. Galit kasi ako, lagi ka nalang walang pera dahil sinugal mo. Kaya masama loob mo sa akin kaya lumuwas ako ng manila kasama ang pamilya ko..iniwan kita..

Nakipagsapalaran ako sa manila, naghanap ako ng trabaho..ang hirap..nakitira ako sa mga byanan ko..nalungkot ako namimiss kita, mas lalo na nung umalis ang asawa ko papuntang abroad at naiwan kami ng anak ko…
Nagkaroon kami ng konting pag di pagkakaintindihan ng in-laws ko kaya tinawagan kita. Tinanong ko sayo, tatanggapin mo pa ba ako ako kung sakaling babalik ako sa atin? Sabi mo, oo naman..anak kita..

Naiyak ako, umiiyak ako ng makauwi ako sa atin.. niyakap kita…nagulat ako! Di ka pumalag…iniyak ko sayo ang sama ng loob ko..nakinig ka..sa unang pag kakataon. Naging mas close tayo, alam ko naman bata palang ako di mo kami pinapabayaan, nagkagalit lang tayo kasi naimpluwensyahan ka ng kapatid mong magsugal. Lagi ka nalang kasi wala sa bahay, sabi mo naghahanap ka ng pera pang gastos natin, pero di ako sang-ayon sa idea mo.

Natatawa naman ako..dahil sa sobrang ganda mo, parang ate lang kita. Di halatang mag-nanay tayo kaya naliligawan ka pa. Sikat ka sa atin “ikaw na ang astig” saan ka pa? nagpapalipad ng motor na ninja at nagmamaneho ng napakalaking Wrangler Jeep! Tulo laway sayo ang mga kalalakihan! Sayang lang..di ako nagmana sayo.

Naalala ko din nung araw ng nanganganak ako..halos mamatay na ako..nandun ka para palakasin ang loob ko..naghahabol na ako ng hininga..naririnig ko sabi mo kung pwede ikaw nalang manganak para sa akin gagawin mo..mahal mo nga ako..di ko kasi naririnig sayo….

Nang nandito na ako sa ibang bansa, dami nating pangarap..pero puro naging pangarap lang lahat kasi naging madamot ang tadhana sa akin dito..2 taon akong nagtiis..alam na alam mo yun…ikaw ang nagpapalakas ng loob ko..halos mabaliw na ako..di ko sinasabi sa asawa ko..pero awang-awa na ako sa kalagayan namin..sayo ko lang sinasabi mga paghihirap ko..sayo ko lang iniiyak lahat ng pagdurusa ko..ikaw din nagpatatag sa akin..muntik na akong magpakamatay..pero dahil sayo at sa mga pangaral mo..tiniis ko..umahon ako..lumaban..para sayo..sa inyo…

Last 2009 November sabi mo may parang bukol sa kilikili mo,sabi ko sayo mag patingin ka..ayaw mo. Matigas kasi ulo mo lahat ng sakit tinitiis mo. Bilib nga ako sayo, kasi ako mahina. December 2009 tuwang tuwa ako dininig na panalangin ko! Excited akong ibalita sayo kasi natanggap ako sa ibang Kumpanya! Sa wakas makakaahon na din tayo! Napawi lahat ng ngiti ko sa labi dahil iba ang narinig ko sayo….”Anak may sakit ako..wag kang malulungkot….may cancer ako stage 4 na”……di ko napigilang humagulgol…BAKIT?!!

Sobrang bilis ng pangyayari, araw-araw tinatawagan kita,di ako mapakali wala akong magawa..wala akong nagawa..araw-araw tuliro ang isip ko dahil iniisip kita, halos kada minuto gusto kitang kausap. Lahat sayo nag iba, itsura mo, pananalita mo,Ma, ikaw ba yan?!!Galit ako sa sarili ko kasi di ko magawang pagalingin ka..iniyak kita sa Diyos..iniyak kita…iniyak kita…
Humingi ka ng tawad sa amin nila daddy, sa mga kapatid ko, sa mga kaibigan mo…Ma…hindi…ok lang..ok lang…..lahat ng daing mo rinig ko..pero tiniis mo lahat para sa amin…pero ang sakit..ang sakit-sakit…

Ma, mag iisang taon na pala ngayon June… sobrang miss kita..sabi mo sa akin lakasan ko ang faith ko dahil ikaw malakas…hanggang sa huling hininga mo lumaban ka…

Ma, mahal na mahal kita…kung pwede ko lang irewind di kita iiwan…..
Ma, sobrang miss kita…alam ko masaya kana kasama si Lord pero dito sa puso’t isip ko..buhay na buhay ka pa….

Mahal kita Ma…sana nababasa mo ito gaya ng dati…

Di man Mother’s day alam mong lagi kitang naaalala….


18 comments:

Anonymous said...[Reply]

May mga pagkakataon talaga na naiisip natin na napaka unfair ng LIFE. Napakahirap ng mga pagsubok na ibinibigay nya sa atin.. at madalas, napakasakit nito. Pero naniniwala pa rin akong merong rason kung bakit nangyayari ang lahat. Kung ano man ang mga reasons na iyon, hindi ko alam.. pero somehow, someday, maiintindihan mo rin yan.. May mga panahong gusto mo na lang ibalik ang kahapon.. pero imposible. Kailangan na lang siguro nating mag heal..

Nasaan man ngayon si Mama mo, Im sure na she's in good hands na.. And she's always watching over you. At sigurado ako... alam ng mama mo na mahal na mahal mo siya.

Cheer up na, Iya. She doesn't want to see you cry on Mother;s day. :)

Diamond R said...[Reply]

wow. nalungkot bigla.Minsan may mga pagkakataon na kung pweding baguhin ang landas ng buhay kung pwedi lang. Pero nakita kung gaano katapang ang iyong ina.Super power siya matatag at kakaiba mga ginagawa ng isang lalaki kaya niya saan ka pa. Wohhhh.Alam ko masaya na siya dahil nakikita ka niyang matatag.

Rap said...[Reply]

ang lungkot naman nito...
hayyy.. wag ka na umiyakk.. infairness astigin mama mo ah.. hehe... tumawa ka na jan... ^_____^

musingan said...[Reply]

iYA_kHIN.... wow... first time mo ako napaluha ng husto... I swear.. napatulo mo ang luha ko ng tuloy-tuloy...

salamat sa pagshare... I really Appreciated it.

MG said...[Reply]

happy mothers day ^_^. wag kang malungkot, kahit nasa langt na ang mama mo..im sure proud yun kasi nagkaroon siya ng anak na si iya_khin

Akoni said...[Reply]

Sorry manang, nalungkot naman ako..pls hug..huggg and more hug..

EngrMoks said...[Reply]

Nakakalungkot naman nito iya... Sana bkas ko na lng binasa para hindi gaano ako nalungkot. Alam ko masayang masaya mama mo, kung makakapagcomment lng sya dito tuwang tuwa yun sa yo.

Bino said...[Reply]

cancer din ang ikinamatay ng nanay ko. minsan kinwestiyon ko din si Lord. no one can imagine how much I cried and how many sleepless nights I spent trying to understand why the Lord had to take her away. Pero ganyan talaga ang buhay. hayyyy. naiiyak ako. pramis

Unknown said...[Reply]

awwww iya. grabeh naiyak naman ako dito. Kung nasan man ang mama mo ngayon I'm sure masaya sya kasi lumalaban ka pa din sa buhay kagaya ng gusto nya para sayo. Happy MOther's Day pa din sa kanya. I'm sure mababasa nya itong sinulat mo. :)

Anonymous said...[Reply]

hay..naantig ang puso ko...haist..
hayaan mo at sigurado na masaya si mama mo ngayun dahil hanggang ngayun anjan pa din sya sa puso mo...

asan man siya ngayun.
happy mothers day sa kanya..

hugs...

Sey said...[Reply]

yung mga tribute na nabasa ko today nautwa ako at masaya pero dito may halong luha! habang binabasa ko, unti-unting nabuo sa utak ko yung mga scenes, parang nkikita ko si mama mo na nag-mamaneho ng wrangler jeep.

Alam ko kung gaano kasait mawalan ng magulang...sabi nila mas mahirap daw kapag ina ang nauna...kaya sumasakit ang puso ko...natatakot din ako kasi sa buhay ko buong buhay ko lhat ng desisyon ko katulong ko ang nanay ko.

Ma-swerte ang mama mo nagkaroon siya ng isang Iyah sa buhay niya. sigurado masaya siya ngayon dahil isang kang mabuting ina sa iyong anak.

HAPPY MOTHER'S DAY sa kanya at HAPPY MOTHER'S DAY din sayo IYA!!! Dahil sa post na ito, lalo akong namulat sa katotohanan na mahalaga ang bawat segundo.

pmm012 said...[Reply]

happy mother's day sa iyong ina..

Anonymous said...[Reply]

nagbasa ako, wala lang akong maicomment. ano pa nga ba ang dapat sabihin? hindi ko rin alam e..
*yakap*


maligayang araw ng mga ina sa iyo at sa mama mo. :)

kae said...[Reply]

di ko alam sasabihin ko, halos speechless ako, pero gusto ko lang talagang magcomment.. eto: naiyak ako sa post mo.. );
naniniwala ka ba? na binabantayan tayo parati ng mga yumaong mahal natin sa buhay? naniniwala ako..

"In the air between the living, spirits bob and weave and laugh with us. They are the oxygen we breathe."
-The Lovely Bones, by Alice Sebold

gusto kong malaman mo, she's watching over you.. (:

Anonymous said...[Reply]

naiyak ako dito iya, alam kong wala na ang nanay mo kasi nai-share mo sa akin, pero naiyak pa rin ako dto sa kwento mo..:( pa hug nga..

iya_khin said...[Reply]

SA LAHAT NA NAG-COMMENT Thank you so much for the time you spent reading my article. I'm blessed to have friends and supporters like you. I'm so happy to know that even strangers are concern when it comes to my personal matters/situations. I was really crying while writing this post to the point that i almost break down again, reminiscing the past...which is so painful. thank you guys for the hugs and words it really comforts me... i love you all!

Traveliztera said...[Reply]

Nalungkot ako nang mabasa ko to... Maganda yung pagkasulat mo... Ang mommy, mommy pa rin kahit anong mangyari. Kahit hindi magkaintindihan at kung ano2x,matatanggap ka pa rin nila. At alam kong sobrang masaya ang mama mo ngayon dahil naparamdam mo na nagawa nya ang role nya para sayo.

Gracie said...[Reply]

Hi ate rhea, wala na pala mom mo? sorry to hear po. natouch ako dito sa blog mo, at the same time biglang takot nadama ko.. may parang bukol din kasi ako sa kilikili, ano kaya to??? hayyy.. God bless ate.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review