Wednesday 25 May 2011

lies....

Posted by iya_khin at 05:09

6:15 am…

Tumunog ang phone ko…unknown number…..

Daddy: Anak, kamusta kana?

Iya:  ….oh daddy asan ka?

Daddy: dito ako sa Korea ngayon…nagkachat kami ng kapatid mo ah!

Iya: ganun po ba…

Daddy: anak, nabasa ko yung blog mo ah….

Iya: sinabi sayo ni Brian? Loko talaga yun…

Daddy: ok ka lang ba anak? Wag kang masyadong mag-isip di yan makakabuti sayo..

Iya: hehehe……L

Daddy: Wag mo kaming masyadong isipin..ok lang yan..ganun talaga..malalagpasan din natin ito…

Iya: …………..

Daddy: lakasan mo lang loob mo..wag kang manghina…

Iya: ……..ok lang ako daddy…

Daddy: mahal ka namin…..

Iya: ……………..

Daddy:  wag mong ikulong ang sarili mo sa nakalipas, wag mong lunurin  ang sarili mo sa kalungkutan… matatapos din ang lahat…

Iya: (thinking…sorry daddy but I’m not that strong enough yet…)


………….…………..

Quote  - "I'd rather die my way than live yours." - Lauren Oliver


18 comments:

musingan said...[Reply]

smile kana.. di nakakabuti yang malungkot ka.. di man tayo magkakilala ng perosonal at nagkakchat at nakakakulitan sa twitter at kung ano pa mang paraan.. naging bahagi ka na ng buhay ko.. NAMIN... mga bloggers na nagpafollow sa iyo.. kaya kung malungkot ka.. malungkot din kami.. kung ako sa iyo.. ipag patuloy mo na lang ang kwento ni Yurie... ehehhehe... basta ito lang isipin mo.. kailangan mong maging matatag para sa anak mo at para kay lovelife... di ba? isipin mo may nangangailangan sa iyo.. at saka kahit hindi ka matatag.. kailangan mo paring maging matatag para sa kanila...

ka bute said...[Reply]

nagdalawang isip ako kung dapat ba kong mag-comment sa post mo. una kasi hindi ko alam ang istorya ng buhay mo. pangalawa, hindi ko masyadong maintindihan yung pinagmumulan ng post na 'to. pangatlo, kasi hindi naman tayo personally close. at madami pang dahilan... i wish you well. whatever that is, hope u'll fix it soon. =)

Bino said...[Reply]

anumang pilit na maging masaya, may mga pagkakataon na talagang di maiwasan ang malungkot at manghina. i feel you

Anonymous said...[Reply]

*HUGS* for




empi

eMPi said...[Reply]

You, IYA!




:)


empi

Anonymous said...[Reply]

Hm. Parang di ko alam ang ikokomento ko kasi hndi ko alam ang story... Pero eto na lang sasabihin ko. Everything happens for a reason. And I believe that sometimes, we have to experience grief or pain or hurt or suffering.. in order for us to appreciate happiness. Remember that the road towards TRUE happiness is never easy. You just gotta take it, one step at a time. (Ayan, pang beauty queen yan. hehehe.. ISMAYL!!!)

Minsan lang tlga, nagkakaroon tayo ng mga depressions.. ng mga oras na parang mas madali na lang mag give up.. and then, self-pity mode tayo. I guess normal lang yun. Ang importante lang, huwag taong tumagal sa mode na yun.

Good luck, Iya. All will be fine. Sa linya nga ni Jolibee.. "KAYA MO YAN, KID!!" :)

Aiza said...[Reply]

hi, first time ko lang dito sa blog mo. tapos ang lungkot pa ng blog post na nabasa ko. :( whatever you're going through, chill mode lang. Isipin mo nlg, This, too, shall pass.

Akoni said...[Reply]

maganda sana kung iba ang kulay ng font mo...yellow, orange or blue..

pmm012 said...[Reply]

kapit lang..

Anonymous said...[Reply]

huwag emo.. nakakasama sa heart...

Anonymous said...[Reply]

nakakahawa ka naman gurl-iyah huhuhu! tapos natatakot pa ko jan sa upuan na yan...mas ok pa yun shocking na babae last week. God bless.

Sey said...[Reply]

sana isipin mo yugn sinabi ng Daddy mo na wag mong ikulong ang sarili mo sa nakalipas, wag mong lunurin and sarili mo sa kalungkutan.. matatapos din ang lahat....

Hindi ko alam ang puno't dulo ng lahat pero alam ko kung binigay ang problem may paraan para malusutan natin. We all bear our cross in different ways, may mas mabigat may mas magaan pero ang mahalaga bubuhatin natin yung krus at hindi tayo susuko para marating natin ang Happiness.

Alam ko madali para sa amin ang sabihin na Kaya Mo Yan dahil wala kami sa sitwasyon mo pero alam namin na kakayanin mo.

Cheers :)

LordCM said...[Reply]

minsan kapag gumagawa ako ng post, bumubulong ako na sana mabasa ng mga taong gusto kong makabasa ng ginagawa ko, ng sa gayon malaman nila ung nararamdaman ko, at sana kapag nabasa nila, gaya ng daddy mo, sana hindi magagalit bagkus maging dahilan pa sila para lumaban ka pa.

Saludo ako sa daddy mo.

bulakbolero.sg said...[Reply]

naguluhan ako lalo yna este iya pala.

hmmm. gaano man daw kabigat ang mga pagsubok na inatang satin, pagtulong tulong ang pamilya masusulosyunan din. sana kahit may ganitong pagsubok sa buhay nio e mas lalo kayo tumatag at lalo tumibay ang pagsasamahan nio.

joeyvelunta said...[Reply]

Sabi nga sa liriko na nakapaloob sa kanta ni Ted Ito.

Huwag mawawalan ng pag-asa, darating din ang ligaya.
Ang isipin mo'y may bukas pa na mayroong saya.


"Ikot ng mundo ay hindi laging pighati at kasawian"

Di ko alam kung makakatulong ito, pero sana kahit kaunti.

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

bagay na bagay sa iyo ang poem na PAIN......

Anonymous said...[Reply]

nakakalungkot, lahat may katapusan.. there's always a rainbow after the rain.. cheer iya.

kae said...[Reply]

hi iya, cheer up! you're blessed with a family that loves you. (;

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review