Tuesday, 24 May 2011

linlang

Posted by iya_khin at 04:39

Yna? Yna? Nandyan ka ba? Papasok ako ha?
Oist, ano bang ginagawa mo ba’t di ka sumasagot? Kanina pa kita tinatawag eh! Ano na naman ba yang drama mo at nakatanga ka na naman? Di yan sasagot sayo asa ka pa! Pang-aalaska ko sa kanya.

Sanay na kaming ganitong dalawa, kulitan, asaran, harutan, pero lately bigla syang nagbago… lagi ko na syang nadadatnang nakatunganga sa computer  screen nya at malalim ang iniisip.

Ano ka ba Yna, ano bang nangyayari sayo bakit ba ayaw mong sabihin sa akin? Hoy! Kinakausap kita, ano ba yan nagmumukhang tanga na ako ha tigilan mo yan…

 Marahang nya akong nilingon…tinitigan nya ako na animo’y may gusto syang ipahiwatig at unti-unti nakita kong dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.

Si Yna? Masayahing tao yan, napakadown to earth at di mo makikitaan ng kahit anong ere ni walang kaarte-arte sa katawan. Matagal na kaming magkakilala at alam na alam ko na buong pagkatao nya open book ang buhay nya pagdating sa akin…pero lately naglilihim na sya ..alam kong may problema….

Yna, kausapin mo naman ako, ano bang problema talaga? Sino na namang lintik ang nangloko sayo? Please nahihirapan akong ganyan ka..naiiyak na pakiusap ko sa kanya…

Iba kasi si Yna kung magmahal, sa katunayan bilib nga ako sa kanya kasi di sya basta-basta agad bumibigay. Marami syang manliligaw pero kibit balikat lang sya. Pero pagsinabi nyang mahal nya..wag ka,lulunurin ka nyang talaga sa pagmamahal nya.

Yna, please tumahan kana, walang magagawa ang pagmumukmok mo dyan, sino ba yan? Ano ba talagang nagyayari sayo? Kausapin mo ako, magusap tayo..parang awa mo na..at tuluyan na din akong napaluha…

O etong favorite coffee mo, pinagdala kita..tahan na..wag mong aksayahin ang panahon at luha mo sa walang kawenta-kwentang poncho pilato na yan...o kunin mo..pag-aalok ko sa kanya..

Mas lumakas ang pagtangis nya..huhuhhuhuhuhuhhu…..

Yna?!

Ramdam ko ang panginginig ng buo nyang katawan…..

Yna?!

Iwanan mo ako! Umalis ka! Umalis kana! Labas! Labas!! Pasigaw nya sa akin.
Nagulat ako sa bilis ng pangyayari, nagwawala si Yna at pinagtulakan nya akong palabas.

Yna buksan mo ang pinto! Yna! Pag-usapan natin ito!

Dahandahang  bumukas ang pinto….

Kadiliman ang tumambad sa akin….

Yna asan ka anong nangyayari?

Balisa ako…

Katahimikan…

Maya-maya pa’y isang kaluskos sa sulok ang narinig ko….

At biglang…

BLAAAGG!!!

Di ako makahinga……

Ano itong nasa leeg ko?

Ibaba mo ako dito….nasasaktan ako…..

Nagpupumiglas ako…..

Rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko..

Unti-unti akong nanghihina…

Namamanhid buong katawan ko..

Ang buong pagkatao ko…..

Naghahabol na ako sa aking bawat paghinga….

Unti-unti na rin nawawalan ako ng kamalayan…

Hanggang sa huling sandali ng buhay ko at sa pagpikit ng aking mga mata nakita ko si Yna…

Si Yna…

At ang lubid sa kanyang leeg…


17 comments:

MOKS™ said...[Reply]

Iya totoo ba to o fiction? sino si Yna?

mommy-razz said...[Reply]

my GOD, nagpakamatay c YNA! mahina ang loob, kawawang bata.. hnd dapat gnon, hnd lang naman ang poncho pilato na yon ang lalaki sa mundo ah.. hmp.

LordCM said...[Reply]

tutuo to? sayang naman, nagpadala sya sa sobrang emosyon na kung tutuusin kaya namang lagpasan...

empi said...[Reply]

Oh no! Bakit siya nagpakamatay? Tsk. Tsk. tsk.


kakalungkot naman 'to!

Sey said...[Reply]

Sayang naman ang buhay niya, marunong pa naman siyang magmahal ng tapat. Dapat binitay niya yung taong dahilan kung bakit siya nalulungkot payo ni Akoni yun diba.

Sana fiction lang toh!

Bino said...[Reply]

homaygawd! what a tragic ending! nafeel ko shet!!!

nice post still

Akoni said...[Reply]

...at nagpakamatay siya..THE END

ka bute said...[Reply]

kung hindi emo post, tragic post naman. ;) what else can i say?

musingan said...[Reply]

ahhhh.. medyo lang naguluhan ako sa ending? pareho ba silang namatay? ehehehhe... anyway.. maganda at magaling ang pagkakasulat.. but I thank GOD ALLAH.. at di ko nagawa ang tganyan.. when I was still down...

khantotantra said...[Reply]

awts. deads. bakit sya nagpakadeads?
tsk tsk.

~ JaY RuLEZ ~ said...[Reply]

ui wag mo yang gagawin!

bulakbolero.sg said...[Reply]

para saan tong sulat mo na to? nakakabalisa.

karenkarenkaren said...[Reply]

basta fiction lang yan hah? at hindi ikaw si yna.. hehehe (;

karenkarenkaren said...[Reply]
This comment has been removed by the author.
iya_khin said...[Reply]

@moks ano sa palagay mo?

@hindi lang si poncho pilato ang nakakapagpahina sa kanya.....

@empi hmmmmm......

@sey sabihin mo sa kanya dapat binitay nya na sarili nya! #lels

@bino mas ifeel mo pag nangyari na....

@akoni ........the end.....

@kabute that's the way it is...

@musingan re-read...para di ka maguluhan

@khanto cold dead...

@jay .....hahaha! naramdaman mo?

@bulakbulero hulaan mo?

@karen siguro....pwede ding totoo...maging totoo...

tim said...[Reply]

Naku naman.. Gross!

BONISTATION said...[Reply]

si Yna at at Iya ay iisa lang?? ^^

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review