Thursday, 12 May 2011

Anong Klase Ka?!

Posted by iya_khin at 04:18


Since na topic na ni MOKS ang tungkol sa skipreaders at ni RAINBOW BOX ang kwento ng blogpost mo… ito naman ang itatapat ko..


ANONG KLASE KA?!

Hinga ng malalim…

Anong klase ka nga ba?! Tao ka ba?! Manhid ka ba? Hayop nga may pakiramdam tayo pa kaya! Di po ako galit nag-eexplain lang, pero kung banas kana malaya kang iclose ang tab mo sa site ko or di kaya i-unfollow mo ako at tapos ang problema mo..

Maraming nagtataka kung bakit puro malungkot ang post ko..bakit?! Bastos naman ako pagsinabi kong wapakels ka..ang kaso eh sa itong klaseng genre ang pinili ko..or di kaya ito siguro ang pagkatao ko. Marami-rami na din ang mga naging friends ko dito sa blog, may kwela, may pa-cute tas yung iba feeling cute, may iba naman inborn na siguro talaga ang kakulitan, may henyo, may englishera’t englishero na pilit na pinapadugo ang ilong mo hanggang sa lumuwa pati bituka mo. Meron din mga boljaks na kahit ilang beses kong basahin ang post at nagkalagas-lagas na ang buhok ko sa pag-initindi eh di talaga tinatanggap ng mother bird board ko, ANO DAW?

Ayon kay Mr. Google, may 4 Temperaments na klase ang tao ito ay ang Sanguine, Choleric, Melancholic, at Phlegmatic. Di ko na masyadong i-elaborate tungkol dito pero kung gusto mo tumambling ka DITO

Ano bang pagkatao mo? nababase ba ito sa pagsusulat? Sa pagkuha mo ng larawan? Sa pagluluto? O sa mga bagay na kinahihiligan mo? ect..ect..ect..

Ito talaga ang tanong ko…BAKIT KA BA NAGBLOG? Para ano? Magpasikat? Magpaiyak? Magpatawa? Kumita? O wala ka lang talagang magawa sa buhay mo..so to konek anong klase ka nga ba? Base sa sarili kong opinyon naniniwala ako nasa kada-tipa mo sa keyboard at click ng mouse mo ay may dahilan..kailangan mong mailabas..wag ka lang uutot sa harap ko. Dahil kung wala, ba’t ka pa nagsasayang ng oras mo?

Naalala nyo ba yung kanta na “UNDERNEATH YOUR CLOTHES” ni Shakira? Eto tumbling ka uli DITO. Gusto ko yung line na to..You’re a song, written by the hands of God….nagegets nyo ang point ko?!huh?! huh?! Huh?! Kung hindi….wala na akong magagawa…

Kung umabot kana hanggang dito, salamat naman at nagtyaga kang basahin ito….Anong klase ako? Tikman mo..Tingnan mo at ianalyze… tama, ako ‘to..oo..ako ‘to…kung gusto mo akong makilala..eto…pinapahayag ko na..ang sayo nalang intindihin mo…tanggapin mo…ganto talaga ako…..

Kaya tama si MOKS at si RAINBOW BOX…wag kang magskipread at ianalyze mong mabuti ang binabasa o inilalathala ng isang blogger..malalaman mo kung anong klase talaga sila…


21 comments:

Unknown said...[Reply]

wow tumitindi ang post, ako? tao ako hehe gusto ko mag-blog kc suplado ako sa personal so gusto ko magkaron pa ng ibang kaibigan..

Unknown said...[Reply]

nice naman nito. I love the 4 temperaments. May book ako dyan may mga questions tapos base sa sagot malalaman kung sang temperament ka nabibilang. Sanguine ako. Ikaw?

Bakit ba ako nagbo-blog? To express myself! Ganun lang. Dahil wala ng mapaglagyan ang thoughts ko at kung sasarilinin ko lang sayang naman. hehe..Iniisip ko tuloy kung saan ako dun sa mga sinabi mo..hmm..sana ako yung engliserang inborn sa kakyutan. hehe..

Last na lang sa kantang Underneath Your Clothes, yan din ang pinaka gusto kong line. hala na carried away ako sa pagko-comment. sensya na! :)

EngrMoks said...[Reply]

LOL! Nabida pa ako dahil sa post ko...
may point ka, bakit nga ba tayo nagboblog? kasi walang magawa? walang kaibigan at puro virtual friends ang kaibigan? Ako dati akala ko pang artista lang ang blog, parang twitter lang yan, walang magbabasa ng blog mo kung hindi ka sikat, sa simula mahirap maghatak ng readers, pero habang tumatagal, sa kakabloghop mo, dumadami na rin.

BAkit ako nagboblog? wala lang, parang diary nga ito o journal para hindi naman masyadong feminine tingnan #lels, lahat ng nangyari sa buhay ko gusto ko naka-journal. Ikwento sa mundo. at marami pang dhailan. At dahil dyan nakaisip nako ng topic ko para sa sususnod na araw..at dun ko na alng itutuloy ang comment ko... #lels

Bino said...[Reply]

siguro eto ko The Sanguine temperament personality is fairly extroverted. People of a sanguine temperament tend to enjoy social gatherings, making new friends and tend to be quite loud

hehehe

bakit ako nagbablog? bata pa lang ako lagi na akong may dalang papel at ballpen, naeenjoy ko ang pagsulat sa formal theme nung elementary at highschool. sumasali ako sa mga essay writing contest etc. at hilig ko talaga ang magsulat. hindi ko prioridad ang kumita ng pera sa blogging. kaya naman mas iniintindi ko ang damuhan kesa sa thebumupstairs. .

Akoni said...[Reply]

Una tao ako, nasasaktan, nagmamahal, at naglalandi. At ayun sa mga eksperto ang personality ko "daw" ay melancholy-sanguine, see dalawa daw personalities ko sabi ng ugok, hehehe, pero kung ibabase mo sa mga sulat ko, parang "adik personality" ako..hehe

Bakit ako nagbablog? hindi ko pa alam...Minsan naiisip kong ibuhos ang lahat, pero hindi ko alam di ko parin magawa...hehe..

nyabach0i said...[Reply]

*slow clap*

ako nagboblog ako para sa sarili ko. wala nang iba. kung matutuwa ang mga magbabasa, e di wonderful. gusto ko kasi magsulat para iremind sa sarili ko ang mga nangyari ang stuff. haha.

MG said...[Reply]

una sa lahat ako ba yung boljaks? huhuhu it hurts you know! nyahahaha. bkit nagbblog? mahirap ipaliwanag ang akin hula ko wala ring maniniwala. na ngblog ako kasi pakiramdam ko. calling ko toh. hahaha. khit hnd nmn ako kagaingan eh ayos na rin. ^_^

The Gasoline Dude™ said...[Reply]

Bakit nga ba ako nagba-blog? Therapy ko kasi ang blogging.

Sey said...[Reply]

bakit ako nagba-blog...kasi gusto ko lang ilabas ang nararamdaman kasi baka sumabog. Narinig ko dati sa Tv ang word na blog, tapos naghanap ako ng free website kung san pwede, napadpad ako sa blogger. Sa katangahan ko akala ko puro foreigners lang nagba-blog kaya ayun naging english ang blog ko at puro kano at kana mga naging unang friends ko. mababait naman sila pero naghanap pa din ako ng mga pinoy. Nung may nakita akong 2 pinay ayun tuwang-tuwa ako at naging kaibigan ko na nga sila at nakita sa personal....bago ko matagpuan ang Blogs ng Pinoy, at ang daming pinoy bloggers.

Bago ko binasa ang post mo, binasa ko muna yung kay Moks pati yung kay Rainbow Box. Hindi ako nag-comment, nahihiya akong maki-epal dun hehehe...pero tama sila alam mo kung sino ang nag-skip read at kapag nakilala mo ang isang blogger maiintindihan mo kung ano ang sinusulat niya...kaya minsan napapa-isip ako...nagegets kaya nila sinasabi ko na walang wenta naman.

at ang apat na to,,,,Sanguine, Choleric, Melancholic, at Phlegmatic. babalikan ko muna yung link. magbabasa kung saan ako dun!

Pasensiya na haba ng comment ko! :)

Sey said...[Reply]

hahahaha ako ng hahahaha dito sa part na toh-- copy paste ko, pahabol lang Marami-rami na din ang mga naging friends ko dito sa blog, may kwela, may pa-cute tas yung iba feeling cute, may iba naman inborn na siguro talaga ang kakulitan, may henyo, may englishera’t englishero na pilit na pinapadugo ang ilong mo hanggang sa lumuwa pati bituka mo. Meron din mga boljaks na kahit ilang beses kong basahin ang post at nagkalagas-lagas na ang buhok ko sa pag-initindi eh di talaga tinatanggap ng mother bird board ko, ANO DAW?

Anonymous said...[Reply]

Typo... *Psychology ... hekhek.. sensya na. antok mode. :P

Anonymous said...[Reply]

Sa patuloy na pagsusulat, you share a piece of yourself to the world. At yung taog palaging nagbabasa ng iyong mga isinusulat would somehow get to know you. :)

Nabasa ko ang post ni Rose.. pero super SLOW ako that time, medyo hindi ko na-gets masyado. hehe.. Yung ke Mookz, nabasa ko rin.. at hindi ako nag skip read. toinks!

Bawat blogger, meron kanya=kanyang dahilan. Ako, yung dahilan ko.. wala lang talaga akong magawa. Tambay lang kasi ako sa bahay, wala masyadong work. Yun tlga una kong reason. Then nang medyo tumagal na, nagbago.. narealize ko namiss ko ang magsulat. Namiss kong ilagay sa papael (this time, sa computer) ang mga hinaing ko, mga ideya ko.. at sa huli, nadagdagn ulit ng reason.. nagkaroon ako ng mga kakilala na somehow, nakakatulong rin sa akin..

Loner kasi ako. Hindi ako yung tipong palakwento ng mga problema sa ibang tao. Hindi tlga ako madaldal sa personal.. so dito sa blog, somehow, nagkakagaan ng loob. THERAPY tlga.

Hindi ko alam kung ano ako sa 4 na temperaments.. Ewan, malamang melancholic ako. Pero lately, 'coz os some things that happened in the ast few months, na notice ko na medyo passive ako. And people around say na I'm a passive person na raw.. so siguro, Phlegmatic na rin ako. .. Hmm.. ewan. hay nakow.. I hate Pshychology. Toinks..

MG said...[Reply]

^_^ hehehe. hnd nmn mahalaga kung bkit ka nagbblog eh.

musingan said...[Reply]

ahahaha.. last week ko pa gusto mag comment dito.. kaso sira ang blogger.. anyway... maganda ang pagkakasulat mo.. ako nagsusulat ako.. kasi wala akong magawa sa office buong maghapon.. kundi ang tumangap at magfile ng docu.. kaya naman... ito at pablog blogs na lang.. anyway... makagawa nga ng ganito... hmmmmmm...

L.Torres, RN said...[Reply]

dati gusto ko lang kumita kaya ako gumawa ng blog...pero hanggang ngayon la pa din earnings. LOL.

pero nung napadpad ako sa iba't ibang blogs, nakakatuwa din pala. Enjoy magblog. Nakakatamad lang minsan.. hehe :)

Diamond R said...[Reply]

ako yata yong walang magawa sa buhay pagkatapos magtrabaho kasi ayokong lumabas ng bahay at makipagkulitan ng malapitan sa kung sino sino kasi baka madala at mapariwara si diamond R.

ano daw?

basta ako pag gusto ko ang tao or blogger kahit ano ang isulat niya tangap ko. kasi tinangap ko na kung ano siya at yon ang gusto ko sa kanya. Nagiisa lang siya sa mundong ibabaw. Kaya pangangalagaan ko yan at gagawin ko ang lahat.uulitin ko ulit na di siya mawala.

ang daming tao sa mundong ito pero ang mapansin ka nila kahit na ganito ka lang di matatawaran yan.

wag na lang papansinin ang mga commento kasi ang mahalaga nagparamdam siyang love ka niya na. parang yong pusa lang sa camp namin kaya di ko matangihang haplusin.

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

kung bakit ako nag blog ay para ma share sa iba ang mga sinulat ko..isa pa dito sa blog ay hindi mawawala ang mga sinulat ko..kahit pa ako ay sakali mang mamatay ay mananatili pa rin ang blog na ito..kahit hindi na maging active ay narito pa rin..bawat tao ay kanya kanyang style kung ano ang iblog nila sa kanilang pag post.....maging ito man ay kung ano pa..unawain at respetuhin bakit iyon ang post nila..

testing lng said...[Reply]

ako kaya ako g2wa ng blog ko para ilabas lhat ng nr2mdaman ko n hndi pwede sabhin direkta sa tao.

Unknown said...[Reply]

truly said galing deep thinker ka te

Gumamela said...[Reply]

thumbs up!
thank you din sa link kay pareng google :)

happy weekend!

Anonymous said...[Reply]

Haha. So umabot talaga ako sa second-to-the-last paragraph ng post na ito. hehe. Iilang bloggers na rin ang nagpo-post tungkol sa mga skip readers. Ang plastik ko naman kung sasabihin kng kailanman ay di ako nagskip read. Basta ako kung magsi skip read ako, ibig sabihin nun ay di ko gets ang post kung kaya't di na rin ako magka comment. Ayoko rin naman kasing magcomment ng general kasi obyos na obyos. haha

Bago ako dito at finallow na rin kita. :)

Eto blog ko:
http://thekristianenigma.blogspot.com/

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review