Tuesday, 10 May 2011

Sad Love

Posted by iya_khin at 23:46



H: Pssst anong ginagawa mo?!

M: Ito nag@#$%^&…kaasar nga eh..wala ka bang makausap dyan sa kanila?

H: Haha! meron pero mas gusto parin kitang kausap..ewan ko ba..hinahanap pa din kita.. paano ako makakapag move on nyan?

M: Bakit tayo magmomove on e masaya naman tayo? Ang nagmomove on ay yung hindi masaya..

H: Ummm…reminder magkaibigan tayo ha hindi na magka-ibigan…..

M: Oo alam kong hindi na TAYO, pero I still have the half of your heart at ganoon ka din, nasa iyo parin ang kalahati ng puso ko. Yun ang kapital natin para maging best of friends tayo, hindi man best couple….

END



14 comments:

ka bute said...[Reply]

shet. ang cheesy! (--,)

Axl Powerhouse Production Inc, said...[Reply]

ang sweet ng last line...
maging best friend man lang tayo kahit di nest couple

mommy-razz said...[Reply]

ilang araw nang sad mga post mo ah.. hehe! pero cute ang dating..

karenkarenkaren said...[Reply]

aww.. he he.. parang di ko kayang sabihin mga katagang yan ah! cheesy nga (;

mayen said...[Reply]

sad nga.. pero at least they remain friends and best friend pa. :)

rainbow box said...[Reply]

meron akong naalalang line nung nabasa ko itong post mo. it says:

i'd rather be your friend forever than be your ex afterwards.

Arvin U. de la Peña said...[Reply]

tama si mommy razz.......emo ka ba ngayong buwan..sayang naman kung hanggang kaibigan na lang..

Akoni said...[Reply]

nasa iyo ang kalahati ng kanyang puso at nasa kanya naman ang kalahati ng iyong puso..AYOS!! kapag nagkita kayo, pagdikitin niyo...doon niyo malalaman ang lahat, kapag nagsparks ang dalawang pinagdikit na puso, ibig sabihin, mahal niyo parin ang isa't isa at kapag hindi naman nagspark, friends forever na kayo..lol, korni parng ganyan..haha

Sey said...[Reply]

every venture in life is really a risk...mahirap isugal ang friendship kung after ng isang relationship hindi na kayo pwedeng maging friends. Sad pero at least ang dalawang to bestfriend pa.

LordCM said...[Reply]

eh bakit ba kasi naghiwalay? sayang naman...pero ok na rin best of friends naman :)

KikomaxXx said...[Reply]

ouch naman... :(

empi said...[Reply]

good kasi magkaibigan pa rin sila. ang masama dyan kung may ibang ng mahal yong isa tapos yong isa naman ay may pagtingin pa rin. hays buhay nga naman oo. apektado? lol

MOKS™ said...[Reply]

bakit ba puro emo ang mga post mo ngayon? nahihiwagahan na ako kung sino ba to? ikaw ba yan o nakakarelate ka alng sa isang kaibigan mo? kasi kung ikaw yan, may hubby ka naman, kung sa kaibigan ,masyado ka namang affected.

iya_khin said...[Reply]

@kabute kulang nalang tinapay...

@axl sweet ba? di ko kasi malasahan eh! lol

@mommy razz wala lang po feel ko lang mag inarte ngayong panahon..

@karen pagfeeling mo puputok kana..masasabi mo rin ang mga yan..believe me..

@mayen on process pa sila sa pag try..lol

@rainbow oo nga..kasi pag ex no chance na kayong may pakialam sa isa't isa..still pag friends you can share your feelings pa din..ewan! haha

@arvin gaya din sabi ko kay mommy feel ko lang...sayang? eh sa yun lang ang option..

@akoni may naaalala akong kantang bagay dyan..."MAYBE THIS TIME" or "Somewhere down the road" haha!

@sey atleast naexperience nilang maging SILA..trial and error..

@lordcm baka kasi complicated ang situation nila..may malaking reason kung bakit kailangan nilang maghiwalay..yun lang..haha

@kiko ouch din

@empi apektado ka? hmmmm wala akong masabi...hahaha

@moks gusto mo ng sagot???? oo may hubby na ako....itong post na to?! likha ng malungkuting kong isip..marami lang emosyong namumuo sa isip at puso ko..in short complicated situations..kailangan kong damhin ang kada post ko..kasi di sya magiging effective kung wala yung feelings at puro sulat lang ako..diba? mahalaga kasi sa akin ang every content ng sinusulat ko...maaring nagtataka kayo..pero kung iaanalyze nyong mabuti ang kada post ko..makikita mo...period.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review