Tuesday 17 May 2011

GUDBAY! ROUND 3

Posted by iya_khin at 05:12
(paumanhin sa mga makakabasa hindi po ito patungkol sa inyo or sayo nagkataon lang na ito talaga ang title nito)

Kagimbalgibal ang mga pangyayari di ko na alintana, nakakatakot at nakakapanindig balahibo…
Di ako makapaniwala sa aking nakikita sa harap ng salamin…….totoo ba ito o namamalikmata lang ako???

Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh! I’m so FAAAAAAAAAAAATTTT!

Nakailang beses na yata akong nagpost dati tungkol sa DIET PLAN ko na hanggang ngayon di parin ako nagiging successful PLAN pa din sya. #lels

FLASHBACK pindutin DITO at DITO!

Pero nung nakalipas na 2 linggo, walang kaabog-abog eh nagbihis ako ng pang-gym tas nagtatatakbo ako sa labas ng bahay namin. Ngayong taon wala sa list ko ang mag-diet di ko sya inilista sa new year’s resolution ko kasi alam kong di naman nasusunod. Ako na ang failure…

Isang beses nga sinupalpal ako ni Lablayp supalpal talaga ang term sabi nya kasi ganto…

Senaryo: kasalukuyang lumalapang kami

Ako: (habang kumukuha ng isang bandehadong kanin at ulam) haaay….last na ito tas mag da-diet na talaga ako..PRAMIS!
Lablayp:  sus! ilang beses ko na narinig yan.. “KUNG NAKAKAPAG-PAPAYAT LANG TALAGA ANG PAGSASABI MO NG MAG-DIDIET KANA SANA PAYAT KANA TALAGA NGAYON”
Ako: OUCH! Pero tuloy pa din ang lamon

So to make this long story short…tumambling-tambling ako ng bonggang-bongga sa bangga!

Ang motto ko: I’m a walking dead man with a six packs of belly..so kill me!

Mahirap talaga, tinatamad talaga ako! Ikaw ba naman, galing ka ng opisina  maghapon tas 15mins lang ang pahinga ko pagdating sa bahay tas tatakbo na agad ako..waaaaahhhh!! nagpapakamatay na ako!

PERO! BUT! SUBALIT! DAPATWAT! BADEN!

NAGBUNGA! Namulaklak si Inday!

Totoo ba ito?!! Nananaginip ba ako?! Habang nakatitig sa weighing scale. Nabawasan ang 6 packs of belly, naging 5 and a half nalang! OMGGG you can C C C ME ME! Muntik mapunit ang bibig ko! #lels

Magbibigay sana ako ng TIPS sa inyo kaso kailangan ko munang iapply sa sarili ko! #lels ulit
Tsaka ko nalang sasabihin sa inyo pag mas makita na ang resulta! Sa ngayon ito lang ginagawa ko…


1.       Yung dating isang bandehadong kanin na kinakain ko kalahati nalang ngayon.
2.       Di ko na katabi si rice cooker matulog
3.       Di na din ako sumisilip sa loob ng ref namin
4.       Bawas junk foods
5.       Walang softdrinks
6.       Walang sweets – ay di  pala talaga ako mahilig sa matatamis!
7.       Walang TWEET- #lels nang milyon #top10lies
8.       Magjogging kunwari habang hinahabol ang mga papables
9.       Mag feeling na hinahabol ako kunwari ng papables
10.   Wala naman talagang papables si Lablayp lang! #lels


Ajajajajaj-hehe! Tara lets, tara-tara lets!!

GUDBAY na talaga sayo for da 3RD tym TABA!

galing kay google



10 comments:

EngrMoks said...[Reply]

Congrats at nagbunga ang pagjojoging mo sabay tweet. hirap kaya magjogging habang nakikipagtwwet? LOL

Congrats in Advance...lalong dadami na ang hahabol sayong papables mo! at maglalaway na si lablayp mo! #lels

L.Torres, RN said...[Reply]

ate epektib daw ang xenical... hihihi :)

yaka mo yan. go go go :P

Diamond R said...[Reply]

Oh no.that is bad bakit ba kailangang magdiet kong enjoy kang matulog with the rice cooker na puno ng laman.

ang diet sa mga seryoso lang na hate ang taba.
sa tingin ko di mo pa naman ito hate. pag dumating ang panahon na yon tutulungan kita sabihin mo lang.

Anonymous said...[Reply]

Bakit seyo, may epekto.. bakit sa akin, wala? Anpeyr!!! Ayheychu! #lels.. Joke lang. may epekto rin sa akin, 2kg lang din, pero feeling ko, water weight lang. Kasi parang walang nagbago sa katawan ko. Then nagstop ako magjog simula nung umulan.. hanggang ngayon, balik stagnant life. Haayy.. Meron rin akong plan. pero di ko sasabihin. hehe... pak!

Bino said...[Reply]

wow congrats! achievement yan. disiplina lang talaga :)

musingan said...[Reply]

ahahah.. nice.. ako rin.. ganyan din sinasabi ko.. magdidyeta na ako.. at yes.... nagwagi ako... may ABS na ako... A Big Stomach.. nyehehehehe.... congrats mo naman ako....

Anonymous said...[Reply]

Oist! Paalala.... di kailangang hindi kumain para sa diet... its just a matter of balance diet. Hehehe!


Empi

Anonymous said...[Reply]

Ahh diamond R i-share mo ke Iyahh gurl yun magic potion mo sige na! sige na!

iya_khin said...[Reply]

@moks oo kaya nakakaduling din at nakakaalog ng utak! hahaha

@xenical? ala nyan dito eh! tsaka maganda yung natural diet yung pinaghirapan mo talaga

@diamondr waah! seryoso na ako talaga kasi madalas ng sumakit ang dibdib ko lately..

@leah ako kita ko na kasi yung chin ko lumabas na! heheh! plan?hmmmm...bulong mo sa akin dali!

@bino oo disiplina talaga nag hihigpit na talaga ako..

@musingan congratz sa ABS mo dagdagan mo pa!

@empi balance naman ginagawa ko..can u be my trainer? #lels

@laser uy salamat sa pagdalaw mo uli..pumunta ako sayo kaso di ka pa nag uupdate eh..galaw-galaw naman dyan!

goyo said...[Reply]

Hehehehe.. Lahat naman ata ng tao ngayon gustong magdiet e..kahit ako. Mayat maya ka ba namang sabihan ng nanay mo na ang taba mo, sino ba namang hindi maiinis.. #storyofmylife.lol

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review