Saturday, 16 April 2011

MASID (unang kabanata)

Posted by iya_khin at 04:40

(Babala: ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Lahat ng karakter sa kwentong ito ay hinatak ko lang at dinamay ng wala silang kamalay-malay. Tabi-tabi po sa mga kumakain at mahihinang puso, huwag pong ituloy pag di kaya ng powers nyo.)

Aaaaaaaaaaaaah!!!!!! Nakakabinging sigaw ang narinig ko mula sa ikalawang palapag. Balisa ang isip ko, tagaktak ang pawis ko habang hapong-hapo sa paghinga. Halos mawalan na ako ng lakas nanlulumo na ang buo kong katawan…isa-isa na silang nawala..dalawa nalang kaming natitira pero nasaan sya?

ANG NAKARAAN

Waaah!!! Bakasyon na!! O guys saan ang gala natin?!! Excited na pagtatanong ni LEONRAP  sa grupo. Sampu kaming mag-babarkada, si AKONI ang pilyo sa grupo, LEONRAP na maingay, ISTAMBAY na henyo pero astig, KIKOMAXXX da muscle man, MUSINGAN na mahilig mag-magic, DIAMONDR na akala mo’y tahimik pero rock! Sa mga babae naman, si KAMILA muse ng barkada, si JHENGPOT na gifted child, LHULOY ang rich girl ng tropa, at ako si IYA_KHIN simple pero di pahuhuli.

Lahat kami halos magkakasama na simula pa sa elementary, highschool at ngayong  nasa kolehiyo na. Magkaiba man kami ng kurso at skwelahan nanatiling solid ang barkadahan. Ewan ba at bakit parang magkakakabit na ang bituka namin. Madalas ang asaran, pikunan, harutan, kulitan pero sa huli’t-huli kami parin ang magkakasama subok ng matibay subok ng matatag.

I think we better hit our resort house in Bicol, my parents just bought a small island there which I think exist since 1800’s, banat ni Lhuloy. Eh paano tayo pupunta dun baka sobrang layo naman, tanong ni Leonrap na umandar na naman ang kakuriputan. Don’t worry I’ll take care of everything, I’ll tell my dad about our plans so he will cover what we need. Anyway he was asking what I like for my birthday present, so better ito nalang para maiba naman…hirit na naman ni Lhuloy na halos kaming lahat napapatanga sa kanya.

Sabado ng madaling araw nasa waiting area na kami ng bahay nila AKONI, nag suggest kasi ang mama nya na si MOMMY RAZZ na sa kanila nalang maghintayan para maiprepare nya kami ng almusal bago kami magbyahe. Iya, tawag sa akin ni Istambay etong jacket suotin mo baka nilalamig ka, mag sumbrero ka din kasi medyo mahamog pa at baka sipunin ka. Una palang medyo mas close na kami ni Istambay, kahit na minsan busy sya sa school works eh inaalala nya pa din ako. Di ko nga alam kung bakit pero di naman sya nanliligaw sa akin.  So ayun kinuha ko sa kanya, salamat Banjo ito ang mas gusto kong tawag sa kanya.

Ehem, oist ano yan?  Nagmemelt ako sa inyong dalawa! Bara ni Akoni. Sus nainggit ka naman ikaw kasi makulit ka masyado kaya walang girls na tumatagal sayo, sapaw naman ni Jhengpot. Anong wala?!! Akala mo lang yon,pagtatanggol ni Musingan. Kaso lang kailangan ko munang ihipnotyze bago sya magustuhan. Tawanan ang tropa. Habang tahimik lang na nakangiti si Kamila at Diamondr sa sulok.

Be ready guys padating na ang van natin, Kikomaxxx can you please help me with my bags? Lambing ni Lhuloy kay Kiko. Matagal ng may unawaan ang dalawa pero nililihim nila sa tropa, masyadong complicated kasi ang situation nila dahilan sa mahirap lang sila Kiko at super yaman naman nila Lhuloy. Sabi pa nga langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Hey! Tara na!!! Di mapakali si Leonrap at tatalon-talon pa ng makitang padating na ang sasakyan nila.

And then we’re on!

itutuloy

20 comments:

Akoni said...[Reply]

hahahahaha..ang unang tumatak sa akin ay ang kaartehan ni Lhuloy..hahaha uso na ngayon ang paggamit ng mga name ng bloggers..ahem, sino ang nagpasimula..?ahem..

galing--magaling Iyah..i love it...kailan next..hehehe..ang galing mo..paaaaa..ahem.

Kamila said...[Reply]

Ang girly ko at ang ganda ko na naman at ang tahimik ko na naman.. Ayan napaniwala mo ako ate na fiction ito!

At parang hmmm.. horror yata ito ate? Ha? WAAAAAAAAH!!!

Kamila said...[Reply]

@kuya akoni.. kuya ikaw na! Ikaw na!! Pramis ikaw na talaga!!

Galing mo ate! Pwede ka na sa..ano nga bang name nung pocket books na yun?

mommy-razz said...[Reply]

maharot na katie, ang sarap batukan hahaha! peace katie, angelina jollie at ur service..

ang ganda nito iya, pero natatakot ako parang hnd ako kasama sa outing hahaha! i love outing..

@anak, ikaw nagsimula niyan anak, bloggers ang characters ng kwento.. im so proud of you..:)

post mo na ang susunod.. hehe!

Diamond R said...[Reply]

hahaha tahimik pero rock. I like that.Natutuwa naman ako sa kwnto nito mukhang masaya na na naman ito.

iya_khin said...[Reply]

@akoni oo ikaw na ang pasimuno ng lahat! love mo talaga kundi sasapukin kita! hahaha ang susunod?!! pag-iisipan ko pa,kagagawa ko lang ngayon eh!wag excited masyado...lol

@kamila hahahaha! girly type ka talaga,mala-angel kasi ang beauty mo. haha! oo si akoni talaga yan!lol hayaan mo sa susunod gawa na tayo ng compilation ng blogs natin.

@mommy razz syempre nasa kwento ka din, pero later part na po uli kita maisasama kasi medyo iba po ang takbo ng storya nito baka di mo magustuhan.

@diamond r relak ka lang, masaya talaga! hehehe

musingan said...[Reply]

Sabog... huwahahhaha.... anak ng tinapa. starstaded talaga ang kwento ahhhh.... ano kaya sigaw na iyon? ehehheheh... bakit isa-isang nawawala... anak ng.. hanep... triller talaga.... aabangan ko yan.....

oh sige.. dahil nauuso ang ganitong kwento... makikiuso na rin ako... maybe some of this days... ehehehhe....

Bino said...[Reply]

nakakoment din sa wakas! basahin ko mamaya. hehehe,

♥superjaid♥ said...[Reply]

wahaha tama si akoni usong uso ngayon yun paggamit ng name ng mga bloggers sa fictions. =)

anyway..mas maganda sana kung maging real life yung mga lovers hehehe

KikomaxXx said...[Reply]

weeee... hahah boy down.. muscle man talaga eh ang chubby ko naman hahaha.. pero super like it.. next na para di ako mainip.. char.. hahaha ako na ang inipin.. hehhe

Leonrap said...[Reply]

talagang ako ang maingay noh?! ahaha... at ang taray ni lhuloy!!! conyo!! umi-english pa!!! ahahaha


naaalala ko ang palabas sa gma7 dati na "CLICK" mga teenage life.. puro sila patweetums. lols


mukang traggic na may pagka suspense at horror ito ah... base sa unang paragraph bago ang nakaraan...

empi said...[Reply]

Parang totoong nangyari ah. Ayos! :D

Diamond R said...[Reply]

isa kang henyo iya.

iya_khin said...[Reply]

@musingan haha! ganun talaga para mas maganda ang flow ng kwento. ge abangan mo! hehe

@Bino basahin mo na!dali

@superjaid huwaaat?!! ganon in real life?!! malabo siguro! hahaha

@kikomaxxx ayaw mo nun macho ka kahit dito man lang!hahaha! relak lang!

@leonrap basta abangan nyo nalang ang flow ng kwento! hehehe! oo kasi feeling ko bibo ka sa personal!

@empi oist kasali ka din dito maghintay ka lang! hahah

@diamondr hindi naman! takbo lang ng kalokrayan ko lang yan! hahaha

jedpogi said...[Reply]

saan ba ang inyong tungo at makasama hehehe...

ISTAMBAY said...[Reply]

hi iyakin.. wow naman.. natutuwa ako sa mga character..

at talagang super yaman ni lhuloy.. huwaw talaga... hmm di yata't tayoy magkakaron ng unawaan dito.. hihih

magandang araw sau iya.. aabangan ko ang kasunod nito

iya_khin said...[Reply]

@jedpogi ahahaha! gusto mong sumama! sge sakay na!

@istambay abangan mo! hahaha! magandang araw din sayo!

jhengpot said...[Reply]

gusto ko toh! Ewan pero na-iimagine ko ang takbo ng storya. Sana nga ay totoo, parang tropang TGIS at Tabing ilog. Sana ay totoo tlga to at makapunta tayong bicol..haha... GUsto ko kasi yung mga ganitong barkadahan, yung iba-iba pero swak na swak. Tapos may mga nagliligawan. Hehe.. Kinilig naman ako ng slight sa part na may pagkasweetness si Kuya Banjo..

Leah said...[Reply]

Ay! Spkening dollar si Lhuloy.. hehehe.. :P Series pala ito! :D

iya_khin said...[Reply]

@leah oo hahaha! di ko pa ito natapos!

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review