Monday, 25 April 2011

MASID (IKATLONG KABANATA)

Posted by iya_khin at 23:48

Wow! Ang ganda naman ng rest house nyo!!! Gulat at mangha ang halos lahat….maliban sa akin. Hindi ko gusto ang vibes dito, it’s creepy….sabi ko sa kanila. Of course you might be feeling that way kasi this house was built way older than you and us! Duh! Sabay irap ng mata ni Lhuloy.

Ahhhhhhh!!!! Si Akoni. Takbuhan ang lahat palapit sa kanya .OMG!! Hang-pogi ko naman!! Habang nakaharap sa isang napakalaking salamin sa loob ng guest room. Walangtod ka!! Akala namin kung napaano kana!! Kakagigil ka sobrang cute mo! pasapak nga! Panggigigil  ni Diamondr sa kanya. Don’t do that again please….may pag-aalalang sabi ko kay Akoni sabay pormal ng loko. Halikana Iya, wala lang magawa yan sa buhay nya, asar at masama ang tingin ni Banjo. Sabay hawak ng kamay ko at hinila na akong palabas.

Sa ikalawang-palapag pala ang mga kwarto, pili nalang kayo kung saan ang gusto nyo tutal may anim na kwarto dyan at nakaayos naman lahat. Inabisuhan na kasi kami ni Sir BINO (daddy ni Lhuloy) bago kayo pumunta dito kaya napalinis ko na lahat kay SUPERJAID. Magiliw na sabi ni Lordcm. Nasaan nga po pala sya? Tanong ni Empi. Nasa bhay umuwi lang sandali wala kasing kasama yun kapatid nyang si EGG eh. Sagot ni Lordcm biglang iwas ang tingin sa kanya.

Sabay-sabay na kaming pumanik, since malalaki naman ang mga kwarto nagpasya nalang kami na magkakasama-samang girls, habang ang mga boys naman ay naghiwalay sa dalawang kwarto. Magkakasama sila Akoni, Leonrap, Kikomaxxx, Musingan at Diamondr samantalang si Empi, Banjo at Keatondrunk ang nasa kabila.
Mag aalas-nuebe na ng gabi ng nakaramdam ako ng gutom, tulog ang mga kasama ko kaya dahan-dahan akong bumaba at hinanap ang kusina. Nagulat pa ako ng madatnan ko doon si Musingan “Magic Man, Kuais, Finish Cooking Ahhh…” biro ko sa kanya. Nag-mala alien din sya “Ey finish Cooking Ahhh….” Tawanan kaming dalawa. Wag ka ng mag-abala Iya, ako na muna ang magluluto ngayon tutal nasimulan ko na, tulungan mo nalang akong maghiwa ng mga ibang sangkap dyan para dito sa iluluto ko. Utos nya. Ay, sandali may nakalimutan lang ako sa taas balik din ako agad. Pagmamadali ko. Di na sya nakaimik dahil lumabas na ako agad.

Iya, ikaw na ba yan? Habang abala parin sa pag-hahanda ng pagkain si Musingan. Iya?! Pagtataka nya.

Huh?! Musingan?! Nagtataka ako ba’t wala sya. Nasaan na ang mokong na yun at iniwanan lang ang niluluto nya. Aaaaaaaaayyyyyyyyyy!!!!!(Nadulas) AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!! Nagimbal ako sa aking nakita. Di ako makahinga, bumaliktad ang sikmura ko....nanghihina ako…..MUSINGAN?!!!!!!!!!!!! AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!

Walang buhay at nakahandusay sa aking harapan, langhap ko ang malansang amoy ng dugo,umiikot ang paligid ko. Wakwak ang tiyan, labas ang bituka,nagkalat kung saan-saan ang ibang parte ng katawan,tirik na tirk ang mata, naliligo sa sariling dugo, nakakapangilabot. (Takbuhan ang tropa sa kusina)

OH MYYYYYYYYYYYY!!!!

itutuloy




14 comments:

MOKS™ said...[Reply]

hahahaha ayos ang kwento mo ah... subaybayan ko nga yan...blogger ang bida naks!

LordCM said...[Reply]

putek! para ako pa ung isa sa magiging suspect nyan eh! lolzz

Akoni said...[Reply]

bwahahahahahahaha...natawa ako, bakt sa lahat si musingan pa ang unang biktima?!hahaha..

parang SCARY MOVIE part 5 ito...maganda to miss iya_khin...mwah!

Diamond R said...[Reply]

Naguluhan ako sino yong nabiktima si al ba? Ang galing mo naman iya.ibang level ang kagalingan.

pweding walang masasaktan sa kanilang lahat?

empi said...[Reply]

Oh no! may namatay! sino ang salarin?

mommy-razz said...[Reply]

si al unang biktima!! kawawa naman c al.. nakakatakot to ah, nice iya..

musingan said...[Reply]

Oh my GOD... patay na ako... hmmp.. iksi naman ng eksena ko dyan... wala man lang ako kaloveteam.. hayst.... ehehheh.... natawa naman ako sa nangyari sa akin.. anywa...maganda sya.. at mukhang kaabang abang.. pero saan na si Yulie.. yun ang inaabangan ko parati....

Bino said...[Reply]

ay pinatay na si musingan. ano'ng nangyari? ano'ng misteryo ang bumabalot? hmmmmm

KikomaxXx said...[Reply]

gusto kong maging killer.. hehhee

Keatondrunk said...[Reply]

thrilling na to...

Leonrap said...[Reply]

kawawang AL... ahaha....
sana si ano na lnag inuna moh... si jengpot! ahahaha....

Sey said...[Reply]

Kawawa naman si Al patay agad di pa man nakapag-enjoy natigok na.

Natawa ako kasama yung line ni Sitra! hahaha!

Kamila said...[Reply]

hahahah kawawang AL.. nagluto na nga nauna pa..!!!! Hehehehehehehe!! Grabe patagalin mo life ko please ate? ahhaha

Diamond R said...[Reply]

may continuation itong kwentong ito pag nagkamatayana lahat kasi magkikita kita sila sa isang paraiso.

Iya pag may karumal dumal na pangyayaring magaganap may lagay ka ng warning para sa mga batang matatakotin baka di makatulog. lakihan ang warning.

wla lang. di kasi ako nagbabasa ng mga ganyan or nanunuod.Iba ang nkikita ko kasi.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review