Thursday, 20 December 2012

Daan

Posted by iya_khin at 01:11
deviant

Patawad....patawad....hindi ko sinasadya...please huminto ka na..
Nanginginig at pahagulgol na sambit ni Clara habang nakalapat ang kanyang mga kamay sa kaliwang tadyang ng asawang si Joshua habang patuloy itong tinatagasan ng dugo.

Nag-aagaw buhay...

*isa...dalawa...tatlo....

Mamatay kana!

-----

Tulong!!! Na-snatched ang bag ko!! Pasigaw ni Maria habang hingal na hingal sa paghabol sa mamang holdaper sa kahabaan ng Ermita. Nilalaman ng bag ang perang kanyang nalikom sa loob ng limang araw na paglalagi sa Casa, pangpagamot sana sa anak nyang nag-aagaw buhay dahil sa dengue.

Biglang tumunog ang telepono...

Ate, wala na si Mina...

*Miss!!!

Isang rumaragasang kotse ang biglang bumulaga sa kanyang harapan.

Nangingisay...

...durog ang ulo't labas at nagkalat ang utak.

-----

Tulalang nakatitig sa kawalan si Danilo habang nakatayo sa gilid ng ika-dalawampu't limang palapag ng gusali. Malamig ang simoy ng hangin, nakakapanindig balahibo.

Napakawalanghiya mo Brandon! Hayop ka! Nagawa mo pa talagang magdala ng putang babae dito sa loob ng pamamahay ko! Matapos kong gawin at ibigay ang lahat sayo eto pangkababuyan mo ang igaganti mo sa akin?!!

Oo! Dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mong bakla ka!! Kung baboy ako mas baboy ka, binaboy mo pagkatao ko!!!!

*Masarap ang hangin...

Parang gahibla ng balahibo...

sarap magpatangay...

Pikit mata...eto na...

-----

anong meron sa kisame? wala naman akong makita.
anong meron sa silid na 'to? heto't ako'y nag-iisa.
ano ba ang meron ka? tinangay mo pati ang aking kaluluwa.
*ano ba itong nasa leeg ko? pisi ng buhay ko.
ano ba itong nasa paanan ko? huling tungtungan ko.


7 comments:

JonDmur said...[Reply]

nakakakilabot naman ung ilang part ... ibat ibang kamatayan ang nakita ko sa post na ito...

Senyor Iskwater said...[Reply]

Oh my... so dark... well written... it made me think... whatever it is... we are here to listen and read all your future blogs... real talent...

Anthony said...[Reply]

Creepy... different scenes of death. Parang trip ko yung "masarap ang hangin"... prang nalipad.. patungo sa kamatayan.

MEcoy said...[Reply]

kakatakot naman angpost mo
bakit paskong pasko ee eto ang topiuc mo
dahil ba sa 12/21/12? hahaha

nyabach0i said...[Reply]

i love it! best in angst with a twist of self mutilation!

pero te, kung bet mo magcrayola moment or lungkotlungkotan sa pancitan mode, follow mo ako sa twitter or kung ano man yan. inuman tayo. hehe.

Lawrence said...[Reply]

ito ang isang bagay na kahit sino hindi matatakasan. sabi nga nila, enjoyin lang ang buhay hanggat may hininga pa

Zen said...[Reply]

ay grabe ito Iyah. Ang lalim naman ng mga iniisip mo. Oo nga at iba't ibang porma ng pagpanaw ito. Katakot nga. hehe. Dun naman tayo sa positive, Happy new year sayo Iyah! Mwaah! :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review