Sunday, 16 December 2012

sasagutin na kita Part 2

Posted by iya_khin at 03:44

Dahil tamad-tamaran ako kaya medyo tumagal ang pagsagot ko sa mga tanong ninyo. Pero dahil nga sa tinatamad ako ngayon magtrabaho din kaya eto't sinagutan ko na lahat ng mga katanungan ninyo. Pasensya po kung di kayo magiging satisfied sa mga answers ko kasi sa totoo lang din tinatamad ako..grabe dami kong antok as in!!

Question and Answer

Anonymous kiko said...
1) Hanggang Kailang ka magmamahal?

Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan,
Hanggang kailan mag tatagal,
Ang aking pag mamahal,

Hanggang may himig pa akong naririnig,
Dito sa aking daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay,
Ako’y iibig….

Naaakss kumakanta oooowww!!

2) Kung may pagkakataon kang umibig muli, ano ang ayaw mo sa kanya na dapat nyang baguhin?

Sa totoo lang hindi naman ako masyadong choosy when it comes to physical appearance….#top10lies
Yung sa ayaw naman..hmmm..many to mention..pero no.1 hate ko talaga yung yosi kadiri! Ehemm....pwede po bang itigil ang hithit buga?!!  Tas yung pagiging insensitive….

Blogger MEcoy said...
1. Love or friendship?

 Both…co’z you’ll never be lovers if you haven’t been friends…chaaarooooot!

2. how does blogging do to you?

Why so English me?!! I’m so difficulting and vibrating my brains!! What da pack!! Blogging u mean?! It’s not doing anything to me, I’m da one doing to the blog?!! So migrating!!

Seriously, this is my wayout…

BloggerNong Inong said...
Kung walang kulay pink ano na ang paboritong kulay mo at bakit?

Yellow, kasi fave song ko yung sa kanta ng Coldplay! Tas it always reminds me of someone special..yiiiiii….

 JonDmur said...
1.Bakit tumatahimik ang tao pag nasa loob na ng elevator?
2.Bakit nga ba?


oo nga ano?!! Napaisip din tuloy ako bigla! Siguro kasi pinipigilan nilang huminga, feeling na parang nakasakay lang sa ferris wheel. O di kaya baka iniisip nila yung scenario sa Resident Evil na bigla nalang may bubulaga sa kanila pagbukas ng pinto ng elevator o kaya may biglang hahatak sa kanila galing sa taas, o kaya naman eh may biglang may magpapakitang bata na hindi nyo naman kasama sa loob kanina. Basta ganun.. tulad nito.. KLIKADITO.

Blogger Bino said...
1.kung hindi kumplikado ang sitwasyon nating dalawa at hindi tayo mag-bff, pwede kayang maging tayo?

Oooommmmaaayyyguuulllaaaayy!!! BFF?!!!! Shuhada what is this?!! Di ko akalaing may pagnanasa ka pala sa akin! Wahahaha! Charoooot! Nawindang ako, pwede bang pangshowbiz ang sagot ko?! Teka pag iisipn ko yan ng bongga! hehehe

2.kung may isang kasalanan na gugustuhin mo'ng hindi maging kasalanan, ano un at bakit?

magpakamatay.... kasi kasalanan sa mata ng Diyos ang kitilin ang sarili nating buhay. Cguro kung hindi kasalanan yon matagal na akong wala sa earth...basta..napapagod na ako. Sorry sa sagot ko pero eto agad yung nag-pop-up sa isip ko.

Blogger nyabach0i said...
ano ang mas pipiliin mo. tusukin ng karayom sa mata (nang nakamulat ka malamang) or i-nail cutter ang utong mo (purol ang nail cutter at kelangan matanggal yung utong itself, yun yung goal)?

 ang brutal mo tsong!!! pero i like that ha!! kung tutusukin ng karayom ang mata tendency mabubulag ka, kung i-nail cut naman ang utong masakit din yon. try muna natin sayo tas tingnan ko reaksyon mo tsaka ako mamimili! heheheh

Blogger CheeNee said...
1.sinong blogger ang minahal mo? or mahal mo nang walang halong biro? hindi as a friend but as a lover..

Unang-una dalawa agad ang tanong mo sa no.1 pero dahil mabait ako sasagutin ko tanong mo. Blogger?!!! meron ba?!! etchusera ka ah!!! wahahaha! tanong mo sa kanya kung sino sya!

2. bakit ka iyakin???

sabi pa ni Lady Gaga, i was born this way!

Blogger Archieviner said...
Dahil sa dami ng iyong tanong namili lang ako ng dalawa, gusto ko sana sagutan lahat kaya lang dami kong katam sa katawan.

1. Sa isang eroplano, nakasakay ka. Nandun din ako. Nagcrash eto. Napunta sa isang isla na walang tao at mahirap hanapin. Tayong dalawa lang ang nabuhay sa plane crash. Anong gagawin natin?

 maglalaro ng bato-bato pik!

2. Anong paniniwala mo sa pag-ibig?

naniniwala ako na pagmaintain ang paghuhulog mo dito buwan-buwan makakapagloan ka ng house and lot! :p

Blogger Lala said...
1. babae or lalaki ba si winnie the pooh?

 bisexual!LELS

2. may katapusan ba ang pagmamahal?

 hangga't patuloy na tumitibok ang bawat puso walang katapusan ang pagmamahal. maaring napapagod at nasasaktan ito pero sa oras na makarecover ito in time eh uulit-ulitin parin nitong magmahal..kaboooom!

 MARIA said...
1. naniniwala ka ba sa TRUE LOVE? 

hindi...there's no such thing as true love, it doesn't exist, si God lang makapagbibigay ng true love, pero humanity..di cguro kasi all of us fails..para sa akin kasi love is a decision hindi naman kasi all the time totoo ka sa partner mo but you still choose to love and stay with that person in spite of indifferences. 

2. nahanap mo ba yung true love mo? Who, Where and When?

true love?! love nakahanap na ako, madami na, pero yung true di ko pa tiyak.

Blogger Akoni said...
1.Madali ako maakit sa mga babaeng mababango, kaya ang tanong ko ay ano pabango mo?

 Victoria's secret Endless love :p
Pero manong, mas mabango ako pagkatapos ko sa gym, yung moment na super pawis ko ultimo kasingit-singitan! wahahah!

 2.Pangalawa, kung nagkita tayo tapos ay accidentally nahalikan kita sa lips, would you mind it?

 lol manong napakawholesome mo naman, talagang halik lang ba gagawin mo I mean sasadyain mong gawin?!! di cguro, maputol na ang dapat maputol pero di ako naniniwalang magbebehave ka pagnagkita tayo! wahahah! kaya huwag na tayo magkita!!! wahahahah!

Blogger Anthony said...
1.Pwede rin ba akong magtanong?

 OO

2. Ay nakapagtanong na ako ng 1, so 1 na lang?

 OO ulit! :p ang tipid mo sa tanong kuya!

Blogger KULAPITOT said...
1.why the sky is blue? blue ba?!!

hindi naman ahh, kulay grey dito! :p

2.bakit may hole ang donut?

kasi mas masarap at madaling maluto yung may butas sa gitna..hmmm..ang boring ng sagot ko...lels

END



11 comments:

kiko said...[Reply]

talamat sa sagot iyah, victoria secret pure seduction naman ang type na type kong amoy ng babae hhhhhhhmmmmmm

Akoni said...[Reply]

Natatakot ako makipagkita sayo..charot! haha

Archieviner said...[Reply]

LOL ok naman ang mga sagot mo. salamat sa pagsagot sa mga tanong ko :)

khantotantra said...[Reply]

nyahahaha. grabe yung sagot mo sa katanungan ni akoni... Tama... halik lang ba gagawin?

At shocking ang tanong ni bino. wahaha

at nasayang ang 2 questions ni anthony. hehehe

Bino said...[Reply]

gusto ko ng diretsong sagot! lol hahahha

MEcoy said...[Reply]

how? how ba talaga tinayp ko? hahaha
anyways naiintindihan mo naman haha
keribels hahahaah
tenchu man

Anthony said...[Reply]

Putol yung kay Akoni kapag nagkataon :D

Salamat sa pagsagot ng aking matipid na tanong :)) Sa next batch, hahabaan ko talaga. (may next batch pa po ba ang ganito?) Okey lang math?

Lala said...[Reply]

hahaha natawa ako sa mga sagot mo sa ibang tanong! parang hiningal ka sis kakasagot sa mga tanong namin! hihihihi

Lala said...[Reply]

@Anthony

koyah, wag seryosohin ang math!! hahaha

Senyor Iskwater said...[Reply]

Sobrang funny ang mga sagot especially Akoni's... I wanna smell the kasingit-singitan niyang bango...lol

glentot said...[Reply]

Hala natakot ako dun sa suicide thing. Sana hindi ka na dinadapuan ng suicidal thoughts ngayon...

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review