Monday, 24 December 2012

simoy

Posted by iya_khin at 01:40
google

Malamig ang simoy ng hangin damang-dama ng kalamnan
Pasko na naman tila kay saya ng bawat tahanan
Mga tao'y di magkamayaw tila ba'y nag-uunahan
Lingid sa iba sa senakulo'y yaring nilalang ang syang nararanasan.

Kisap ng mga parol di maaninag
Tila ba nabulag na, wala ng liwanag
Himig ng pasko nakakatuliro, nakakabingi
Pigil na luha, eto na, dahan-dahan, ang hapdi.

Di makahinga, dibdib yaring sasabog
Pasko dapat sanay masaya ngunit sa kalungkuta'y lubog
Ito ba ang alay mong regalo?
Tunay ngang kakaiba, aginaldong alay mo.

Dahan-dahan ako'y kinikitil
Dahil sa salang di sadya ako'y itinatakwil
Minahal nga ba o pagpapanggap lamang?
Araw ng pagkabuhay syang aking pagkamatay.

Idaraos ang gabing suot ay maskara
Pipiliting maging masaya, sa harap nila'y makikitawa
Makikisalo, ikukubli ang tunay na nadarama
Pagkatapos nito'y ako'y magpapaalam na.

Malamig ang simoy ng hangin...
Manhirin mo, bukas ay muling mag-iisa...


14 comments:

Bino said...[Reply]

HUGZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Anthony said...[Reply]

Hubarin na ang maskara at ipakita ang tunay na ngiti
Maging masaya, magbigay, lungkot ay mapapawi
Sapagkat si Hesus ang sentro ng Pasko
Pag-ibig niya sa atin ay hindi magbabago. :))

Merry Christmas Iya!
Hugzzzzz din, pagaya! :D

iya_khin said...[Reply]

@Bino tnx bff..

iya_khin said...[Reply]

@Anthonythank u sa reminder... indeed He is and His love never ceases...

Senyor Iskwater said...[Reply]

hala... sad naman ng iyong tula... i feel the emotion talaga...

lilipas yan madam... after all, we still have a lot of reasons to be happy...

cheers!

shot na natin yan...

Archieviner said...[Reply]

Di ka nag-iisa. Kasama mo kami san mang panig ng mundo. Merry Christmas! :)

nyabach0i said...[Reply]

manhirin! sobrang lalim na balon ang pinanggalingan. hahaha. joke lang.

sabi sayo inuman na eh.

fiel-kun said...[Reply]

Miss Iya *big squishy hugs* :D

Ang ganda ng poem mo although masyado syang melancholic...

Merry Christmas!

MEcoy said...[Reply]

kala ko nung una lyrics nun kanta kaso senti version pala to
to talagang si iyah pasko na emo pa din

eMPi said...[Reply]

SMILE! :D


Maligayang pasko, iya! :D

xoxo_grah said...[Reply]

We got your back...:) Spend the day with your loved ones....:) happy new year dear! A new follower..:)


xx!

Zen said...[Reply]

Ang lalim na naman.. Di ko mawari.. ang galing mo Iyah pag yung mga thoughts at emotions mo ay pinagsasanib pwersa. On the other note, pag uwi mo dito, meet tayo ha? Gusto na kita makilala. Happy new year po! :)

Anonymous said...[Reply]

One of the greatest physical exercise is strolling, as well as the Bowflex Sequence seven Treadmill allows you to try and do just that.


Also visit my web page Report abuse

Anonymous said...[Reply]

This post gives a brief background of this
thinking, damaged down because of the decisions that confront the start property gym consumer.


Stop by my weblog - http://www.getfitnstrong.com/bowflex-dumbbells/reviewing-bowflex-selecttech-552-adjustable-dumbbells-pair/

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review