Monday, 14 January 2013

Lyrics " Pag ayaw mo na"

Posted by iya_khin at 04:56
google

"May ibang lungkot
Akong nakikita sa iyong mata
Di mo man sinasabi
May ibang galaw
Na di maipaliwanag ng isip ko
Kahit ano pang isipin....."

Bino, namiss kita... ang tagal din natin di nagkita simula ng.....uummm..kamusta kana pala? Natapos mo na ba lakarin yung mga papers mo para sa Canada? animo'y di makahinga sa kaba habang kausap ni Zen ang kasintahang halos siyam na buwan hindi nila pagkikita.

Ok naman ako medyo naging subsob lang talaga sa trabaho, alam mo naman na ako lang inaasahan sa pamilya. Yung sa Canada naman unti-unti ko na din natatapos ang mga requirements, sana nga magtuloy-tuloy na 'to para at least bawas din sa sakit ng ulo. Eh ikaw, ok ka lang ba? sabay yuko habang nagtitipa sa kanyang telepono.

Hindi alam ni Zen kung paano sasagutin ang tanong ng kasintahan, hindi nya alam kung magugustuhan ba nito ang kanyang magiging sagot o kung makikinig ba ito. Isang simpleng tanong na lalong nagpapasakit sa kanyang kalooban.

Siyam na buwan parang kailan lang, sariwa pa ang mga sugat at pinipilit na maghilom, paano nga ba?

"Mga titig mo
Wala na ang tamis tulad noon
Di ka na gaya ng dati
Wala na ang lambing
Ng pagtawag mo sa pangalan ko
Di kita masisisi"

Zen ang dami ko na ngang problema sumasabay ka pa, hindi ka nakakatulong! Ano ba talaga gusto mong gawin ko?! Lagi ka nalang ganyan nasasakal na ako sayo! Galit na bulalas ni Bino.

So lumabas din ang totoo! Yun pala ang tingin mo, sinasakal kita?! Palibhasa kasi hindi mo iniintindi yung nararamdaman ko, akala mo kasi puro kadramahan lang ako! Bino, mahal na mahal kita ano pa ba gusto mong gawin ko para paniwalaan mo yun? Natatakot lang akong mawala ka kung bakit ako nagiging ganito, natatakot akong mag-isa. Pahagulgol na sagot ni Zen. Tila sasabog ang kanyang dibdib sa tuwing magkakasagutan sila ng ganito ng kasintahan. Pilit pinipigil ni Zen na pumatak ang kanyang mga luha ngunit sadyang kusa itong dumadaloy.

Si Zen, isang babaeng nababalutan ng takot, takot na idinulot sa kanya ng nakalipas, mga bangungot ng nakaraan na tila hanggang ngayon hindi sya makawala. Simula ng pagkabata'y lagi lang siyang naiiwang mag-isa o di kaya nama'y inihahabilin ng kanyang nanay kung kani-kaninong kakilala para makagbantay sa tindahan ng kanyang tiyuhin sa palengke. Madaling araw palang umaalis na ito at hating gabi na kung makauwi, madalas nakakatulog nalang syang may mga luha sa kanyang mga mata sa kakahintay sa kanyang ina.

Lumaki din syang hindi lubusang kilala ang kanyang ama, nasa sinapupunan pa lamang siya simula ng mag ibang bansa ito sa Saudi.

Palipat-lipat ng lugar, palipat-lipat ng tirahan, kung kani-kanino nakikisama, kung saan-saan napapadpad. Maraming beses umibig ngunit laging bigo, sumubok makipaglaro para lamang hindi mag-isa, subalit lagi pa din talunan.

Ngayon may bagong pag-ibig....

"Sawa ka na yata
May iba na bang nakita
Isa lang naman ang aking hiling....."

Bino, alam kong marami akong hinanakit sa buhay alam kong hanggang ngayon nakatali pa rin ako sa nakalipas ko, tulungan mo ako..kailangan kita, pero tila hindi na kita nararamdaman..kailangan mo pa ba ako? mahinang bulong ni Zen sa kawalan habang patuloy itong lumuluha.

You're so near, yet so far....sana nagkakamali lang ako.

Ok ka lang ba? muling tanong ni Bino.

"Tinatanong sa sarili
Nagkulang pa ba ako
Basta't ang alam ko ay
Ginawa kong lahat
Basta't para sayo

Pag ayaw mo na
Sabihin mo lang
Di ko matitiis na
Ikaw pang mahirapan
Kase, pag ayaw mo na
Ako nang lilisan
Di rin magtatagal

Pag ayaw mo na nga..."

(song lyrics by Yeng Constantino)

-END


5 comments:

Senyor Iskwater said...[Reply]

Gusto kong makilala si Bino. Based on true to life story ba ito?

Well written.

Anonymous said...[Reply]

si bino at si zen. familiar sila hahha.

mahusay ang pagkakasualt bff. galing! sana may continuation.

at pwede kang sumali sa BnP :D

Jondmur said...[Reply]

galing naman.... maayos ang pagkakasulat... nagustuhan ko ^_^

maganda din ung kantang yan...

Anonymous said...[Reply]

minsan talaga ang nakaraan ay nagmimistulang multo na hindi ka tatantanan. walang takas dahil bahagi na ito ng iyong pagkatao. pero ang pagbabago at palaging nagsisimula muna rin sa iyong sarili.

MEcoy said...[Reply]

hala kawawa naman si zen,
hays may continuation pa ba to?

anyways di ko pa nadidinig yang kantang yan ahh

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review