Tuesday, 29 January 2013

patawad

Posted by iya_khin at 00:20

papalubog na naman ang araw
liwanag sa kalangitan di na naman matanaw
kasabay ng pagdilim nito'y sya namang pagdaloy
mga luha sa aking mata'y tuloy-tuloy.

ilang beses na ba akong nagmahal?
ilang beses na ba akong nasaktan?
ilang beses na akong nadapa?
tila takot, katauhan ko'y nababalutan.

patawad kung magmahal ako'y labis
patawad kung ako ma'y nagmalabis
patawad kung kita'y nasasaktan
di ko sadya, takot lang muling maiwan.

araw-araw sa isipan ko'y ikaw
bawat pintig ng puso ko'y syang sinisigaw
ngunit tila sa aki'y unti-unti ng lumalayo
tila nagsawa na, wala na ba akong magagawa?

papalubog na naman ang araw..
muli na nman ba mag-iisa?


9 comments:

Anthony said...[Reply]

kung sa paglubog ng araw akala mo ika'y nag-iisa
huwag na matakot o mangamba pa
pagkat sa iyo ay may daramay na tunay na pagsinta
maghintay ka lamang, at siya ay parating na :))

MEcoy said...[Reply]

yan yung gusto kong madinig sa gf ko nuon pero nagun ee ayos naman
pde tong gawin kanta

ELAY said...[Reply]

i thought i've moved on from my ex na but reading this just renewed all the anguish. Ang sakit. Magiging okay rin tayo :)

gord said...[Reply]

[tapik sa balik]

darating din siya, hintay lang. :)

Bino said...[Reply]

dumating na actually, nag-aantay lang kasi ako. sabeh? hehehe smile lang bff :D

nyabach0i said...[Reply]

kalma teh. itakbo mo yan para maadik ka sa endorphin. meron yang darating. kalma.

iya_khin said...[Reply]

@Bino wahahaha! adik ka bff!!!! wag kang ganyan! :p

Archieviner said...[Reply]

Di ka nag-iisa T.T

Superjaid said...[Reply]

Exactly. I love this kapatid. Kuha mo thoughts ko. So sis cheer up. I sure true love and happiness is on their way.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review