Friday, 4 January 2013

Panimula

Posted by iya_khin at 13:19

Isang taon na naman ang nakalipas
Tila ba isang magnanakaw na kumaripas
Ni hindi ko man lang namalayan
Mga araw ko ba'y sadyang nasayang?

Balik tanaw sa nagdaan
Nanunumbalik sakit sa dibdib kong tangan
Naglahong mga pangako
Heto ngayon patuloy pa din nag iisa sa isang dako.

Umasa't buong pusong nagmahal
Ilang ulit sumubok kahit nasasaktan
Buong tapat kahit nahihirapan
Ngunit tila pinagkakait di ata ako karapatdapat.

Bagong taon na't bagong pag-asa
Bukas, sa isang araw o sa makalawa
Tila ba nakakatakot na ano ba ang kahihinatnan,
Kahit sarili ko'y kay hirap ko ng pagkatiwalaan.

Nakaraang panahon ano ba ang nagawa?
Para akong kandila patuloy pa din lumuluha
Pinipilit magbigay ng liwanag sa gitna ng dilim
Pikit mata animoy nakakapit sa patalim.

Hangad ko'y pagmamahal at hindi ang kaawaan
Aanhin ko ang mga ito kung wala rin naman saysay
Bukas o sa makalawa makakaya ko pa ba
Hanggang kailan maghihintay, aasa pa ba?

Bagong taon, madadapa, babangon
Tangin dasal ko lamang sanay patuloy akong makaahon
Sa hamon ng buhay sana'y di magapi
At sana'y sa pag gising ngiti sa labi ko'y mamutawi.

12 comments:

Anonymous said...[Reply]

basta wag tayo dapat sumukong magmahal. period :)

Anonymous said...[Reply]

panibagong hamon at pagsubok...
basta go lang ng go kaibigan!

manigong bagong taon sexy iyah :)

Anonymous said...[Reply]

love the poem! just keep fighting!

Senyor Iskwater said...[Reply]

isang makabagbag damdaming katha...

we all have past to forget and a futur to look forward...

no matter how bitter our past is, we just take what we can use for tomorrow..

happy new year and keep writing!

KULAPITOT said...[Reply]

masarap magmahal at kaakibat nito ang sakit ... go lang ng go girl!

Lalah said...[Reply]

habang nabubuhay may pagasa, madalas yan sinasabi ng iba, kasi bawat araw na dumaratin may pagasa tayong pweding magmahal (ako ba ito? nagbibitterbitteran nga ako! LOL) pero totoo, madaling sabihin pero mahirap gawin, yes nalang to yes sis! araw araw, may oras kaya mahaba-haba pa yan, just give ur best shot sa buhay! sa ano man ang magawa mo sa bawat araw!

Anonymous said...[Reply]

hanggang may buhay, may pagmamahal, at may magmamahal. :)

Archieviner VersionX said...[Reply]

Taon man ang matapos, bwuan o araw, basta't habang may buhay at hanggat ang dugo mo ay dumadaloy basta patuloy lang hwag mawawalan ng pag-asa. Makakapag-asawa ka din. dyuk! este may magmamahal din satin.

Ganda ng poem. Sarap basahin. May tunog at tugma sa dulo :)

MEcoy said...[Reply]

well un ung dahilan kung bakit bagong taon siguro ang parating inaabangan talaga ng mga tao

anyway relate ako sa first stanza sapul tagos na tagos haha

eMPi said...[Reply]

ahon lang ng ahon hangga't kaya pa. :D

nyabach0i said...[Reply]

kelangan mo pakinggan ang kanta ni Demi Lovato.

gord said...[Reply]

Sa bawat simula meron laging bagong pag-asa, bagong sigla upang ipagpatulo'y ang karera.

Hapee Nyu Yeeer! :)

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review