Thursday, 31 January 2013

let's get physical!

Posted by iya_khin at 00:26

Yeeeaah!! ewan ko pero excited much ako!! parang may bulate sa wetpaks ko na parang may kiti-kiti at di ako mapakali!

Adik ako! oo, adik daw ako sabi nila, adik na ako kakagym and everything! Ayoko na maging majomba kaya last year kinareer ko na talaga ang pagkuskos sa mga baby fats ko. Actually tagal ko ng plan magpapayat ever since the world began?! Pero last year lang talaga pinag-isipan kong mabuti at dibdiban kong ginawa.

Halos araw-araw laman ako ng gym kulang nalang ilipat ko lahat ng gamit ko at dun na ako tumira, ganto routine ko every week:

6am - gigising to prepare myself to work

7am - sasakay ng metro dubai train at makikipagsiksikan at balyahan! joke

8am to 5pm - workaholic churvaness ek-ek kunyari

6pm to 10:30pm - patayan blues sa gym #extremeworkout

and oooppss every tuesday nasa park ako ng 7pm to 8:30pm nakikipaghabulan at takbuhan sa mga hunky-punky dun sa loob ng paikot-ikot na maze! nakakahilo! :p

thursday - cheatday at lumalablayp?!! lels

friday - labada and linis mode at ito yung quality time namin ng best friend ko, depende din kasi minsan sa hapon pag feeling namin eh para kaming stagnant eh kakaripas kami ng takbo, saan pa eh di sa gym!

ganto lang layp namin, gym dito gym doon ganun daw pag walang lablayp o kung by schedule ang lablayp! dito ko lang nalaman na meron palang ganung by schedule!! kaloka! Anyway, masaya ako kasi may nagpapatibok ng puso ko..eheeem! ily yellow! :*

Pero pansin ko lang, 80 percent ng may mga issue sa layp, lablayp ect.ect eh nasa loob ng gym! takbuhan daw 'to ng mga sawi o depressed o yung mga naghahanap ng lablayp at kung ano-ano pa. Ako sa totoo lang gym din ang outlet ko pagdepressed at pagsinusumpong ako ng kaemohan at topak ko. Mas nag-eenjoy ako kasi full force ako dun hanggang sa lumawit dila ko. minsan sa totoo lang di ko na ramdam pagtibok ng puso ko dahil sa pagod.

Maximum weight na na-gained ko from my 5yrs stay here sa abroad is 74kg! kulang nalang ng 1 para maging pasang awa. naexperience ko din mag-mild stroke dahil sa super duper kakyutan ko dati at ang mas masaklap eh favorite kang asarin at kutyain ng mga taong mapang-api sa paligid-ligid. kaya pag umuuwi ako sa bahay lagi akong humaharap sa salamin at ito lagi sinasabi ko..."bukas luluhod ang mga tala!" Paksyet kayo pag ako pumayat di ko na kayo papansinin!!! :p

napapagod na ko magtipa..eto nalang sample ng bunga ng aking pag-papagal at patayang pag-eehersisyo..

BEFORE
jordan 2011
desert safari, dubai 2011
me and bff bino @saranggola blog awards 2011
axl,xander,anciro,cj,zyra and me..yung isa sorry nalimutan ko name.. :(

AFTER


me and my best
mga Feeling Group! lels
fitness first Running Club
marathoners
i'm sexy and i know it! :p
Maraming nagsasabi sa akin dati hindi ko daw kaya, they're all wrong! Kaya ko! Kinaya ko! and no doubt makakaya nyo din! Kung gusto maraming paraan kung ayaw eh kayo din ang mapag-iiwanan. Sobrang hirap talaga pero kung isasapuso mo magagawa mo, remember ikaw din mismo magsusuffer sa mga pang-aabuso mo sa katawan kaya mag-isip isip ka.

Great changes may not happen right away, but with effort even the difficult may become easy. 
-- Bill Blackman

Decide carefully, exactly what you want in life, then work like mad to make sure you get it!
-- Hector Crawford


11 comments:

fiel-kun said...[Reply]

Huwaw Miss Iya, ikaw na ang biggest looser :)

Grabe, na-amaze talaga ako sa big changes na nangyari sa body mo. Ang galing and congrats! Talagang disiplina lang sa pagkain at sarili ang kailangan for you to be able to achieve that body figure.

khantotantra said...[Reply]

vavavooooooooom!!!

pede mo ba akong mahawaan ng pagpapapayat force!!! grabe! laki ng change mo, you're sexy and you know it

Gracie said...[Reply]

Ito na nga inuumpisahan na hehe, pero maraming salamat ate dito naiinspire ako, feeling ko para sa akin ang post na ito hahaha, biggest challenge of the year! Congrats, achievement yan. When ka uwi? Rampa na yan hehe

MEcoy said...[Reply]

wow si miss iya sexy na hehehe
keep iy up baka next time nasa FHM ka na ha
baka kalimutan mo kami hehe

Anonymous said...[Reply]

good job bff!!!! ready na sa Boracay Trip! Ilabas ang two-piece! Lol :D mwahugzzzz :)

Jondmur said...[Reply]

wow.... galing naman... tuloy tuloy mo lang yan.....

parang ngayon ko lang kita nasilayan ng close up hehehe sana lalo ka pang gumanda at sumeksi.....

sensya na medyo delay ung book ^___^

Zen said...[Reply]

Very very nice Iyah! Very good. hehehe. Ako'y natutuwa sa iyong achievement. Mwaah! ♥

Superjaid said...[Reply]

Nainspire ako ng bonga dito sis. Kelangan ko na ring simulang bawasan yung timbang ko eh walang ibang napapansin yung mga nasa paligid ko kundi yung katabaan ko. Thank you sa pagshare naispire talaga ako ng bonga.

nyabach0i said...[Reply]

ikaw na teh! ikaw na ang best in workout! hehehe. karir yan teh! karir!

Reyn said...[Reply]

@Zen

Dlanyer Oallesma said...[Reply]

Nice achievement. ako din gusto ko pumayat.

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
 

when she cries.... Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review