google |
“There were lies we told to save ourselves, and then there were lies we
told to rescue others. What counted more, the mistruth, or the greater good?” ―
Jodi Picoult, Handle With Care
2013 goodbye na talaga 2012...
Pero pagpasok palang ng taong 'to
ang dami ko na agad sablay...haaaaiiiist... ang dami ko na agad palpak at ni
hindi pa nga nangangalahati ang buwan ng enero. Paksyet talaga! Kaasar!
Naaasar ako sa sarili ko, kung
pwede ko lang sana irewind kaso hindi...
Just the other night and dami
kong narealized bigla, para akong binuhusan ng napakalamig na tubig na bigla
akong napabalikwas. Ang gaga ko talaga...kung hindi pa muntik ng mabaon ang
kaliwang paa ko sa hukay hindi pa ako magigising.
I'm not a perfect person you think
I am, hindi ako mabait at lalong hindi ako santa. Kahapon nung nasa mall ako
may nakita ako dun sa window ng isang store na nakaagaw pansin sa akin, title
ng book.. "Trust me, I'm Lying:
Confessions of a Media Manipulator" by Ryan Holiday. Wala po akong alam
kung anong nilalaman ng book na 'to ang concern ko lang ay yung title.
"Trust me, I'm Lying"
yeah I lie and I lied...sa araw-araw ng buhay ko nagsisinungaling ako, kayo ba
naisip nyo ba yon?! May araw ba na hindi ka nagsinungaling? Kahit sa
pinakamaliit na bagay?! Halimbawa sa pakikinig sa kaibigan mong paulit-ulit ang
kwento at wala ka ng ganang makinig dahilan sa nakakaumay na, at pagtinanong ka
ng kaibigan mo kung nakikinig ka sa kanya tas sasagutin mo lang ng oo kahit hindi,
diba kasinungalingan na yon?!
Magmasid ka sa paligid mo, wala
ka bang napapansing nagkukubling mga kasinungalingan?! O sadyang
nagbubulag-bulagan lang tayo sa katotohanan?
Nung bata pa ako laging panakot
sa akin para magsabi ako ng totoo eh, liars go to hell daw! Sino ba gustong
mapunta sa hell?! kaloka! Pero kung iaapply mo yun in reality, wala na sigurong
matitirang tao dito sa earth, nasa hell na lahat!
Gusto kong ilublob ang sarili ko
sa kumukulong tubig kung ito lang ang paraan para maalis ang kasinungalingang
nababalot sa katauhan ko...
Hindi pa naman siguro huli ang
lahat para baguhin ko ang landas na tinatahak ko, hindi pa naman siguro huli
para baguhin ko ang pananaw ko sa buhay, hindi pa naman siguro huli para
makinig naman ako sa payo ng mga taong totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa
akin, at hindi pa naman siguro huli para mahalin at irespeto ko ang sarili ko..
Ayoko na...
Tama sila...
Mali ako...
Pinagsisisihan ko na talaga...
oo, nagsisisi na ako..
pero mananatili pa din akong magsisinungaling
para sa ikabubuti ng iba...
ang gulo...
ewan....
patawad...
4 comments:
walang tao na hindi nagsisinungaling, lahat tayo, ang iba ginagawa para hindi makasakit ng iba pero madalas white lies lang ang tanggap para sakin, ang worst na pagsisinungaling na alam ko ay yong lolokohin mo na ang isang tao.
kailangan natin talaga minsan ang realization sa buhay so that we will grow and develop ourselves.
hindi ka nagiisa, kasama mo ako sa post mo na ito.
minsan ang pagsisinungaling nakakabuti rin. "White lies" pero ang totoo, sin pa rin siya
well lying is basically a part of life
di mo na maaalis yan mabuti man oh maganda ang rason lahat tayo ee may kasinungalingang pinaninindigan at pininiwalaan
aww This is really happening..
Post a Comment